Kabanata 8
Kabanata 8
Does It Matter
Walang imik si Logan nang hinatid niya ako sa aking condo. Umuwi rin siya kaagad. He's busy after all. So I did my daily routines again at home. Maaga nga lang akong natulog dahil kailangan naming pumasok kinaumagahan kahit na Sabado para sa proyekto.
Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni mommy habang abala kami sa pag de-design. Sinagot ko kaagad ito. Hindi ko alam kung bakit masaya ako at mabilis ang pintig ng puso ko.
"Hello?"
"Portia, kamusta?" ani mommy.
"I'm fine, mom. Ikaw? Nasa opisina po ako ngayon."
"I'm fine too. May trabaho ka pa kahit Sabado?" tanong niya.
"Opo. Busy po kami ngayon." Binitiwan ko ang computer mouse at bumaling sa dingding.
"Na send na kaya ni Logan iyong invites? I'm worried at wala pang nag co-confirm."
Humugot ako ng malalim na hininga at minasahe ang aking sentido. It's about Katelyn's exhibit. "Next month po, mom, 'di ba? I'm gonna send it personally sa Trion, del Fierro, at kay Mr. Rockwell."
"No. No... ask him muna if naibigay niya na ba. Baka mamaya dodoble ang invites, nakakahiya naman. It will make Katelyn's exhibit look desperate for big companies. Sige na. Ask him, hija..."
Tumango ako. "Sige... I'm gonna call him now."
Tumayo na ako para gumawa ng kape habang tumatawag kay Logan. Alam kong nasa ibang bansa na siya ngayon. Mabuti na lang at may mga Application sa phone at agad rumihistro ang numero niya doon. If he's online sa Viber, then I can call him.
He answered my call on the first ring. Hindi ako agad sumagot, dininig ko muna ang kanyang background.
"Hello..." he sounded formal.
"I'm sorry I called. Tumawag kasi si mommy at gusto niyang malaman kung na send mo na ang invites. Don't worry, kung hindi mo pa nase-send, I can send them naman..."
"Naibigay ko na. All the companies agreed so don't worry about it."
"Logan..." isang malambing na boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya.
Natigilan ako sa pag hahalo ng kape. He's with a woman. Is it Anya, his secretary? Sa aking utak ay nailarawan ko kaagad ang mahahabang binti ng kanyang secretary sa lamesa. Uminit ang pisngi ko at bumilis ang pintig ng puso ko.
"The room you got-"
Pinutol ni Logan ang babae sa background, "That's fine, Marina."
"Uh... Okay. Salamat. I'll tell my mom," napaos ang tinig ko bago ko iyon pinutol.
Tiningnan ko ang cellphone ko. Ilang sandali pa akong tumunganga bago ako sumimsim sa aking kape. Napaungol ako nang lumapat ang mainit na tubig sa aking labi. Nakakapaso! Muntik na akong magmura sa paglapag ko ng mug.
So what, right? If Logan's with a girl? Sa aming usapan ay walang dapat ibang babae. But then again... ako mismo ay hindi sumusunod doon. I have Clyde. Sabihin ko man na parang wala rin si Clyde sa akin ay hindi parin maiaalis na nandyan nga siya bilang boyfriend ko.
Tinago ko ang aking cellphone at bumalik na sa aking mesa. Pinagpatuloy ko ang trabaho. Laging pumupunta si Architect sa aming mga mesa para icheck kung kamusta na ang mga gagawin. He's wearing a dark green longsleeves right now. His jaw more defined as he walked near Jade. Hindi pa yata nagkakasundo ang dalawa. Milagro at pumunta pa ang kaibigan ko.
"Huwag kang mag resign, ha?" ani Tessa nang napansin ang pagfi-Facebook lang ni Jade sa kanyang computer.
Nagkibit ng balikat ang aking kaibigan. Siguro nga ay mas advantage sa akin ang pagiging ganito. I've been called worse, scolded badly, pero hindi parin ako natitinag. Hindi dahil wala lang sa akin ang mga iyon, kung hindi ay dahil na sanay na ako na ganyan noon sa mga magulang ko. I would even be happy if they'll scold me for something dahil madalas ay wala lang ako sa kanila.
Nag daan pa ang ilang araw. Logan texted me na sa Wednesday pa daw ang uwi niya dito sa Pilipinas. I didn't reply. Ano ba ang sasabihin ko? He informed me and that's all. Naisip ko tuloy ang babaeng kasama niya. Who could it be? Sa pagkakaalala ko, Anya ang pangalan ng kanyang sekretarya. Who is Marina?
Naglalakad ako patungo sa kulay itim na Escape ni Clyde. Nakasandal siya sa pintuan nito at nakatingin sa akin. Nakataas ang isang kilay niya at ang pitch black na mga mata ay nakatitig sa akin. His wearing his usual coat and tie, nanggaling siguro sa trabaho pinag sososyohan ng pamilya nila at nina daddy.
Hinawakan niya ang aking baywang nang nakalapit na ako. Agad kong hinawi ang kanyang kamay. I never thought I could dislike him this much. Iyong tipong kahit hawak niya ay nandidiri na ako.
"Oh, Portia..." ngumiti siya.
Hindi ako natatawa. I only agreed on meeting him because we will eventually meet para sa ExPa.
He opened the car door. Inilahad niya ang looban sa akin. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin bago ako pumasok doon.
Umikot siya para pumasok na rin sa driver's seat.
"Sa bahay tayo o sa condo mo? I can cook your favorite Sinigang," malambing niyang sinabi.
"We're eating in a restaurant. Hindi sa bahay niyo o sa condo ko," sabi ko.
Natahimik siya. Pareho kaming nakatingin na lang ngayon sa daanan. I don't really feel anything for him anymore.
"Look, Portia. I know nitong mga nakaraang araw ay hindi na maganda ang relasyon natin-"
"Good thing you know, Clyde!"
"Tss... Please, Portia. I know you're only staying because of the business."
Nilingon ko na siya, hindi ko mapigilan. "Aren't you staying for it too? Huh? Kasi kung pwede kang makawala sa akin, matagal mo na akong iniwan. You would rather be with the girls you are..." Hindi ko masabi.
"Believe me, Portia. I love you. I love you, okay?"
Ngumiwi ako. "You know what? I'm tired of hearing all your bulls. Can we just talk about the event instead? Hindi ako nakipagkita sayo para ayusin ang relasyong ito. As far as I know, we're both in this relationship to maintain our company's partnership."
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kailan ka pa naging ganito? You're usually very... what happened to you?" Tunog disappointed si Clyde.
Hindi na ako nagsalita dahil kumukulo na ang dugo ko sa galit. I don't want to suddenly burst into madness and punch him in the face. Wala na akong emosyong nararamdaman sa kanya.
Tahimik kaming pumasok sa isang Italian Restaurant. Naging mabilis ang order ko ng pasta at wine. Ganoon din siya. Tiningnan niya ako and I guess he wants this meeting to be slow and thorough. Malas niya lang at nandidiri ako kaya mas gugustuhin ko ang mabilisan.
"Sunduin mo ako sa condo ng mga six PM this Saturday."
Tumango siya. "Your dress-"
"I can find myself a dress and a pair of shoes so no thanks. You don't have to worry about it."
"Portia, you sound so bitter. Seriously, what happened to you?" Umiling si Clyde.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Do you have someone else? Are you seeing someone else?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. How dare he sound like it's offending him?
"Ano ang akala mo sa akin, Clyde? You think I would put up with you? You're a cheating fucker and you think I'll be hoping you'll be back in my arms? Clyde, matagal nang napigtas ang litid ko sa iyo kaya huwag ka nang umasa pang maibabalik natin sa dati ang lahat."
Kitang kita ko ang pagkawala ng pula sa mukha ni Clyde. Namumutla siya sa sinasabi ko at hindi ko matanggap na pagkatapos ng ilang taong pagtitiis ko sa pagtataksil niya, ngayon lang ako nagsalita ng ganito. For the first time, nagkaroon ako ng kumpyansang masabi ang lahat ng ito sa kanya.
"Like what you said... nanatili tayong dalawa dito para sa negosyo-"
"So you are seeing someone else, Portia?" tanong niya.
"No! You are seeing someone else! Kaya huwag na tayong mag bolahan pa. Mahal mo ako pero may iba ka? May pangangailangan ka na hindi ko napupunan. No! If you really love me, you'll wait!"
Napalunok si Clyde. Kita ko parin ang pag po-protesta sa kanyang mukha ngunit hindi niya naisatinig ang kung ano mang bumabagabag sa kanyang utak.
Dumating ang aming order at nanahimik na ako bilang respeto sa pagkain. Sa kalagitnaan ng pagkain ay nagsalita ako para sa purong business.
"How much will Tito Leoncio donate?" tanong niya sa kalagitnaan ng usapan.
"He's donating five hundred thousand for ExPa. And I think Tito will donate half too so sa ating dalawa, one million," sabi ko.
Tumango siya at tiningnang mabuti ang sulat na galing sa Expa Foundation. Tiningnan niya ang listahan ng mga dadalo.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako naging kumportable habang tinitingnan niya ang mga pangalan. Logan's name is written there.
"These businessmen, they would donate two million of ExPa?" Natatawa si Clyde habang pinapasadahan ng tingin ang buong sulat.
Matalim ko siyang tinitigan. "What's your problem? They want to donate so?"
"Hindi naman sila nag dodonate para sa ikakabuti ng mga bata. Nag dodonate sila para pabango sa pangalan nila at para na rin tulong sa taxes nila."
"Hindi ba ay iyan din ang ginawa ni daddy at ni tito?"
I know all of these. I am not sure if Logan even cares for the children in that foundation. Ganoon naman halos lahat ng mga negosyante. Nag dodonate sila at may iba't-ibang mga dahilan sila. Maganda kung may pagpapahalaga sila sa foundation, pero madalas ay iba ang dahilan ng pag dodonate nila. Noong una ay nakita ko ito bilang pagiging selfish, kalaunan ay hindi ko na iyon kinwestyun. Their end is to help other people. Do I need to question it? Ang mahalaga naman ay nakatulong sila.
Nilapag ni Clyde ang invitation at bumaling na sa akin.
"So we'll see each other this coming Saturday. Anong oras bang matatapos? Do you want to go somewhere after the event?" He smiled.
Hindi na iyon tumatalab sa akin. Kung noon ay kaya ko pang magpanggap na gusto ko nga siyang makasama siya kahit saglit. Ngayon ay nandidiri na ako.
Umiling ako. "Uuwi ako pagkatapos. We have an upcoming project. I'm busy..."
Sumimangot siya at tumuwid sa pagkakaupo.
"Okay, then..."
That ended our casual dinner with my so called "boyfriend". Hindi na ako nagpahatid sa kanya sa condo. Ako na mismo ang nagtaxi pauwi.
Pagkarating ko ng condo ay ginawa ko na ulit ang aking usual routine. Nagbihis ako para mag jogging. Pagkalabas ko ng condo ay nagsimula na ako sa gagawin. Naka earphones ako at naka shuffle na rin ang music nang biglang may tumawag.
Tumigil ako sa pagtakbo at sinagot ang tawag. I'm panting and wishing for more air as I answered the call.
"Portia..." Logan's voice enveloped my ears.
"Logan..." Bumuga ako ng hininga.
"What are you doing? Where are you?" tanong niya.
Natigilan ako sa tanong niya. "I'm jogging here in BGC. Why?"
Huminga siya ng malalim at hindi kaagad nagsalita.
"Logan? You there?"
"No... I'm just checking on you."
Ngumuso ako at tumingin sa aking sapatos. Is this clingy? I don't know...
"Ikaw? What are you doing?" And where the hell is Marina? Hindi ko na dinagdag.
"I'm packing. Uuwi na ako bukas. I can't meet you when I'm home. May pupuntahan ako sa Cebu-"
I cut him off. "That's okay. I'm busy anyway."
Hindi ko maintindihan kung bakit unti unting umuusbong ang pagtatampo sa aking dibdib. No... I'm not going to lie. Nagtatampo ako at hindi ko alam kung bakit. I hate that he's so far and I hate that we can't see each other pagkauwi niya.
Humalukipkip ako at umupo sa isang bench doon. Tiningnan ko ang mga taong dumadaan.
"We'll meet on Friday," aniya.
"I can't. I'll be out that night."
"At saan ka pupunta?" tanong niya.
"Isasama ko ang mga kaibigan ko para maghanap ng gown sa kay Mindy Torres. Hindi ako nakapagpadesign kaya hahanap na lang ako ng tapos na."
"Friends? Tessa and... Jade?" tanong niya.
"Wait... This is one of those personal questions you are talking about," sabi ko.
"It's necessary. I'm asking you kung saan ka pupunta sa Friday kasi hindi ka papayag na magkita tayo."
Umiling ako. "Okay... now I can ask why are we not meeting this Wednesday. Anong gagawin mo sa Cebu?"
"Well, Brandon, my cousin is there with his fiancee. Something about their upcoming wedding."
Kahit na may tamang rason siya ay hindi ko parin kayang hindi maging disappointed. Inalis ko ang mga emosyong ganoon sa akin. I don't need those emotions with me. I don't need to feel it. Pumasok ako sa gusto ni Logan para sa pisikal na kaligayahan at hindi para mapunan ang kawalan ko emotionally. He is a monster who can do it with anyone and I need to stop thinking that I could change him. Kung ano ang mayroon kami ngayon at kung ano ang maibibigay niya sa akin, iyon ang tatanggapin ko. It's all lust and I would fucking enjoy every moment of it.
"Brandon, the long haired one, right?" tanong ko.
"Yup. You know him?" tanong niya.
"He's a model. And... hindi ganoon ka laki ang mundong ginagalawan natin, Logan," sabi ko.
Hindi siya kaagad nagsalita. "Well, may fiancee na siya."
"Yes. I heard you kanina. What about it?"
"Nothing." Malamig niyang sambit. "You're jogging? Can you send me a picture of you in your jogging clothes?"
Nagulat ako sa gusto niyang mangyari. Humalakhak ako.
"I'm completely clothed. Ano ang titingnan mo dito? This won't provoke any sexual thoughts to you," sabi ko.
Iniisip kong gusto niya lang ng pagpapantasyahan kaya gusto niyang makita ako ngayon. Dapat ay iyong hinihingi niya ay iyong naka underwear lang ako o di kaya ay bikini.
"Just take a photo and send it to me, will you?" Masungit niyang sinabi.
"Fine! What else now?" tanong ko.
"So we'll see each other in the ExPa?" tanong niya.
"Yup. Wait. Magkano ang idodonate mo?" tanong ko.
"I'm donating five million. Why?"
"Why are you donating?" Sinipa sipa ko ang ilang pebbles sa ground habang kinakausap niya.
"Does it matter?"
I knew it! He's one of those heartless businessmen. Hindi talaga nila alam kung bakit mag dodonate. Ilang milyon ang idodonate niya at para lang iyon sa kanyang sarili. But then again, ano man ang kanyang rason, ang mahalaga ay nakakatulong siya sa ibang tao. The end is still beautiful, anyway.
"Anyway, I'll be with Clyde tulad ng sinabi ni Kier. Sino ang isasama mo?" tanong ko.
Though I wish he goes alone...
"Magkita na lang tayo doon," malamig niyang sinabi sa akin.
"O-Okay..."
Pagkatapos naming mag-usap ay nanlamig ako. Nilagay ko sa loob ng bulsa ng jacket ang aking isang kamay. Ang isa ay inangat ko para makapag picture ako sa aking sarili. He said he wants a picture of me so I'll give it to him. Sinend ko sa kanya ang aking picture bago ko ni lock ang screen ng aking cellphone.
I need to remind myself. I can't be emotionally attached. Mag iisang buwan ko pa lang siyang kilala at nilinaw niya na kaagad sa akin kung ano ang gusto niya sa arrangement na ito. I will give it to him and I am going to receive what I want happily too. Hindi ako magkakamali. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pag jo-jogging.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top