Kabanata 39

Kabanata 39

Never Liked A Man

Hapon ng araw na iyon ay inisa isa ko ang mga kompanya ng pagkukuhanan ko ng furniture. First project ko pa ito kaya wala pa akong contact sa ibang supplier. Mabuti na nga lang at tinutulungan ako ni Architect kahit paano.

Bagsak ako pagbalik ng bahay. Ilang kompanya ang pinuntahan ko para lang ma kumpirma sila sa gagawing designs. Nanghingi na rin ako ng karagdagang designs para sa limampu pang gagawin ko.

"Kumain na po kayo, Miss Portia?" tanong ni Mary nang nadatnan akong nakahilata sa sofa pagkauwi ko.

"Hindi pa, Mare. Pwede ba kitang utusang bumili ng pagkain. Hindi ako nakapaghanda. Ako na ang magpapaligo kay Beau. Pupunta kasi si Clyde ngayon..."

"Sige po. Anong gusto ninyo?"

Kahit na pagod na ako ay gusto ko paring maging hands on kay Beau. Kinuha ko ang anak ko nang lumabas na si Mary para bumili ng pagkain.

Nakangiti ang anak ko sa akin habang pinapaliguan ko siya. Hindi pa ako nakakapagbihis at basa na ang damit ko. I don't care. I'm just to tired to change my clothes.

"Beau your father is giving me a hard time at work..." malambing kong kinausap ang aking anak.

"Mamm!" aniya at tumawa.

Tinuro niya ang rubber duck at parang nagulat siya dahil doon. Napangiti ako. Matatapos din ang proyektong ito. Besides, I'll be making digits because of those designs. Kapag natapos ko ito, kaya nitong bayaran lahat ng gastusin ko sa loob ng limang taon kahit hindi na ako magtrabaho. Ganoon kalaki ang offer kaya ayos lang. Magtitiis ako. Not that I won't work after this. I just really need money for the future of my son.

Pagkatapos ko siyang bihisan ay dinala ko siya sa aking kwarto para ako naman ang makapagbihis. Nakarating na si Mary nang dumating din si Clyde sa aking condo.

Nilingon ko si Beau na nasa kama ko at naglalaro ng mga robot. Pagkatapos kong magbihis ay binaba ko na si Beau sa kama para makalabas na kami. Mabilis ang takbo niya patungo kay Clyde.

"Beau!" ani Clyde at kinarga kaagad si Beau.

"Pap!" ani Beau.

Napatutop ako sa aking bibig. Kitang kita ko rin ang gulat sa mukha ni Clyde sa sinabi ni Beau. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa. Parang kinukurot ang puso ko sa nangyari.

"Soon, he'll be able to say it properly..." ani Clyde habang nasa hapag kami.

"Si Kier yata ang nagtuturo sa kanya. He wants Beau to call him and dad papa. Sorry, Clyde," sabi ko.

Nakahanda na ang pagkain sa aming harap. Si Beau ay nasa kanyang high chair at kumakain ng ice cream na dala ni Clyde para sa kanya.

"I'm sorry? Bakit? Portia, it would be lovely if he calls me papa."

Umiling ako. "Come on, you're single and handsome. You will not find someone kung iisipin nilang may anak ka na!" Tinawanan ko na lang kahit na naaasiwa ako.

"You know I don't mind if it's Beau." Suminghap siya at nagseryoso. "Portia, nagkasalubong kami kanina ni Logan. Nasa Beretta ako at tinanong niya ako kung bakit hindi mo dala ang apelyido ko."

Nabitiwan ko ang mga kubyertos.

"You're working for him? Ang akala ko ba'y iiwasan mo siya?" Umismid si Clyde.

"Hindi ko alam na parte siya noong proyekto ko. Pumirma kaagad ako sa kontrata dahil mabait si Mr. Hernandez at maganda ang offer. What did you say to him?"

"I told him to back off. Na wala siyang pakealam sa atin. If not for my body guards he probably would have punched me."

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ni Clyde. I don't care what Logan thinks but I also don't want to add more lies to this.

"I didn't know he's one of the board members, Clyde. I'm sorry for this."

Hinawakan ni Clyde ang kamay ko at pinisil niya itong mabuti. I can see his utmost sincerity. Halos mabasag ang puso ko sa tingin niya sa akin. Talagang nag mature siya ng mabuti. Hindi na siya iyong Clyde na kilala ko noon. We both grew up together. Literally.

"Portia, you don't have to say sorry. If you would let me marry you, I would. I would take Beau as my own. I will be a good father to him. I will be a good husband to you. Alam mo iyan. Kung papayag ka lang."

"Clyde-"

"Pero alam kong hindi. Kahit hindi mo sabihin sa akin ngayon, alam kong mahal mo parin si Logan."

Kinagat ko ang labi ko at binawi ko ang kamay ko kay Clyde. "Ang importante sa akin ngayon ay si Beau, Clyde."

Huminga ng malalim si Clyde at nilingon ang anak ko. "I will take care of you two, Portia, I promised you that when we left the Philippines."

Halos gabi gabi ngang bumisita si Clyde, minsan kasama si Maja at Kier. Nagpapasalamat ako dahil sobrang busy ko sa mga sample boards na gagawin. Limampu ang kailangan kong gawin at tumawag na si Mr. Hernandez para sa isa pang meeting.

Sampung araw lang ang binigay sa akin para makagawa ng singkwentang designs. Halos wala na akong tulog sa paggawa ng mga iyon. Umiiksi ang oras ko para kay Beau at hindi na rin ako nakakapagpinta. I swear I won't do this again. I won't do this kind of project for the next six months.

"Pumapayat ka..." ani Maja nang naabutan akong nakatingin parin sa laptop ko.

"May tinatapos ako," sagot ko.

"Ang toxic naman ng project na iyan."

"Oo nga, e. Pagkatapos nito, hindi muna ako gagawa ng proyekto. Hindi ko na nababantayan ng maigi si Beau."

Tumunog bigla ang cellphone ko. Tinanggap ko ang tawag ng wala sa sarili at narinig ko si mommy sa kabilang linya.

"Portia, darling... Kamusta?"

"I'm fine, mom. You?" nakatanaw parin ako sa aking ginagawa sa laptop.

"Iniimbitahan ko kayo ni Beau at Clyde sa bahay ngayong gabi. Birthday kasi ng Tito Christopher mo, kaonting salu salo lang naman."

Natigilan ako sa ginagawa ko. I don't know what's with Katelyn and Logan but if it's an event, Logan's probably invited.

"Sino po ang magpupunta sa inyo?"

"Tayu-tayo lang naman, hija. Bakit? Actually, yout tito's birthday will be tomorrow. Ngunit ngayon kami magfafamily dinner kaya kita iniimbita ngayon. Please don't say no, I miss Beau..." halos mag makaawa si mommy.

"I'm not sure with Clyde, mom. Busy siya ngayon-"

"Asus! Si Clyde pa ba? Just ask him right now and you three should be here, 7 sharp!"

Huminga ako ng malalim at hinilot ko ang aking sentido. Ngayon pa talagang may ginagawa ako? "Okay..."

Nilingon ko si Maja na nagbibihis na para makaalis.

"Mommy mo?"

Tumango ako. "Aalis kami mamaya ni Clyde. Tatawagan ko pa, baka nga lang busy..."

Tinikom niya ang bibig niya 'tsaka tumango. "I don't think he's busy... You should call him."

Hinilamos ko ng aking palad ang aking mukha. Sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako. Pakiramdam ko ay magkakasakit yata ako.

Mabuti na lang at tama si Maja. Wala ngang lakad si Clyde sa gabing iyon kaya makakasama siya sa family dinner na gaganapin sa bahay nina mommy at Tito Christopher. Dumiretso kaming tatlo doon pagkarating ni Clyde sa condo.

Tahimik si Clyde at mukhang pagod sa trabaho kaya pabalik balik ang paghingi ko ng tawag. Dapat ay diniretso ko na kay mommy na talagang hindi makakasama si Clyde dahil busy siya sa trabaho. Nakakahiya tuloy ngayon.

"Portia! Clyde! you came! And with Beau!" ani mommy at naglahad ng braso para sa aming dalawa ni Clyde.

Niyakap at hinalikan ko si mommy. Nilingon ko si Tito at binati siya ng magandang gabi at maligayang kaarawan. Ganoon din ang ginawa ni Clyde.

Nilahad ni mommy ang kanyang braso para kay Beau kaya binigay ko sa kanya ang anak ko.

"Have a seat..." ani mommy sabay lahad sa mga upuang nakahanda.

Anim ang upuang naroon. Para kay mommy, Tito, Katelyn, Clyde, at sa akin. Kinabahan tuloy ako kung sino ang isa pang panauhin. I have a slight idea but I hope not.

"We need a high chair for your son. 'Tsaka ang bigat niya na, Portia!" ani mommy sabay tawa.

Nagtawag si Tito Christopher ng kasambahay para kumuha ng maaaring upuan ni Beau. Mabuti na lang at may high chair silang pambata. Tingin ko ay pinaghandaan ito ni mommy.

Sa labas kami nag di-dinner kaya maluwang at malamig ang simoy ng hangin. Nanginig ako. Uminom ako ng tubig para maibsan ang nararamdaman.

"Hija, wala pa ba?" Nakatayo si Katelyn malapit sa swimming pool. May kausap siya sa cellphone.

Ngumiti si mommy sa akin, tila ba humihingi ng paumanhin sa biglaang pagsigaw.

"Iniimbitahan niya kasi si Logan, Porsh... Hindi daw makakapunta pero baka naman mapipilit." Tumawa si mommy.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Clyde. Umiling si Clyde at tumingin kay Katelyn.

"What a clever name. Kaninong ideya nga pala na pangalanan ang bata ng ganiyan? I bet it's Clyde's idea?" tanong ni Tito Christopher.

"It's Portia's idea, tito."

Hindi ko maibaling ang atensyon ko kay tito dahil pinagmamasdan ko si Katelyn na nakatalikod sa amin at may kausap parin sa cellphone.

"Beaumont Adams... You named him after a gun, Portia? Well, given the nature of your father's business."

Bumaling ako kay mommy. "I want a unique name for my son,"

Panay ang salita ni Beau ng hindi malaman habang nasa hapag. Nililingon siya ni Clyde para libangin samantalang si mommy ay inaabangan parin si Katelyn.

"Hija, tama na iyan! Kung ayaw ay huwag mo nang pilitin, besides if he wants to he won't need you to pursue him that way..." ani mommy at tumawa ulit.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bumaling ulit si mommy na mukhang humihingi ulit ng paumanhin sa inasal.

"Katelyn likes Logan. Are you still in contact with him?" tanong ni mommy bago sumimsim sa kopita na puno ng wine.

Halos mabilaukan ako sa tubig na iniinom ko. "I... I'm doing a project under his... uhm, company."

"Oh? Really? What kind of project?" Natuon ang buong atensyon ni mommy sa akin.

"It's a condo with three towers, in Taguig."

"Oh! Katelyn's starting to learn spatial designing. Alam mo namang painting lang talaga ang hilig ng kapatid mo pero ngayon nahihiligan niya na rin iyan."

Tumango ako. Gusto ni Katelyn si Logan. Hindi na ako nagtaka. Ngunit sila ba? Paano sila nagkakilala ng husto? Paano sila nagkalapit? Is she... Logan's fuck buddy too? Dinadala rin ba siya ni Logan sa hotel at ginawan ng mga rule tulad ng ginawa niya sa akin? Dammit!

Pabalik na si Katelyn kaya tumigil kami sa pag uusap ni mommy. Bagsak ang balikat ni Katelyn nang ibalita niya sa amin na hindi makakarating si Logan.

"His in a business meeting..." anang kapatid ko sabay upo sa harap ko.

"Kate, don't try too hard. Baka ma turn off iyon sa'yo. He's busy and you're bugging him," nag aalalang sinabi ni mommy.

"The man is busy, Katelyn. Carina, huwag mo nang iencourage ang anak mo na kulitin si Logan," ani Tito Christopher.

"Mabuti pa itong si Portia, nagkikita sila sa trabaho."

Namilog ang mata ni Katelyn sa akin. Gusto kong umiling ngunit hindi ko ginawa.

"Really, Portia? You work with him?" tumaas bahagya ang tono ni Katelyn.

"I don't work with him. He's just one of the board doon sa condo na ginagawan ko ng disenyo..." sabi ko.

"Mabuti ka pa! I want to invite him to this annual exhibit at the SMX Convention Center, iyong sa ExPa? I will be attending this year... Can you please tell him to go with me?"

Napalunok ako sa hinihingi niya. Nakatinging pareho si mommy at Tito Christopher sa akin na tila ba'y sa akin nakasalalay kung tuloy ba ang pasko sa taong ito.

"Kate, I don't think I have the right to..."

"Porsh, please? I've never liked a man this much. Ever. Hindi pa ako nagkaboyfriend ever, alam mo iyan, ngayon lang talaga ako nagkagusto ng ganito."

Binalingan ko si Beau. Parang kinukurot ang puso ko.

Tumawa si Clyde para ibsan ang tensyong nararamdaman. "I think Logan Torrealba would agree if you ask him, Katelyn. Hindi naman siguro iyon tatanggi."

"I know but we won't see each other the next few days because of work. Portia will see him at work. Kaya mas mabuting sa personal siya tatanungin 'di ba?" palusot ni Katelyn.

"But it would be better if you would ask him, Kate. Kayong dalawa naman ang pupunta. It won't matter if you ask him in person or just through the phone..."

"Porsh... will you please just help your sister? It's a simple thing..." ani mommy na parang naiiirita sa kabagalan ng pag sang ayon ko.

Labas sa ilong ang pagkakasabi ko ng... "Ok..." Ilang hinga ang ginawa ko bago ako kumalma.

Pumalakpak si Katelyn at kumuha ng pagkain sa hapag. "I will text him too pagkatapos mong sabihin sa kanya..."

Hindi na ulit ako napatingin kay Katelyn sa buong course ng dinner.


I will tell him. I will ask him. Iyon lang naman. Simple. Fuck.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: