Kabanata 59
Kabanata 59
A Thousand Times
Lumayo ako doon para sagutin ang tawag ni mommy. Kahit nakalayo ay nakatingin parin ako sa kanila. Maja looked stunned. Nakakunot naman ang noo ni Clyde habang pinagmamasdan si Logan at Beau.
"Mom," salubong ko sa kabilang linya.
"Portia, we transfered in St. Lukes. Masyadong malayo ang Laguna sa business ng Tito mo kaya nagpalipat na kami. How's the case? Do you have any updates?" tanong ni mommy, bilang panimula.
"I... Uhm, I just know that Marina was caught. At ang ilan pang nakatakas na mga tauhan.
"What about the other people involved? Syndicates? Other allies in politics of Sen. Fuentes?" tanong ni mommy.
Napatingin ako kay Logan. Wala akong alam sa lahat ng gustong malaman ni mommy. I'm sure Logan can help them though. Ayaw ko nga lang na istorbohin ito sa kay Beau.
"I'll ask Logan later, mom. Ipapatawag ko siya sa inyo para sa updates."
"Mabuti naman kung ganoon. Tell him I want to talk to him. Katelyn's looking for him. We need security and updates, okay?"
"Okay po... Ayos na po ba si Katelyn at Tito?" tanong ko, pahabol.
"Katelyn's still in pain. Your tito is better now. Hindi malalim ang pagkakabaril. Si Katelyn ang napuruhan. We also need to undergo stress debriefing. Your sister is still emotional because of what happened."
"Ganoon po ba? Sige po, titingnan ko kung anong magagawa ko-"
"Just ask Logan to be here so we can hear the updates of the case,"
"Sige po," sabi ko sabay tingin ulit kay Logan. Abala ito sa pagpapakain sa aming anak.
"Well then, I need to go to check on your sister."
Pinutol agad ni mommy ang linya sa pagitan namin. Binaba ko ang aking cellphone at nakita kong nakatingin na si Clyde sa akin.
"Your mom?" tanong ni Clyde.
"Yes. Lumipat daw sila ng St. Lukes," sabi ko.
Nilingon kami ni Logan. "Ang akala ko ba ay hindi pa sila pinapayagan ng doktor? Is Tito Christopher okay? How about Katelyn?" tanong ni Logan.
Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Maja.
"Hmm. Concerned si daddy, ha!" Humalakhak siya.
Napatingin si Logan sa kapatid ko. Matalim ang tingin niya rito.
"Maja..." saway ko.
Nagkibit ng balikat si Maja. "Well, malay natin. He also fell for your sister, Portia. Okay sana kung saakin dahil malugod ko siyang tatanggihan-"
"I am not falling for anyone else," malamig na sinabi ni Logan.
"Please, huwag na tayong magtalo. Nasa harap tayo ng pagkain-"
"You are not now kasi nalaman mong single pala si Portia at may anak pala kayo. Of course who would choose the poor copy when you can have the original. But I wonder what happened between-"
"Maja..." saway ko ulit.
"You were rumored to be in some kind of relationship. The media would never cover that unless may kakaiba. And what about the painting?" matapang na tanong ni Maja.
"Maja, stop it..." saway naman ni Clyde.
Umigting ang panga ni Logan. Tinigilan niya ang pagpapakain kay Beau. Ang walang kamuwang muwang naming anak ay panay ang ngiti at tingin sa mga pagkain sa hapag.
"I brought that painting because it's a poor copy of Portia's work and I didn't like it. And yes, nakipagkaibigan ako kay Katelyn noong mga oras na sobra sobra ang galit ko sa mga nangyari. But you see, I don't fall in love fast and hard with anyone. I'm sure you've heard of that?"
Ngumuso si Maja at bahagyang tumango. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Humugot ako ng malalim na hininga.
"I thought you just want to piss me off in that exhibit..." pabulong kong sinabi.
Nilingon ako ni Logan. "And that too." Umangat ang gilid ng kanyang labi.
Pinigilan ko ang pagngiti sa pamamagitan ng pagkagat sa pang ibabang labi.
Tumikhim si Clyde. Umupo akong muli sa tabi ni Logan at tiningnan ang aming anak na nanghihingi ulit ng pagkain. Sinubuan uli siya ni Logan. Nakatingin naman si Maja at Clyde sa akin. Ngumuso si Maja kay Logan at pagkatapos ay makahulugang ngumiti.
She probably thinks we're in some kind of relationship right now pero ang totoo ay hindi ko pa talaga alam kung ano ang estado namin. I just want to enjoy the feel of seeing him with our son.
"Pupunta siguro ako ngayon sa St. Lukes. I'll check on mom and her family," sabi ko.
"Why don't you call Kier. Marami kang ibabalita sa kanya..." Sumulyap siya kay Logan. "At kay daddy. I'm sure alam na rin ni daddy na nandito sina Tita Carina sa Manila."
"Pupunta ka ngayon sa St. Lukes? You're leaving our son?" tanong ni Logan.
Dammit! Not that I want to leave Beau here. Naiintindihan ko naman na ayaw niyang pakawalan ang anak namin. Isang araw pa lang silang magkasama.
"Kami na muna ang bahala kay Beau. Samahan mo na si Portia... and besides, Mary's here too," ani Maja.
"Portia, I'll call Tito Leoncio. Magtatanong ako kung kamusta na ang kaso at ang imbestigasyon," ani Clyde.
"Nahuli na si Marina at ang nakikita namin sa Trion, wala siyang ibang ka alyansang politiko. This is purely here revenge for her dad."
"But we need to be sure. Might want to check on your team now for some updates regarding that..." sarkastikong sinabi ni Clyde.
"Clyde, please..." saway ko.
Hindi ko alam kung paano namin natapos ang kainang iyon. Niligpit ni Mary ang aming mga pinggan pagkatapos. Parehong nasa sala si Maja at Clyde. Katabi ni Maja si Beau sa panonood ng Cartoon Network habang ako ay naghahanda para sa lakad. Sunod nang sunod si Logan sa akin maging sa loob ng aking kwarto.
"Clyde's here. We're leaving our son to him, really?" pangungulit niya.
Naghahanap ako ng damit sa closet. Hinayaan ko siyang sumunod sa akin.
"If you don't trust him, then stay here and be with our son."
"Not that I don't want to be with our son but I can't leave you alone too..."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Mas lalong di ko siya hinarap. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng masusuot.
"Maja's here. Paigtingin mo na lang ang seguridad ng unit ko kung natatakot ka. And also, mom's asking you to please visit them. Para sa kaso at para sa-"
"Sinasabi ng mga tauhan ko kung ano na ang progress ng kaso. I'm sure your Tito knows the latest updates of the case," paliwanag ni Logan.
Kinuha ko ang aking damit at dumiretso na ako sa banyo. Sumunod siya sa akin ngunit tumigil din sa hamba ng pintuan.
"Katelyn's asking for you. She needs your presence," sabi ko.
Kumunot ang noo ni Logan. I can shut him out now by closing the door but I didn't. Hinintay ko ang sasabihin niya. "We'll go there together but I can't stay long. Uuwi tayo dito sa condo mo," aniya pagkatapos ay tinalikuran ako.
Pinagmasdan ko siyang hinahalungkat ang kanyang gamit para sa damit. Sinarado ko ang pintuan sa bathroom at huminga ng malalim. I understand his thirst for Beau and it is my fault.
Binilin namin si Beau kina Maja at Clyde. Hindi na rin ako tumanggi nang sinakay niya ako sa kanyang Mustang. Si Ben ang nagmaneho nito at may isang binatilyong pinasakay sa front seat. Ang buong team na kanyang binigay para sa akin ay nanatili sa towers.
Tahimik ako sa loob ng sasakyan dahil panay ang tawag niya sa iba't ibang tao. Be it about his realty or the Trion.
"Okay, got it, dad..." ani Logan sa huling tawag. "I also have something to tell you but I want to say this to you in person."
Nilingon ko si Logan. Seryoso ang kanyang mukha habang dinidinig ang sinasabi ng kanyang ama.
"Yes... She has too. Anyway, I'll set up a dinner anytime this week." Tumigil ulit siya para makinig. "Yes. Pero may iba pa. I'll call you again."
Pinutol niya na ang tawag. Gusto kong magtanong sa sinabi ni Logan sa kanyang ama pero sa estado namin pakiramdam ko ay kailangan muna akong manahimik. Kailangan ko siyang hayaan sa kanyang ginagawa.
Nang nasa ospital na kami ay dumiretso kami sa suite nina mommy. Naroon ang iilang mga tauhan ni Logan. Naroon din si Daddy at si Kier na kausap ang kanyang mga tauhan. Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Kier nang makita si Logan. Kung tinawagan na sila ni Clyde, malamang alam na nila ngayon ang tungkol sa nalalaman ni Logan.
"Logan, papasok ako sa loob," sabi ko sabay turo sa kwarto ni Katelyn.
Hindi na muna ako papasok kay Tito dahil kausap niya umano ang kanyang mga business partners.
Pagkapihit ko ng door handle ay kinabahan na agad ako. I know mom will still ask for Logan but I will stand by my decision.
Sabay na napatingin si mommy at Katelyn sa akin. Natigil ang mga mata ko sa aking kapatid. Maputla siya at mukhang mahina. Ibinalik ni mommy ang tingin niya kay Katelyn.
"You're with Logan?" tanong ni mommy.
Sa tanong palang na iyon ay hindi ko na nagustuhan ang tono ng aking ina. I feel like it's a sin to be with him, para kay mommy.
"Yes. He's outside."
"Ba't di mo pinapasok?" tanong ni mommy.
"Nakikipag usap pa po siya sa mga tauhan at kay daddy. Are you okay, Kate?" Winala ko ang usapan para pigilan ang namumuong galit sa akin.
"I'm fine," sagot ni Katelyn. "My stomach's just hurting."
"So... nalaman na ni Logan na may anak kayo?" tanong ni mommy.
Nilingon ko si mommy. Hindi ko na napigilan ang aking ismid. I want to supress my anger because our situation don't need it but I can't.
"Nalaman niya kahapon-"
"So great of you to tell him your secret at times like this? Tingnan mo tuloy, hindi niya pinapansin ang kaso..."
Uminit ang pisngi ko sa galit at pagkapahiya.
"Hindi ko sinabi kay Logan na may anak kami. Nalaman niya noong pumunta siya sa aking unit. Mom, let us not talk about this. I want to concentrate on Katelyn's recovery..."
"You invited him on your condo kaya nalaman niya na may anak kayo..." It was a statement. I hated it.
"I didn't. Nagulat ako nang naroon na siya sa aking condo. That's all!" sabi ko.
"Logan won't leave you now kasi may anak kayo..." sabi ni Katelyn.
"Look... Why don't you ask him to stay? I am not in some sort of competition here, for God's sake you are my family-"
"Family pero mas inuna mo ang lalaki? What kind of family are you talking about?" sigaw ni Katelyn sabay ngiwi niya sa sakit ng kanyang tiyan.
Natigil ako pero hindi tumigil ang pagkulo ng aking dugo.
"Please..." huminahon ako. "I beg you to calm down and see reason. Logan is not a thing! He can decide for himself and unless he'll tell me that he's leaving us for you, Katelyn, 'tsaka ko siya papakawalan, okay?"
"How dare you say that, Portia!" sigaw ni mommy sabay tayo. "Kita mong nahihirapan ang kapatid mo, may gana ka pang magsalita ng ganyan!" lumagapak ang kanyang kamay sa aking pisngi.
Napaiyak ako sa hapdi at sakit na naramdaman. Pumikit ako para damahin ang galit at pakalmahin ang sarili pero hindi ko magawa. Bumuhos ang aking luha at hinarap ko si mommy.
"Ako rin nahihirapan, mommy!" sigaw ko. "Hindi lang sa pisikal ang paghihirap! Naghihirap ako emotionally! Simula pa noon! Simula pa noong ipinanganak ako, naghihirap na ako! Kung sakit pa ito, malubha na ako ngayon pero tumigil ba kayo sa pananakit sa akin? Hindi, 'di ba?"
Nagpupuyos sa galit si mommy. Mabilis ang paghinga niya. Si Katelyn ay nanatiling nakahiga sa kama at tinatanaw ako.
"We are your family, Portia! Alin ba ang uunahin mo, ha?" sigaw ni mommy.
"Kayo ang laging una para sa akin! Kayo! Kayo parati, ma..." sabi ko. "Pero ngayon, may anak po ako. My son needs a daddy. My son needs a complete family..."
"You were okay without a complete family!"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy. Alam kong baluktot na ang pananaw niya nito. Alam ko rin na baluktot iyon sa kagustuhan niyang maibigay kay Katelyn ang lahat. To give Katelyn everything, she'll sacrifice me. She'll hurt me to see his other daughter happy. Who'll make sure I'm happy then? No one. Ganoon naman talaga simula pa noon, e. Simula noong namatay si Grandmama, wala nang may pakealam kung masaya ba ako o hindi. Pero hindi ko sila sinumbatan. Instead, I made sure I keep them happy. Dahil ako mismo, alam ko ang pakiramdam ng malungkot. Dahil ako, parating ganoon!
"Kung ganoon mom, ayaw mong maranasan ng anak ko ang kumpletong pamilya?" Nanginig ang boses ko. "Do you love your grandson?"
Hindi siya nakasagot. Tanging galit lang sa mga mata ang ibinigay niya sa akin.
"Do you really love me? Because if you love me, you would also care for my happiness..."
Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Hindi rin nagsalita si Katelyn.
"But you don't right? You'd sacrifice me para lang maging masaya si Katelyn."
"Mom, she's comparing! Hindi siya tumatanaw ng utang na loob!" ani Katelyn na binalewala ko.
"You would rather rip me into pieces just to make your other daughter whole! Kaya kung ganoon, mom. Kung ayaw mo pala akong pasayahin, bakit? Bakit mo pa sinusumbat sa akin ang pagiging pamilya natin? Why does it only apply to me, at bakit hindi sa inyo? Pamilya ko kayo! Pero bakit kung maka asta kayo parang hindi!?"
Ngumiwi si mommy at umamba ng isa pang sampal pero sinangga ko na ang kanyang kamay. Lumayo ako at pinunasan ko ang aking mga luha.
"Ginawa ko ang lahat para sayo! Niluwal kita dito sa mundong ito at hindi ka man lang naging masaya sa ginawa ko-"
"Thank you for that! Thank you for bringing me into this world! I am in love with this world, kahit na gaano pa kasakit lahat ng pinagdaanan ko. I am still so in love with this life. And it's because of my son... and his father! Kaya... if you're asking me to give Logan up for Katelyn, a thousand times no for you!" matapang kong sinabi.
Hindi ko alam saan pa ako humugot ng lakas. Panay na ang iyak ko ngunit ang boses ko ay buong buo parin.
"I am in love with Logan Torrealba, my son's father! And unless he wants to let go of us, 'tsaka ko pag iisipan itong muli. Pero habang hindi niya kayo pipiliin, hinding hindi ko rin siya isusuko!"
"Ang damot damot mo, Portia! You've always been like that ever since. Kaya ka hindi binibigyan ni mommy ng pansin kasi ang damot mo! You always love the spot light! You always want to be talked about! You always want the attention! No! You're craving for it!" tumigil si Katelyn dahil sa sakit sa kanyang tiyan.
"Yes, you are right. I craved for attention! I would always do because I never got it from the people I needed! Kaya ngayon, habang nasakin ang atensyon, hinding hindi ko ito isusuko!" sigaw ko.
"Portia!" sigaw ni mommy dahil sa tono ko.
"I hope this is the last time you'll ask this, mom. Because the next time, I might stop forgiving," sabi ko.
Nalaglag ang panga ni mommy. Pinunasan ko ang aking luha. Kasabay ng pagbuhos ng panibagong luha ay bumukas ang pintuan. Nilingon ko kaagad iyon para makita kung sino. Galit na galit na mga mata ni Logan ang nasalubong ko. His eyes were piercing me. Agad kong pinalis ang luha ko.
"Logan, hijo... andito ka pala!" ani mommy sabay panis na tawa.
"Logan!" tawag ni Katelyn sa maligayang tono.
Tumikhim ako at nag iwas ng tingin.
"Maiwan ko muna kayo," sabi ko sabay hakbang patungo sa pintuan.
Lalagpasan ko na sana si Logan ngunit madiin niyang hinawakan ang aking braso. "Bakit ka umiiyak?"
Hindi ako nagsalita. Hindi rin nakapagsalita si mommy at Katelyn. Sinubukan kong kumawala para makalabas doon.
"Bakit ka... umiiyak?" mariin niyang tanong.
Tumawa si mommy. "Logan, Portia's just emotional over what happened."
Binalewala ni Logan ang sinabi ni mommy. Ramdam ko ang mas lalong pagdiin ng kanyang mga daliri sa aking braso. It's hurting me. "Nasasaktan na ako, Logan. Bitiwan mo ako."
"No..." aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top