Kabanata 40

Kabanata 40

Months

Natapos ko ang limampung disenyo na pinapagawa sa akin ni Logan. Pagod at puyat ang inabot ko dahil sa mga ginawa ko. Nilagnat tuloy ako sa araw ng pagpi-prisenta ko nito.

"Mare, ikaw na lang muna ang magpakain kay Beau, inuubo kasi ako. Baka mahawa siya..." sambit ko habang kumakain ng arroz caldo sa lamesa.

Masakit ang ulo ko. Bago ako nagbihis ay umidlip muna ako dahil sa pagkakahilo. Nagbabakasakali akong pag nakaidlip ng kaonti ay magiging maayos na ang pakiramdam ko ngunit nang gumising ako ay mas lalo lamang sumakit ang ulo ko.

Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko. Maja is busy. Clyde is at work. Kier is at work.

"Hello, Tess," naka loud speaker ang aking cellphone habang nagbibihis ako.

"Porsh, oh, napatawag ka?"

"Tess, free ka ba mamaya?"

"Oo naman. Bakit? Anong nangyari?"

"Pagkatapos ng presentation ay pupunta ako sa mga companies. Baka lang kasi pupunta ako sa ospital mamayang hapon. Can you please drop by here and visit Beau?"

"Bakit ka pupunta ng ospital? Syempre naman! Isasama ko si Jade. Anong nangyari?"

"Dalawang araw na kasi akong nilalagnat. Try kong magpacheck up later."

"Oh! Sige! Naku, mag pacheck up ka na! Isama mo si Clyde... Sana kinancel mo na lang iyang presentation mo, Porsh. Naku!" pahisteryang sinabi ni Tessa.

"Ayos lang ako. Kaya ko pa naman. Salamat, Tess. Sorry sa abala..." sabi ko.

"Walang anuman. Sige, mag ingat ka. Text mo ako pag may kailangan. Kung gusto mo, sasamahan kita sa ospital ta's si Jade na lang ipapunta natin sa inyo..."

"Hindi na... kaya ko mag isa... Salamat, Tess..."

"No problem. Call when you need, okay?"

Binaba ko na ang cellphone. Resulta ng sakit ng ulo ko ay ang pagkakalate ko sa presentation. Natraffic ako dahil natagalan ako sa paglabas sa condo. Halos masira ang pumps ko sa bilis ng lakad ko patungong conference room.

"Kanina po po sila naghihintay sa'yo..." anang sekretarya na sumalubong sa akin.

"Sorry, I'm late," agaran kong sinabi.

Pinagbuksan ako ng pintuan noong sekretarya at nagulat ako dahil mas marami sila ngayon kumpara noong huli. There were at least thirteen of them. Iyong isang architect, dalawang interior designers, tatlong kliyente at pitong board.

"Thanks for wasting our time, Portia," bungad ni Logan sa akin.

"I-I'm sorry, I'm late... Natraffic ako..." tanging namutawi sa aking bibig.

Pakiramdam ko ay lumamig ang aking pisngi. Iniwan yata ng dugo ang aking mukha.

"Here are the sample boards," diretso kong sinabi sabay bigay ko sa mga clear book.

Inayos ko ang laptop ko at binuksan iyon. Binuklat nila isa isa ang clearbook para tingnan ang mga disenyo ko.

"I'm fine with the designs. This is amazing, Portia, nagawa mo kahit limited ang oras," ani Mr. Hernandez sa akin.

"Thank you, sir," nahihiya kong sinabi.

Binuksan ko kaagad ang presentation ko. Nahihilo na naman ako kaya umupo muna ako saglit. Napatingin ako sa kliyente ng loft na gagawin sa last floor ng tower one.

"I like your designs. I want some tweaks for my unit. Can I hire you as my designer too?" tanong ni Alfredo Sanchez."

Napatingin si Logan sa sikat na rockstar. Alfredo's muscles tightened when he crossed his arms.

"Sure! I... actually set up a meeting so we can talk about your unit. It's set with your personal assistant. You can ask him," ngumiti ako at bumaling ulit sa hinanda kong presentation.

"Did you contact the companies of the furniture you used in your designs?" tanong ni Logan.

"Yes... Hmmm. I'm also waiting for your approval bago ko sila kokontakin muli para ma finalize ang lahat."

"Design number sixteen is for teenagers. It's too pink. Hindi ba ay nag usap na tayo tungkol rito noon?" Nagtaas ng kilay si Logan.

Napupuno na ako sa kanya. Pagkarating ko pa lang dito ay binabara niya na ako. Bakit pa niya kailangang gawin ito sa akin?

"Some girls like that. I would personally think about that when I choose the design of my home. It's just one of the seventy designs you want. Two girly and childish designs won't hurt all the units. At kapag nalaunch na iyan, pwede namang humabol ng designs, hindi ba? I just did all the fifty for the launching," sabi ko.

Umikot ang mundo ko kaya pumikit ako ng mariin ng ilang sandali.

"Our clients are classy and most of the time older than you, Portia. We need to think about our clients."

Dumilat ako. "I am thinking about your clients. I am thinking about the possibilities of having a girly teenager, daughter of some tycoon, and she will need to deal with the only design I have for her. Kaya ginawa kong dalawa to at least give her some options..."

Nanlamig ang kamay ko. Umiikot na naman ang mundo ko. Hindi ko na mapirmi ang mga mata ko. Dammit, not here and not now! I have some work to do!

"Fine," ani Logan. "Magpatuloy ka..."

Nakaupo lamang ako nang ni run through ang singkwentang bagong disenyo na ginawa ko. Sinabi ko sino ang mga manufacturer ng furniture, saan ako kukuha ng materyales at bakit iyon ang napili kong disenyo sa iba't ibang laki ng mga unit.

Ubos ang enerhiya ko pagkatapos kong iexplain ang lahat ng iyon sa loob ng tatlong oras. Maya't maya ang tanong ni Logan at lagi siyang nambabara sa akin. Kagulat gulat na nagagawa ko pa siyang sagutin kahit na sobra akong nahihilo.

Nang pinalakpakan na ako ay tumayo ako. Sinarado lamang ni Logan ang clearbook, hindi siya tumingin sa akin.

Nakipagkamayan ako sa maligayang mga kliyente at businessmen na naroon. At dahil last meeting na ito, mag pipresent din ang dalawa pang designer at iyong architect mismo. Tumayo ang architect para pumalit sa akin.

Pinagpapawisan na ako ng malamig at inaapoy na ako ng lagnat. Nagligpit ako ng gamit at umupo na sa likod nang umikot ang paningin ko at tuluyan nang bumagsak.

Unti unti lamang akong dumilat sa isang pamilyar na lugar. Maputi ang kisame at may amoy na pamilyar sa akin. I stayed in a hospital for weeks because I got shot. I stayed in a hospital for a week nang pinanganak ko si Beau. Hindi ko na kailangang igala ang mga mata ko para malamang nasa ospital ako.

"Don't move too much..." baritonong boses ni Logan ang narinig ko.

Shit! Ang huling naaalala ko ay nahihilo ako. Siya ba ang nagdala sa akin sa ospital na ito?

Hinanap ko siya at nakita kong nakatayo siya sa aking paanan. Puting longsleeve na naka tupi hanggang siko na lang ang suot niya. Hindi tulad noong nasa conference room kami na black suit.

Bumangon ako kahit na sobrang sakit parin ng ulo ko.

"I said, don't move. Napaka tigas talaga ng ulo mo..." aniya.

Nagtiim bagang ako sa kanyang sinabi. "Ilang oras na ako dito? I have to go to some companies to confirm the furniture." Sinapo ng aking palad ang aking ulo.

Humakbang si Logan palapit sa akin. Nasindak naman ako sa kanyang paglapit. Abot abot ang tahip ng traydor kong puso. Hindi ako tumingin sa kanya.

"Can't you do that tomorrow?" tanong niya sa marahan ngunit mariin na boses.

"I have limited time. I have four days till your launching. I still have thirty companies to visit. I can't waste my time... right?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

Ngumisi siya. "Give me the list of the companies you have to visit. I will call them," mariin niyang sinabi.

"That's my work. I will do it."

"Give me the damn list, Portia..." aniya sa mariin ngunit pabulyaw na tono.

Mas lalo lamang nag init ang ulo ko. Marami akong tanong sa kanya at hindi ko alam kung bakit niya ako pinipilit sa bagay na ito.

"Bakit? Para saan? Hindi ko kailangan ng utang na loob galing sa'yo! Hindi ko kailangan ng kahit ano! Bakit ikaw ang nagdala sa akin dito? Bakit hindi mo na lang pinautos? I know you don't like me... you don't like me in this project that's why you're giving me a hard time, Logan. Pero bakit at para saan pa itong ginagawa mo sa akin? Can't we be cool and move on?" Marahas kong sinigaw sa kanya.

Kitang kita ko ang pagkakagulat niya sa biglaan kong pagsasalita ng ganoon. Unti unti rin siyang kumalma nang hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Maybe he's cool. Maybe I'm imagining things. Maybe I'm the one who can't move on.

Hindi niya ako pinapahirapan, parte iyon ng trabaho niya. Kailangan niyang busisiin ng mabuti ang mga disenyo ko para hindi malugi ang bilyon bilyong proyekto nila. Dinala niya ako dito dahil nahimatay ako. Hindi ko na kailangang dagdagan pa iyon ng maraming tanong.

Tumayo ako ngunit agarang nahilo kaya kinailangan kong umupo muli. Lumapit siya sa intercom at nagtawag ng nurse sa aming kwarto. Nakatiim bagang akong tumitig sa kanya.

"Sino ang tatawagan ko? Kapatid mo o iyong asawa mo?" tanong niya sa isang malamig na tono.

He really believes that Clyde is my husband.

"Ako na ang tatawag kay Clyde..." sabi ko.

May kumatok sa pintuan. Tumango si Logan sa akin bago tumalikod. Hindi ko alam kung saan siya pupunta ngunit pagkapasok ng babaeng nurse ay lumabas naman siya sa room.

"Sir, ano pong nangyari?" tanong ng nurse.

"She's awake and still a little light headed. Check on her. Call your doctor. Her family will be here within an hour."

"Oh! Sige po, Sir..." anang nurse sabay tingin sa akin.

Umalis na si Logan at hindi ko alam kung saan siya patungo. Hindi ko rin alam kung mapapanatag ba ako o hindi.

"Ma'am, relax lang po ha? Kukunin ko po ang blood pressure mo..." anang nurse sabay tingin ulit sa akin.

Tumango ako at humigang muli. Hinayaan ko siyang ipalupot sa aking braso ang aparato habang kinakalma ang sarili ko.

"Ma'am, hindi po ba si Logan Torrealba iyon?" tanong ng nurse sa akin.

Hinagilap ko ang cellphone ko ngunit dahil sa tanong niya ay hindi ko kaagad natawagan si Clyde.

"Yup." Ang sikat talaga ng lalaking iyon. Of course, when you're a blayboy billionaire, everyone will know you.

"Nawala na po pala ang kanyang Restraining Order sa'yo?" tanong niya habang inaayos ang aparato.

Tumango ulit ako at nag relax dahil sa ginagawa ng nurse. Pagkatapos niyang kunin ang blood pressure ko ay bumaling siya sa intercom para magtawag ng doctor. Kumuha siya ng swab at karayom. Tingin ko ay kukuhanan niya ako ng blood sample.

"Miss, I think it's just a flu," sabi ko.

"Mr. Torrealba wants you checked thoroughly. I will also need your stool sample and urine, ma'am."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ginagawa ni Logan.

"Akala ko po talaga may RO parin si Mr. Torrealba sa'yo. My sister is one of the head nurses na nag alaga sa'yo noong nabaril ka. She told me Mr. Torrealba got shot too, ngunit mas matindi nga lang ang tinamo mo. While in the hospital, he got arrested because you or your family filed multiple frustrated murder, right?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko gusto na maraming nakakaalam sa nangyayari sa buhay ko ngunit alam kong ang parteng iyon ay hindi maiiwasan. Alam kong nakasuhan si Logan ngunit hindi ko alam kung anong kaso iyon.

"Paano mo nalaman?" tanong kong nakakunot noo.

"It's all over the news that week. Sinabi rin iyon ng kapatid ko. He got jailed, right? Akala ko talaga hindi na siya makakalabas ng kulungan dahil umano sa lakas ng ebidensya. Totoo rin naman kasing mga tauhan nila ang nakipagbarilan. 'Tsaka sumama pa siya sa barilan..."

Nalaglag ang panga ko. Nakulong siya? Mabilis na bumuhos sa akin ang mga alaala tatlong taon na ang nakalipas. Kahit kailan ay hindi ko naisipan iyon.

"That's impossible! He would've bailed himself out if he got arrested!" giit ko.

Nagulat ang nurse sa sinabi ko. Siguro ay hindi niya inakalang hindi ko alam ang buong istorya. "Hindi ko alam pero malakas kasi ang ebidensya. Gamit ng mga tauhan nila iyong pangalan ng kompanya nila... Hindi po ako maalam sa mga iyan." Umiling iling ang nurse.

"Ilang araw siyang nakulong?" tanong ko.

Umiling ulit siya. Pakiramdam ko ay sobrang guilty niya sa kanyang pinagsasabi sa akin. "Sorry po, ma'am, di ko alam."

Nagligpit siya ng gamit. Habang pinagmamasdan ko ang nurse ay nangingilid ang aking luha. Kinagat ko ang aking labi.

"Miss, please tell me, ilang araw siyang nakulong?" Nanginig ang boses ko.

Umiling ulit siya. "Hindi ko po talaga alam, ma'am, e. Pupunta po dito si Doctor Castro para tingnan kayo. Excuse me po..." aniya at tinalikuran ako.

Tulala ako at hindi makahinga nang naiwan akong mag isa. Inisip ko ang lahat ng nangyari kasabay sa mga napag alaman kong nangyari kay Logan. Habang nag papagaling ako ay nasa kulungan siya at may tama rin. Did he try to find me? He probably did? Hindi ko alam. Trion was a wreck that time, paano niya ako mahahanap? He couldn't bail his way out because the evidences were strong or what? Hindi ko alam.

Hindi ako makapagsalita habang chinicheck ng doctor. Binigyan niya lang ako ng pansamantalang gamot. May pupunta daw'ng isa pang nurse para icheck ang lahat ng hindi nagawa ng nurse kanina.

Gusto ko nang bumangon at bumalik sa bahay ngunit hindi magawa ng katawan ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ng nurse kanina. Kailangan kong magtanong kay Clyde, kay Tessa at Jade, kay daddy, kay Kier at Maja... Nakatulog ako dahil sa pagod ng pag iisip.

Nagising ako nang narinig ko ang munting pagtatalo.

"If she'll stay here tonight, I will check on Beau..." dinig ko ang boses ni Maja.

"You stay with your sister, I will check on Beau," si Clyde naman.

Dumilat ako at pinagmasdan ang dalawang nag tatalo sa bagay na iyon.

"Kailangan ka ng kapatid ko ngayon. Wala siyang ibang masandalan kundi ikaw kaya ikaw ang dapat na narito para sa kanya," giit ni Maja.

Natigil siya nang napansin na gising na ako. Galing sa kunot noo ay bigla siyang ngumiti at dumalo kaagad sa akin.

"Are you okay, Porsh?" tanong niya kaagad. "Hinimatay ka raw?"

"Logan called me to check on you. Siya ba ang nagdala sa'yo dito?" singit ni Clyde at humakbang na rin palapit sa akin.

Pagod na pagod ako habang tinitingnan silang dalawa. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang yakapin ang anak ko. Gusto ko nang yakapin si Beau. Iyong kaming dalawa na lang muna.

"Ilang araw nakulong si Logan three years ago?" tanong ko.

Kitang kita ko ang pagkakagulat sa kanilang mga mata dahil sa tanong ko. Nag init ang gilid ng aking mga mata. Tuwing naiiisip ko iyong panahong iyon, I think he deserved that. I would understand dad, Maja, Kier, or Clyde for doing that... for the case... for blaming him. Dahil ako mismo, sa panahong iyon, inakusahan ko rin siya.

I just really want to know. I just really want to know this part.

"He got out when the... court allowed him to bail."

"So... he wasn't allowed to bail?" nanginig ang boses ko. "Ilang araw?"

"I don't know," ani Clyde. "I can't remember..."

Nilipat ko ang tingin ko kay Maja. Umiling siya sa akin. "Hindi ko matandaan, Portia... Pero... hindi iyon araw. Those are months..."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Ang sakit na naramdaman ko ay mas matindi pa noong nabaril ako. Bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ay dudugo ang labi ko sa kakakagat nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: