Kabanata 41

Kabanata 41

Focus

Pumunta sina daddy, Kier, at Clyde sa bahay nang umuwi ako alas nuwebe ng gabi sa araw na iyon. Hindi naman malala ang lagnat ko kaya pinili kong umuwi. Nilaro laro pa ni Clyde si Beau bago ako naging handa sa usapang ito.

"We really didn't know it's necessary, Portia," panimula ni daddy. "Three years ago, tanging nasa utak ko lang ay ang protektahan ka at ang anak mo and at the same time the criminals are gonna pay for what happened."

Hindi ako nagtanong kay daddy ngunit mukhang si Maja mismo ang nagsabi kay daddy na kailangan ko ng paliwanag. Half of my mind is telling me that it doesn't matter. The other half wants to know everything.

"Did you have enough evidence to file that case?" napatanong ako.

Pinasok ni Clyde si Beau sa loob ng kwarto. Inaantok na ang anak ko. Nahuhulog na ang kanyang mga mata. Gusto ko siyang kargahin kanina ngunit natatakot akong mahawa siya sa ubo ko.

Humalukipkip ako. Nakaupo ako sa sofa samantalang si daddy ay nakapamaywang at nakadungaw sa akin.

"He's the head of Trion, that's enough evidence," marahang sinabi ni daddy.

Natahimik kaming lahat. Nakatitig at kunot noo si Kier habang pinagmamasdan ako. Pinipisil pisil niya ang kanyang stress ball.

"By the way, you're working for him, Portia? Ang akala ko ba ay iniiwasan mo siya?" tanong ni daddy.

"I didn't know that he's one of the board members, dad," sagot ko.

"Hindi mo na kailangang magtrabaho. I put some shares in your account annually and that should be enough for you and Beau for the next three years. You don't have to overstress."

"Ang tigas lang talaga ng ulo," sabi ni Kier.

Napatingin ako sa kapatid ko. Minsan ay pakiramdam niya mas matanda siya sa akin. Well, he's even more responsible and mature than me even before... but that's not enough reason. Mas bata parin siya sa akin ng isang taon.

"I am trying to be independent for the past three years. Kaya ko... Masyado lang akong napuyat," paliwanag ko at tumayo na.

Ilang beses akong pinagsabihan ni daddy tungkol sa pagtatrabaho. He didn't dwell much on Logan being my client.

Sinundan pa ako ni Kier at daddy sa aking kwarto. Sinabi ni Kier sa akin ay 'tsaka na siya aalis pag tulog na si Beau kaya matulog at magpahinga na raw ako.

Imbes na magpahinga ang aking utak ay nanatili itong nakalutang sa bagong impormasyong nalaman kanina. Logan got jailed for months. Hindi ba siya nanlaban nang inaresto siya? Of course, sugatan siya noon. Hindi ba nakagawa ng paraan ang relatives niya? Not that I think they can manipulate the law.

"Portia," ani dad. Umuga ang kama ko nang umupo siya sa aking tabi. "The real mastermind of what happened three years ago is Senator Fuentes. Hindi ko alam iyon noong mga panahong iyon. Si Logan Torrealba ang tanging maituro namin dahil naroon siya sa scene at siya ang head ng Trion."

Tumango ako. "Naiintindihan ko, dad..."

Naiiintindihan ko kung bakit galit si Logan sa akin. Naiintindihan ko kung bakit ganoon lamang siya makitungo.

"Inurong ninyo ang kaso noong nagkaroon kayo ng ebidensya na ang mga Fuentes ang may pakana?" tanong ko.

"Yes," tumango si daddy. "Kung alam lang namin na hindi siya iyon, hindi ko siya kakasuhan. He's my grandchild's father after all..."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakuha ko ang gustong sabihin ni daddy.

Kung wala kang alam at ang tanging ebidensya lamang ay ang mga iyon, si Logan ang ituturo. Dad only wanted to protect me and Beau.

Sa sumunod na araw ay inisa isa ko ang mga kumpanyang pinuntahan ko dapat kahapon. Mabuti na lang at medyo maayos na ang pakiramdam ko kaya maaga akong gumising para masimulan na rin ng maaga iyon.

"Miss, is this Mr. Chavez's office?" tanong ko sa sekretarya.

"Yes, ma'am. Sino po sila? Nagpa appointment na po ba kayo kay Mr. Chavez?"

"Magpapaappointment pa sana ako. I'm Portia Cecilia Ignacio. I called him last week about some furniture for a design..."

Tumitig ang sekretarya sa akin. Para bang may iniisip siya bago suminghap at nagsalitang muli.

"Is this for the Tristan Towers in Taguig, Miss?"

Nagulat ako dahil natumpak niya ang proyekto. Unti unting sumibol sa aking utak ang isang bagay. Don't tell me...

"Mr. Logan Torrealba informed Mr. Chavez about this, Miss. Pinapasabi niya po na pag may pupunta dito para doon, sasabihin ko na lang daw na nakausap niya na si Mr. Chavez para doon."

Nanuyo ang lalamunan ko. Don't tell me he did all the work?

"Sige, salamat..."

Hindi ako nakuntento. Hindi ako naniniwala dahil hindi ko naman siya binigyan ng listahan ng kompanyang pagkukuhanan ko ng furniture. Although it's in the clearbook I gave them, hindi naman siguro niya inubos ang trentang kompanya na dapat ko pang puntahan.

"Hello, Miss. Is Mr. Tan inside? Can I set an appointment?" tanong ko sa sekretarya ng isa ulit sa pagkukuhanan ko ng mga sofa beds.

"What company po, ma'am?"

"I'm Portia Cecilia Ignacio, spatial designer of Tristan Towers..."

Tumigil sa pagsusulat ang sekretarya at parang mag kinrash out siya sa kanyang papel. Tinapunan niya ako ng tamad na tingin.

"Ay, ma'am... Is this about the sofa beds you'll order? Tumawag na po ang isa sa head ng Tristan Towers at nagpa appointment na po kay Mr. Tan. Bilin po sa amin na huwag nang tanggapin ang sunod na appointment dahil tapos na daw..."

Mabilis akong bumalik ng aking sasakyan at pinaharurot ulit iyon sa lima pang kompanya. Logan really did it! Pumikit ako ng mariin at hinilot ko ang aking sentido. Alam ko. Logan is true to his word. Noon pa man ay alam ko na iyon. I just thought this time it's going to be different.

Gabi na nang umuwi ako sa condo. Pagod ako at walang nagawa kundi magpalipat lipat ng kumpanya para lang sa wala.

Tumunog ang cellphone ko. Katelyn's number flashed on my screen. Tamad kong pinindot ang car alarm at naglakad na patungong lift ng condo ko.

"Hello..." bungad ko.

Tili ni Katelyn ang sumalubong sa aking tainga. Hindi ko alam kung para saan iyon ngunit sa sobrang lakas ng tili niya ay nilayo ko ang aking cellphone.

"Portia!" narinig ko kahit malayo na ang aking cellphone.

"Kate..." nagtatanong kong sinabi.

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya niya na napapatili siya sa akin. She's not normally like that. I can't even remember a scene when she called me for something happy. It's always about business or when she needs me.

"Thank you!" sabi niya.

"Thank you for what?"

Bumukas ang lift at nasa aming palapag na ako. Nagpatuloy ako sa pakikipag usap kay Katelyn.

"Thank you... Hindi ba sinabi ko sa'yo 'yong tungkol sa kay Logan? Sinabi mo sa kanya, hindi ba?" she sounded so positive. Para bang ako ang dahilan na nanalo siya sa lotto.

"B-Bakit?"

Hindi pa ako nakakapasok ng unit ay natigil na ako. 'Tsaka ko pa lang naalala iyong gusto niyang mangyari. She asked me to tell Logan about the ExPa event. Hindi ko naman nasabi kay Logan dahil sa mga nangyari nitong nakaraan.

"Nang tinanong ko siya tungkol doon, pumayag siya kaagad! Sasama siya sa akin sa ExPa! He'll be with me on the event, Portia! Thank you very much! Thank you!" paulit ulit niyang sinabi sa akin bago pinutol ang linya.

Natulala ako nang binaba ko ang cellphone. Hindi ko tinanong si Logan tungkol doon. Logan's willing to be with Katelyn. Nanikip ang dibdib ko. Hindi niya na kailangang sabihan o pakiusapan. Ang akala ni Katelyn ay mahihirapan siyang isama si Logan doon ngunit hindi naman pala.

Binuksan ko ang pintuan ng unit at bumungad kaagad sa akin si Beau sa mat. Tumayo siya at agad tumakbo patungo sa akin.

"Mommy!" aniya sabay yakap sa aking binti.

Pagod na pagod ako. Ang dami dami kong iniisip. Ngunit isang tingin lang sa kanya ay nawawala lahat ng iyon. Lahat ng gulong dinudulot ng ibang tao sa akin. Lahat ng pagod na naramdaman ko kanina.

Yumuko ako at kinarga ko siya. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. Tumawa siya sa ginawa.

"Kiss!" aniya sabay amba ulit ng halik sa akin ngunit hindi niya tinuloy. Tumawa siya pagkatapos.

Ngumiti ako at dinala na siya sa kitchen.

"Baby, are you hungry?" tanong ko, naghahanap ng pagkain sa ref. Sumunod si Mary pagkapasok ko ng kitchen.

"Ma'am, magluluto na po ba ako? Anong gusto ninyo?" Lumapit siya sa cabinet para tingnan ang mga pwedeng lutuin.

"Mary, I'll cook the dinner. I want pasta. Ikaw na ang bahalang maghanda sa mga gagamitin ko. Magbibihis lang ako."

Dadalhin ko na sana si Beau patungo sa kwarto nang biglang nagsalita si Mary.

"Ma'am, may tumawag nga pala dito kanina."

"Hmm. Sino?"

"Taga Tristan Towers daw po 'yon ma'am..."

Halos bumaliktad ang sikmura ko sa sinabi ni Mary sa akin. Bakit dito sa bahay? Bakit tumawag? At sino iyon?

"Sino? Anong pangalan?" sunod sunod kong tanong.

"Miss Alvaro daw po. Gusto daw pong magpa appointment noong isang kliyente sa inyo kaso wala daw pong contact number sa files. Ito lang daw pong sa bahay."

Huminga ako ng malalim. Abot abot na lamang ang kaba ko nang banggitin ni Mary ang pangalan ng kompanya nina Logan. Crap! What if he calls? He wouldn't, right? He thinks I'm with Clyde!

"Okay. Salamat, Mary..."

"Sige po..." sabay baling niya sa mga rekados na ihahanda.

"By the way, Mare... Pag may tumawag at magtanong ng mga detalye dito sa bahay, huwag mong sabihin ha? Just get their number and tell them I'll call them back same day, okay?"

"Okay po..."

Dahil sa ginawa ni Logan, nagkaroon ako ng oras para makapagpahinga at para makapag handa sa launching ng kanilang kompanya. Imbitado ako bilang guest sa engrandeng event na iyon.

I've seen the guestlist. Naroon halos lahat ng malalaking real estate companies. Naroon lahat ang mga suppliers at ang mga contractors. Ayaw ko na sanang magpunta ngunit magiging opportunity iyon sa akin para makilala ang ibang supplier. I need more affiliates and connections. Lalo na dahil freelance ang gusto kong pasukin.

"Naku ha? Baka naman isama pa ni Logan si Katelyn sa event na 'yan?" ani Tessa nang bumisita sila sa amin isang araw bago ang event.

Pareho silang nag aalala ni Jade dahil sa nangyari noong isang araw. Ngayon lang sila nagkaroon ng oras na bumisita dahil sa trabaho.

"I don't know. I just want to meet suppliers, anyway..." sabay pakita ko sa isa sa mga binabalak kong susuotin.

The event is formal. Puro long gowns ang pinagpipilian ko. Nalilito ako kung iyong medyo nude ba o iyong dark blue na long gown ang susuotin ko. I bought two because I both loved them.

"Hindi kaya naaalala ka ni Logan kay Katelyn?" ani Jade.

Napatingin ako sa aking kaibigan na ngayon ay nakaharap na sa aking anak.

"And because he thinks you're married, ibig sabihin wala na talaga siyang pag asa sayo. So he would settle for someone who... looks like you? Nah! Hindi naman kayo magkamukha ni Katelyn."

Binatukan ni Tessa si Jade.

"Aray!"

"Tess!" saway ko dahil nagulat si Beau sa ginawa ng aking kaibigan.

"Close your eyes, baby. Tita is bad!" ani Jade.

"That's not it, Jade..." Nilingon ako ni Tessa. "Porsh, I don't really know much about what happened three years ago. Pero ang alam ko, Ret. Gen. Torrealba did everything para lang ma allow si Logan mag bail sa court but the judge didn't allow him."

Tumango ako. "I know that. Dad told me. Inurong ang kaso kaya siya nakalabas."

Tumango rin si Tessa. "Ang tanging nagawa lamang ni Gen. Torrealba at ng mga pinsan ni Logan ay ang mailipat siya ng kulungan. Somewhere safer. You know... but..." Ngumiwi siya. "I think the one who really made the case bailable was your mom and your tito Christopher."

Kumunot ang noo ko. "The case was bailable?"

"I'm not sure. This is what I heard so far. From our friends, well... actually, nagtanong ako dahil kami mismo ni Tessa, walang alam sa nangyari. They bailed... weeks before inurong ng daddy mo ang kaso."

"Anong kinalaman ni mommy at Tito Christopher dito?"

Nilapag ko ang mga gown sa kama. Nasabi ko iyong tanong pero nakuha ko kaagad ang sagot sa aking utak. Dalawa sa mga kapatid ni Tito Christopher ay judge!

"Your mom and Tito represented ExPa. At ang ExPa mismo ang nag petition at naniniwalang hindi guilty si Logan. Nagpatulong ang mommy mo sa kay Judge Cayetano. That's what I know. Maybe you should ask your father about this..."

Unti unti kong napagtagpi tagpi ang lahat. Is this the reason why Logan is close to Katelyn? Siguro sa ilang buwang pagtulong ni mommy sa kanya ay nagkalapit sila ni Katelyn? Si Katelyn ang nariyan habang naghihirap siya sa kulungan. Ang kapatid ko ang nariyan para sa kanya noong mga panahong inakusahan namin siyang lahat.

"No... That's okay. It doesn't change anything. I know now that he's not guilty. Na naghirap din siya. Na nakita kong marami din siyang pinagdaanan. Tama na iyon. Wala nang silbi kung babalikan ko pa ang nakaraan. I need to focus on Beau now," sabi ko.

"You still don't think he has the right to know his son?" Diretsong tanong ni Tessa.

Napatigin ako kay Beau. Beau will know him. Pag nagkaisip na siya ng husto. Pag unti unti niya nang maiintindihan kung ano ang sitwasyon. I don't want him to expect a complete family when it's not. Masasaktan lamang siya. I can give him love. More of me. I can give him everything. I can protect him from anything. At pag napaliwanag ko na sa kanya ang sitwasyon, at kapag naintindihan niya na, 'tsaka ako magiging handa para ipakilala siya sa kanyang ama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: