Kabanata 58
Kabanata 58
Daddy
Buong araw kong pinagmasdan si Logan at Beau na naglalaro. Panay ang tingin ni Beau sa akin, nagbabakasakaling sumali ako sa kanilang dalawa pero hindi ko ginawa. Malamig ang trato ni Logan sa akin at pakiramdam ko ay may malaking utang ako sa kanya. Hinayaan ko siyang makipaglaro sa anak namin.
"Mommy! Look!" sigaw ni Beau habang tinuturo sa akin ang mga nakahilerang mga sasakyan niya sa mat.
Ngumiti lamang ako at pinagpatuloy ang panunuod sa kanila.
Nang gumabi na ay pareho silang pagod. Humikab si Logan ngunit sinikap niya paring makipaglaro kay Beau. Humikab din si Beau at ngumingiwi na.
"Mommy!" sigaw niya sabay bitiw sa mga laruan.
Alas otso pa lang ng gabi. Madalas ay masigla pa siya ng ganitong mga oras pero iba yata ang araw na ito.
Nilingon ako ni Logan, hindi alam ang gagawin. Nilapitan ko si Beau at kinarga. Nakanguso siya habang tinitingnan ako. Kinukusot niya ang kanyang mga matang may kaonting luha.
"Are you sleepy?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. Niyakap niya lamang ako. Hinilig niya ang kanyang baba sa aking balikat. Hindi ko napigilan ang pagngiti. Nakatingin si Logan sa aming dalawa. Tumayo siya nang nagsimula na akong magtungo sa kwarto ni Beau.
Binuksan ko ang pintuan. Ang lamp lamang ang may ilaw at hinayaan kong ganoon. Nilapag ko si Beau sa kanyang kama. Nakapikit na ang mga mata ng anak ko. Looks like he won't need a story book tonight.
"Can I sleep here?" tanong ni Logan, sa wakas ay kinausap ako.
Umupo siya sa paanan ng kama. Beau's bed is enough for two pero kung magsisiksikan kami dito ay ayos lang din naman. Maliit pa naman si Beau. Not that Logan wants me to stay in Beau's room though.
"Yup..." sabi ko.
Hindi na ulit siya umimik. Tumayo ako para makalapit siya sa anak namin. Hinaplos niya ang pisngi ni Beau, pagkatapos ay ang kanyang buhok na nakatayo kahit tulog.
Pareho silang naka puting sando ni Logan. Hindi ko alam kung sadya ba iyon o ano pero hindi ko mapigilan ang pagngiti. Parang uniporme lang.
"Can I sleep here too, then?" tanong ko nang nakabawi sa emosyong nadama.
Nilingon ako ni Logan. His expression's still guarded. Hindi ko alam kung ano talaga ang tunay niyang naiisip tungkol sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. I don't want to think about that in the mean time. If he hates me so much because of what happened, I understand. I would never get tired of apologizing.
"Saan ka ba natutulog?" tanong niya.
"Simula noong bumalik kami ng Pilipinas, I trained him to sleep alone in his room," sabi ko.
"Sleep beside him..." utos niya.
Hindi ako umimik at umikot na sa kama para pumwesto sa kabilang side ni Beau. Humiga si Logan doon. Nakatitig siya sa kay Beau. Mukhang malalim na ang tulog ni Beau, siguro dahil sa sobrang pagod.
Hinalikan niya ang noo ni Beau ng isang beses. Naiiyak ako habang tinitingnan silang dalawa. Kahit sa panaginip ko ay hindi ko inasahang ganito kasaya kapag magkasama silang dalawa.
Sumiksik ako sa kama. Pumikit si Logan, ang isang kamay niya ay nakahawak sa mga munting daliri ni Beau.
Sa gabing iyon, mahimbing ang tulog ng dalawa habang ako ay palitaw-litaw ang luha sa gilid ng mga mata.
Parehong pareho ang tangos ng ilong nila. Pareho rin ang kulay at hugis ng labi, ang kutis, ang mga mata, ang hugis ng mukha... Beau's features resembled Logan's. Manang mana sa kanya. I could only imagine Logan's reaction the first time he saw Beau in my condo unit.
Marami akong binitiwang bagay sa mundong ito. My passion, my self worth, my love, for the people who mattered to me. Iniwan ko ang passion ko para lang hindi maging banta sa kapatid ko. I gave up my self worth just to forgive the man I thought I loved before. At ibinigay ko ang lahat ng aking pagmamahal sa mga taong mahalaga sa akin. I would never ask for it again. I would gladly give up all those things but I've decided on this one. Hinding hindi ko i-gigive up si Logan. Hinding hindi ko siya papakawalan. And I don't care what's going to happen after.
Kahit na iparamdam pa ni Logan sa akin kung gaano siya kagalit sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya, hinding hindi ko siya bibitiwan. Malugod kong pagbabayaran ang mga kasalanan ko. I'll do this for Beau. I'll do this for myself.
Maaga akong nagising kinabukasan. Alas singko trienta nang bumangon ako.
Tahimik pa. Tanging ang aircon lamang ang naririnig ko. Tiningnan ko ang dalawang nakapalupot sa puting kumot habang natutulog. Even the way Beau closed his eyes, kamukhang kamukha siya ni Logan.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan silang dalawa ng picture. Uminit ang aking puso habang tinitingnan ang tatlong kuha ng dalawa habang natutulog. My little family...
Ilang sandali ko silang tinitigan bago nagdesisyong bumangon na para magluto. I'm not going to jog today. Ibang araw ito sa mga normal kong araw kasama si Beau.
Dahan dahan akong lumabas sa kanyang kwarto para hindi sila maistorbo. Naririnig ko ang instrumental music galing sa stereo sa sala. Gising na siguro si Mary.
Pumunta ako ng kitchen at nakita ko siyang nanonood sa flatscreen doon at sumasayaw kasabay ng isang zumba dance na palabas.
"Mary..."
"Ma'am!" gulantang niyang lingon.
"Nakapagluto ka na?" tanong ko. Hindi ko na rin siya uusigin sa nangyari kahapon.
"Hindi pa ma'am pero nilabas ko iyong pasta. Magluluto na ako..." aniya.
"Hindi na. Ako na ang magluluto ngayon. Magpatuloy ka lang sa exercise mo diyan, pagkatapos ay maglinis ka sa sala at sa kwarto..." utos ko sabay kuha ng pasta na nasa counter.
"Okay po..." aniya.
Kitang kita ko sa mukha niya na marami pa siyang gustong itanong pero hindi niya na tinuloy. Oo nga pala. Sasabihin ko pa pala sa kanya ang buong nangyari. Kahit na hindi ko siya susumbatan sa ginawa niya kahapon, kailangan niya paring matutong huwag magpapasok ng kahit sinong hindi kilala dito.
Napasinghap ako nang naalalang hindi lang si Mary ang sasabihan ko ng buong kwento. Let's see... we have Dad, Kier, Maja, Clyde, Tita Irene... I wonder if my mom's okay? Paano si Katelyn at Tito Christopher.
"Nga pala, ma'am. Nandito po si Maja at Clyde. Umuwi sila kagabi ng mga alas dose..." ani Mary.
Halos ma estatwa ako sa sinabi ng kasambahay. Tiningnan ko siya habang nagpapatuloy sa pag eexercise. Alam kong hindi niya pa nasasabi sa dalawa ang nangyaring ito. Ano naman ang sasabihin niya? Wala naman siyang alam.
Dinagdagan ko ang mga lulutuin para sa kay Maja at Clyde. Ilang sandali ang nakalipas ay tumigil na si Mary sa pagsasayaw at kinuha niya na ang mga panglinis.
Nagpatuloy ako sa pagluluto. I know Maja and Clyde won't put up with the pasta so I cooked the traditional breakfast for them too. Bacon, eggs, fried rice, at iba pa.
Nilapag ko ang mga luto na sa lamesa.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng isang kwarto. Hindi ko na tiningnan kung kanino pero nalaman ko din nang namataan ko si Clyde sa kusina.
"Good morning," ani Clyde.
I knew it. Hindi nasabi ni Mary sa kanya.
"Good morning!" sabay lapag ko ng mga bacon sa lamesa.
Isang beses akong sumulyap kay Clyde bago ko binalingang muli ang fried rice.
"Ang aga mong nagising ah? Ba't di si Mary ang pinagluto mo?" tanong ni Clyde.
"Naglilinis si Mary..." sabi ko.
May pintuang bumukas muli. Hindi ko alam kung kanino pero sumungaw si Maja sa kusina. Mabilis siyang umupo sa isang upuan kaharap ang mga pagkain. Nakapikit pa ang mga mata niya at mukhang puyat na puyat.
"I'm hungry..." aniya.
Kinuha ko ang lahat ng lutong pagkain at nilapag muli sa hapagkainan. Ang fried rice na lang ang nahuli. Nilagay ko ang fried rice sa malaking bowl bago ko ito nilapag sa lamesa.
Tumunog ang isang pintuan. Alam ko na kung sino ang lalabas.
Dumiretso sa kitchen si Logan. Napatinging pareho si Clyde at Maja sa unexpected person. Humugot ako ng malalim na hininga para magsalita pero naunahan ako ni Clyde.
"Anong ginagawa niya dito?" Tumaas ang tono ng boses niya.
"Oh my God, Portia!" ani Maja.
Tamad na tumingin si Logan sa akin. Galing sa pamumungay ay tumalim ang kanyang mga mata.
"Anong ginagawa ni Clyde dito sa unit mo?" mariing tanong ni Logan.
"Ako ang dapat magtanong sa'yo niyan, Logan!" humakbang si Clyde patungo kay Logan kaya pumagitna na ako.
"Pwede ba? Stop it... Clyde, calm down. Nandito na siya mula pa kahapon."
Umatras si Clyde pero kitang kita ko ang frustration. Para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.
"I don't understand why you have to let him in your condo, Porsh!" iritadong sinabi ni Logan.
Maja only stared at us. May ngising aso na naka plaster sa kanyang mukha. With no intention of helping me at all.
"Stop it, Logan! He's Beau's god father!"
"Oh my God!" ani Maja sabay ngiti ulit.
"Madalas sila dito ni Maja at maging si Kier to visit Beau or to help me out!" sabi ko.
Nilipat ni Logan sa akin ang kanyang tingin.
"Well, Porsh, you don't need their help. I am here now..."
"Portia! Sinabi mo na sa gagong ito ang lahat?" ani Clyde.
"Pwede ba, stop it you two! Logan? Hindi ba pwedeng magpasalamat na lang tayo dahil tinulungan nila ako dito noon? And Clyde, please stop it... Ayoko ng madagdagan pa ang gulo..."
Katahimikan ang bumalot sa amin. Huminga ng malalim si Logan at binitiwan din ang pagtatalo.
"I'm gonna go back to check on our son, Porsh..." ani Logan, nakatingin parin kay Clyde.
Umirap ako at umambang pupunta na rin sa kwarto ng anak namin. "Ako na!"
"Then let's check him together. After all, he's our son..."
Umiling ako at mabilis nang humakbang pabalik sa kwarto ni Beau. I can't believe Logan's pissing Clyde off. Wala na ba talagang katahimikan?
"Is that why he's always spotted in your unit? Tinutulungan ka niyang palakihin ang anak natin, Portia?" Rinig na rinig ko ang sakit sa kanyang tanong.
Bago ako makapasok sa kwarto ay hinarap ko muna siya.
"Can't we be just happy because he's with us noong kami lang ni Beau? He's helping me out..."
"Is that all then? That's all between you two? He's just... helping you out then?"
"Yes..." sabay hagilap ko sa door handle at bukas ng pintuan.
Tumigil si Logan sa pakikipagtalo sa akin. Kukunin ko na sana si Beau nang nakitang kinukusot na nito ang kanyang mga mata ngunit naunahan ako ni Logan.
"Good morning, big boy! Are you ready for today?" tanong niya.
Ngumiwi si Beau. Kinagat ko ang labi ko. Kitang kita ko ang paghahanap niya sa akin. Agad akong tumabi kay Logan para makitang nandito lang ako.
"Mommy!" aniya sabay taas ng dalawang kamay para tanggapin ko.
Napatingin ako kay Logan na ngayon ay seryosong nakatingin kay Beau. Pakiramdam ko ay nasaktan siya sa nangyari. Tinanggap ko si Beau at inangat. Mas lalo lang lumamig ang pakiramdam ko nang naalala ang tawag ni Beau kay Clyde.
"By the way..." sabi ko.
Nakatayo na rin si Logan sa harap ko. He wants to carry Beau but our son won't trust him yet.
"Beau's kind of calling Clyde "dada". Hindi ko alam saan niya iyon nakuha."
Umigting ang panga ni Logan. I can clearly see the hurt in his eyes. Nagsikap siyang pakalmahin ang sarili. Bahagya siyang pumikit at dumilat muli.
"Pati rin naman si Kier, minsan pero mas madalas kasi si Clyde dito-"
"Bakit ba siya madalas dito? Is he asking you back? Why are you letting him-"
"He's helping me out. I told you..." ulit ko.
"At bakit mo hinyaang tawagin si ni Beau ng ganoon?" mariin niyang tanong habang sinusundan ako palabas ng kwarto.
"Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin kay Beau na huwag siyang tawagin ng ganoon!" sabi ko.
Narinig ko ang marahan niyang mura. Nilingon ko siya at matalim na tinitigan bago dumiretso sa lamesa kung nasaan si Maja at Clyde.
Mabilis na tumuwid ang dalawa sa pagkakaupo nang makita kami. Mukhang may pinag usapan sila kanina habang kinukuha namin si Beau. I made sure that Logan's far from Clyde. Kailangan ring mas malapit siya kay Beau...
"Good morning, baby!" ani Maja. "Are you hungry now?"
Hindi kumibo si Beau. Kakagising pa lang kaya mahirap pa siyang paamuin.
Kinuha ni Logan ang pinggan ni Beau at nilagyan niya iyon ng pasta. Marami siyang nilagay kaya sinaway ko. Hindi mauubos ni Beau iyon!
"Tama na... Kaonti lang... Hindi niya iyan mauubos," sabi ko.
"Okay..."
Nang napangisi na ni Maja si Beau ay nagsimula na siyang magsalita ng kung anu-ano.
"How was your sleep, Beau?" tanong ni Clyde.
"Dada!" ani Beau nang bumaling siya kay Clyde.
Napatingin si Maja at Clyde kay Logan. Ayaw ko nang tingnan ang katabi ko dahil alam kong naiinis na siya ngayon.
"Dada Clyde right?" tumawa si Maja.
Lumapad ang ngisi ni Clyde at tumayo pa para halikan si Beau. Kinagat ko ang labi ko. Hindi na gumagalaw si Logan sa gilid ko kaya nilingon ko siya. Tinitingnan niya si Beau na ngayon ay nagpapakarga kay Clyde. I feel like my heart is bleeding in pain. Lalo na noong nakita kong ngumiti si Beau dahil kinarga siya ni Clyde.
"Clyde, let's eat..." saway ko.
"Okay..." Tumawa si Clyde at binalik si Beau sa high chair.
Nilingon ko ulit si Logan na ngayon ay nakatingin na sa pagkain ni Beau. May nagbara sa aking lalamunan. Nahirapan akong lumunok kaya uminom ako ng tubig bago tumayo at lumapit kay Beau...
"Hey... baby... Listen to mommy, okay?" Nanginig ang boses ko. "Daddy will help you eat this time."
Tumingin si Beau sa akin. Naiiyak ako habang sinasabi iyon sa kanya. Ngumuso siya. Ang kanyang labing pulang pula ay kay sarap tingnan. Sa gilid ng aking mga mata, alam kong nakatingin silang tatlo sa akin.
"Dad..." ani Beau.
"Daddy, baby... Daddy will help you eat pasta, o-okay?" nanginig ang boses ko.
Nilingon ko si Logan. Hindi matanggal ang titig niya sa akin.
"Help me eat!" pasigaw na sinabi ni Beau.
"Daddy will help," sabi ko ulit sabay tingin kay Logan.
Nilingon ni Beau si Logan. Kinuha niya ang tinidor at inikot ang kaonting pasta doon. He smiled at Beau. Napangiti rin ako.
Nilapit ni Logan ang tinidor kay Beau. Hinawakan ni Beau ang kamay ni Logan bago tinanggap ang pagkain. He smiled at him sweetly. Mas lalong lumapad ang aking ngiti.
Ilang sandali kong pinagmasdan ang dalawa. Ni hindi ko napansin na hindi lang pala kami ang naroon. Clyde and Maja is here with us. 'Tsaka ko lang napagtanto nang tumunog ang aking cellphone sa tawag ni mommy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top