Kabanata 47

Kabanata 47

Home... Finally

Nanahimik na lang ako. Ayaw kong magsalita ng masama lalo na't birthday ng kaibigan ko. Naiwan si Logan sa building dahil may inasikaso pa siya sa 40th floor. Sumama si Jade sa akin samantalang si Tessa naman ay kay Lloyd.

"He looks miserable," panunuya ni Jade.

"Stop it, Jade, you're making this worst for me."

"He should be, though. May anak siya, at hindi niya alam. I wonder what would happen if he finds out?"

Hindi na ako kumibo. Nanatili ang konsentrasyon ko sa daanan.

"Anyway, about Lloyd's proposal. Dadalhin natin si Tessa sa dancefloor."

Tumango ako. Sinabi na ni Lloyd sa akin iyon pero minabuti kong makinig kay Jade para matigil siya sa pangungulit niya tungkol kay Logan.

"Tapos dadalhin ko iyong cake para sa surprise ni Tessa. Pagkatapos niyang mag blow ng candle, in the middle of the dancefloor luluhod na si Lloyd para sa proposal. So We all have to be in the dancefloor."

Tumango ako. Nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa mga plano ni Lloyd. Kung saan sila pagkatapos at saan naman ang tungo ni Jade pagkatapos ng party. She refused to talk about it, though. Ang sabi niya ay magtatagal daw siya sa bar.

Tinigil ko ang sasakyan sa parking lot ng pupuntahan naming bar. Nakita ko ang iilang pamilyar na sasakyan. Maraming inimbita si Tessa. Pati rin yata si Lloyd.

Pumasok kami sa loob ng bar. May iilan kaming kakilalang nakasalubong. They told us Tessa and Lloyd isn't there yet.

Pumunta kami sa sofa kung saan naghihintay ang iilang kaibigan namin. Marami kami at nagkamustahan habang naghihintay kay Tessa at Lloyd.

"Kamusta ka na, Portia? Saan ka na nagtatrabaho ngayon?" tanong ng isang college friend.

"Ah! Freelance na lang muna. Ayaw ko ng regular work."

Habang nag uusap kami ay siniko ako ni Jade. Nagulat ako nang lumipat siya sa ibang sofa at nag ngising aso.

Sinundan ko ang tingin niya at nagulat ako nang nakita si Logan na patungo sa aming sofa. Sumalubong sa kanya ang isa sa mga kaibigan naming may ari ng bar. Nag usap sila ng kaonti kaya binalingan ko si Jade at tinapunan ng matalim na tingin. She told him about this!

"Boyfriend mo si Logan Torrealba, Porsh?" usisa noong kaibigan ko.

"Ah! Hindi..." Umiling kaagad ako at ngumiti.

"Portia..." panunuya ni Anjo, iyong may ari ng bar na ito, kung saan din kami unang nagkakilala ni Logan. "It's been what? Three or four years?" Sabay turo niya ng bahagya kay Logan.

Bumaling si Logan sa akin at matapang na umupo sa tabi ko. Umusog ako ng kaonti palayo. Why is he here?

"What is it, Anjo?"

"I said... It's been three or four years simula noong nagtanong siya sa akin kung ano ang pangalan mo."

Hindi ako agarang kumibo. Inisip ko pang mabuti ang sinabi ni Anjo. Nanlaki ang mga mata ni Jade, mukhang may naaalala.

"We were here when you two first met!" ani Jade.

"Yeah! He asked me kung sino iyong sumasayaw." Nag kibit ng balikat si Anjo.

Bumaling ako kay Logan. All this time, akala ko nag research siya tungkol sa akin bago ako nilapitan. Na kilala niya ako bilang anak ni Leoncio Ignacio, kaya niya ako nilapitan.

"Hey! Guys! Tessa and Lloyd's here!" anang isa pa naming kaibigan.

Nagkatinginan lamang kami ni Logan. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Isa lamang ang sigurado ko, it's complicated. The walls I tried so hard to build cracked. Ayaw kong aminin pero totoo.

Tumayo kami para batiin si Tessa. Nanatili si Logan sa gilid ko. Umingay pa lalo ang aming grupo sa pagbati kay Tessa. May champagne na binuksan at binuhos sa nagkapatong patong na mga wine glass. Tumili ako nang natalsikan ng kaonting champagne. Kinuha namin ang mga kopita.

"Cheers! Happy birthday, Tessa!" bati ni Jade at nagbanggaan na ang mga kopita.

Nakisama si Logan sa amin. Kilala siya ng halos lahat. Hindi na nakakapagtaka iyon. Kahit noon ay marami naman talagang nakakakilala sa kanya.

Mas lalong umingay ang musika. Hudyat na iyon na kailangan na naming isagawa ang plano ni Lloyd. Umupo si Tessa at Lloyd sa sofa at ilang sandali pa kaming nag usap bago unti unting nagsipuntahan sa dancefloor ang lahat.

Tumayo ako at iniwan si Logan sa sofa. Hinigit namin ni Jade si Tessa patungong dancefloor.

"Ano ba? Ayoko pa!" ani Tessa at nagmatigas pa.

"Come on! It's your birthday, Tessa!" Mas lalo siyang hinigit ni Jade.

Unti unti kaming pumasok at naki gulo sa dancefloor. We formed a circle, kasama ang iilan pang kaibigan ni Tessa. Marami ang yumakap sa kanya at nag congratulate na kahit na wala pa. Hindi maintindihan ni Tessa ang mga sinasabi nila pero nagpasalamat parin. Maybe she thought it's because it's her birthday.

We danced. Nagtawanan kami. Ilang minuto siguro kaming nagsayawan bago ipinakita ni Jade ang cake. Kumanta at pumalakpak kaming naroon sa gilid ni Tessa. Mas lalong umingay ang electronic music pero pinagpatuloy namin ang pagcecelebrate.

Natigil ang hiyawan namin nang nakaluhod na si Lloyd sa harap ni Tessa. Binigyan ng ispasyo ng mga nag cu-clubbing ang dalawa. All phones and cameras were out for that moment. Kinuha ko rin ang cellphone ko at naiiyak habang vinivideo ang pangyayari. Nakatakip ang mga palad ni Tessa sa kanyang bibig habang ipinapakita ni Lloyd ang engagement ring.

Habang nag vivideo ako ay may kamay na humagod sa aking baywang.

Unti unti kong binaba ang aking cellphone. Naramdaman ko ang hininga ni Logan sa gilid ng aking pisngi at ang kanyang baba ay nilagay niya sa aking balikat.

Hinawakan niya ang aking kamay na may hawak sa cellphone at binalik niya ito para mavideohan ko ng maayos si Tessa at si Lloyd.

"What are you doing?" tanong ko.

"Trying to make you do it properly?" sabay turo niya sa video.

Nanatiling ganoon ang kamay ko. Kahit vinivideohan ko ang yakapan ni Tessa at Lloyd ay hindi ko na nasundan ang nangyari dahil sa pagyakap ni Logan sa akin galing likuran.

Nag iyakan ang iilang kaibigan namin at nagpatuloy sa pagsasayaw. Ang iba naman ay niyakap ang dalawang nagkasundo nang magpakasal. Nanatili akong nakatayo doon, naestatwa sa yakap ni Logan.

His embrace is nostalgic. Para akong ibinabalik ng yakap niya sa nangyari ilang taon na ang lumipas.

"I'm home... finally..." bulong niyang hindi ko maintindihan.

Hinaplos ko ang malaking kamay niyang nasa aking tiyan. Everything about him was very familiar. Sa puntong sumisikip ang dibdib ko sa sobrang pangungulila at takot. Pangungulila sa kanya at takot na baka bitag na naman ito.

"Logan, please stop this. If you want to hurt me because of what happened years ago, then... you've succeeded. Nasaktan mo na ako. Ng ilang beses. Kahit noon."

Kahit sa ingay doon ay alam kong narinig niya ang sinabi ko. Hinarap niya ako. Nagkatinginan kami. His eyes were pitch black. Hindi ko alam kung dahil ba iyon madilim dito o dahil talagang galit siya.

"Stop this? Bakit ako titigil?" tanong niya.

Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat sa pagalit na paraan pero hindi ko magawa. Sumusuko ang aking kalamnan. Dahil alam ko sa sarili ko, kahit gaano ko gustong pagmalupitan siya dahil sa takot ko, mahal ko parin siya. I would still be gentle to him. I would still take the pain silently... I hate myself for it! Dahil ganito ako magmahal. Hindi lang sa kanya ngunit pati na rin sa aking mga magulang. How I want to stand up for myself angrily but ending up to crying silently dahil lamang sa pagmamahal ko sa kanila.

"Tumigil ka na kasi pagod na ako. Gusto mo akong saktan dahil sa nangyari noon, nasaktan mo na ako. You've succeeded. We're even," mahina kong sinabi.

"No... we're not. You left me years ago. Without a word. Only a statement telling the public na binilog kita. That I fooled you...

Kinulong niya ang pisngi ko sa kanyang mga palad. Yumuko siya at nilagay ang kanyang noo sa aking noo. Kinagat ko ang labi ko. This distance makes my knees melt.

"Wala akong magagawa. That's what I thought!"

"What was your evidence that I fooled you? Bakit hindi iyon nakasulat doon sa statement mo?" His tone was full of blame.

Nawala na kami sa mga tao. Nagsayawan na ang lahat at kaming dalawa na lang ang natitira sa gitna na hindi sumasayaw. Kumalabog ang puso ko.

"Wala iyon sa papel. You should've written it too."

"I didn't need the evidence. I know you fooled me. At least that time. Logan, nabaril ako. Nabaril kami ng pamilya ko at mga tauhan mo ang naroon. Now, I know you're not the suspect but that time, yes, I admit it, I blamed you. I thought you were the one who did it."

Tumango siya at hindi nagsalita. Parang hinahayaan akong magsalita sa lahat ng nasa isip ko.

"And we weren't anything but fuck buddies. You clearly told me that we're not in for something deeper. Kaya anong maiisip ko? You don't care for me. Kaya paano ko iisiping hindi nga ikaw ang dahilan ng nangyari..."

Tumango siya at tumitig sa akin. Bahagya niyang nilayo ang kanyang mukha para mas matitigan ako ng maayos. "I don't care for you? Really?"

Hindi ako makatingin sa kanya. Halos hindi ko marinig ang marahan niyang boses dahil sa ingay.

"You never said you cared. You didn't love me. All you care about was our physical relationship. Kaya bakit ko iisiping hindi mo magagawa iyon sa akin."

Bumaba ang mga kamay niya sa magkabila kong braso. Hinawakan niya iyon ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay alam kong di na ako makakawala.

"Why? Would you leave if I told you I love you, years ago? Would you see me if I told you I cared for you?"

Hindi ako nakapagsalita. Bahagya niya akong hinila, pinipilit na tumingin sa kanyang mga mata ngunit hindi ko ginawa.

"Tell me... You'd still leave right? Kahit na alam mong masasaktan ako ng husto? Kahit na alam mong mahal kita, iiwan mo parin ako!"

Nangilid ang luha ko. Hindi makatakas sa aking tainga ang akusasyon sa kanyang tinig. Tinaas niya ang baba ko ngunit nanatili ang mga mata ko sa ibaba. I don't want to look at him right now.

"You'd still leave kahit na sinabi ko pa saiyo noon kung gaano kita ka mahal. Ikaw ang walang pakealam sa akin. You don't care about me. You would still leave! Even if it means you'll break me beyond repair! You would still leave without a word! Right? You would still leave..."

"Logan..." Kinagat ko ang labi ko. I left because I want to protect myself and my son. "Tama na..."

"Now, Portia..." Hinanap niya ang aking mga mata. Ayaw ko siyang tingnan ngunit masyadong ma awtoridad ang kanyang titig. "Is that all it takes?"

Binaba ko ulit ang mga mata ko. His eyes were full of emotions I couldn't fathom. Walang salitang maaaring makapagpaliwanag sa kanyang emosyon. Halo halo ito. May nakikita akong galit, poot, sakit, at marami pang iba. I just couldn't look at him. It's scary! I can't take the intensity of his eyes.

"Portia, listen to me! I want you to look at me! Look at me right now!" sigaw niya.

Humikbi na ako. Bumuhos isa-isa ang luha ko. Marahan niyang tinaas muli ang baba ko at pilit na inangkin ang aking tingin.

"Look at me, Portia Cecilia. After all those years, after all those things, after everything that's happened..."

Pumungay ang mga mata niya. His lips were bright red and his eyes were blood shot.

"I am still motherfucking in love with you. Do you hear me?" Huminahon ng husto ang kanyang boses. Halos hindi ko marinig.

Nanginig ang labi ko. Nangatog ang binti ko. Abot abot ang tahip ng puso ko at hindi ko na malaman kung nasa tamang pag iisip pa ba ako.

"Do you hear me, Porsh?" Malambing na ang boses niya.

Hinaplos niya ang aking pisngi. Brushing off the tears I shed. Parang kinukurot ang puso ko. Is this true? I don't know.

"I am in love with, until now... After everything..." pabulong niyang sinabi.

Natapos ang isang Dj at huminahon ang mga tao. Ilang pictures ang kinuha at tumigil sa pagsasayaw ang tao. Naririnig ko ang aking paghikbi dahil sa biglaang pagtigil ng dumadagungdong na musika.

"Please..." Kinagat ni Logan ang labi niya at mariing pinikit ang mga mata.

Matapang ko siyang tiningnan. Ang kirot sa puso ko ay hindi mahinahon.

"Please, take me back. Take me back, Porsh... I want you to take me back," he breathed.

Dumagungdong ulit ang panibago at mas maingay na music. Dumilat siya at kitang kita ko ang kislap ng kanyang nagbabadyang luha.

Is this true? Is this really happening? Sinabi niya ba talagang mahal niya ako?

Hinawakan niya ang kamay ko at binaba ang mga ito. Humugot siya ng malalim na hininga at alam kong hindi siya naghihintay ng agarang sagot.

"Let's go back to your friends..." aniya sa isang pagod na boses.

Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko. Marahan niya akong hinila paalis doon sa dancefloor. Nagpatianod ako sa kanya. Nanginginig ang aking binti at sumasakit ang aking puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: