Kabanata 44

Kabanata 44

She Lied

Hindi na tumawad pa si Clyde. I stopped him. Logan got the piece for three million. Lumapit pa ang security ng ExPa o ng SMX mismo para tanungin kami kung maayos pa ba daw kami.

"We're fine, thanks for asking..." marahan kong sagot.

The security here is tighter than what I remembered years ago. Siguro ay dahil na rin sa nangyari noon at dahil narin narito ang mga taong involved noon.

Pagkatapos ng bidding ay nag deklara na ang mga tycoon ng ibibigay na pera para sa foundation. Nagkaroon din ng four course dinner.

Tahimik lamang ako habang kumakain. Hindi ko na ulit nilingon ang lamesa nina Logan. Kung may kakaiba lang pala akong mararamdaman kapag tinitingnan ko si Logan at ang kapatid ko, then I'd rather stick my eyes somewhere else.

"Do you want to dance?" tanong ni Clyde sa nag aalalang tono.

Iiling na sana ako ngunit tumunog ang kanyang cellphone. Hinagilap niya iyon sa kanyang bulsa. Tumango ako para ipaalam sa kanyang mas gusto kong sagutin niya na lang ang tumatawag.

"I have to get this. I'm sorry..." wika ni Clyde.

Tumango ako. "No problem."

Hinayaan ko siyang umalis sa aming mesa. Tiningnan ko na lang ang natitirang dessert. Busog na ako kaya inuunti unti ko na lang ito.

"Your father's busy, I guess?" tanong ng kaharap kong si Tita Mariz.

Nakabalik na siya galing Switzerland para sa event na ito. Kanina pa namin siya nakakausap ni Clyde ngunit dahil abala rin siya sa buong programa ay ngayon pa lang siya nakabalik ulit ng aming mesa.

"Yup, he's out of the country with Kier right now, Tita."

"And your mom? Hay, si Carina! Hindi na siya dumadalo sa event na ito. She'd always send Katelyn..."

"I don't know about mom. Siguro ay pinagbabawalan siya ni Tito sa pag iisip na magkikita sila ni daddy dito," sabi ko.

"For goodness sake, ang tatanda na nila para mag selos!" Umirap si Tita Mariz at may nginitian pang kilala.

Binaling niya ang buong atensyon sa kakilala niya at ilang sandali ay tumayo na siya para makisabay sa sayawan doon.

Ginalaw ko ulit ang aking dessert nang bigla akong may nakitang nakatayo sa gilid ng aking mga mata. Noong una, akala ko si Clyde iyon. Pero nang nalingunan ko na ay laking gulat ko nang si Logan ang nasa gilid ko.

Tumuwid ako sa pagkakaupo dahil sa gulat. Luminga kaagad ako para hanapin si Katelyn. Where's my sister? His supposed date? At ano ang ginagawa niya dito sa harap ko?

Tumikhim ako at napainom ng wine. Napansin na kami ng iilang kakilala namin. Tingin ko ay maging sila ay nagtataka.

"May I have this dance..." Yumuko siya ng mabuti.

Halos tumigil ako sa paghinga. Nakalahad ang kamay niya sa akin sa paghihintay niyang tanggapin ko ito.

"I don't think it's a good idea to dance-"

Ang nakapahinga kong palad ay kanyang kinuha. Hinigit niya ako patungong gitna ng dancefloor. Malayo sa mga mapanuring mga mata at sa mga nakikitsismis.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako kabado, sa pagsasayaw namin o dahil kay Katelyn. My sister likes him so much.

"Logan, I still don't think it's a good idea to dance..." sambit ko, hindi makatingin sa kanya.

Hinapit niya ang aking baywang at ang isang kamay ko ay hawak niya naman. Kahit hindi ko siya hinahawakan ay nagagawan niya ng paraan para magsayaw kaming dalawa.

"What's your good idea, then?" sarkastiko niyang tanong.

Tinapunan ko siya ng tingin. Ano ang ibig niyang sabihin doon? If he's dating Katelyn, then obviously the good idea is to dance with her.

"Where's Katelyn?" banayad ngunit mariin kong tanong.

"She's in the powder room."

"So..." Pinigilan ko ang sarili ko ngunit huli na ang lahat. "You're dancing with me because she's out. The good idea is to dance with her, Logan. She's your date. This is cheating..."

Tumawa siya ng bahagya. "Cheating is what your husband is doing."

Hindi ako nakapagsalita. Ayaw kong dugtungan iyon. Hindi ako magsisinungaling. Hindi ko magagawa iyon kay Clyde. He deserves to be free from this kind of responsibility.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya ngunit pilit niya itong hinuli. His lips pursed.

"You're still as blind as before, Portia."

"'Wag kang manghimasok sa buhay ko..." matapang kong sinabi.

"Right. I have no right except that you were once mine..." Mas lalong humigpit ang kanyang hawak sa aking kamay.

Gusto ko ng makawala. It's suffocating. Kinagat ko ang labi ko at pilit na binabawi ang kamay. Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga.

"Ako... ang nakauna sa'yo... You were the innocent Portia... The sexy innocent Portia of Logan Torrealba, years ago. Right now? You lost your innocence..." Marahan niyang bulong.

Halos dumugo ang labi ko sa kakakagat. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makawala. Nakakapanghina ang bawat bulong niya.

"Still damn sexy but you lost the innocence, Porsh... You gave up everything to a man unworthy of you, huh? At magkukunwari ka na lang ulit na ayos lang? Tulad noon? Tulad noong hindi mo pa ako nakikilala? Babalik ka sa buhay na iyon? Huh?"

"Bitiwan mo ako, Logan..." pagbabanta ko.

"No... I want to know..."

Magkadikit na ang aming katawan. Ang init na ibinubuga ng kanyang balat ay ramdam na ramdam ko na. Kahit sa gitna ng napakaraming materyal ay ramdam ko iyon. Halos mapapikit ako. Ilang taon ko nang hindi naramdaman ito. Nangatog ang aking tuhod. Kailangan kong kumawala sa kanya.

"Stay still..." Bulong niya.

Halos mapaungol ako. Nahihilo ako at parang lalagnatin na ako sa sobrang init na nararamdaman ko.

"I want to know... Papayag ka na may ibang babae ang asawa mo? Ayos lang iyon sa'yo? You'd... settle for that? Huh?"

Hindi parin ako umimik. Hindi ko na dala ang mga paa ko. Siya lang ang tanging sumasayaw para sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay nakalutang na ako.

"Hindi ba ay sa ibang bansa kayo nagpakasal? File a divorce..." pagbabanta niya.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Logan. Kabado ako hindi lang dahil hindi totoo ang akala niya, kundi hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko roon.

"Logan, I need to go. Katelyn will see us. Babalik si Clyde."

"He's cheating on you and you can't dance with me? You are one hell of a martyr, Portia..."

"Logan, please..."

"File a divorce..." utos niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nag aalab ang kanyang mga mata na para bang hindi siya aatras sa hamon. Hindi niya ako papakawalan hangga't hindi niya makukuha ang gusto niyang sagot.

"File a divorce," ulit niya.

"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan..." sabi ko.

"Bakit?" His eyes were pitch black.

He's like a predator hunting his prey. Ganunpaman ay hindi ko pinakita ang aking takot. Hindi niya makukuha ang gusto niyang sagot.

"This isn't your relationship, Logan-"

"Wala ba iyon sa mga pinagpipilian mo? Divorce isn't an option to you, huh?" nagtaas siya ng kilay at binaba niya ang kamay niyang nasa aking likod.

Tumindig ang balahibo ko nang naramdaman ko ito sa ibabang parte ng baywang ko.

"Is it because you believe in marriage too much, Portia? That when you're married, you'll stay that way. You're willing to forgive... Ganoon ba iyon?"

May naglarong ngiti sa kanyang labi. Hindi iyon dahil masaya siya. Kitang kita ang panunuya sa ngiting iyon. Hindi ko gusto iyon. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko sa ngiting iyon.

"Or..."

Nanlaki ang mga mata ko at sinubukan ko ulit na bawiin ang aking kamay ngunit pinagsalikop niya ang aming mga daliri at binaba iyon. Tumigil kaming dalawa sa pagsasayaw.

"Because you're not really married..."

Mabilis kong binawi ang kamay ko ngunit sobrang lakas ng pagkakahawak niya. Para bang hindi niya na ako bibitiwang muli. Sa sobrang higpit ay nasasaktan na ako.

"Bitiwan mo ako, Logan!"

"You're not married..." Hindi iyon tanong.

"Bitiwan mo ako..." marahan kong sinabi para hindi kami mapagtuonan ng pansin.

"Why would you fucking make me believe you are?" Pagalit niyang sinabi.

"Wala akong sinabing may asawa na ako. You... You believed! But it doesn't matter!" Mabilis ang pintig ng puso ko.

"Is it that stupid lapdog's idea? Na palabasing mag asawa kayo?"

May nakakapansin na sa pagtatalo naming dalawa. Imbes na kumalma ay mas lalo lang akong nag init sa kaba.

"This isn't Clyde's idea-"

"Well then, it's yours? And you... you let him go to your house every fucking night?"

"Logan? Portia?" Tinig ni Katelyn ang narinig ko kaya natigil kaming dalawa.

Matalim parin ang tingin ni Logan sa akin. Tumuwid na ako sa pagkakatayo at lumayo ng bahagya kay Logan. Sa kalagitnaan ng pagtatalo naming dalawa ay nakawala ako.

"Kate..." Nagawa kong ngumisi. "Catch up lang. I need to-"

"Hinahanap ka ni Clyde..." Kumunot ang noo ni Katelyn sa akin.

"Okay," sabi ko at mabilis na umalis para iwan silang dalawa sa gitna ng dancefloor.

Pagkalabas ko sa maraming tao ay sinalubong kaagad ako ni Clyde. Doon lamang nabuhos sa akin ang katotohanang alam ni Logan ang totoo!

"Clyde, we need to... to go..." sabi ko.

"Why? What's wrong?"

"Si Logan... alam niya na na hindi tayo mag asawa..."

Tumingin si Logan sa kamay ko. Suot ko parin ang isang singsing na binili ko noon pa. Inisip niya sigurong tinanggal ko iyon kaya kami nabuking pero hindi iyon. Hindi ko alam kung paano tuluyang nalaman ni Logan.

"Paano niya? What?" Gulong gulo din si Clyde habang hinahagilap ang purse ko.

Marami ang bumuhos sa isipan ko. Paano kung pinapasundan niya ako? Paano kung malaman na may anak ako? O may anak kami? I'm not ready to include Beau in this mess! He's not the answer of all these! I am protecting him!

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano-"

"Maybe it's because of Tita Carina? You told her, right? Paano kung sinabi niya kay Katelyn at sinabi naman ni Katelyn iyon sa kay Logan? That's possible!"

Nagkibit ako ng balikat.

Bumaba kami ni Clyde sa basement at nagpatawag kaagad siya ng valet para makuha ang kanyang sasakyan. Ilang sandali kaming naghintay nang biglang tumunog ang lift. Nakita namin ang sasakyan ni Clyde na papalapit kaya imbes na maghintay ay sinalubong namin iyon.

Ngunit bago iyon pumarada sa aming harapan ay narinig ko si Katelyn.

"Huwag ka nang maghiganti sa kanya! Kung tulad ng sinabi mong wala ka nang nararamdaman, hayaan mo na siya!" sigaw ni Katelyn.

Hindi ko alam kung sino ang kausap. I am too horrified to know who it is!

"She lied to me, Kate! I am not going to stop until we're even..." Tinig iyon ni Logan.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. May malamig na kamay ang humawak sa aking tiyan. Hinila ako ni Clyde papasok sa kanyang sasakyan.

Nahihilo ako sa lahat ng mga nalaman ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o tuluyan ng mawala sa sarili.

Pinaharurot ni Clyde ang sasakyan paalis sa parking lot. Nang nakalayo doon ay tahimik na lumabas ang aking mga luha. Tuloy tuloy ang kanilang mga daloy sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung alin doon ang sobrang nagpasakit sa akin. Marami. The way he called Kate. The way he accused me. And the thought that he wants his revenge. Humagulhol ako. I've never cried this much for three years. Hindi pa nakakalayo doon ay ramdam ko na ang hapdi sa aking mga mata.

Hinampas ni Clyde ang kanyang manibela nang natigil kami sa traffic.

"You should've told him na tayo! Na nagpakasal tayo at may anak na tayo!" Iritadong sinabi ni Clyde.

Umiling ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

I'm so, so sorry Beau. Logan wants to hurt me back. He wants me too bleed because maybe he's bled too much years ago. Baby, patawarin mo ako pero hindi ko kayang pakisamahan ang daddy mo. Nasaktan na ako noon. Oo, maaaring mas nasaktan ko siya. Ngunit pagod na pagod na ako.

"Portia, come on! Iniisip niyang nagsinungaling ka? Edi tuluyan ka nang magsinungaling!"

Umiling ulit ako at pinalis ang mga panibagong luha na tumulo. "Hindi ko na alam kung paano niya ako gustong pagbayarin. I get that he got hurt. And if he wants to hurt me back, oo, sobrang nasaktan niya na ako! Sobra sobra... At kung gusto niya paring saktan ako! Then... I'll let him. I'll let him until he's done with me! I'll let him till I'm so broken! I'll let him hurt me until I stop all these regrets every night! I'll let him hurt me until I stop thinking that what if hindi ko siya iniwan? Dahil pagod na ako! Pagod na pagod na ako! Gusto ko nang tumigil sa pagmamahal sa kanya! Gustong gusto ko nang tumigil!" Napaos ako.

Natahimik si Clyde. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak ako ng husto sa kanyang balikat.

"Gusto ko ng tumigil. Pagnasaktan niya ako ng husto, siguro naman titigil na ako. I will never look back again. I will never regret I left him. Never again!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: