Kabanata 37

Kabanata 37

Malaya

Umaga ng Sabado ay abala ako sa pakikipaglaro kay Beau. Bumisita si Clyde at Kier nang nagtanghali kaya mas dumami ang kalaro niya.

"Can I bring him to a children's party, Porsh?" tanong ni Kier.

Ngumiti ako at tumango. Hindi ko nga lang alam kung kakayanin ba ni Kier ang kalikutan ni Beau.

Hinintay nilang dalawa na makabalik si Maja bago nagpaalam para umalis. Parehong may mga importanteng dadaluhang dinner. I didn't ask for details. Lalo na kay Clyde na kung makapag explain ay parang nagtatanong ako.

"It's a business meeting with some clients. Na postpone kasi kagabi kaya ngayon gaganapin. Pagod na ako pero kailangan ko paring pumunta," ani Clyde.

Tumango ako. Well, if it's a business meeting with a girl I hope he knows that I won't mind. Hindi niya na kailangang sabihin sa akin ang buong detalye tulad ng madalas niyang ginagawa.

"Maja..." tawag ko habang pinagmamasdan ang tulog na si Beau.

Dahan dahan kong kinarga ang anak ko. Tumayo si Maja at sumama sa akin sa kwarto ni Beau.

Napagod ang anak ko sa maghapong pakikipaglaro ni Clyde at Kier sa kanya. Nalungkot nga ako dahil napagtanto kong wala siyang kalarong ibang bata. Tanging si Clyde at Kier lamang ang kanyang kalaro.

"Maraming salamat talaga, Maja."

"That's okay. I can't bear mom's continuous naggings every day kaya mas gusto kong dito. And you know I can't get enough of Beau."

Nilapag ko si Beau sa kama. Mahimbing na ang tulog niya kahit alas otso pa lang ng gabi. Naisip kong baka magising siya ng madaling araw. Nakauwi na siguro ako pagkagising niya kaya ayos lang din.

"Napagod ata si baby. Panay ang takbo nila ni Clyde kanina," humagikhik si Maja.

"Oo nga, e. I wonder how he'll react pag may ibang bata. Sa U.S. hindi rin siya madalas nahahalo sa mga bata..." humalukipkip ako at tiningnan ang anak kong tulog na tulog.

"Why don't you introduce him to his cousins. Dalawa ang ka age niya, hindi ba? Lalaki pa ang isa..." Nag ngising aso si Maja. "Kidding. One look and I'm sure Logan's cousins can tell..."

Humalukipkip si Maja at pinagmasdan na rin ang anak ko.

Hindi ko na siya kailangang pagsabihan sa mga gagawin. Besides, hindi ko naman siya iniwang mag isa. Naroon naman si Mary na kaakibat niya sa pag aalaga habang wala ako.

Tumunog ang aking cellphone habang nagdadrive ako. Natagalan ako dahil inisip ko pa kung magpapasundo ako kina Tessa o gagamit ako ng sariling sasakyan. Hindi kalayuan ang pupuntahan namin kaya dapat ay hindi na ako nagdala.

"Nasan ka na? Kumakain na kami," deklara ni Jade.

"Malapit na ako. Paparking na..." sabi ko.

Sa isang chinese restaurant kami kumain sa BGC. Doon pa lang ay tila nagbaga na ang mga pinag usapan namin simula sa mga dating kaklase hanggang sa mga bagong business ventures na naiisip.

"So you're still active in ExPa?" mapanuring tanong ni Tessa sa akin.

"Si daddy ay active parin. After that incident, hindi na nga lang siya pumupunta. Nandyan naman si Kier para mag represent. Kanina niyaya ako ni Kier na magvolunteer ulit."

"Hindi ka ba pinagbawalan ng daddy mo na magvolunteer doon?"

"Walang sinabi si daddy. Anyway, hindi naman kasalanan ng ExPa ang nangyari. It's just bad memories. Siguro mas mabuti na ring maging active muli ako doon para matabunan ang mga alaalang ganoon."

Tulad ng ipinangako ni Jade, dinala niya kami sa isang bar na hindi kasing wild ng madadalas naming pinuntahan. Pula ang sofa at ang mga lights sa bar na iyon. Pula kahit ang paningin ko. Ang kulay black na tube dress ko ay nagmumukhang maroon dahil sa lights.

Isang malaking sofa ang kinuha niya at agad na nag order ng mga mamahaling wine. She was serious. Natawa ako.

"Here is what you want..." ani Jade.

Nagsalin ang waiter sa aming mga wineglass. Ganoon pa man ay hindi niya nakayang hindi umorder ng hard liquor. Isang bote ng Henessy ang nakatayo sa gilid ng wine.

"Cheers to my newest gig!" ani Jade at tinaas ang kanyang wineglass.

"And to Architect Philip Constantino!" humagalpak si Tessa.

Lumapad ang ngisi ko at binangga ang kanilang mga kopita.

"Tessa, you're ruining my toast!" ani Jade pero ininom parin ang wine galing doon.

Uminom din ako sa wine. Nangalahati ako bago ko iyon nilapag.

"Hindi ba may girlfriend si Architect?" tanong ko.

Nilingon ako ni Jade at nagkibit siya ng balikat.

"Wala na, Jade?" tanong ni Tessa.

Napag usapan namin ang buhay ng dati naming boss. Limang taon ang tanda noon sa amin at bachelor parin hanggang ngayon.

Tumuwid ng upo si Jade, diretso ang kanyang mga mata sa pintuan ng Scarlet. Napansin namin ang reaksyon niya kaya sinundan namin ang linya ng kanyang mga mata.

Halos mahilo ako nang nakita ko doon si Logan. Am I dreaming? Namamalikmata ba ako? Mag isa siyang pumasok at ginala ang mga mata sa loob.

Mabilis kong ginala ang mga mata ko para hanapin ang posible niyang mga kasama. Hindi ako nagkamali. Isang table lang ang layo sa amin nina Rage kasama si Sunny, Brandon kasama si Avon... They're here!

"Holy... sh..." Napapikit ako ng mariin.

"They're here? Hindi ko napansin iyon ah?" ani Jade.

Dumiretso si Logan sa sofa nilang apat. May lumapit kaagad na waiter sa kanila. May inutos si Logan kaya umalis na ang waiter.

Tahimik ang sofa namin. Siguro ay nagpoproseso din kay Tessa at Jade ang presensya ng barkadahang iyon.

"Should we?" baling ni Tessa sa akin.

Napainom ako sa aking wine at umiling.

"I'm fine..."

"Oh! Hayaan na. I didn't know they'll be here. Hindi naman ito ang madalas nilang tambayan. Prive or 71 Gramercy naman, 'di ba?" ani Jade.

"Siguro ay hindi na rin sila pumupunta sa mga hard core bars, Jade. May anak na ang magpipinsang iyan." Nilipat ni Tessa ang tingin niya sa akin.

Iniba ko na lang ang usapan. Mas gusto kong pag usapan ang tungkol sa trabahong tinanggap ko galing doon sa Art Gallery. Hindi ko nga lang maiwasan ang tumingin sa banda ng kanilang sofa. Diretso lang kasi iyon sa paningin ko.

Lagi kong naaabutan na nagtatawanan sila. Masaya si Logan at wala siyang alam na nasa paligid lamang ako. Not that I want him to notice my presence.

Nagsalin ulit kami ng wine. May iilang nagsidatingan ng kakilala. Lumapit sila sa table namin at nakipag kwentuhan ng saglit. Panandalian akong nawala sa pagsasagot ng mga tanong nila. Pagkatapos ay bumaling muli ako sa sofa nina Logan at naabutan ko ulit siyang nakangisi habang nakikinig kay Brandon.

"Oh my..." napatutop si Tessa sa kanyang bibig.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at hinanap ang tingitingnan niya.

"Your bitch of a sister is here," bulong ni Jade.

Inayos ni Katelyn ang kanyang shoulder bag at ginala kaagad ang mga mata sa buong bar. May dalawa pa siyang kasamang babae. Tumigil lamang ang kanyang mga mata nang napatingin siya sa bandang lamesa nina Logan.

Nilingon niya ang kanyang mga kasama at may sinabi sa kanila. Mas lalong umingay ang electronic at trance music sa loob ng bar. May iilang sumasayaw na, hindi nga lang kasing dami sa mga bar na madalas naming pinupuntahan.

"Pupunta siya dito?" tanong ni Tessa sa kalmadong boses.

Umiling ako dahil may napagtanto ako. Hindi siya pupunta dito. Ni hindi nga niya ako nakita.

Palapit na siya ng papalapit. Halos hindi na ako humihinga habang tinatanaw siyang naglalakad lagpas sa amin.

Kinuha ko ang kopita at pinangalahatian muli ang wine na naroon habang tinatanaw ang kapatid kong palapit na sa kung saan sina Logan. Luminga siya sa malayo at tumigil sa paglalakad. Tumigil din ang dalawang babaeng nakabuntot sa kanya, parehong tinitingnan ang kabilang mesa na walang tao.

Nilipat ko ang paningin ko kina Logan. Tinuro ni Brandon ang kapatid ko, dahilan kung bakit natoon ang pansin ni Logan sa kanila.

Bumaling si Katelyn sa lamesa nina Logan at kitang kita ko ang gulat na reaksyon niya nang nakitang sina Logan ang naroon.

"Tsss... That's staged! Disgusting!" ani Jade.

Hindi ako nagsalita. Pinagmasdan ko kung paano lumapit si Katelyn sa lamesa nina Logan. Para bang hindi pinlano na nagkita sila doon pero. Umupo si Katelyn sa gilid ni Logan. Nagtawag sila ng waiter at nag order naman ang mga kasama ni Katelyn.

Nagkatinginan kaming tatlo. Umismid si Jade. Kitang kita ko ang pag aayaw niya sa aking kapatid. Ngumiwi siya habang tinitingnan ang kabilang mesa. Ultimong kaonting galaw ni Katelyn ay ayaw niya.

"Nakita niya na sina Logan pero nagkunwari siyang hindi. Thanks to Brandon kaya sila napansin. I can't believe your sister, Porsh!" giit ni Jade.

Nagkibit na lang ako ng balikat. Ayaw ko nang makealam. I just want to live a peaceful life. I don't need to mess this up. Kahit para na lang kay Beau...

Pilit naming iniba ang usapan. Iniwas ko rin ang madalas na pagtingin sa kabilang mesa. Ngunit tuwing napapadpad naman ang mga mata ko doon ay naaabutan ko ang tawanan ni Logan at Katelyn.

"Baka sila na..." hindi ko naiwasang sabihin nang natahimik ulit kami.

"Tsss... Sasabihin ko kay Logan na may anak na kayo," ani Jade sa seryosong boses.

"Jade!" halos napasigaw ako.

"Don't!" ani Tessa.

"That bitch would only ruin this. Kung may feelings pa si Logan sa'yo-"

"We were fuck buddies. Paano siya magkakafeelings sa akin?" pabulong kong sinabi.

"Damn! I know fuck buddies. I've been in that kind of relationship, Porsh. Hindi ganyan. Always detach. Fuck and leave. You don't fuck and leave..." umiling si Jade.

"We do. Well, iyon ang usapan namin kaya ayaw ko-"

"Usapan ninyo pero bakit parang hindi nangyari? Ewan ko, Portia. Dinala ka pa niya sa Cebu noon," pailing iling si Jade.

"Please don't tell him about Beau-"

Umirap siya. "Come on! May anak siya pero ganyan?"

"Hindi niya alam at wala akong balak ipaalam. Kung mayroon man ay 'tsaka na pag maayos na kami," sabi ko.

"Jade, it's not your story to tell. Besides, kung babalikan ni Logan si Portia dahil lang may anak sila, hindi ba unfair iyon? I mean, yes it's good for Beau pero hindi ba pwedeng mag man up muna siya?"

"Sa bagay... Basta! Naiinis ako..." Nilingon ni Jade ang kabilang table at nasamid siya sa kanyang iniinom.

"Jade!" ani Tessa.

Napalingon ako sa kabilang mesa at nakita kong sobrang lapit na ni Katelyn kay Logan. Hindi ko lubos makita pero natatanaw ko na ang kamay ni Katelyn ay hinahagod na ang hita ni Logan.

Agad kong binalik ang tingin ko sa aking wineglass. Malalim ang hugot ng hininga ko at sa pagbuga ay may naramdaman akong kirot sa aking puso. Hindi ko lubos malirip kung bakit ako nasasaktan gayong kinundisyon ko na ang sarili ko.

"I need to go to the bathroom..." sabi ko at kinuha kaagad ang purse ko.

I want to freshen up. Masyado akong na sstress doon sa kinauupuan namin. Tiningnan ko ang aking relo at nakita kong quarter to twelve midnight na. Nagpowder ako ng ilong at naglagay muli ng lipstick. Inayos ko ang aking buhok at tiningnan ang sarili sa salamin. It's okay! Bumuga ako ng hininga at lumabas na ng bathroom para bumalik na sa aming mesa.

Bago ako makalayo ay nakita ko si Logan at Katelyn na palabas ng bar. Kamuntik pang natalisod si Katelyn kaya hinawakan siya ni Logan sa baywang. Muling ginapangan ng kirot ang aking puso. Dammit!

Nag iwas ako ng tingin. I tried to close my eyes before I continued. Ngunit kahit sa pagpikit ay naaalala ko ang malalaking daliri ni Logan na nakapirmi sa baywang ng aking kapatid. Hindi ko na maramdaman ang tuhod ko. I don't know if I'm tipsy or I'm not feeling well.

Palapit ako sa lamesa nang nakita kong naroon parin sina Brandon, Avon, Rage, at Sunny sa kabilang table. Nakita nila ako. Kumaway si Sunny sa akin ng nakangiti. Agad niyang binulungan si Rage, siguro para sabihin na narito ako. Kumaway ako sa kanilang apat na agad akong nilingon.

Ngunit hindi ko pinatagal ang tinginan. Binalik ko kaagad ang tingin ko sa kay Jade at Tessa, pagkatapos ay umupo.

Kinuha ko ang wineglass ko at inubos ang kalahating naroon.

"Umalis na si Logan at Katelyn..." malamyang sinabi ni Jade.

"Yeah. I saw them..." Nagulat ako sa diin ng aking boses.

Naaalala ko noon. Ganoong oras din kami madalas umaalis ni Logan sa bar. Ganoong ganoon ang pakiramdam. Nanlamig ako. Hindi ko alam kung malakas ba ang aircon o masama na talaga ang pakiramdam ko.

"We should finish the wine, Jade. Uwi na tayo..." wika ni Tessa.

Nagsalin ako sa aking kopita. Panghuli na iyon. Naubos namin ang wine. Pumayag naman si Jade sa gusto ni Tessa. Halatang nabadtrip sa nangyayari.

"I guess we should," ani Jade.

Isang beses kong nilagok ang punong kopita ko. Pumikit ako ng mariin at inayos ang sarili ko. Sana pala hard drinks ang ininom namin. I want to be so numb. I want to forget this night. Kung sana ay nahaluan ng matinding depressant ang dugo ko ay baka hindi ko pa nakita at naisip ang lahat ng nakita at naisip ko kanina.

"Kukunin ako ni Lloyd,"

"May hihintayin ako dito," wika naman ni Jade.

"So we should separate ways then?" tanong ko.

"Are you still fit to drive?" nag aalalang tanong ni Jade.

"Come on, this is just BGC. I'm not yet tipsy..." I assured them.

Kinuha ko ang purse ko. Mas lalong umingay ang buong lounge. Si Jade ay mananatili sa lamesa namin. May umupo doong kaibigan namin noong college at nakipag kamustahan sa kanya kaya hindi na kami nag alinlangang umalis.

"Porsh, sigurado ka bang mag dadrive ka?" tanong ni Tessa nang palabas na kami ng bar.

"Yes, Tess."

"Naghihintay na si Lloyd sa labas. Kung gusto mo ihatid ka namin tapos ipapakuha namin ang sasakyan mo dito?"

"Huwag na. I'm fine, Tessa."

Kaya nang lumabas kami sa Scarlet ay naka park na ang sasakyan ni Lloyd doon. Pumasok na si Tessa. Ngumiti ako at kinawayan siya. I alerted the valet. Umalis sina Tessa at Lloyd kaya mag isa lang akong nakatayo habang naghihintay sa aking sasakyan.

Ang itim na Mustang ay nag park sa tapat ko. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay tumigil rin ako sa paghinga. This can't be Logan, right?

Pero bago ko pa makumbinsi ang sarili ko ay lumabas na si Logan sa driver's seat. May pumalit sa kanyang valet. Nagkatinginan kaming dalawa. Inaayos niya ang kanyang white longsleeve na nakatupi hanggang siko.

Dinirekta ko ang tingin ko sa kanyang sasakyan upang mapawi ang mabilis na pintig ng puso ko. This is worse than what I felt with him way back. My heart is shattering my internal organs because of it's hard and fast beats!

Asan si Katelyn? Bakit mag isa siya? Bakit siya bumalik? I thought... some... hotel in BGC tonight with her? Kahit sa utak ko ay hindi ko na makumpleto ang naiisip ko.

"You're out early, huh?" pormal ang tono niya ngunit hindi nakatakas ang kaonting sarcasm sa aking pandinig.

"You... were out early," wala sa sarili kong sinabi.

Umangat ang gilid ng kanyang labi. His eyes were unreadable. Pitch black. It made me tremble. Crap!

Luminga linga siya bago ako binalingan. Nagtaas siya ng kilay.

"Naghihintay ka ng susundo sa'yo? I can drive you home too, if you want." Ngumisi siya.

Hindi ko alam pero nahimigan ko ang pananadya sa kanyang boses. Matalim ko siyang tinitigan. Hinatid niya si Katelyn sa bahay. Ihahatid niya rin ako? Ganoon ba iyon?"

"No thanks..." sabi ko sa matigas na boses. "I can do it myself..."

Saktong nagpark ang aking sasakyan sa harap. Tumingin siya roon bago bumaling ulit sa akin.

"Oh!?" aniya. "You're driving? Hindi pala mahigpit ang asawa mo, kung ganoon. Malaya kang..." pinagapang niya ang kanyang mga mata sa suot ko. "Nakakalabas ng gabi, ng ganyan... Tss..." Bahagya siyang tumawa.

Nagtiim bagang ako. Nagsusumigaw ang kanyang tono ng pangungutya. I hated it! Tinanggap ko kaagad ang susi ng aking sasakyan at pumasok na sa loob. Hindi ko na pinatulan si Logan. Pero nang lumayo ako ay parang nilulukot ang puso ko.

Hinampas ko ang manibela ng aking sasakyan.

"Dammit!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: