Kabanata 48
Kabanata 48
Beau's Father
Nanatili lamang siyang tahimik sa aking tabi. Nakikipag usap sa ilang kakilala ko tuwing tinatanong. Hindi na rin ako nagtangka pang sumayaw. Nanatili ako sa sofa at nakipag usap na lang sa mga kaibigan ko tungkol sa trabaho.
Logan stayed beside me for an hour. I wonder if he's bored. Hindi niya gaanong kakilala ang mga narito. Uuwi na ako, pagkatapos ng tatlumpong minuto pa.
"So you two..." sinipat ng isang kaibigan namin si Logan.
I know what she meant. Kahit na hindi niya na tapusin pa ang pangungusap kaya maagap akong umiling.
"No... No..." sabi ko sabay kuha sa cocktail drink at umiling.
"Oh! Naguguluhan kasi ako..."
Bumaling ako kay Logan na tumayo at may sinalubong. Hindi siya nakikinig sa aming usapan dahil abala din naman siya sa pakikipag usap sa kay Anjo at sa kay Architect Philipp na kakarating lang.
"Ang akala ko, sila ng kapatid mong si Katelyn Cayetano?"
Nagkibit lamang ako ng balikat. I don't know what's the real score between Logan and Katelyn. Katelyn likes Logan, iyon lamang ang alam ko.
Naagaw ni Architect ang tingin ko. Imbes na ipagpatuloy namin ng kausap ko ang pinag uusapan ay mas pinili kong bumaling sa nag uusap na si Logan at Architect Philipp.
"Hi, Portia!" bati ni Architect sa akin.
"Hello, Architect!" Gusto ko sanang magtanong kung bakit siya narito ngunit nawala ang atensyon niya sa akin nang nag usap sila ni Logan.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking mga kaibigan, looking for Tessa and Jade. I have an idea but I want my friends to confirm it. Abala si Tessa sa pagpapakita sa engagement ring na ibinigay ni Lloyd sa kanya samantalang si Jade naman ay hindi ko mahanap kahit saan.
"Porsh, want some beer?" tanong ni Anjo habang nilalapag ng mga waiter doon ang iilang bote ng beer sa aming mesa.
"Hindi na, Anjo. I'll drive and... aalis na rin ako ngayon, it's late."
"Oh! Ang aga mo yatang umalis..."
Sasabihin ko sanang dahil sa anak ko ngunit hindi ko tinuloy. Logan's around. I am not sure if I am ready to tell him or he is ready to hear it yet.
"Pagod kasi ako. Galing pa akong trabaho kanina," paliwanag ko.
Ilang sandali pa ang lumipas bago ko nahanap si Jade sa dancefloor. She's dancing wildly with some guys. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dumiretso na ako kay Tessa. I know I shouldn't ruin this day but I can't help it.
"Tess, look at Jade... I think she's drunk," sambit ko.
Bumaling si Tessa sa aming kaibigan. Umiling siya at tumayo ngunit bago siya tuluyang magpasyang pumunta sa dancefloor ay hinigit na ni Architect si Jade pabalik sa aming mesa.
Nagkatinginan kami ni Tessa. I have a feeling na may kung anong namamagitan sa dalawa, hindi ko nga lang ma pin point iyon. Nag ngising aso si Tessa nang ibalik ko sa kanya ang tingin.
"Hayaan mo na," aniya.
Ngumisi rin ako at tumango. Ilang sandali kong tiningnan si Jade at Architect na mukhang nagtatalo bago ako nag desisyon.
"Tess, I need to go. You know..." I trust that I don't need to explain that one too much.
"O sige..." Nilingon niya ang likod ko.
Sinundan ko rin ng tingin ang kanyang tiningnan. Nagtama ang mga mata namin ni Logan. Nakatingin siya sa akin at mukhang alam niyang aalis na ako. Tumayo siya.
"Take... uhm... care then. Ihahatid ka niya? How about your car?" tanong ni Tessa
Umiling ako. "I can drive. Hindi ako magpapahatid."
"Okay then..." Sumulyap muli si Tessa sa likod ko.
Naramdaman ko na na nakatayo si Logan doon. I don't really know what to say to him. I have yet to find out. Hindi ito madaling desisyon.
"Take care, Porsh..." ani Tessa.
Tumango ako at nag beso sa kanya. "Happy birthday and congratulations again."
Pagkatapos kong magpaalam sa iilang kaibigang naroon ay tumulak na ako. Nagpaalam din si Logan sa kanila, nakabuntot sa akin.
Nang nakalabas na kami sa bar ay hindi na ako nag atubili pang pumunta sa aking sasakyan. Palapit pa lang ay pinatunog ko na ang car alarm nito. I remember it clearly years ago. Na tuwing may dala akong sasakyan ay pinipilit niya akong iwan ito kung saan nakapark para lang maihatid niya ako.
Binuksan ko ang pintuan ng aking sasakyan. Hindi muna ako pumasok. Bumaling ako sa kanya na nakatayo parin sa aking gilid, ang mga kamay ay nasa bulsa.
"Aalis na ako. If you want to enjoy the party, you may. You don't have to go too," sabi ko.
"Aalis na rin ako. I'll watch you go and make sure you're home safely..." seryoso niyang sinabi.
Tumango ako at bumaling sa aking sasakyan. Gusto kong magtanong kung sa parehong condo parin ba siya nakatira pero hindi ko ginawa.
Pumasok ako sa loob ng aking sasakyan at pinaandar na ito. Umalis siya roon sa kanyang kinatatayuan, I bet he'll drive all the way to my building just to see me home. Ganoon nga ang kanyang ginawa.
Hindi kalayuan ang condominuim ko doon at sinundan niya nga ang sasakyan ko. Ayaw ko mang ngumiti ay hindi ko na napigilan. His stalking skills are still his strength, huh?
Linggo nang inimbitahan ulit kami ni Beau at Clyde kina mommy. Pinaunlakan ko iyon dahil gusto ko rin namang ipasyal si Beau kahit paano. Mabuti sa kanya ang outdoors. Mahilig din siya sa pool kaya gusto ko ang ideya na papuntahin siya kina mommy.
We were swimming. Sinamahan ko si Beau, syempre kailangan niya ng kasama habang naliligo. Sina mommy at Clyde lang ang naroon sa lamesa sa pool side.
Niyakap ko si Beau bago nilagay sa salbabida. Tumatawa siya at nag eenjoy sa tubig habang si Clyde ay nanonood sa amin.
"By the way, Tita, asan po ba si Tito Christopher?" narinig kong tanong ni Clyde.
"Ah! Christopher is busy with the business, hijo. By the way, thanks for my favorite wine!"
"Si Portia po ang bumili niyan," sabi ni Clyde.
Tumingin ako kay mommy at naabutan ko ang tipid niyang ngiti para kay Clyde. "Napaka workaholice pala talaga ni Tito. How about Katelyn po? Is she around?"
"Oh, she is in her room, hijo. Masama ang pakiramdam kaya ayaw bumangon." Nilingon ako ni mommy.
Kumunot ang noo ko. "What happened to her, mom? May sakit ba? Nilalagnat o may nakaing masama?"
Huminga ng malalim si mommy. Hindi niya agad ako nasagot. Nagawa ko pang mag laro saglit kay Beau habang hinihintay ang kanyang isasagot.
"She's just probably depressed," hinga ni mommy.
"Why is she depressed?" tanong ko.
"Alam mo, hija... Hindi ba nasabi ko sa'yo noon na gusto ni Katelyn si Logan Torrealba."
Nagkatinginan kami ni Clyde. Kitang kita kong natigilan si Clyde nang sinabi iyon ni mommy.
"She heard a rumor that Logan's dating another girl. Hindi ko nga lang alam kung sino. I wonder who? Do you have any idea?" Hindi makatingin si mommy sa akin. Ibinigay niya ang kanyang atensyon sa pagsasalin ng wine sa kanyang kopita.
"I don't have any idea." Hindi maalis ang tingin ko kay Mommy.
"You know, they were seen in a bar, according to Katelyn's friends. They were not exactly romantic, di umano, pero you know your sister. This is the first time she's interested with someone. Kaya hindi pamilyar sa kanya ang emosyong ito."
Hindi ako nagsalita. Hindi kaya ako iyong nakita ng kaibigan ni Katelyn? Hindi kaya alam ni mommy iyon pero ayaw niya lang akong diretsuhin?
"Tita, Katelyn deserve guys who-"
"Katelyn likes Logan Torrealba," ani mommy na pinutol si Clyde. "Darling, Portia, I know you and Logan are friends. Baka naman may alam ka kung sino iyang sinasabing rumored girlfriend ni Logan?"
Bahagya akong natigilan. Hindi ako kaagad sumagot. Tinuon ko ang pansin kay Beau bago ako nagsalita.
"Hindi ba mas malapit si Katelyn sa kanya, mom. Maybe she knows who the girl is. We were friends years ago. We're not that close anymore right now..."
"Hmmm. Talaga? Hindi ba ay nagtatrabaho ka sa ilalim ng kanyang kompanya?"
"Well, that doesn't mean I know a lot about his personal life."
Tumawa si mommy. Nilingon ko siya at nakita kong uminom siya sa kanyang kopita. Tumitig lamang si Clyde sa kanya, nagtataka sa mga tanong.
"Kawawa naman si Katelyn. She's devastated. Your sister is very depressed about this. She really liked and adored Logan Torrealba. She did everything for him. Alam mo ba na kahit pagpipinta niya ay madalas nagiging inspirasyon niya doon si Logan?"
Hindi ako nakapagsalita. Kung hindi tumawa si Clyde malamang tumaas ang tensyong nararamdaman ko.
"Naku, tita! You should tell Katelyn to stop liking that man."
"At bakit naman, Clyde? Do you have something against Logan? He's a good man. I'm sure, Portia can attest to that! Right, Portia?"
Tiningnan ko si mommy habang hawak hawak ang salbabida ni Beau. Pinanlakihan ako ng mata ni mommy, naghihintay sa sagot.
"He's a well known playboy and heart breaker. No wonder Katelyn's broken hearted right now," ani Clyde.
"Well, I'm sure Portia can do something about it. You can convince Logan to ask Katelyn on a date, para naman maghilom ang nararamdamang sugat ni Katelyn."
Inahon ko si Beau sa swimming pool. Tinanggap siya ni Mary at agad na tinakpan ng tuwalya.
"Beau, we'll swim again later. Let's eat first, okay?" sabi ko.
"Eat... Wanna swim!" ani Beau.
Umahon na rin ako. Kinuha ko ang robe at tinali iyon sa aking katawan. Sumunod ako kay Mary na patungo sa lamesa ni mommy. Walang nagsalita sa kanila ni Clyde. Siguro'y naghihintay lang din si Clyde sa sasabihin ko.
"Portia, you can help right?" tanong ni mommy sabay simsim sa kanyang kopita.
"What kind of help do you want me to do?" mariin kong tanong. Hindi ko na napigilan ang pait sa boses ko.
All my life, all I want to do is become an obedient daughter to my parents. Lahat ay gagawin ko huwag ko lamang silang ma disappoint at masakitan. I'm trying to understand what my mom wants me to do right now. At alam kong wala siyang kasalanan doon. Hindi niya alam ang tunay na nangyayari kaya hindi ko siya masisisi.
Because of my desire to become a good daughter, I forget about myself. My feelings. Lagi akong naiiwang luhaan at nasasaktan. Laging nagsasakripisyo. But that's okay, in the end I'll be happy. Kasi napasaya ko ang pamilya ko.
But right now... something happened inside me...
"Tell Logan to ask Katelyn out! You can do it... Besides, you two were close years ago..." ani mommy.
"Portia can't do it, Tita. Tapos na po ang trabaho niya sa ilalim ng-"
"Clyde, she can do it... After all, I heard you two still communicate. Is that true?" Nagtaas ng kilay si mommy sa akin.
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"We communicate for business. What about it?"
"Aside from business, Portia..." Tumawa si mommy at umiling. "Come on... Why are you denying this one?"
"Hindi kita maintindihan, mom. We're communicating purely for business. We... I am designing his house in Forbes Park." Hindi ko na mapanatili ang pagiging kaswal ng boses ko.
Nanlaki ang mata ni mommy. "Well then, why don't you drop that project and recommend Katelyn instead? Tutal ay marami ka namang proyekto, I'm sure."
Nilagok ko ang wine sa loob ng kopita. Binagsak ko ang kopita sa lamesa. I couldn't hide my frustration over this.
"I can't. Pumirma ako ng kontrata," kinalma ko ang sarili ko.
"Pumirma ka ng kontrata?" Ang tono ni mommy ay halos pahisterya na. "You can breach that contract and we can pay for the damages, just give that project to Katelyn!"
Nagtiim bagang ako. Those years of submission is over. Those years of silently crying is over. I need to stop whining. Para may pagbabago, dapat rin akong magbago mismo. I need to stop whining and move. Nothing can be achieved just by whining and pointing out flaws. I need to move.
"I don't want to depend on anyone for money. I need the project for Beau and breaching the contract means I'm unprofessional, mom. Surely, maraming ideya si Katelyn para lang makuha ang atensyon ni Logan."
"So you mean you're not going to help your sister?" Tumaas ang boses ni mommy.
Uminit ang pisngi ko. Naninikip ang dibdib ko sa tanong ni mommy at sa kanyang tono mismo.
"Yes," simple kong sinabi.
Sinipat ako ni mommy. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumawa siya at umiling na parang walang narinig.
"What did you say, Portia?"
"I said... I'm not going to help Katelyn," matapang kong sinabi.
"Portia..." Tumayo si Clyde at umambang lalapit sa akin.
"That's a very simple thing, Portia, at hindi mo magawa para sa kapatid mo? What is wrong with you?" Disappointed na sinabi ni mommy.
"Why do I have to do it? If Katelyn likes Logan Torrealba, edi siya na ang pumunta sa kay Logan. Besides, we can't keep on shoving this thing to Logan's mouth! If he doesn't like Katelyn, quit it!"
Mabilis ang hininga ko pagkatapos kong sabihin iyon.
"How dare you say that, Portia!" sigaw ni mommy.
Napatingin ang anak ko sa kanya. Nagulat sa malakas na boses. Nakalapit na si Clyde sa akin at agad niyang hinaklit ang braso ko para pigilan ako sa pakikipagtalo kay mommy.
No.
"He is Beau's father, mom..." mahinahon kong sinabi.
Nanatiling blanko ang mukha ni mommy. Nakatitig lamang siya sa akin. Hindi nagulat at hindi ko rin nakitaan ng disappointment. Her expression was blank.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top