Kabanata 38
Kabanata 38
Fire Me
Hindi maalis sa utak ko iyong sinabi ni Logan sa pagkikita naming dalawa. Pagkauwi ko ay napatawag kaagad ako kay Tessa. I know she's already home. Hindi ko pa alam kung nasaan si Jade gayong naiwan siya sa Scarlet.
"He told me na hindi ba daw mahigpit ang asawa ko," napasapo ako sa aking noo.
"He thinks you're married..." Hindi iyon tanong.
Huminga ng malalim si Tessa sa kabilang linya. Para bang hindi na siya nagulat sa sinabi ni Logan.
"Everyone will think you are. Noong nangibang bansa ka, kasama mo si Clyde, hindi ba? Ilang beses din akong natanong ng mga kaibigan natin kung nagpakasal na ba kayo ni Clyde. And why is this affecting you so? Kung iisipin iyon ni Logan, edi hayaan mo siya, hindi ba?"
Napapikit ako. "Right! Hayaan ko siya!"
"Unless you want him to think you are single?"
Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Bakit nga ba iyo big deal sa akin? I was just shocked that he got it wrong. Noon pa lang ay tama lahat ng mga impormasyon sa akin pero ngayon, pumalya siya.
Tama si Tessa. I should leave it like that. Wala akong pakealam kung isipin ni Logan na may asawa na ako. It doesn't matter.
Hinanda ko lahat ng mga sample boards para sa mga room ng tatlong toreng condo para sa Taguig. Patapos na ang tatlong tore at kulang na lang ng mga detalye. Kakailanganin kong makipag kita sa iilang mga pagkukuhanan ko ng furniture na nasa sample boards.
"Mary," sambit ko habang nilalapag si Beau sa kanyang mat.
"Po?"
"May aasikasuhin ako. Baka mamayang hapon pa ang balik ko. Ikaw na ang bahala kay Beau..." utos ko.
"Sige po..."
Kailangan kong pumunta sa isang opisina para ilahad ang sample boards ko at kung saan makukuha ang mga materials. Kailangan ko ring puntahan ang mga pagkukuhanan ko ng mga materyales pagkatapos para masiguro ang tagumpay ng designs ko.
Maaga akong dumating sa conference room ng realty'ng napasukan ko. Inayos ko ang damit kong hinanda ko para sa meeting na ito. Beige ang kulay ng pang itaas ko, kulay brown naman ang skirt. Tinali ko ang buhok ko para dumagdag sa pagiging pormal ko ngayon.
"Darating na po sina Mr. Hernandez kasama ang board after fifteen minutes," anang sekretarya sa akin.
Tumango ako at ngumiti. "Salamat."
Inayos ko ang mga hinanda kong clearbook na naglalaman ng mga ilalahad ko ngayon. Ang alam ko ay lima silang pupunta ngayon. Inayos ko iyon sa mga posibleng upuan ng mga businessmen.
Paglipas ng sampung minuto ay bumukas ang pintuan ng conference. Binuksan iyon ng babaeng sekretaryang nag entertain sa akin kanina. Nakangiti niyang nilahad sa mga businessmen sa loob ng conference room. May dumating ding mga nakilala ko ng architect at ilang interior designers. Nakipag kamay ako sa isang architect at dalawa pang interior designers.
Nagulat ako sa huling pumasok. Logan Torrealba graced the room with his black suit. Nagtama ang tingin namin at hindi ko magawang lumapit sa kanya para makamayan siya. Umigting ang kanyang panga nang nagkatinginan kami.
Tumikhim ako at bumalik na sa kinauupuan ako.
"Nice to see you again, Portia..." ani Mr. Hernandez.
Ang matanda ay palatawa at mabait. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako masyadong kabado pero nang nakita ko si Logan ay nag uumalpas ang kaba ko.
"Nice to see you again, Mr. Hernandez," bati ko.
"Have a seat," anang matanda at ngumiti ulit.
Sabay sabay kaming umupo. Nakausap ko pa saglit ang architect na gagawa sa designs ng mga rooftop ng towers at ang dalawa pang designer na gagawa sa office at ground floors.
"Gentlemen," ani Mr. Hernandez sa limang lalaking board members. Ngumiti si Mr. Thomas sa akin, iyong kasama ni Mr. Hernandez sa Art Gallery.
Paano napabilang si Logan sa mga board nito? Muntik ko nang matutop ang bibig ko nang may napagtanto. Three years ago sinabi niya sa aking may proyekto siya sa Taguig. It's a three-towered condo. Ito ba iyong condo na tinutukoy niya? Na sa wakas ay tapos na at detalye na lang ang kulang? Dammit! I didn't see that one!
"This is Portia Cecilia Ignacio, our head spatial designer for the exclusive residential homes," paunang sinabi ni Mr. Hernandez.
Binuklat na ni Logan ang clearbook na nilagay ko sa mga mesa. Nagtaas siya ng kilay. Mas lalo lamang akong kinabahan. Dammit! Hindi pa siya nagsasalita ay naiintimidate na ako.
"Portia, these are the gentlemen behind the project. Mr. Aiden Thomas, one of Carlzon group's executive, Mr. Lukas Watanabe of the Watanabe International, Mr. Jason Valderama of the Valderama Industries, and Mr. Logan Torrealba of the Torrealba Properties, I'm guessing you know him."
Halos napalunok ako. Bakit hindi ko alam na kasama siya sa team na ito? Pumirma na ako sa kontrata kaya wala na akong takas. I need to finish this project. Anyway design lang naman at furniture ang kailangan kong ilahad. After this, it's over.
Tumawa si Logan. "Mr. Hernandez. Did you get her as the head of Spatial designs just because she knows me? Dapat ay tiningnan mo ang abilidad." Binagsak ni Logan ang aking clearbook.
Nagtiim bagang ako. Are you going to be difficult, Logan?
"Logan..." anang matanda. "Portia is a great designer. Besides, her credentials abroad and in the Philippines are outstanding!"
"I'm sure hindi naman siguro pipili si Mr. Hernandez dahil lang kilala ako. So what if we know each other? Business is business. If I cannot perform, your business will fail. Hindi sasayangin ni Mr. Hernandez ang ilang bilyon dahil lang kilala ako," diretso kong sinabi.
Tumitig at nagtaas lamang ng kilay si Logan sa akin. Kung makatingin siya ay parang may malaki akong atraso sa kanya. Wala siyang karapatang maliitin ako o ang mga gawa ko dahil lang sa nangyari tatlong taon na ang nakalipas.
Tumawa si Mr. Hernandez, "Tama si Portia. I'm sorry my introduction went wrong... Well, let's see the designs?"
Nagtanguan ang tatlo pang businessmen at sabay sabay nang binuklat ang aking hinanda. Ipinakita ko rin sa screen ang kung anong nasa clearbook.
"Some of these designs were picked by Mr. Hernandez. It's depending on the room size," sabay click ko sa mga pictures para maipakita ang mga susunod.
Pinagsalikop ni Logan ang kanyang mga daliri at matalim akong tinitigan. Ayaw ko siyang tingnan ngunit hindi mapigilan ng mga mata ko. Hindi ang designs ko ang tinitingnan niya, ako mismo ang tinititigan niya.
"Your target customers are bachelors, businessmen, and celebrities so the designs were made for them. The last floors of tower one, two and three were designed according to what you all told me. It's a big loft-like spacious room for bachelors. I included this on the reports para kay Alfredo Sanchez. I will set up a meeting with him soon and we'll talk about his unit."
"Very good! I will give you his contact number. Or do you already have his?" tanong ni Mr. Hernandez na tinutukoy iyong sikat na international rockstar na isa sa kliyente nila.
"Yes, I have his number."
"Do we get her designs for the three towers? Hindi ba ay redundant iyon?" tanong ni Logan.
Bumilis ulit ang takbo ng aking puso. Kinikwestyun niya ba ang abilidad ko? Three years ago he's inspired me to paint again. This time he wants my confidence to shatter once again. Nanginig ang kalamnan ko. This is not the time to feel this emotion.
"I-I have prepared more designs. Depende rin naman kasi iyon sa kliyente-" Nanginig ang boses ko.
"How many designs did you prepare?"
"I have twenty designs," sabi ko.
"Do you know how many units we have for each tower?" Nagtaas siya ng kilay.
Hindi ako nakasagot. Ginawa ko lang ang hinihingi ni Mr. Hernandez. He told me to prepare twenty sample boards. Hindi ko alam na kailangang mas marami.
"Nasubukan mo na bang mag design ng condo noon? Or is this your biggest project since?" Humilig si Logan sa upuan.
Tumikhim ako. Natutunaw ang aking binti. Tinitingnan lamang ako ng kanyang mga kasama. Ang dalawang interior designers sa gilid ay hindi na makatingin sa akin. Para bang sila ang nahihiya para sa akin.
"You can't expect all the clients to like all the sample designs. They will want someone else to design their unit so it would be useless," sabi ko.
"Our clients are businessmen, celebrities, Portia... Do you think they have the time to contact their own personal designer to design their unit? I bet for businessmen, ang condo na kukunin nila ay pang ilang unit na nila. They won't care and they would settle for the company's designs."
Hindi ulit ako nakapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko. He doesn't want me in this project. Nilingon ko si Mr. Hernandez na nakatingin lamang kay Logan.
"I want you to design more. Give me more sample boards. Magiging redundant ang mga ito kung uubusin natin ito sa tatlong towers. Do you agree with me Mr. Valderama?" tanong niya sa isang mid-40s na lalaki.
"I agree with Logan, Portia. We need more designs than this. The towers are nearing its launching. We need the designs fast too..." ani Mr. Valderama.
Hindi na ako makahinga. Ilang beses na akong napagalitan ng mga boss noon pero ngayon lang ako napahiya ng ganito ka tindi.
"We need 50 more designs for the next two weeks. Stick to whant Mr. Hernandez wants..."
Nalaglag ang panga ko sa dami ng hinihingi. Ako lang ang gagawa ng 50 designs? Wala akong team dahil kinuha lamang ako ni Mr. Hernandez para sa gusto niyang disenyo. Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari. "I-Is that even possible?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Mababa pa nga iyong 50. It should be more but kaonti na lang ang oras kaya 50 na lang," ani Logan.
Gusto ko siyang murahin.
"Logan, ang dami naman niyan? Can we reduce it to thirty instead?" tanong ni Mr. Hernandez.
"We have almost 600 units all in all, Mr. Hernandez. I think we deserve that number. Even more of that actually..."
Bayolente na ang paghinga ko. Matalim parin ang titig ni Logan sa akin. Para bang bawat salita niya ay binabato ako hanggang sa masaktan ako ng husto. Paulit ulit kong inisip na trabaho lamang ito. Ganito talaga ka tindi ang mga businessmen. Lalo na siya. I know he's a monster when it comes to business. Yes, that's it. I shouldn't take it personally! I should stop thinking that he want my confidence down.
"Kung kaya mo ng mas marami, you can give more. But it should be at least 50 more, Portia," ani Logan.
"Okay, I will." Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Mamamatay ako sa pagdidisenyo ng mag ito sa loob lamang ng dalawang linggo. "Can you please give me the specific dates of the launching so I can set a deadline?" mahinahon kong tanong.
"We need an earlier deadline. What if I don't approve of the designs? Iyong ikatlong sample board mo ay pang teenager. We're not expecting our clients to be high school girls or college girls,"
"But you can't say you won't have clients like them? What if these businessmen bought a unit for their high school girl child, hindi ba iyon-"
"Pwede na ang isa, huwag mo nang dagdagan pa. Focus on the clients... These furniture, did you contact the companies involved? You have Architect Philipp Constantino's sofas. Did you tell him?"
Tumango ako. "Alam niya na."
"She's recommended by Architect Philip Constantino, Logan. Doon namin siya nakita sa Art Gallery..." paliwanag ni Mr. Hernandez.
"How about the other furniture?" walang patawad na tanong ni Logan.
"It's all confirmed. Iyong 50 designs na gusto mo, 'tsaka ko na tatawagan ang mga kompanya kung iaapprove mo na. I don't want them to expect and then get disappointed if you don't like their furnitures," sabi ko.
"You should. Thanks for that initiative," ani Logan at binuklat ulit ang clearbook.
Mabilis natapos ang meeting dahil sa limampu pang disenyo na gagawin ko. Ngayon dapat ma fafinalize ang lahat ngunit dahil sa iba pang designs ay hindi nangyari. Gusto kong maiyak habang nagliligpit ng mga gamit. Paalis na ang ibang mga businessmen.
Hinagilap ko ang mga clearbook at dahil sa panginginig ng kamay ay nabitiwan ko ang mga iyon. Nagkalat iyon sa sahig. Napamura ako at yumuko para kunin. Dammit!
Nag init ang gilid ng aking mga mata. Walang pasubaling pumatak ang luha ko na agad kong pinalis. Wala akong panahon para umiyak.
"Why did you get the project?" tanong ni Logan na nasa likod ko pala.
Napatalon ako. Bahagya akong natigil ngunit nagpatuloy din sa pagliligpit. Bakit siya nandito? Ang akala ko ay nakaalis na siya kasama ang ibang businessmen.
"In the first place, why did Mr. Hernandez offered me that..." sabi ko.
"You lack experience. Kita sa gawa mo," may pangungutya sa kanyang boses.
Tinigil ko ang pagliligpit ko at hinarap ko siya. Wala akong pakealam kung makita niya man na naiiyak na ako. Wala akong pakealam kung makita niyang naaapektuhan ako sa mga sinasabi niya! I don't fucking care at all!
"Nakapirma ako sa kontrata kaya wala akong magagawa. Kung ayaw mo pala sa akin, sana ay ikaw na mismo ang naghanap ng designer mo! And if you want me out of this, then fire me! Hindi na ako makawala dahil nakakontrata ako kahit gustong gusto ko nang kumawala kanina!" Fuck! "You have that choice, you're one of the board members. Fire me then!" hamon ko.
Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Parang may humawak sa aking puso. I'm staring at my son's eyes. Nangilid ang luha sa aking mga mata at hindi ko na halos makita ng maayos si Logan dahil sa luhang namuo.
Tinalikuran ko siya at kinuha ang mga gamit ko. Nilagpasan ko siya at umalis na sa conference room nang umiiyak at wasak. Ngunit gaano man ka wasak ang puso ko, bayolente paring tumitibok ang mga piraso nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top