Kabanata 6

Kabanata 6

I'm In


Maaga akong pinakawalan ng aming supervisor. Halos hindi ako nakapag paalam ng mabuti kina Jade at Tessa dahil sa kaba ko. They were both watching me curiously at wala akong maisagot sa mga tanong nila.


I guess Logan's right. We're adults. I guess I am attracted to him. What is it? Lust? I don't know. What with my life going down, ano pa ba ang pwedeng gawin, hindi ba? Kundi ang lumipad pataas. This is my escape. This is the joke. Sa kabila ng seryoso at mabigat kong buhay ay ito ang magpapagaan.


"I brought my car," sabi ko nang dire diretso ang lakad ni Logan sa valet.

"Just leave it here," aniya.


Magsasalita pa sana ako ngunit tumunog ang cellphone ni Logan. The valet opened the door for me. Tumango ako at ngumiti bago pumasok. Bumaling ako kay Logan na pumasok na rin sa kanyang sasakyan.


"I told you to cancel the meeting," aniya sa kabilang linya.


Sumulyap si Logan sa akin. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. I will pretend I didn't hear anything?


"What?" nagulat siya sa sinabi ng tao sa kabilang linya.


Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makalabas at makausap ng mabuti iyon. Tumayo siya doon, nakatalikod sa akin.


I opened the window of his Mustang for some air. Narinig ko tuloy ang boses niya habang kausap ang sino mang nasa kabilang linya.


"It's failing? I won't withdraw my shares yet. I need to see the reports tomorrow. I'll buy more shares if I need to."


Tiningnan ko ang sarili ko sa side mirror. Maayos na naka ponytail ang buhok ko at kitang kita ang high cheekbones dahil sa bronzer na nilagay ko kanina. I pouted my lips. I wish they were thicker.


"Merge? I don't want it. I don't need the Trion Security Services."


Nagulat ako sa narinig kay Logan. Hindi ba ay business ng pamilya nila ang Trion Security Services? Hindi ba ay business nila iyon? Napalingon ako sa kanya.


"Pagkatapos kong bilhin ang mga shares, I will make sure na nabawi ko ang capital kaya kailangan kong pataasin ang value, and then I'll sell my shares so the whole of TSS will fail."


What? He wants their business to fail? I don't get it!


"Brandon, if you want that company, bilhin mo kay daddy! I don't want it. I don't need it," aniya. "I don't care if dad wants me in it. If he expects me to save it, makikita niya kung paano ko ito palulubugin."


Nanlaki ang mata ko. Alam kong masama siya pero hindi ko naisip na ganito siya kasama. Ang alam ko ay ang Trion Security Services ay business ng pamilya niya, particularly his daddy, the retired General. Bakit gusto niyang bumagsak ito ngayon? How could he do that to his dad? Hindi ko lubos maisip na may ganitong tao. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang balewalain ang bagay na mahalaga sa kanyang ama.


"Don't call me again," ani Logan at binaba ang cellphone.


Agad siyang pumasok. Namataan niya ang pagbubukas ko ng bintana. Sinarado ko ito. Nagdilim ang mga mata niya sa nakita ngunit pinaandar niya parin ang sasakyan.


Nahirapan akong lumunok. He's a bastard from his relationship to his family and to other people. He's selfish! Paano niya nagawa iyon sa kumpanya ng sarili niyang ama? To buy more shares and withdraw it para bumagsak ang pinaghirapan ng kanyang ama! Bakit hindi nalang maging masaya dahil may ama siya? Bakit hindi na lang pagbigyan? Kung ayaw niya pala sa negosyong iyon, can't he just leave the damn business alone instead? Bakit kailangang wasakin.


"Do you always... break your dad's heart?" wala sa sarili kong tanong.


Nakatingin ako sa kanya. Kitang kita ko kung paano namilipit ang muscles ng kanyang panga. He looked ready to be in a fight. Bumuntong hininga siya bago ako sinagot.


"We need some rules in this arrangement..."


Lumunok ako at tumingin sa daanan. I know. I know about hook up rules. Sa mundong ginagalawan ko, hindi na iyon bago. Jade likes hook ups and she's provided me enough information.


"Yes, I guess so..." tumango ako.


Kailangan kong matutong huwag makealam lalo na sa kanya. Hindi ko lang napigilan ngayon dahil sa narinig ko ang pakikipag usap niya kanina.


Nang nakarating kami sa isang enggrandeng restaurant ay agad namang kinuha ng valet ang sasakyan niya. Pakiramdam ko tuloy ay lagi siya rito... probably with his other hook ups.


"Thank you," aniya sa babaeng sumalubong para igiya kami sa isang parte ng restaurant na mas pribado.


I've been here twice with my dad. We always sit beside the glass windows. Ngayon lang ako naigiya sa isang pribadong espasyo. May table for two sa pribadong room na iyon. May sariling waiter din na naghihintay. With the way people greeted Logan, I think he really is a regular customer here.


Ang kulay tuyong rosas na wallpaper at carpet ay mas lalong nagpatingkad sa mga ilaw sa kandila. He removed his suit. Nilagay niya iyon sa isang rack. Nanatili akong nakatayo.


I'm still in my black dress. Ito iyong sinuot ko kanina ng nagkaroon kami ng presentation. At least I still fit in here.


Hinila niya ang upuan ko. Nagkatinginan kami ni Logan. Alam kong nakita ko na siyang hubo't hubad ngunit ngayon ko lang nakita ng husto ang hubog ng katawan niya ng hindi ako hilo. Kahit na may suot na white longsleeve polo ay kita ko kung gaano ka pirmi at toned ang kanyang braso.


Iniwas ko ang tingin sa kanyang braso at umupo na doon. Umikot siya at umupo na rin sa harapan ko.


Binigay sa amin ng waiter ang menu. We ordered something french. Kumuha din siya ng isang wine na mas unang na serve bilang appetizer. Pinapanood ko ang waiter ngayon na nag sasalin ng wine sa aming mga wineglass.


Ramdam ko ang titig ni Logan sa akin. Napatingin ako sa kanyang mga daliri na nakahawak sa wine glass. His nails were clean and well cut. His hands were big and... dammit! I really should stop this thing!


"Shall we start?" aniya.

Tumango ako at kinuha na rin ang wine glass. Ibinangga ko sa wine glass niya iyon. "Okay." Ngumiti ako.

Nagtaas siya ng kamay. His dark features became darker. Nilapag niya ang wine glass pagkatapos uminom. "First. Like what I said, I don't want you fucking just about anyone... or even Clyde Prieto."

I don't furck anyone or even Clyde Prieto. Hindi ko nga lang iyon ipagsisigawan. Para saan pa? "What about you? Are you allowed to fuck anyone else? I know you don't want me to do it with other people para hindi ka magkasakit. What about me? Is this one-sided?"


Tumalim ang tingin niya sa akin. Well, Torrealba... if you are wise, I am wiser. If you can play this game, then I can play it better.


"Okay. I won't do it with other woman."


Nag-iwas siya ng tingin. There! Hindi ko nga lang alam kung tutuparin niya iyon.


"Another thing..." Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri sa aking harapan. His fingers were damn long. "No personal questions..."

"No personal questions. I'm fine with that." Kaya niya ito sinabi dahil sa tanong ko kanina sa sasakyan.

"I don't like clingy and jealous hook ups."


So... he does this all the time, huh? Oo nga naman. Isn't it obvious to you, Portia? Hindi naman mukhang santo itong si Logan. Mukha nga lang greek god but definitely not a saint. Ilang hook ups na kaya ang napagdaanan niya and do they always end because the other party is too clingy or jealous?


"Definitely... I don't like clingy and jealous men either. Magkakasundo tayo diyan..." sabi ko.


Nag-angat ng kilay si Logan. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya pero nagpatuloy ako.


"Do we need to have a schedule or something? I'm a busy person. I wonder if this thing can fit my sched," sabi ko.

"Yes, we should. I'm a busy person too. Most weekends ay nagtatrabaho ako," aniya at sumimsim sa wine glass.

"You work for Trion Security Services? Probably manage it?" So much for no personal questions. I couldn't help it!


Nagdilim muli ang mga mata niya. Tinagilid niya ang ulo niya. I can sense the sarcasm in his evil smile.


"What happened to no personal questions?"

Crap! "I just want to see how busy you are. Syempre ay marami kang inaalagaang kompanya kaya ka busy. Ako ay nagtatrabaho bilang interior designer. Most days, when we have a project, mahihirapan ako kung may regular schedule tayo. Though sometimes I'm free pag nag close kami ng deal."

"We won't have a regular schedule. We'll meet to eat and talk about our schedules each month and we'll plot kung kailan..." aniya, seryoso at mariin ang bawat bigkas ng salita.


This is all business to him. Ganito pala talaga iyon. Then let's do this like the business.


"How many hours do you need?" nagtaas ako ng kilay.

"Hours?" He laughed. "Are you kidding me, Portia?"

"Well... a day then?"

"I want a week," aniya.

Nagulat ako doon. "A week? My work is regular, Logan. Mahirap iyon. If may booty call ka aabsent ako ng isang linggo, ganoon?"

Huminga siya ng malalim. "If you can leave then.. why not? I'm not asking you to leave for five days every month. Hindi ba ay nagkasundo tayo? We'll plot the schedule. If we only have two free days then we'll do that those days. If I want you for a week, and you can leave for a week, then what's wrong right?"


I shouldn't freak out right!? I shouldn't!


Kinalma ko ang sarili ko bago tumango.


"Fine. For now... shall we talk kung kailan so I can plot my schedule?"

"Friday night then..." aniya.


Kumatok ang waiter at dumating ang mga pagkain. Hindi ako nagsalita habang inaayos ng waiter ang mga inorder namin. Nang bumalik siya palabas ay umiling ako kay Logan.


"That's my grandma's death anniversary. Bibisita ako sa sementeryo. I'll be with Kier..." sabi ko ng wala sa sarili.

"Who's Kier?" tanong niya, nakakunot ang noo.


Halos hindi ko narinig iyon. Hindi ko namalayan na bigla kong nasabi ang pangalan ng kapatid ko.


"What happened to no personal questions?" ngisi ko.

"Well, I'm asking because he's probably a friend of yours who wants to also hook up with you? I want you clean, remember?"

Kinuyom ko ang aking kamao. This man is a big ass! "Oh my gosh! Hindi rin ba iyon nasabi ng imbestigador mo?"

"Forget it!" nag-iwas siya ng tingin.


Binalingan ko ang pagkain. Hindi ako nagugutom. I should be hungry right now. It's seven in the evening! Ganitong oras akong kumakain ngunit sa dami ng nangyayari ay nakalimutan ko na pati ang pagkagutom.


"Saturday morning, then?" tanong niya.

"I will try to clear up my sched first. Malalaman ko by tomorrow..." sabi ko habang sinusubo ang Tartiflette na inorder.

"Are you on pill?"


Halos masamid ako sa tanong na iyon. No... I'm not. Hindi ko nakita ang dahilan para uminom ako ng ganoon.


"No..." umiling ako.

"We should visit your OB."

"W-Wait!" natigilan ako. "We? We should visit my OB? No... I can do that. Bukas. Fine..."

"Is your OB male or female?"

Nanliit ang mata ko. What's that supposed to mean? "She's a female. Why?"

Umiling siya at nag-iwas ng tingin. "You need to take the pill as soon as possible. We can't do it yet then. I'm gonna wait till you're on pill. I don't want to pull out-"

"Do you always do this? I mean... fuck girls like this? You don't use condoms and all sorts?"

Ngumisi ito sa akin. "I consider this a personal question."


I can't believe it! Hindi na man lang ba ako makakapag tanong para sa aking kapakanan?


"Fine. I'll visit my OB tomorrow and I need your medical certificate. I want the most recent one. Probably a week ago..."

Humagalpak siya ng tawa. What's funny? "Don't worry. My last fuck was you..."


Halos nagtindigan ang mga balahibo ko. Nakatitig siya sa akin. His eyes were dark and intense as he gazed. Halos mabitiwan ko ang mga kubyertos ko. Natutuliro ako dahil sa kanyang titig.


"And I will believe you? Bago tayo nagkita sa bar ay may kasayaw kang babae. Don't tell me you didn't actually do it with that girl days before, Logan. You two dance like you've done it twice or thrice, even..."

Tumawa ulit siya. "I get bored easily. I don't repeat girls so... just once."

Uminit ang pisngi ko. "So you really did it with that girl?"

"A year ago, Portia. Hindi ba ay personal question din ito?" Ngumisi siya.

I can't help but shake my head. "You're a bastard, Logan Torrealba."

"I've been called worse, Portia."


Tumuwid ako sa pagkakaupo. I can't believe I'm really doing this?


"Ilang linggo o buwan bago tayo matapos sa arrangement na ito?"

"When one of us wants out," sagot niya.

"How will I know if you want out?"

"I will tell you..." aniya. "Or when you're clingy and jealous."

"And when you're clingy and jealous?" tanong ko naman.

Kitang kita ko ang hamon sa kanyang mga mata. The playful smile flashed on his lips. I couldn't take my eyes away from it. His lips... His damn lips! "I don't do clingy and jealous, Portia. I fuck and leave. That's all."

Ngumisi ako. I'm in, then. I would rather fuck and leave too. Masyado nang mabigat ang buhay ko para sa mga koneksyon at kadramahan.


Bumaling ako sa pagkain at nagpatuloy. "I like that. I'm in," sabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: