Kabanata 55

Kabanata 55

You're Happy Now

Ilang tawag na ang ginawa ko kay Clyde at kay Maja. Natatakot ako para sa kanila. Alam kong malayo sila dito sa Laguna at malabong masali pero malubha parin ang takot ko.

"Where are you ba kasi?" tanong ni Maja sa isang iritado nang tinig.

"I'm in Laguna. I'm in the Headquarters of Trion," I confessed.

"What? Why... Why the hell are you there? What's wrong? What happened?"

"Asan siya, Maja?" tanong ni Clyde sa background.

Natigil si Clyde sa pagtatanong nang mukhang may sinagot itong cellphone. The news probably reached my father.

"She's in Laguna... Why are you there?" tanong ni Maja sa akin.

"Something happened. Kina mommy, Katelyn, at Tito Christopher. May barilang naganap kanina sa isang liblib na intersection."

"What? Sinong magtatangka? Wait! Why are you in the HQ of Trion? Portia!" sigaw ni Maja.

"According to Logan, iyong mga tauhan daw ni Sen. Pancho Fuentes. Inutusan yata ng anak niyang si Marina Fuentes, Maja."

"Marina? Why would Marina do that?" tumataas na ang boses ni Maja. "Oh God!" she cried. Mukhang may naiisip.

"I don't know. Something about Tito Christopher running for the senate,"

"Bakit sila nasa Laguna? Sina Tito Christopher?"

"Give me the phone, Maja," Clyde butted in.

Hindi pa nga nakakapagpaalam si Maja ay narinig ko na ang boses ni Clyde sa kabilang linya. Napapikit ako sa sigaw niya.

"Why the hell are you in Laguna? Your father filled me in with the news and he said hindi ka pa daw tumatawag sa kanya! Portia, what is this?" iritadong sinabi ni Clyde.

Sapo ko na ang aking noo. Hindi ko na alam kung alin ang unang ipapaliwanag kay Clyde. I just want them safe in Manila.

"Your dad and Kier are going to Laguna to visit your mom-"

"Clyde, please whatever happens, stay there. Stay with Maja and Beau. Paigtingin niyo pa lalo ang seguridad diyan. I know we're not their target, I just want my son safe!" sabi ko.

"You have to tell me why you're there, Portia!" he demanded.

"Clyde, stop it! Hindi ito ang oras para magpaliwanag si Portia-"

"You got shot three years ago by the same people. Why would you fucking risk it?" sigaw ni Clyde.

"Clyde, please... I'm safe. I'm in Logan's headquarters-"

"Headquarters? Goodness, Portia! At bakit mo kasama si Logan?"

"Clyde! Give me the damn phone!" ani Maja.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na alam kung paano sila pakalmahin. I just really hope this will all turn out just fine.

"Portia, saang ospital sina Tita? And hell, are you really safe there?"

"Yes, I am safe. Hindi ko pa alam saang ospital. Hinihintay ko pa si Logan."

"What? Logan's not there?"

"He's with my mom, sa ospital. Tito Christopher and Katelyn got shot!"

"What?"

Ilang minuto ko pang pinaliwanag kay Maja ang nangyari. Ilang minuto ko rin siyang kinumbinsi na maayos ako dito.

Pagkatapos ng tawag ay huminga ako ng malalim at umupo sa kama. May kumatok sa aking pintuan. Kumalabog ang puso ko. I'm paranoid. Siguro ay dahil na rin sa nangyari.

"Sino 'yan?" sigaw ko.

"Si Boris 'to... Ihahatid ko sana ang almusal mo."

Humupa ang kaba ko. Ngayon ko lang napagtanto na umaga na nga pala at hindi pa ako nakakakain. Not that the situation needs it.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Nakita ko iyong agent nina Logan na may bandage na sa braso. Isang kamay lang ang may dala ng tray na may lamang breakfast, tubig, at gatas. Hindi siya makatingin sa akin.

"Salamat," sabi ko sabay kuha sa tray gamit ang dalawang kamay.

"Pabalik na si Logan. Kumain ka na para hindi kami mapagalitan," aniya.

Sa kabilang kamay niya ay may paperbag siyang dala. Inilahad niya iyon sa akin.

"Alam ni Sanya na wala ka rawng dalang damit kaya ipapahiram ka niya nito."

Kung normal lang ito na araw ay tatanggihan ko iyon. But then I need the clothes. Tinanggap ko ang bag at nagpasalamat na. Umalis din siya pagkatapos kong magpasalamat.

Tiningnan ko ang pagkaing nasa kama. Ni hindi ako nagugutom dahil sa lahat ng nangyari. Inuna ko na lang ang pag aayos ng sarili. I need it to clear my mind pero naging bigo ako. Sa loob ng bathroom, lahat ng naiisip ko ay ang nangyari kanina.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang mga damit ni Sanya. Hindi ito tulad ng mga normal kong damit pero hindi na ito ang oras para mamili. Naka itim na racerback ako at kulay gray na jogger pants.

Lumabas ako ng bathroom para isunod ang almusal. I need to eat, kahit na hindi naman ako nagugutom.

Bumukas ang pinto at naaninag ko si Logan. Halos mapatalon ako at mapatakbo patungo sa kanya. Kung hindi ko lang nakita ang dugo sa kanyang damit na panigurado'y dugo ng kapatid ko.

"Kamusta?" tanong ko.

Hinubad niya ang kanyang t shirt. Binunot niya ang dalawang baril sa kanyang tagiliran at nilapag niya iyon sa coffee table. Walang imik niyang tinungo ang bathroom.

Sumibol muli ang kaba sa akin. He looked morbid. Hindi kaya may nangyaring masama kay Katelyn o kay Tito Christopher?

Tumayo ako at tiningnan ko siya sa loob ng bathroom. Naghilamos siya at naghugas ng kamay. The muscles in his back were strained and firm.

"Logan," I said.

Kumuha siya ng tuwalya at nagpunas bago humarap sa akin. Kinain ng malalaking hakbang ang distansyang pumagitna sa amin. Nanlaki ang mata ko nang nilahad niya ang kanyang braso at mahigpit akong niyakap.

His embrace was warm and heartfelt. Naririnig ko ang bawat pintig ng puso niya.

"What happened?" tanong ko ulit.

"I'm just glad you're fine..." aniya.

Ilang sandali pa siyang nanatiling nakayakap. Pumikit ako at hinayaan siya sa kanyang ginagawa.

Unti unti siyang kumalas at humarap sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi at tiningnan ang suot ko mula ulo hanggang paa.

"Your Tito Christopher is stable. Sa braso ang tama niya. Katelyn's in the operating room. They're still removing the bullet, Porsh," aniya.

Nanuyo ang lalamunan ko. "How about the criminals? Nahuli ba?"

"Nakatakas ang iba pero may mga nahuli. Sen. Pancho Fuentes will testify. So there's nothing to worry. Eventually, mahahanap din natin si Marina. My agents are at it."

Tumango ako. Hindi ko parin mapigilan ang pag aalala.

"How about mommy? How is she dealing with this?" tanong ko.

"You're mom's waiting for the operation. Do you want to visit the hospital? I heard your dad's on his way."

"Yes. Please..."

"I need to wash up. Can you wait?"

"Yes..." sabay tango.

Hinalikan niya ako sa noo bago siya tumulak patungo sa banyo. Bumagsak ako sa kama. Tinitingnan ang pagkain kong hindi ko parin nagagalaw.

It took us an hour to get ready. Naka itim siyang jacket at pants. Hinawakan niya ang kamay ko habang pababa kami sa hagdanan. Tumayo kaagad ang mga agents na sasama sa amin sa ospital.

Tahimik ang naging byahe patungo doon. I saw our car. Marami ring media at may ilang sasakyan ng mga pulis doon.

Lumabas kami ni Logan sa sasakyan. Nakita ko kaagad si Kier sa bukana ng ospital. Binaba niya ang kanyang cellphone nang makita ako.

"Where have you been?" tanong niya ngunit ang mga mata ay nanatili na sa likod ko kung nasaan si Logan.

"I brought her to my headquarters, Kier. That's the safest place for her," paliwanag niya.

Napatingin si Kier sa akin. Kitang kita ko ang makahulugan niyang titig. I'm sure he's wondering if I'm with Beau. Umiling akong bahagya. Tama lang para maintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"We should... transfer your sister and your Tito, Porsh. Mas maiging sa Maynila sila..."

"Tita Carina wants it here. And I agree. Mas maiging nandito para mas mabantayan ang seguridad nila. Hindi malayo ang headquarters namin dito."

Nagsimula kaming maglakad patungo kung nasaan sina mommy. Kabado ako habang naglalakad kasama si Kier at Logan.

Malayo pa lang ay naaninag ko na si daddy na tinatahan si mommy sa labas ng room.

"Kung ganoon, kailan sila makakabalik ng Manila?" tanong ni Kier.

"We'll wait for Tito Christopher..." ani Logan.

"Dad!" sabi ko sabay yakap kay daddy. Ang isang kamay niya ay nasa likod ni mommy, hinahaplos ito para patahanin.

Humagulhol si mommy sa kanyang balikat. Hinaplos ko rin ang kanyang likod. I know we're not in good terms but now is not the time to bring that up.

"Kamusta na po si Tito Christopher? Si Katelyn?" tanong ko.

Nag angat ng tingin si Daddy sa akin. Tila naguguluhan kung paano ako napunta dito pero mas inunang sagutin ang mga tanong ko.

"Your sister's still in the operating room," ani daddy.

"Hindi pa ba natatanggal ang bala? How about tito?"

"He's recovering, Portia. Why are you here in Laguna?" tanong ni Daddy.

Sumulyap siya sa kay Logan. Hindi niya na hinintay ang isasagot ko. Tinikom niya na lang ang kanyang bibig at bumaling kay mommy.

"Tita, bakit kayo nagpunta ng Laguna? Sa madaling araw pa?" tanong ni Kier.

"It's the only way we think we'll be safe..." Humikbi si mommy.

Hinawakan ni Logan ang aking palapulsuhan. Patungo rin kaya sila sa Headquarters ng Trion?

"We assured you we'll do something about this, Tita Carina. We sent you agents... But then again, it's too late to think about that now..." ani Logan.

"Bakit ba kasi kayo bumyahe pa ng madaling araw ng ganoon ka layo?" iritadong tanong ni daddy.

"We think we're safe in the Trion Headquarters! We can't wait for the next day, Leoncio! Christopher received some news about the attack! Hindi namin alam kung saan mangyayari-"

"You should've called the police kung hindi kayo kuntento sa lakas ng guards ninyo!" ani daddy.

"Dad, calm down. It's too late to point fingers now..." ani Kier.

Ilang oras pa kaming naghintay na matapos ang operasyon. Binigyan na rin kami ng permisong bisitahin si Tito sa loob ng kanyang silid. Iyon nga lang, pagkapasok namin ay tulog siya. Lumabas si Logan, Kier, at daddy doon. Nanatili kami ni mommy sa loob.

Patuloy ang paghikbi ni mommy sa gilid ni Tito Christopher. Humugot ako ng malalim na hininga. I don't know what to say to her. Naisip kong lumabas na lang para makibalita sa operasyon ni Katelyn. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay natigilan na ako.

"You're probably happy now..." ani mommy.

Wala siyang maaaring kausapin sa loob ng silid kundi ako. Tito's asleep, after all. Bumaling ako kay mommy sa pagtataka.

"You're happy now... Now that your sister's condition is critical!" ani mommy.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makatakas ang panunumbat at pang uusig sa tono niya. I feel like I'm to blame for all of these.

"Bakit ako magiging masaya? I care for you both. And for Tito... Mom, please don't make this an issue. Marami nang nangyari at iisipin mo paring masaya ako sa sitwasyon-"

"She needs Logan right now! Magiging makasarili ka parin ba, Portia? Hahayaan mo paring masaktan ang kapatid mo para lang sa sarili mong gusto?"

Nanginig ang labi ko. Hinarap ko siyang mabuti. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Nanginginig na ako sa galit at pagtatampo. I can't believe she thinks I am that kind of girl.

"Hindi ako nakikipag kumpitensya. If she needs Logan for her security, hindi ko po pinagbabawalan si Logan. I only care about your security, Mom and you can't see that? I am so tired of this... Hindi po ba kayo napapagod? Nagkatrahedya na at lahat lahat, ito parin ang inaalala ninyo?"

Natigil ako nang may biglang kumatok sa pintuan. Hindi pa nabubuksan ay binuksan na ito ni Kier. Bumagsak ang mga mata ko sa sahig.

"The operation's successful. Katelyn's fine. Natutulog nga lang but she's fine," ani Kier.

"Oh God! Thank you!" sigaw ni mommy sabay tayo at takbo palabas.

Nanatili akong nakatayo doon sa loob. Nangilid ang luha ko. Kahit noong nabaril ako, hindi ko siya halos nakita noong mga sandaling nasa ospital ako. She disliked me so much. She probably hated my existence... Kung ganoon, bakit niya pa ako binuhay noon? If she's going to hate my existence, bakit niya pa ako nagawang buhayin?

Pinalis ko ang luha sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim at ilang sandali pang nanatili.

Bumukas muli ang pintuan ng silid. Napatingin ako sa sumungaw doon. It was Logan.

"Are you okay?" tanong niya. "Nasa silid ni Katelyn ang mommy mo."

Tumango ako. "I'm fine..." Tumuwid ako sa pagkakatayo. "I need to go back to Manila."

"We'll go back there together-"

"No... Sasama ako kina Kier. Don't worry about me. I'll ask dad for bodyguards-"

"I can give you three agents. Sumama ka na lang sa akin," ani Logan.

"No... They need you here. Mom needs you here. You should stay here. I'll be fine. Besides, hindi naman ako ang target. It's Tito Christopher. And you told me you're agents and the authorities are pursuing Marina. Hindi na iyon magpapakita muli..."

"I'll send you three agents, then," malamig niyang sinabi.

Nag iwas ako ng tingin. If that's what it takes para lang mapanatag ang loob niya at hayaan niya akong umalis...

"Okay..."

Lumapit ako sa kanya para makalabas niya. Pinagmasdan niya akong mabuti dahilan kung bakit hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Nang nakalabas na kami ay niyakap niya ako. Nilagay niya ang ulo ko sa kanyang balikat.

"In two days, I'll be in Manila. Wait for me, okay?"

"Okay..." nanghihina kong sinabi.

"Please be safe."

Ngumiti ako at tumango muli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: