Kabanata 51

Kabanata 51

Feel Free

"Portia, is it true... Ikaw ba ang rumored girlfriend ni Logan?"

Maagap akong umiling. "I'm not his rumored girlfriend."

Napatingin si mommy kay Katelyn. Para bang concerned siya sa magiging reaksyon ni Katelyn sa sinabi ko.

"See, mom... I'm sure hindi si Portia iyon."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Katelyn. Bahagya akong kinabahan. I know that I shouldn't be nervous. Hindi naman talaga ako ang rumored girlfriend ni Logan.

"She's just Logan's employee. That's all..."

Bumaling si Katelyn kay mommy. Napatingin naman si Mommy sa akin. Pakiramdam ko, hindi niya pa nasasabi kay Katelyn na may anak kami ni Logan. I'm not sure if that's good, though. Pag malaman ni Katelyn, maaaring sabihin niya iyon kay Logan.

"Kailan kayo huling nagkita ni Logan?" tanong ni mommy.

"Nagkita kami kanina para sa project-"

"Hindi ba ay malinaw kong sinabi sa'yo to drop that project and give it to your sister?" mariing wika ni mommy.

Sumulpot si Mary, karga karga si Beau. Sasagutin ko na sana si mommy ngunit hindi ko ginawa. Nilapitan ko si Beau at hinalikan sa noo.

"Mary, isama mo muna si Beau sa kitchen."

"Ma'am, sabi niya he wants to see you," ani Mary.

"Mommy! Done work?" ani Beau sabay dipa. Gusto ko siyang abutin at hagkan muli pero ayaw kong narito siya dahil sa pinag uusapan namin nina mommy.

"Yes, I'm done. Mommy will play with you but first, you have to take your night bath!" maligaya kong sinabi.

Ngumiti ako. Ngumuso siya. He's beginning to really look like his father. Palagay koy ni isang feature sa kanyang mukha ay wala siyang namana galing sa akin.

"Mare, ikaw na muna ang magpaligo sa kanya."

"Sige po..." sagot ni Mary.

"Mommy!" naiiyak na si Beau habang pinapasok si ni Mary sa kanyang kwarto.

Hindi ko pwedeng iwan sina mommy dito, gaano ko man ka gusto. Humalukipkip si mommy samantalang si Katelyn ay nanatiling mukhang positibo.

"What project is that again, Porsh?" tanong ni Katelyn sa isang magandang tono.

"It's... It's his house at Forbes Park."

"Paano ka niya nakuha bilang designer? Sa exhibit ba? Sa... ano?" Kumunot ang kanyang noo.

"I... made the designs for Tristan Towers. Doon niya ako kinuha para sa kanyang bahay."

Tumango si Katelyn at umupo sa sofa. Bumaling si mommy sa kanya. Parang hindi parin kuntento si mommy sa mga sagot ko.

"Where's that bar again, Kate?" tanong ni mommy.

"Ang alin mom? Kung saan nakita si Logan kasama iyong rumored girlfriend niya? It's not Portia! Alam ni Portia na gusto ko si Logan, hindi niya magagawa iyon."

Nanliit ang mga mata ko kay Katelyn. Alam niya ang tungkol sa amin ni Logan noon. I'm sure Logan gave her an idea. Sa loob ng ilang taong pagkakaibigan nila habang wala ako, paniguradong may alam na siya tungkol doon. Nasabi niya pang maghihiganti si Logan sa akin, paniguradong alam niya.

"I'm not his rumored girlfriend..." sabi ko.

Umiling si mommy. "Nakasama mo ba siya noong weekend sa isang bar, Portia?"

Alam kong ganyan ang tono ni mommy dahil boto siya kay Logan para kay Katelyn. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinapalabas niyang kasalanan ko pa na magkasama nga kami ni Logan doon.

"Yes, magkasama kami sa Prive... It's Tessa's birthday. He got invited, I don't know..." Nagkibit ako ng balikat.

Doon napawi ang ngiti ni Katelyn. Tumitig siya sa akin na parang may ginawa akong masama sa kanya. Her wide eyes bore into me like I'm the most ridiculous thing ever happened to Earth.

"Hindi ba, matagal na kayong wala?" tanong ni Katelyn sa isang mas malumanay na boses.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. Ibinalik muli nang nagpasya akong sasabihin ko ang lahat ng kailangan niyang marinig.

"Oo, matagal na. Three years ago..."

Tinikom niya ang kanyang bibig. Tumayo siya at lumapit sa akin. Gumapang ang kaba sa aking dibdib. Nawala na ang masayang disposisyon niya kanina.

"Hindi ba ay dapat nilalayuan mo siya, Portia?" tanong ni mommy.

"I have a project with him. I can't just run because-"

"Then breach the contract, I told you!" sigaw ni mommy.

Napaatras ako. Hindi ko alam na mauulit ulit ang nangyari sa kanilang bahay.

"So... you are that girl?" tanong ni Katelyn sa isang mas malumanay na boses.

Pumungay ang mga mata ni Katelyn. Nakita ko ang awa at panghihinayang doon. Taliwas sa mga mata ni mommy na purong galit lamang.

"Noong nasa ibang bansa ka pa, he clearly told me that he wanted revenge," mariing sinabi ni Katelyn.

Natahimik si mommy. Napatingin siya sa kanyang anak. Nagtiim bagang ako. I know about that, though. Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado sa mga ginagawa ni Logan. We can never truly trust anything in this world. We can only have faith. We can only hope. Iyon lamang ang panlaban.

"And now that you're here, he'll make sure you're going to be miserable. Lalo na noong nalaman niyang hindi kayo kasal ni Clyde..."

"I would never be miserable anymore. I have Beau with me. I'm fine with my son. I don't need anyone else."

Tumawa si mommy. "Portia, don't make me laugh. I know you still hope for Logan to take you back. Masasaktan ka lang dahil purong paghihiganti ang gusto niyang mangyari sa inyo. You should just detach! We don't want you hurt."

Binalewala ko ang sinabi ni mommy at nagpatuloy ako.

"I don't know why you two are here. Kung pagsasabihan niyo ba ako tungkol sa paghihiganti ni Logan sa akin o sasabihin niyong lumayo ako dahil gusto siya ni Katelyn. I don't really have any other agenda with Logan. I just want to earn for myself and for my son. We have to prepare for our future."

"Hindi ka ba natatakot? Masasaktan ka uli. I know what happened between you and Logan years ago. Alam ko rin kung bakit galit siya sayo ngayon. Maaari ka niyang saktan."

"You will eventually get hurt. You're hoping for him, so you really will," ani mommy.

"Thanks for the concern but I can never hurt again the way I got hurt years ago. Tingin ko ay sagad na iyon. Nalampasan ko iyon kaya hindi na ako natatakot. I really appreciate your concern..."

"So you're not interested with him anymore?" Lumiwanag ang mukha ni Katelyn.

Hindi ako nakasagot. Totoong ayos na ako na ganito kami ni Beau. But I admit it, a part of me wants to have a complete and happy family for Beau. At isa pa, hindi ko maitatangging mahal ko parin si Logan hanggang ngayon. Bakit nila ako tinatanong ng ganito? Is it necessary? Is it because they're concerned or because they want help from me?

Nanatili akong nakatikom. Nagtitimpi.

"Hindi ba ay tutulungan mo ako sa kanya? Alam kong minahal ka niya noon kaya siya nagalit sayo pero wala na ngayon, 'di ba? And you don't love him too! And you know I like him now..."

Hindi ako kumibo. Nanatili akong palipat lipat na nakatingin kay mommy at kay Katelyn. Sa aking ina at aking kapatid na nasa harap ko at nanghihingi ng tulong.

"Answer, Portia! Tutulungan mo ba ang kapatid mo?"

Napatalon ako sa sigaw ni mommy. Galit na galit siya sa pagsasawalang kibo ko. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Dinaramdam ko ang init na namumuo sa gilid ng aking mga mata.

For years, I yearned for my parents' love and care. I longed for my mother's love and concern. I want her attention. Ginagawa ko ang lahat sa school. I make sure she can be proud of me. I make sure I excel in anything. I make sure I please her. Sinusunod ko lahat ng gusto niya para lang makita niyang mabuti akong anak. Para lang maappreciate niya ako. Para lang mapatingin man lang siya sa akin.

"That's a very simple thing, Portia! Mahal mo pa ba si Logan kaya ka nagkakaganyan?" sigaw ni mommy.

Napapikit ako sa sigaw niya. I can't answer her. Pakiramdam ko ay sobra sobra ko siyang madidisappoint sa sasabihin ko sa kanya.

Ayaw na ayaw kong nadidisappoint siya. I want her attention. I want her love. I want her to be proud of me. I want her to accept me.

"You want to be with him again? Mas pipiliin mo siya kesa sa iyong kapatid? Sa iyong pamilya? We've been here for years and yet ipagpapalit mo ang kapatid mo... at ako?"

Nalaglag ang panga ko. No... I don't want to ruin my family. Mahal na mahal ko si mommy. Lumandas ang luha galing sa aking mga mata. Bakit ang hirap? Lahat sinusuko ko noon, pero ngayon hindi ko magawa. Ang hirap. Ang hirap ng gustong mangyari ni mommy.

Is it really worth the sacrifice? Napatingin ako kay mommy na ngayon ay pulang pula ang mga mata. Naiiyak na rin siya sa galit at sa frustration. I feel like giving this up means giving my all... my everything.

"This is the reason why I didn't want to take you. Alam kong hindi ka magiging masunurin. Alam kong hindi ka magiging katulad ni Katelyn. Alam kong iba ka. Alam kong hindi mo papahalagahan ang pamilya!"

Parang sinasaksak ang puso ko sa mga katagang binitiwan ni mommy. After all the sacrifices I made all these years, hindi parin niya pala ako napansin. Hindi parin ako mahalaga sa kanya. I want to do something... para lang maipakitang hindi totoo ang mga paratang niya sa akin pero sana, huwag lang ito!

"Wala kang pagpapahalaga sa pamilya! Hindi mo pinagbibigyan ang kapatid mo! Gusto mo sigurong masaktan siya!"

"Tama na po..." pagmamakaawa ko.

"Tama na? Portia, if the man doesn't love you... only wants you for revenge, do you really think magiging masaya ka? Ikaw ang may alam na iyan ang gusto niya sayo, dapat ikaw ang lumayo!" ani mommy.

Humikbi ako. Hindi ko napigilan ang pag iyak ko. Natatakot ako dahil masyadong buo ang loob ko.

"He's my son's father..." sabi ko.

"That doesn't mean you two should marry! Hindi dahil siya ang ama, mamahalin ka na niya. Huwag mong gawing dahilan ang anak mo! Use your brain! Stop feeling too much! Kaya ka mahina!" sigaw ni mommy sa akin. "Don't cry! You're just being weak again!"

Pinigilan ko ang luha ko ngunit hindi ko magawa. Kasalanan ba ang umiyak? Ang pag iyak ba ang batayan kung malakas ka o mahina?

"Hindi ko sinabing mamahalin niya ako dahil may anak kami, mom. I don't know what's your point. Bakit ninyo ito binabatong lahat sa akin ngayon! If you're really concerned and you don't want me hurt kaya kayo nandito, bakit sinasaktan ninyo ako sa mga salita ninyo?"

Umirap si mommy. Para bang sobrang walang kwenta ng sinabi ko.

"I want you to open your eyes. This is your reality, Portia. You're hurt because it's true. You still like that man, kaya hindi mo siya maipaubaya sa kapatid mo. And he doesn't even like you. He only wants you for revenge!"

"Matagal nang bukas ang mga mata ko. And if it's true, if he really wants me for revenge, then I don't care! He deserved his revenge! I probably deserve to get hurt. I accused him of a crime he didn't do-"

"Paano si Katelyn? You don't care for your sister! Kahit katiting, hindi mo siya pinapahalagahan? All we did was take care of you, simula pa lamang noong bata ka pa at ito ang ibinibigay mo sa amin ngayon? How ungrateful!"

Tila napigtas ang katiting kong pasensya. Hindi ko malunok ang mga sinabi ni mommy. I love my mom but I can't believe she's capable of saying it!

"Mom! Simula pa lang noong bata pa ako, ibinigay ko lahat sa inyo! Ang lahat lahat. Malaki man o maliit na bagay! Ayaw kong bilangin ang lahat dahil ibinigay ko iyon na magaan sa aking kalooban! And even when it's not easy for me, I still gave up some things! I gave up painting for Katelyn. I almost gave up art for her! I gave up dad's house because I want to live with you! But in the end, ipinaubaya mo ako sa iba. I know!"

Pinalis ko ang luhang lumandas sa aking pisngi.

"I know I'm just a burden for you and for dad! Ilang beses mo kayang hiniling noon na sana hindi na lang ako nabuo? Ilang beses mo kayang binalikan ang lahat ng pangyayari? Ilang beses mo kayang naisipang ipakuha ako noong nasa loob pa lang ako ng tiyan mo!?"

Lumagapak ang sampal ni mommy sa akin. I was stunned for a moment.

"Portia! Stop it! You're being stupid!" sigaw ni Katelyn sabay hawak sa braso ni mommy.

"How dare you say that! Nag sakripisyo ako para sa'yo!"

Hinawakan ko ang mahapdi kong pisngi. Mamasa masa ito dahil sa luhang bumuhos habang nagsasalita ako.

"I know... Kahit na lagi kong niloloko ang sarili ko. Lagi kong iniisip na busy ka lang kaya di mo ako naaalagaan. I know... Deep inside, alam ko kung bakit hindi mo ako naaalagaan. I am the unwanted child. Hindi ninyo sinadya ni daddy na mabuo ako. At noong nabuo ako, pwedeng pwede lang akong itapon kahit saan. I'm disposable. Least priority. No... Not even in the list of your priorities! Alam ko iyon, mom. Alam ko 'yon pero I still chose to believe that somewhere in your heart, you'll be a mom to me. A real family. Because that's what you should be. Because you're my mother!"

"Are you saying that I'm not a good mother to you!? Dahil lang dito? Dahil lang gusto kong tigilan mo si Logan, Porsh?" umiling si mommy. "Goodness! You're bringing all these things up for that? Gusto ko lang ang protektahan ka! Ayaw ko lang na masaktan ka!"

"Hindi!" sigaw ko kaya siya natigilan. "Gusto mo lang na maging maayos silang dalawa ni Katelyn! Gusto mo lang na mag sakripisyo ulit ako para kay Katelyn! That's not because I might get hurt! Damn you don't even care if I got hurt, right?"

Isang sampal galing kay Katelyn ang lumagapak sa aking pisngi. Nilingon ko kaagad siya at matalim na tinitigan.

"Hindi ito ang sukatan para sabihing mahal ko kayong dalawa! I love you two na kaya kong patawarin kayo sa kahit ano. Sa kahit anong pagkukulang. But this one? No..." Umiling ako. "I am not going to give Logan up!"

"Portia, you've gone mad!" ani Katelyn. "For a man?"

Umiling ulit ako. "Kung gusto niya mang maghiganti..." Dumipa ako. "Well then, feel free to hurt me. I am not giving this one up just to prove to you that I'm your family! Hindi ito ang magiging batayan-"

"I can't believe you! Huwag na huwag mo kaming tawagin kapag nasaktan ka niya, Portia!" Hinablot ni mommy ang kanyang purse sa aking coffee table at mabilis siyang nagmartsa sa aking pintuan.

Pumikit ako ng mariin. Is that all? I can't believe this is going to end like this. Ni hindi niya nakita ang lahat ng ibig kong sabihin.

Pagkadilat ko ay si Katelyn na lang ang nasa aking gilid.

"You don't need to give him up. He'll be with me eventually, sis. Pagkatapos ka niyang saktan at lasug lasugin." Ngumiti siya bago sumunod kay mommy.

Padabog nilang sinarado ang aking pintuan. Pagkalabas nila ay 'tsaka lamang nanginig ang aking tuhod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: