Kabanata 49
Kabanata 49
Project
"You mean to say you have plans in marrying Logan Torrealba because he's Beau's father?"
Hindi ko inakalang kayang tanungin iyon ni mommy sa akin. Hindi iyon ang ibig kong sabihin sa pagtutol sa pagtulong kay Katelyn. I don't want to be involved in Katelyn's pursuit of him. Respeto sa aking sarili at respeto na lang sa aking anak. Iyon ang gusto kong sabihin. But she got it the wrong way...
"Mom, hindi ganoon-"
"For God's sake, Portia! If he's Beau's father, bakit hindi pa kayo nagpapakasal? That can only mean one thing... At itinago mo pa sa akin ito? You made me believe that Clyde's the father of Beau?"
"Tita, hindi po sinabi ni Portia iyon..." singit ni Clyde.
"Walang alam si Logan tungkol kay Beau, mom. You know what happened between us years ago. Paano ko ibabalita sa kanya iyon when I thought our lives are in danger when he's around?"
Hindi nakasagot si mommy ngunit bakas parin sa kanyang mukha ang disappointment. Para bang kahit anong sabihin ko ay hindi niya papaniwalaan o hindi niya papanigan. She would always find a way to point out my flaws. She would always justify herself.
"Ridiculous! That's a stupid excuse! And besides, bakit hindi ka tutulong kay Katelyn? Do you believe that you two can still be together? Are you hoping for that?" pasigaw niyang sinabi.
"Tita, tama na po..." pigil ni Clyde habang sinusuportahan ang aking siko.
Marubdob ang pagtitimpi ko para lang hindi siya masigawan pabalik.
"I am not hoping for us to be together, mom-"
"Do you think he would choose you just because you have a child, Portia? You'll use Beau para makuha mo siya ulit?"
Nanlaki ang mata ko. Hinding hindi ko iyon magagawa.
"It's not like that, mommy! Hindi ko kayang gawing paing ang anak ko para lang bumalik si Logan sa akin! I would rather live alone with Beau than make him come back to me just because of a responsibility!" sigaw ko.
"Then live peacefully with Beau! Don't hope too much for that! I thought you learned from my experience, Portia? Noong nasa tiyan pa lang kita, hindi ka kayang panagutan ng iyong ama! Hindi niya ako kayang pakasalan dahil lang nabuo ka! Of all people, ikaw ang dapat nakakaintindi na hindi susi ang bata para maibalik ang ama!"
Nagbabadya ang luha sa mga mata ni mommy. Parang pinipiga ang puso ko habang tinatanggap lahat ng mga sinabi niya. I know. Alam ko ang ibig niyang sabihin. And yes, of all people, I should know. I know.
"Alam ko, mommy. Pero I want to respect my child. I want to respect Logan's decision. I don't want to be part of this. Hindi ko sila hahadlangan, mom, pero pakiusap, huwag mo na po akong gawing instrumento para sa kanila. He's... my child's father." Nangilid ang luha sa aking mga mata.
Matalim akong tinitigan ni mommy. Isang lagok ang ginawa niya sa wine sa kopita bago bumaling kay Clyde.
"Drive them home after this. I'll check on Katelyn..." ani mommy at hindi na ulit ako tiningnan.
Hinintay kong makaalis siya bago huminga ng malalim. Nilingon ko si Beau na inosenteng kumakain sa tabi ni Mary. Kitang kita ko ang panginginig ni Mary. Siguro ay natakot din siya sa nangyari.
"Porsh, we should go..." ani Clyde.
"Yeah!"
Tumango ako at dinampot ang aking mga damit para makapagpalit na sa bathroom.
Hindi na ako nagpaalam kay mommy. I don't know how to face her after that row. Hinatid kami ni Clyde patungo sa aking unit. Umupo kaagad siya sa sofa habang ipinasok ni Mary si Beau sa kwarto dahil tulog at pagod ito sa byahe.
"Are you okay?" tanong ni Clyde.
"Yup. I'm fine..."
Pabalik balik akong naglakad sa sala. Kumuha ng juice si Mary at nilapag niya sa coffee table. Nagsalin kaagad ako para makalmante.
"I understand what you did there, Porsh. It's okay."
Umupo ako sa tabi ni Clyde at napahilot sa aking sentido. I am not going to apologize for anything. Nanindigan lamang ako. Hindi ko gagawin ang mga bagay na labag sa akin.
"Kakausapin ko ulit si Tita."
"Huwag na, Clyde. Let us settle this. Labas ka dito. Ayaw kong pati ikaw ay awayin din ni mommy just because of my problem."
"I'm sure Katelyn would understand, right? Kung malaman niyang anak ni Logan si Beau ay maiintindihan niya..."
Tumango ako. "I hope so..." Pumikit ulit ako ng mariin. Kahit na nangangarap akong ganoon nga ay alam ko sa kaibuturan ko na maaaring hindi niya iyon maintindihan.
Hinilot ko ang aking sentido. Hinaplos naman ni Clyde ang aking buhok at tinulak niya ang aking ulo pabagsak sa kanyang dibdib.
"Huwag mo masyadong problemahin ito, Portia. This will pass. She's your mom. She got carried away. I'm sure tatawag iyon at mag aapologize sayo the next day..."
I stiffened. Pero agad rin akong nagrelax. Mabuti na lang at nandito si Clyde.
Pareho kaming napatingin sa pintuan nang biglang pumasok si Maja. May spare key siya sa aking unit dahil madalas siyang dito umuuwi noon. Napatalon siya nang naabutan kaming ganoon ni Clyde.
Tumuwid ako sa pagkakaupo at sinalubong siya.
"Uh, I'm just here to put my clothes inside the cabinet, Porsh. Aalis din ulit ako." Hindi makatingin si Maja sa akin.
"Oh! Sure, sure..." Sinamahan ko siya patungo sa kanyang kwarto. "Ang tagal mong hindi nakabalik. Miss ka na ni Beau."
Tipid siyang ngumiti at pumasok na sa kanyang kwarto. "I missed him too. Asan siya? Nasa kwarto?"
"Yup. Tulog siya. Kakagaling lang namin kina Mommy. Nagswimming siya doon."
Ikinwento ko sa kapatid ko ang pag aaway namin ni mommy kaya bahagya siyang natagalan. Nahihiya nga ako dahil may lakad pa daw siya. In the end, sabay na sila ni Clyde na umalis.
Dalawang araw na ang lumipas ay hindi parin tumatawag si mommy para mag apologize, tulad ng naisip ni Clyde. Natapos ko rin ang pinadesign ni Logan na master's bedroom. Ang kamang napili niya ay masyadong malaki para sa dalawang tao. But who am I to comment on that? I work with the resources he gave me. Besides, malaki nga naman ang master's bedroom niya.
Inayos ko ang aking damit. I'll meet him today. Doon ang meeting namin sa conference hall ng Del Fierro building. Nagtaka tuloy ako kung may building ba ang Trion Realty? And where is it? Nasa building din kaya ito ng Trion? Saan naman ang Trion? Hindi ko alam ang mga iyon.
"Nasa loob na po si Mr. Torrealba, Ma'am," anang babaeng nasa tanggapan.
Naka floral body con dress ako ngayon. Inayos ko ulit iyon sa pang ilang beses na bago naglakad papasok sa loob ng conference hall. Are we going to be alone?
Nang pinihit ko ang pintuan ay nakita ko kaagad siyang nakaupo sa gitnang swivel chair. Bahagya akong nahinto sa paghakbang. Dapat ay hindi ako magpasindak. Ano ngayon kung kaming dalawa lang? Kinalma ko ang sarili ko.
Nilapag ko kaagad ang aking laptop sa lamesang pumapagitna sa aming dalawa. Pinapanood niya ako habang inaayos ag laptop. I didn't even greet him. Whatever.
Nag angat ako ng tingin sa kanya nang natapos ko ng ayusin ang laptop at projector. Nilapag ko sa kanyang harap ang mga kopya ng aking design sa kanyang bedroom at bathroom.
"Ito ang nagawa ko base sa mga resources at furniture na binigay mo sa akin," sabi ko.
I clicked my laptop. Nasa harap na namin ang mas detalyado larawan ng disenyo.
"I made some tweaks but of course it is still based on what you told me..." sabi ko.
Tiningnan niyang mabuti ang aking gawa. As expected, he's not going to just say yes to this. Bahay niya ito, hindi niya kayang ipaubaya ang lahat sa akin.
"Is this the hot tub I requested?" tanong niya.
"Yes, that is." Napalunok ako.
"Is it too small? Or just fine?" Nag angat siya ng tingin sa akin.
"I... I think it's okay. Depending on... of course... If you'll use it. Okay na iyon."
"Pano kapag dalawa kaming maligo, okay lang?"
What the hell?
"Yup. It's big..." Tumango tango ako at nag iwas ng tingin.
"Alright, I am fine with this. Do you like it?" tanong niya.
"Yes... I mean... It's okay. I designed it after all..."
Pinasadahan niyang muli ang aking mga binigay na larawan bago niya ako muling sinipat.
"The next ones are for the remain rooms. Ilang araw mo kayang magagawa?"
"Seven rooms, right? Kung hindi ka nagmamadali, and if you want it unique for each room, puwedeng sa dalawa o tatlong linggo," sabi ko.
"Okay... First two rooms? Pwedeng next week agad?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi ka ba nag aaksaya ng oras at effort? We can meet after three weeks para isang bagsakan na lang ang pitong silid."
"Ikaw? Nag aaksaya ka ba ng oras ngayon?"
Nag alinlangan pa akong umiling. "This is work."
"Then I don't mind. We're meeting next week for the first one or two rooms?"
"I can do two rooms." Tumango ako at naglagay sa aking cellphone ng reminder. "When? So I can set it up?"
"Same time and day. I need your number so I can just text you where our next meeting."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"We can do it here. I'm fine here," sabi ko.
"I want it somewhere in BGC. Malayo na dito," Hindi siya makatingin sa akin. "Give me your calling card."
Kinagat ko ang labi ko at kumuha ng isang calling card sa aking wallet. Nilagay ko iyon sa aming harapan at kinuha niya iyon kaagad.
"Are we done for today? Magliligpit na ako," sabi ko at unti unti nang sinarado ang mga software sa aking laptop para mailigpit na.
"May lakad ka? Bakit ka nagmamadali?"
Humilig siya sa back rest ng kanyang swivel chair. He's intimidating. Kaya imbes na titigan siya pabalik ay nagpatuloy ako sa pagliligpit.
"I need to work on your projects of course-"
"Do you still paint?"
"Yes, I still..." sagot ko.
"I want to buy all your paintings and hang it on the walls of my house..."
Napatingin ako sa kanya. Walang bahid na pagbibiro ang kanyang mukha.
"Mahal iyon at marami..." Really, Portia? Wala kang ibang rason? Mahal? Marami?
"Give me the list of the prices..." aniya.
"Ni hindi mo pa nakikita ang mga paintings ko," giit ko.
"Then let me see it," hamon niya.
"I'll give you my portfolio." Hindi iyong personal.
Biglang bumukas ang pintuan. Nilingon ko kaagad kung sino ang naroon habang nagliligpit ako ng laptop at mga papel.
"Sir, sorry po. Alam kong ayaw mong magpapasok ng iba pero kasi..." halos naiiyak na iyong babaeng nakausap ko kanina.
"Hi!" kumaway ang kapatid ko sa hamba ng pintuan bago pumasok sa conference room.
Tumigil ako sa paghinga. I don't know how to react! Why is she here?
"Hi Porsh! Hi Logan!"
"Katelyn!" Tumayo si Logan at sumalubong sa kapatid ko.
Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa aking puso. No... No... I don't want to feel this. Pilit kong binalewala iyon.
"Katelyn, are you fine now?" tumayo ako at sinalubong na rin ang kapatid ko.
Bumaling si Logan sa akin at bumalik ulit kay Katelyn. "Bakit, nagkasakit ka?"
"Nothing. Just mild fever..." Tipid na ngumiti si Katelyn sa akin.
Nanuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay dapat na akong umalis. I'm ruining whatever meeting they have.
Nagpatuloy ako sa pagliligpit at nang matapos ay bumaling sa kanila.
"Sana ay nagpahinga ka na lang sa inyo. Why are you here, by the way?" tanong ni Logan kay Katelyn.
"Excuse me..." Dammit! "I need to go."
"Oh! You're done with..." Luminga si Katelyn. "Bakit ka nga pala nandito, Porsh? For business?"
"Yup..." agap ko. "A project. So... I'll leave you two..."
Mabilis akong humakbang para makawala sa kanila. Hindi pa sinabi ni mommy ang tungkol sa pagdidisenyo ko para kay Logan. Ayaw niya sigurong magalit si Katelyn sa akin.
Bago pa ako makalayo sa kanila ay hinapit na ako ni Logan sa baywang at hinarap.
"We're not done with our meeting yet. Please sit down," hindi mababaling utos niya.
Tinuro ko ang labasan. "We've discussed the project for next week. I believe we're done."
Palipat lipat ang mga mata ni Katelyn sa aming dalawa. What is he planning to do?
"What project is that? Tristan Towers?" Maligayang tanong ni Katelyn.
"No..." ani Logan at nilahad kay Katelyn ang labasan. "Shall we go..."
"I have important things to do, Logan. If this is not about business, I need to go..."
"Our business is also important. Stay here and we'll be back."
Hinawakan niya sa siko si Katelyn at iginiya sa labas. Napalunok ako habang tinitingnan siyang nakahawak sa siko ng kapatid ko. Ngumiti si Katelyn at kumaway pa sa akin nang palabas sila.
Pabagsak akong umupo at nagmura. Kung may gagawin pala sila, bakit pa niya ako pinabalik ng upo? Dammit, I still need to buy some things.
Hinabaan ko pa ang pasensya ko at nilibang ang sarili sa aking laptop. I opened it and searched for some designs para magkaroon ako ng ideya sa gagawin kong disenyo para kay Logan.
Bumukas ulit ang pintuan. Akala ko ay si Logan na iyon pero iyong sekretarya ang pumasok.
"Ma'am, uh, I'm here to ask if you want coffee, tea, or juice?"
"Ano? Asan si Mr. Torrealba? Isang oras na ang lumipas ah?"
Kinagat niya ang kanyang labi at nakita kong maiiyak na naman siya. "Kasi po... may kausap pa siya. Uh, sabi niya kung pwede daw maghintay kayo."
"Paki sabi rin sa kanya na may gagawin ako. This is a waste of time. I am hungry and I don't need your coffee, tea, or juice. I need to go..."
Tumango tango siya. "I'll tell him but please stay po muna." Nanginig ang kanyang boses.
"Ilang oras pa ba? Please ask him that too. And what business are we going to talk about. We're done with what we need to talk about, bakit pa ako pinapaghintay pa?"
Nangilid na ang luha ng sekretarya. Pakiramdam ko ay sobrang napepressure ko siya.
"Ma'am, okay po... Please calm down. Malinaw po kasing sinabi ni Mr. Torrealba na ano... Ano po bang gusto ninyong pagkain? Magpapadala po ako ng menu..."
"This is going to take that long? Na kaya pang magluto ng pagkain at kakain pa talaga ako dito?"
Suminghot na ang babae. Nanginginig na rin ang kanyang kamay habang naghahanap ng kung ano sa kanyang mga papel. "I... I have the menu for the drinks. Isusunod ko na lang po ang pagkain."
Damn it! Pakiramdam ko ay sisisantihin siya ni Logan kung umalis ako dito kaya ganito siya ka takot. Kinuha ko ang menu at kinalma ang sarili.
"I'll have some juice. Sabihin mo sa boss mo lahat ng hinaing ko," humalukipkip ako at tiningnan ang sekretarya.
Tumango siya at bahagyang yumuko. "Masusunod po, ma'am."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top