Kabanata 46

Kabanata 46

Looks Familiar

The meeting ended peacefully. Nagpasalamat ako at wala siyang ginawa o sinabing mas makakapagpasama pa sa gabi ko.

Hindi ko na sinabi kay Clyde o kay daddy ang tungkol sa nangyari dahil ayaw kong mag-alala sila.

Naging abala ulit ako sa disenyo. Hindi nga lang tulad noong proyekto ko sa Tristan Towers. Just enough to keep me busy in my condo.

"No, Beau..." ginalaw ni Beau ang mga pintura kaya nagkalat iyon sa sahig.

Nakapagbihis na ako para sa isang meeting ngunit nagawa ko pang ayusin ang mga kalat ni Beau.

Aalis ako ngayon para sa isang meeting kasama si Mr. Alfredo Sanchez. Tapos ko na ang disenyo ng kanyang unit sa Tristan Towers at ready na rin lahat. Kailangan ko na lang ng approval niya para masimulan ang gagawin sa unit.

"Mary, baka gabihin ako ngayon. Pupunta dito si Maja, 'wag mong kalimutan ang dinner niya."

"Opo. Anong oras po ang dating niya?"

Inanyayahan ako ni Tessa at Jade sa isang night out ngayon. Birthday ni Tessa at gaganapin iyon sa isang bar dito sa BGC. Hindi ko matanggihan dahil kaarawan niya iyon at mismong si Lloyd ang nakiusap sa akin na tumulong. He'll propose. Kaya mas lalo akong walang kawala.

Nagmamadali ako patungo sa sasakyan. Bahagyang na late sa tamang oras dahil sa pagliligpit ng kalat ni Beau. Hapon ang pinagkasunduang oras namin ni Alfredo Sanchez dahil marami siyang shows na ginagawa sa umaga.

Nagmamadali ako ngayon papasok sa del Fierro building. It's nostalgic. Naaalala ko noong dito pa ako nagtatrabaho. Dito parin sina Jade at Tessa, na promote na ang dalawa kaya mas hectic ang schedule nila.

Hinanap ko ang conference room sa unang palapag. Medyo nag iba kasi ang mga room kaya hindi ko na natandaan kung asan iyon noon.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinihit ang door handle nang natagpuan ang hinahanap.

Nagulat ako ng may tatlong tao na sa room. Isa si Alfredo Sanchez, ang kanyang personal assistant at si Logan Torrealba na nakikipag usap sa kanya. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?

"I-I'm sorry I'm late..."

Kitang kita ko kung paano ngumiwi si Logan sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko at nilapag ang gamit sa harap ng lamesa.

Kailangan bang nandito siya? Tumayo si Alfredo Sanchez at nilahad sa akin ang upuan kahit hindi na kailangan. I can find my own seat.

"No problem. We just arrived," ngumiti si Alfredo.

"Shall we start?" tanong ko nang medyo nakabawi sa hininga.

"Huwag muna. You should rest first. Mukhang sobrang nagmadali ka kanina."

Humalukipkip si Alfredo at hindi nakatakas sa mga mata ko ang malaki niyang braso. Puno ito ng tattoos.

Tumikhim si Logan kaya naagaw niya ang aking tingin.

"You're lucky Mr. Sanchez is a nice guy..." Malamlam ang ngiti ni Logan.

Tumawa ng bahagya si Alfredo. "I like my designer so..." Nagkibit siya ng balikat.

Bahagyang uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit. Pinagmamasdan ako ni Alfredo na parang isa akong malaking puzzle na kailangan niyang espelingin.

"Thanks! Shall we start? I'm fine now..."

"Yeah, yeah..." Humilig si Alfredo sa pumagitna sa aming lamesa.

Tumayo naman si Logan at lumapit sa amin. I really don't know what he's doing here. Nagtaas ako ng kilay at bumaling sa kanya. Ang black tux niya ay nagsusumigaw ng awtoridad.

"Is it necessary that you are here?" napatanong ako.

"It's my towers after all. I want to see your designs..." Umigting ang panga ni Logan.

Kinuha ko ang hinanda kong designs at binigay kay Alfredo Sanchez. Nang binuksan niya iyon ay hindi siya roon nakatingin. Sa akin siya nakatingin bawat pakli niya ng pahina.

"Uh, this is your living room... Kinuha ko iyong gusto mong wallpaper. Ang mga furniture naman ay binagay ko lang sa napili mong kulay..."

Habang nagsasalita ako ay nakatingin lamang si Alfredo Sanchez sa akin. Sumulyap ako kay Logan na matamang nakatingin naman sa kay Alfredo.

"Binago ko ang disenyo ng kwarto base sa napili mong furniture at kama-"

"The room is too dark, Alfredo," singit ni Logan kaya bumaba ang tingin ng kliyente sa designs. "But that's okay. It's the way you like it, I believe."

"Yeah! Yeah!" ani Alfredo at bumaling ulit sa akin.

"Binase ko rin sa kitchen set na napili mo iyong disenyo ng buong kitchen. We also have here your requested library..."

"I like books so..." singit ni Alfredo. "Do you like to read?"

Natigilan ako sa personal niyang tanong. Nang nakabawi ay tsaka lang ako nakasagot.

"Hmmm. Ayos lang. I don't always read. I'm into painting..." sabi ko.

"Oh! Painting! You have paintings?" Pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri. He's suddenly interested.

"Yeah, I have..."

"Halos lahat nabili na," singit ni Logan.

Tumikhim ako para ibsan ang tensyon. "I have new ones..."

"May I see? Do you have an exhibit?"

Umiling naman ako.

"You should! Do you want me to fund your exhibit? I can! I like art, in general..." tumango si Alfredo.

"She can afford an exhibit. Hindi niya kailangan ng funds. Thanks..." iritado na ang tono ni Logan ngayon.

Napatingin si Alfredo sa kanya. Parang umakyat ang init sa aking leeg patungo sa aking mukha.

"Are you... her boss or her friend?" tanong ni Alfredo kay Logan.

Ngumisi si Logan sa kay Alfredo pero bago pa niya iyon masagot ay nagsalita na ako.

"He's my client too. Uh... Shall we continue?"

"Oh! We're on the same boat then, Mr. Torrealba?"

Kitang kita ko ang iritasyon ni Logan kay Alfredo Sanchez. Nagtitimpi lamang siya. Dapat lang. This man is his client too!

"Let's get back to your paintings. May I see your portfolio? I want some paintings in my walls too. Can you suggest a piece?" aniya.

Kinagat ko ang labi ko. I can't believe he's asking me that now. "Titingnan ko pa. I didn't bring my portfolio."

"May I see your paintings? When can we meet again so I can see some of your works?"

"Why don't you just email him your portfolio, Portia. That way, you two can save time, money, and effort," Logan suggested.

Tinikom ni Alfredo Sanchez ang kanyang bibig at bumaling ulit kay Logan.

"Well, it's different in person, right?"

"If you buy the painting, then you can see it in person," seryosong sinabi ni Logan.

"Mamimili pa lang ako kaya mas magandang sa personal..." Humalukipkip si Alfredo Sanchez.

"Mas maganda pag hindi mo na pahirapan pa ang designer-"

"Excuse me..." pigil ko sa nagbabadyang mas umaatikabong tensyon.

Umatras si Logan at kitang kita ko ang pagkukuyom ng kanyang kamao. Kumalabog ang puso ko. He's losing it. I know... I know this is going to be a disaster.

"Let's continue with the library..."

Bumaling si Alfredo Sanchez sa akin at tumango.

Tumunog ang cellphone ng kanyang personal assistant kaya bahagya kaming na distract. Nagpaalam itong umalis na muna para sagutin ang tawag kaya nagpatuloy kami.

"Logan, you should leave us," sabi ko.

Sa gulat ni Logan sa sinabi ko ay nalaglag ang kanyang panga. Para bang hindi siya makapaniwalang nagawa ko iyong sabihin.

"Really?" Natatawa niyang sinabi.

"Yes. Patapos na rin naman kami."

Napatingin si Logan kay Alfredo Sanchez. Umigting ang kanyang panga at dahan dahang naglakad palabas ng pintuan.

Humugot ako ng malalim na hininga at hinayaan siyang umalis bago nagsimula ulit.

"Ito iyong library. I hope you like it..."

"Yeah... I like all your designs. Even the bathroom and the dining area." Sinarado niya ang clear book at binigay ang buong atensyon sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. This on is an easy client. But I know why he's easy...

"So... when can I see your paintings?" tanong niya.

"I will invite you pag may exhibit ako o sasali ako sa isang exhibit."

"Aw! I thought you're gonna bring me where your paintings are all stored?" Tumawa siya.

Ngumisi rin ako. "Nakakahiya. Sa exhibit na lang."

"No, No... Don't be shy... Syempre gusto ko kaya huwag ka nang mahiya."

Mataman ko siyang tiningnan. "Pag may exhibit, I'll send you an invitation."

Bumukas ang pintuan. Sabay kaming napatinging dalawa sa pumasok. Ang akala ko ay si Logan na iyon pero iyong personal assistant niya pala.

Lumapit ito kay Alfredo at may binulong. Sumimangot ang artist at may kinuha sa kanyang wallet.

"I'll give you my calling card. Send me your invites there. O kung magbago man ang isip mo, just text or call."

Tinanggap ko ang calling card at ngumiti ako sa kanya. I know he's hitting on me. Ito ang dahilan kung bakit madali lang ito.

"Sure. No problem."

Umiling siya at sumimangot ulit sa akin.

"What's wrong?" concerned kong tanong.

"I have a rehearsal. We'll see each other again, right?"

"Yeah, sure!" I flashed another smile.

Tumayo siya. Tumayo na rin ako at naglahad ng kamay sa kanya. Tinanggap niya iyon, bahagyang pinatagal at hindi na ako umalma.

"Thank you so much for choosing and trusting me, Mr. Alfredo Sanchez."

"Just call me Alfredo. You're being formal." Natawa siya.

'Tsaka niya pa lang binitiwan ang kamay ko. Tumawa rin ako.

"Alfredo, then..." sabi ko.

Sabay kaming lumabas ng conference room. Si Logan ay nasa labas at may kausap ng isang bigating tao sa kumpanya ng mga del Fierro. Nang nakitang lumabas kami ay iniwan niya ang kausap para salubungin kami. He's not in the mood. I know. His eyes were pitch black and it looks like he's ready to punch someone.

"Thanks for the time, Portia. Hope you'll call me soon." Ngumiti si Alfredo.

Tumawa ako. "Thank you, Alfredo..."

Tiningnan ko siyang paalis doon. Sinalubong siya ng isa pang assistant at mukhang isang body guard. Nanatili ang mga mata ko sa paalis na si Alfredo habang nararamdaman ko ang init ng katawan ni Logan sa likod ko.

"First name terms, huh?" marahan ngunit mariin niyang sinabi.

Umirap ako at bumaling sa kanya. "Stop being nosy. You're the CEO for God's sake..."

Naglakad ako patungo sa elevator. Pupunta ako sa floor kung nasaan sina Tessa at Jade. Hindi pa oras ng uwian nila pero doon na ako maghihintay sa lounge. Sumunod si Logan sa akin.

"The man is hitting on you, in case you didn't notice, Portia. Don't be naive!" aniya.

"God! He's just being friendly!" sabi ko sabay pindot sa elevator na nasa 40th floor pa.

"Friendly? Huh? He wants to fund your exhibit? You call that friendly?"

Matalim ko siyang tiningnan. Mas matalim ang mga mata niya.

"I wanted to fund your exhibit years ago too and that... certainly wasn't friendly! I want to fund your exhibit so I can get you!"

Parang kinurot at hinaplos ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Agad kong winala iyon at mas lalo lang siyang sinimangutan.

"Hindi lahat ng tao gaya mo! Gusto niya lang makipag kaibigan! Ganoon!" sabi ko.

"Excuses! I wanted to be your friend too! That's a step!"

Bumukas ang lift. Hinintay kong makalabas lahat ng naroon bago ako pumasok. Nagmartsa din sa loob si Logan doon at nagpatuloy sa kanyang mga hinaing.

"At pinaalis mo pa ako doon?"

"Why are you there in the first place? Wala ka bang trabaho ngayon? And... why are you here with me?" Nagtataka kong tanong.

"I was there because I know this man is gonna hit on you. And I was right-" Hindi siya matigil sa kanyang mga paratang.

"That's normal in this industry. Para kang baguhan kung makapagsalita!"

Nalaglag ang panga niya. Para akong may maling nasabi. Inisip kong muli ang mga huling salita ko.

"What? See? You know it's like that and you let him. You flirted back! Hindi ko alam na kaakibat ng trabaho mo bilang designer iyan!" angil niya.

"So what if I flirt back? Jesus! You're not my boyfriend!" sigaw ko sa pagkakairita. "And again, why are you even here? Go back and work!"

Tumunog ang lift, hudyat na nasa tamang palapag na kami. Mabilis akong lumabas at nagmartsa papasok ng department nina Tessa. Bumuntot si Logan sa akin.

Lahat ng nagtatrabaho ay bumaling sa akin nang pumasok ako. Nakita ko ang iilang pamilyar na mga mukha at may iilan ding bago. Sumipol ang isang ka officemate ko noon.

"Why are you here too? Hindi ba dapat ay pauwi ka na? Kakatapos lang ng meeting mo ah?" Sumunod parin si Logan sa akin.

"This... looks familiar..." Narinig ko ang tawa ni Jade kung saan.

Luminga linga ako at natagpuan ng mga mata ko si Jade at Tessa na pinapanood ang pagbuntot ni Logan sa akin. Nakanganga sa gulat si Tessa habang si Jade ay naka ngising aso lamang.

"Pinupuntahan niya kami dito, Mr. Torrealba. May lakad kami pagkatapos ng trabaho."

Nagmartsa kaagad ako patungo sa mga kaibigan ko. Ang iilang ka officemate ko ay binati pa ako at sumalubong din sa akin. Isa isa ko silang nginitian, tumigil kay Tessa para bumati ng maligayang kaarawan.

"Is that so? Where?" malamig ang tono ni Logan nang sinabi niya iyon.

Mahigpit ang hawak ni Tessa sa aking kamay at niyakap niya ako para magpasalamat sa pagbati.

"What's happening? Why is he here? He's being territorial, big time. At hindi niya pa alam na may anak kayo?"

Kumalas ako sa yakap ni Tessa at umiling ako.

"Oh God... at pag nalaman niya?" nanliit ang mga mata ni Tessa. "Hell will rise..."

Nagtiim bagang ako. I don't know. I don't want to think about it. This is all making me confused. He'll probably hurt me. This is probably revenge.

Bumaling ako kay Logan at kausap niya na si Jade ngayon ngunit ang mga matatalim niyang mga mata ay nakadirekta sa akin.

"Dammit, Jade..." bulong ko dahil mukhang sinabi na ng kaibigan ko ang detalye ng magiging party ni Tessa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: