Kabanata 42

Kabanata 42

Cheating

Ginanap ang launching ng Tristan Towers sa building ng mga del Fierro, kung saan ako nagtatrabaho noon bago ako umalis patungong America.

Sinuot ko ang dark blue na long gown at pormal ang make up at ang aking buhok. I came here to meet some suppliers. Lalo na sa isang offer sa akin na idisenyo ang unit ng isang rockstar na si Alfredo Sanchez. Nagdagsaan din ang emails patungkol sa aking mga design. Dumadami ang aking trabaho. Ipinangako ko pa namang magpapahinga ako pagkatapos ng lahat ng ito.

"This is Mrs. Quisumbing."

Naglahad ako ng kamay sa may-ari ng pinaka malaking kompanya ng mga sofa beds sa buong Pilipinas. Mabuti na lang at ang mga professor ko noong college ay aktibo parin sa mundo ng pagdidisenyo.

"Mrs. Quisumbing, this is Portia Cecilia Ignacio. Siya ang designer ng units sa buong Tristan Towers..."

Pumormal ang nasa mga late-40s na si Mrs. Quisumbing. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago kinongratulate sa trabaho.

"I heard you're a great designer. Daddy mo ba si Leoncio Ignacio?" tanong ni Mrs. Quisumbing sa akin.

"Yes, he's my father. You've met him po?"

Habang nakikipag usap ako sa mga suppliers at guests na naroon ay nakita kong pumasok si Logan sa hall. Mag isa siya, unlike what I expected. Ang tanging kasama niya ay ang iilang body guards at ang ibang board.

Ang akala ko ay magdadala siya ng date o ano. Nag patuloy ako sa pakikipag usap sa mga suppliers. Lumaki nang lumaki ang aming grupo at hindi ako nagsisi na nagpunta ako dito.

"If you'll get my beds, I will give you some discounts, kahit hindi maramihan," anang isa pang prestihiyoso ring supplier.

"Thank you! I will always consider your designs. It depends now on the nature of the client."

Kaliwa't kanan ang nakakausap ko. Dagdagan pa ng iilang reporters na mukhang imbitado rin pala sa event na ito.

"Miss Ignacio, I am from Home Designs magazine..." Ipinakita ng babaeng lumapit sa akin ng kanyang I.D. "Can I schedule an interview? We would like to do a life story cover for you. We will also feauture your designs and-"

Hindi ko na siya pinatapos. "I'm sorry, I don't think I can do that. I would love to, but I'd rather maintain-"

"Oh! I understand your privacy, Miss. Sayang talaga, kung ganoon. But even just your works then? I won't include the lifestory..." Ngumiti ang babae. Tila ba alam niyang hindi ako makakapayag sa gusto niya kanina pero sinubukan niya parin.

"Very well. If it's just my designs."

Ngumiti ang babae at nanghingi na sa akin ng schedule. She apologized for approaching me on this event. Dapat daw ay sa sekretarya ko siya nagtanong. But then, I don't have any secretary. I don't feel the need to have one. I'm still starting.

"Good evening, Tita!" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa likod.

Nilingon ko kung sino iyon at nakita kong si Avon iyong bumati. Binati niya si Mrs. Quisumbing na kausap ko kanina.

"Oh! Kayong dalawa lang? Where's my apo?" tanong ni Mrs. Quisumbing sa nag aalalang tono.

Nanuyo ang lalamunan ko. Nakita ko si Brandon sa gilid ni Avon. Pareho nilang kaharap si Mrs. Quisumbing. Of course the Carlzon Group will be here!

"She's with mommy. We can't bring her here, she'll get bored. Besides, doon din dinala ni Rage at Sunny sina Roscoe at ang kapatid nito sa condo. Para naman may kalaro si Sky..." sabi ni Avon.

"Oh! Ang dami palang bata sa condo ninyo ngayon?"

"Opo! Gustong gusto ni mommy ng ganoon. She even want us to make another baby again. Nga naman, I'm an only child. Ayaw ko ng ganoon para kay Schuyler. She'll need siblings but not as early as now..." Tumawa si Avon.

"Ang swerte nga naman talaga! Oh... Brandon..." ani Mrs. Quisumbing. "How is the house you built in Cebu? Nasimulan na ba?"

"Magsisimula pa. Naghahanap nga po ako ng Interior Designer. We have designers in the Group but Avon wants a new designer."

"Yes, I want something refreshing for our second house. 'Tsaka, tita, our house in Cebu will just serve as a rest house. Nasa Malapascua po ito at sea side kaya gusto ko perpekto!"

"Oh! I know a good designer! Wait..."

Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Saktong pagkakuha ng taga Home Designs ng numero ko ay tinawag ako ni Mrs. Quisumbing. And the moment she called me, I heard Brandon say something too!

"Portia?" tawag ni Mrs. Quisumbing.

"Congrats, Logan!" tawa ni Brandon.

Nilingon ko si Mrs. Quisumbing at nagtama ang tingin namin ni Logan. Pumagitna siya kay Brandon at Avon at panay ang bati ng dalawa sa kanya.

"Portia, halika dito! Ipapakilala kita sa aking pamangkin..."

Napilitan akong lumapit muli kay Mrs. Quisumbing. Sa bawat hakbang ko ay mas lalo kong naramdaman ang pagkakayanig ng aking mga tuhod. I am fucking nervous!

"Portia?" bumaling si Avon sa akin. "Hi! Kamusta?"

Niyakap niya ako at nagbeso siya sa akin. I did the same. I was at their wedding years ago. At kahit sa maiksing panahong nagkita at nagkakilala kami, hindi ko inakalang makikilala niya parin ako ngayon.

"I'm fine," ngumiti ako.

"Oh! Magkakilala pala kayo ng designer na tinutukoy ko? She designed the whole units here in Tristan Towers... Hindi ba Mr. Torrealba?" Nagtaas ng kilay si Mrs. Quisumbing kay Logan. "Ang galing niya. If you want a designer, I recommend her."

"Hindi ka ba kuntento sa designer ng Carlzon, Avon?" tanong ni Logan sa isang malamig na tono.

"The designers there are busy working for the company. This is something persona. Not even business related. Kaya gusto ko sana ng ibang designer, Logan..."

Ngumisi si Brandon. "Well then, Portia? Are you going to be available?"

Bumaling silang apat sa akin. Hindi ako maka hindi. Ang hirap tanggihan kahit na alam kong hindi ito magiging maganda.

"Well, if my schedule clears..." Nahihiya kong sinabi.

"Your hands are full? Not surprising! Magaling talaga siya..." singit ni Mrs. Quisumbing.

"We hope your schedule will clear para kami naman!" tumawa si Avon. "Ikaw, Logan? Kamusta ang bahay na pinapagawa mo? May designer ka na ba? Sa bagay, you don't run out of designers..."

Nagbara ang lalamunan ko. This feels awkward. Tumawa si Brandon. Nakatingin siya sa akin na para bang nag aabang ng reaksyon.

"Why don't you get Portia too? Magaling na designer. If she designs our house in Cebu, she can design your new house," ani Brandon sa patuyang tono.

Hindi maalis ang isip ko sa posibilidad na galit sila sa akin dahil sa pagkakakulong ni Logan noon. But their action says otherwise... hindi ko alam.

"I have many designers. Doon na lang ako pipili," may pait sa tono ni Logan.

"Oh come on! Mas mabuting malapit sa atin ang mag dedesign para mas makuha ang talagang gusto mo..." panunukso ulit ni Brandon.

Nagkatinginan kami ni Logan. I am not even sure if that's a good idea. Malaki din ang kita pag nag dedesign ng bahay pero ipinangako kong magpapahinga muna ako pagkatapos ng lahat ng ito.

"Mag babakasyon ako ng ilang buwan. I am not sure if-"

"Right! She's married, Brandon. We can't expect her to be always available. Tss..." Nag iwas ng tingin si Logan.

"Ohh... I'm surprised you even got this project. Hindi ba nagalit ang asawa mo na kinuha mo ito?" tanong ni Brandon. "I'm sure hindi naman kayo naghihirap para mangailangan pa ng karagdagang pera."

Kabado na ako sa mga tanong na ganito. Para bang kung may mali akong isagot ay malalaman na ng lahat na nagsisinungaling ako. Dammit!

"Libangan ko lamang ito. There's no harm in that..." sabi ko.

Tumango si Avon at Brandon. Hindi na ulit ako tiningnan ni Logan. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. He looked serious and scary at the same time. His eyes were pitch black, tulad na lang ng ipinapakita niya tuwing galit siya.

"May we request the board to please settle to our presidential table..." anang speaker.

Nagsimula na ang launching. Para akong nabunutan ng tinik nang iniwan ako ni Avon at Brandon para sumama kay Rage at Sunny. Gusto nilang sumama ako sa kanila ngunit tumanggi ako. Naintindihan nila iyon kaya hindi na nila ako pinilit.

Ilang suppliers pa ang nakilala ko sa buong launching. Mukhang mas iiksi yata ang bakasyon ko dahil marami ang nag ooffer ng mas malaking discount pag sa kanila ako kumuha ng mga produkto.

Ilang speeches ang ginawa ni Mr. Hernandez para sa Tristan Towers. Ilang beses din akong pumalakpak at napapatingin sa kung saan nakaupo si Logan. Naroon lamang siya, nakatingin sa nagsasalita at nakahalukipkip. Hindi man lang siya ngumingiti o ano.

Alas nuwebe natapos ang buong programme. Sa oras na iyon ay mas dumami pa ang kilala kong suppliers. Mabuti na lang talaga at tinanggap ko ang trabaho sa Tristan Towers. Although, it's not yet done, I'm overwhelmed. Ang dami kong magiging kliyente dahil sa pagtatrabaho sa kanila.

"Some clients are content of your designs, some wants it personalized. I expect you to be always available when we need you, Portia..." ani Mr. Hernandez.

Ipinangako ko sa kanya na tutupad ako sa trabaho. Besides, utang ko sa kanila ang dami ng kliyenteng gustong kunin ako ngayon.

"Hi, Portia! We're planning to chill in Scarlet, are you free?" nilapitan ako ni Avon para yayain ako ng ganoon.

Umiling kaagad ako. Nakakahiyang tumanggi ngunit kailangan. I've been too busy to put Beau to sleep for the past two weeks. Ngayong pwede na ay hindi ko palalampasin iyon. "I'm sorry, I'm kind of busy."

Ngumuso si Avon at hinawi ang kanyang buhok. "Ganoon ba? Sayang naman." Ngumiti siya. "Next time then?"

"Sure... Next time..." sabi ko at sinundan ng tingin ang kanyang pag alis.

Bumaling si Rage at Brandon sa akin nang nakarating na si Avon sa kanila. Siguro'y sinabi na ni Avon na hindi ako makakasama. Tinawag nila si Logan na ngayon ay abala pa sa pakikipagkamayan sa mga kilalang tao. Habang ganoon ay mabilis na akong naglakad paalis ng venue. I don't want to give myself some time to change my mind.

Pagkapasok ko sa aking sasakyan ay pinaandar ko kaagad ito pabalik ng BGC. Sa byahe ay marami akong naisip.

I wonder if Logan's still living near my condo? Tinanaw ko ang matayog na condominuim na tinutuluyan niya ilang taon na ang nakalipas. Ang sabi ay may bahay siyang pinapagawa, he disliked his big condo already?

Iniwan ko ang stilletos ko malapit sa pintuan at naka long gown pa ako nang kinarga si Beau. Hindi pa siya natutulog. Naglalaro pa siya sa mat at dilat na dilat pa ang mga mata.

"Mommy!" maligaya niyang sinabi.

"Hi Beau! Why aren't you asleep?" tanong ko.

"Kiss! I want kiss!" aniya kaya pinagbigyan ko siya.

"Ma'am, ayaw niya pang matulog. Hihintayin daw po niya kayo bago siya matulog. Pinilit ko kanina kaso umiiyak kaya hinintay ko na lang kayo..."

Ngumisi ako at tumango. Dinala ko si Beau sa kanyang kwarto ngunit umiyak siya nang umiyak. Ikinagulat ko iyon.

"I want mommy!" aniya nang paulit ulit.

Tumindig ang balahibo ko at parang may humawak sa aking puso. Inisip kong kahit ngayong gabi lang ay itatabi ko siya sa aking pagtulog.

Ibinalik ko siya sa mat. Yumuko ako para makausap ko siya.

"Mommy will just change. Beau, will you please return your toys first? Clean up and I'll take you in my room, okay?"

"Okay..." aniya at nagsimula na siyang humagilap ng mga laruan.

Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Nang lumabas ako sa kwarto ay may iilan paring laruan sa kanyang mat. Hindi siya naglinis. Naglalaro parin siya ngunit nang nakita niya ako ay agaran niyang binalik sa mga basket ang laruan.

Tumawa ako at umiling.

"Ewan ko kung kanino ka nagmana!" Kinarga ko siya at tinulungang maglinis ng laruan. "Mary, ikaw na ang bahala sa mat. I'll put Beau to sleep. Sa kwarto ko siya ngayon..." sabi ko.

"Okay, ma'am," tumayo si Mary at inayos ang mat.

Pumasok na ako sa kwarto at nilapag si Beau sa aking kama. Dilat na dilat parin siya. Nahuhulog na ang mga mata ko sa antok.

"Play!" aniya sabay gapang sa aking kama.

Kumuha ako ng isang story book sa aking cabinet. Gusto niya ng mga stories at nagbabakasakali akong antukin siya habang mag sstory ako.

"Mommy will read a story. Come here!" sabi ko sabay tapik sa aking tagiliran.

Hindi matatawaran ng kahit anong gimik ang gabing ito kasama si Beau. Hindi ko inakalang kahit tapos na ang story ay hindi parin siya inaantok. Marami pa siyang tanong.

"Duck!" aniya sabay turo sa malaking story book. "Wa happen? Mommy? Duck?"

Tila wala siyang kapaguran. Hindi niya tinitigilan ang story book kahit panay ang sagot ko sa mga tanong niya.

Mag aalas onse na ngunit dilat parin siya. Nang nakita kong humikab siya ay 'tsaka ko siya hiniga ng maayos sa kama. Nahuhulog na ang kanyang mga mata kaya tinapik ko ang kanyang tagiliran para tuluyan na siyang makatulog.

Tumunog bigla ang cellphone ko. Halos mapamura ako nang dumilat si Beau dahil sa tunog. Nakita kong si Clyde ang tumatawag. Hindi ko maiwan si Beau dahil natatakot akong mahulog siya sa kama kaya nanatili ako sa kwarto.

"Clyde..." marahan kong sinabi.

"We need to talk. Are you in your condo?" tanong niya ng mariin.

"Yup. Why?" Maliit ang boses ko habang sinusulyapan ko si Beau.

"I went to Scarlet with someone..." ani Clyde.

Nanlaki ang mga mata ko. Scarlet? Naroon sina Logan ah?

"Logan and his cousins were there. Hindi ko iyon namalayan. Sa dancefloor pinagsusuntok ako ng tanginang Logan na 'yan!" sigaw niya.

Kumalabog ang puso ko. "Why would he do that?"

"He... He thinks I'm cheating on you. I was dancing with someone, Porsh,"

Nalaglag ang panga ko. "Oh my God!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: