Kabanata 36

Kabanata 36

Better Father

Kinausap namin ni Tessa ang organizers. Pumayag sila na kunin na ang paintings ko. Nahiya tuloy ako dahil isang malaking opportunity ang mapabilang dito pero parang hindi ko pa naappreciate.

"Sayang, Portia..." ani Tessa.

"That's okay. I'm fine with what I have now. May offer ako doon sa three towers at nabili rin ang Los Angeles," nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kahit na patungo kami kung nasaan sina Logan kanina, mas kampante na ako ngayon. Aalis na ako. Uuwi sa condo at magpapahinga. I would be more comfortable with Beau.

Papalapit kami sa kung saan sina mommy, Katelyn, Logan, at iba pang mga businessman. Kinakabahan ako ngunit hindi na tulad sa kabang naramdaman ko noong una.

Nahagip ako ng paningin ni mommy. Dalawang beses niya akong tiningnan bago napagtantong ako iyon.

"Portia!"

Nabulabog ang munting pagtitipon nila dahil sa pagtawag ni mommy sa akin. Silang lahat ay napatingin sa akin ngunit nanatili ang mga mata ko kay mommy. Nilahad ni mommy ang kanyang kamay para salubungin ako.

"Porsh..." nagbabantang tawag ni Tessa sa akin.

Hindi ko na siya nilingon. Dumiretso ako sa kamay ni mommy at sinalubong siya ng besa. Hinagod ni mommy ang likod ko at tumingin siya kay Logan.

"Have you seen Portia's works now?" ani mommy kay Logan.

"Nadaanan namin kanina, Tita," mariing sinabi ni Logan.

I know until now, wala pang alam si mommy tungkol sa amin ni Logan. Wala siyang alam kung sino ang ama ni Beau. Hindi ko nga lang alam kung sadya bang ginawang sikreto iyon ni daddy o talagang hindi na nakealam si mommy sa kung sino ang ama ni Beau.

Alam niya rin ang tungkol sa shoot out. Yes, I introduced Logan to her. Sinabi kong kaibigan ko si Logan at alam niyang ang mga primary suspect sa Bulacan shoot out ay ang mga tauhan sa kompanya ni Logan. I expect her to at least be cold or just casual at him but I was wrong. I guess time heals... Everyone does move on. Ako lang yata ang naninibago sa lahat ng ito.

"Hindi niyo natipuhan?" Bumaling si mommy sa akin ng nakangiti.

It's like she's expecting us to still communicate like how we were before. Tumikhim ako at ngumiti pabalik kay mommy.

"Nabili na po lahat, mom, so it doesn't matter,"

"Oh! Portia..." napatutop si mommy sa kanyang bibig. "I thought..."

"Ang akala ko wala pang nakakabili, Portia?" Katelyn said.

"Nabili na," sabi ko. "Thanks Kate..."

"Good for you, Portia..." Malambing na tono ni Katelyn.

Ngumiti ako at nilingon ulit si mommy. "I have to go."

"What? Bakit? Kakasimula lang, ah? Excuse us... You two chat..." utos ni mommy kay Logan at Katelyn.

Napatingin ako sa dalawa. Nakatingin si Logan sa akin, hindi mabasa ang kanyang mga mata. It's almost pitch black. Tulad nang dati tuwing galit siya...

Hinigit ako ni mommy palayo sa kanila. Nagpatianod ako sa kanyang paghila. Sa gilid ng aking mga mata ay namataan ko na si Tessa at Jade na parehong nag-uusap na at naghihintay sa akin.

"Portia, you know that your friend Logan isn't the mastermind of the Bulacan shoot out case, right?" marahang sinabi ni mommy.

Hindi ko alam kung bakit ni mommy sinasabi ito. Hindi ako agad nakapagsalita dahil pinag iisipan ko pa ang sadya niya.

"You act like you two were not good friends years ago... You introduced us to him," nahimigan ko ang disappointment kay mommy. Para bang isang malaking pagkakamali ang nagawa ko.

"We were good friends, mom. Years ago, like what you said-"

"So you still believe that he's the mastermind of the incident? Portia, alam na ng daddy mo na si Sen. Fuentes ang mastermind. Hindi nga lang nahatulan dahil sa kakulangan sa ebidensya. The Torrealbas are out of it..." Nakakunot noong sinabi ni mommy.

"I know, mom-"

"Kung ganoon bakit ganoon ka makitungo sa dati mong kaibigan? Oh well, I can't judge you then. Are you sure you're going? This is a good exhibit since matagal ka nang hindi nagkakaroon ng solo exhibit, hindi ba?"

Pagod akong bumuga ng hininga. Inayos ko lamang ang buhok ko nang makabawi ng ng emosyon. Tumuwid ako sa pagkakatayo.

"Yes and I'm happy. Marami akong naging offer. I have other things to do, mom."

"Well then, I won't stop you."

Tumango ako at pagod na nilapat ang pisngi sa pisngi ni mommy.

"Katelyn, Portia's going!" tawag ni mommy kahit na wala na akong balak na magpaalam sa kapatid ko.

"Porsh, aalis ka na talaga?"

Lumapit si Katelyn sa akin at nagbeso na rin. I was shocked at the gesture. Her smile looked genuine and warm. Pagod akong ngumiti pabalik.

"Yeah, I have to go now..."

Tumango si Katelyn at kumaway sa akin.

Walang pag aalinlangan akong tumalikod sa kanila. Ni hindi ko na sinulyapan si Logan. Dire diretso ang lakad ko palabas kasama si Tessa at Jade. May iilang reporters kaming nadatnan sa labas. Naghihintay sila ng maiinterview at hindi na ako nagulat sa mga tanong tungkol sa muling pagkikita namin ni Logan.

Pagkatapos kong sagutin ang mga iyon ng pormal at ditiyak ay dumiretso na ako sa parking lot. Panay ang pagtatalo namin habang tinatanggap ko sa valet ang aking sasakyan.

"You two should stay. Isa pa, nandoon pa si Architect. Hindi ibig sabihin na umuwi ako, uuwi din kayo..." sabi ko dahil nagyayaya nang umuwi si Tessa.

Alam kong ayaw pa ni Jade na umalis. Lalo na ngayong nakakuha siya ng isang malaking offer. Si Tessa naman ay nagpasundo na kay Lloyd kaya nagyayaya ng umalis at sumama pa sa akin.

"It's still early, my God! It's not even dark yet!" sabi ko.

Nagsimula kasi ang event ng mga ala una ng hapon. Saktong alas dos ang dating ko kanina at ngayon, papalubog na ang araw.

"Oo nga naman, Tessa. Sus! Excited ka lang makapiling si Lloyd kahit na araw-araw naman kayong magkasama." Pumalakpak si Jade.

Ngumiti naman ako. I'm happy that my friends enjoyed this opportunity. Masaya na rin ako sa mga natanggap ko. Malaking tulong ito sa amin ni Beau.

"Jade... Hanggang alas otso lang tayo, ha?" Iritadong sinabi ni Tessa.

Sumakay ako sa aking sasakyan at binaba ang salamin para marinig ang pinag uusapan nilang dalawa.

"I can't believe I'll be part of that team, Tess! Laking tuwa ko!" ani Jade.

"Oh! Manlibre ka sa amin, ha? Ikaw yata ang may pinakamagandang offer ngayon satin."

Isang international project ang gagawin ni Jade kasama si Architect. Freelance iyon at hindi proyekto ng del Fierro kaya excited siyang makaranas ng wala sa kanyang nakasanayan.

"Sige ba! Bukas? Drinks on me..." ani Jade.

Umiling ako at tumawa. "I can't go out and party. Beau..." sabi ko na parang sapat na dahilan ang pangalan ng aking anak.

"Oh, come on! It's just a few drinks, Portia. Papatulugin muna natin si Beau bago tayo aalis," malambing na sinabi ni Jade.

Magpoprotesta na sana ako ngunit pinutol niya ako.

"Ilang taon ka sa America, Portia, at alam kong wala kang buhay don. No night life, no anything... so this is just one night. Isang gabi lang to make up for all those years..."

Tumango pa si Tessa na parang gustong gusto niya ang ideya ni Jade.

"I am not going to do that," sabi ko. "Jade, I always bump into Logan when we're in a club at BGC."

"That was before, Portia. Ilang taon na ang lumipas. And you bump on him on the dancefloor. Hindi na tayo sasayaw. Pure catch up and that's all..."

Natauhan ako sa sinabi niya. Right! That was before. Bakit ko iisipin na kakausapin ako ni Logan sa isang bar tulad noon? That's stupid! He didn't even directly talk to me in this event. Doon pa kaya?

"Dinner and drinks on me. Patulugin mo muna si Beau bago umalis," sabi ni Jade.

"Hindi na ako umiinom. I'm not even sure if I can handle hard drinks..." palusot ko pa.

"Then we'll drink wine, senyora. Just... loosen up! Nasa Manila ka na! You have friends here. You're in the top of the social pinnacle here. Live it!"

Umirap ako at sumuko na sa kanyang pagyayaya. "Okay. Tomorrow, then. I need to go now..."

"Thank you!" ani Jade at lumapad ang ngisi.

Iniwan ko silang dalawa doon. Dumiretso din ako sa condo. Binura ko lahat ng bagay na bumabagabag sa akin. Si Beau na lang ang tanging inisip ko.

"Maja, kumain na si Beau?" tanong ko sa kapatid kong nadatnan kong nagbabasa ng magazine.

"Oh? Ang aga mo, Porsh. Yup, kumain na ng hapunan si Beau."

Tumango ako at kinarga ang anak kong naglalaro ng mga leggo sa tabi ni Maja. Hinayaan kong mawala ang sarili ko sa kanyang mga matang kulay abelyana. Madilim ito ngayon. Ganito ito tuwing gabi.

"Mamm..." Ngumiti siya. Ang mapupulang labi ay mas lalong nadedepina.

"Beau..." malambing kong sinabi.

Umupo ako sa sofa. Nahagip ko ang mapanuring tingin ni Maja sa akin.

"Bakit ang aga mong umuwi? I thought you're going to be late tonight?"

Huminga ako ng malalim. "May nakuha na akong offer, 'tsaka nagbago ang isip ko. Ayaw kong ipagbili ang isa kong painting."

"Logan's there?" diretsahan niyang tanong.

Isang titig ko lang sa kapatid ko ay nakuha niya kaagad ang sagot.

"Naku! Anong nangyari? I bet it's bad? How about the media?" tanong ni Maja.

"I know how to answer the media. Hindi ko nga lang alam na magkaibigan na si daddy at si Retired General Torrealba. Nag usap kami kanina," sabi ko.

"Of course, Porsh... They were serious with their transactions with us. Totoong nangailangan sila ng baril at hindi iyon dahil lang gusto nilang kumalap ng ebidensya."

Kumawala si Beau sa akin at kinuha niya ang mga leggo. Hinaplos ko ang buhok niya habang naglalaro siya. Nagulat ako nang bumaba siya sa sofa at nagsimulang tumakbo patungong kitchen.

"So... Trion is still alive?"

Tumayo ako para hagilapin ang aking anak. Narinig kong sumigaw si Mary na siguro'y nagliligpit ng gamit doon. Kinuha ko si Beau na pilit na hinihila ang apron ni Mary.

"Sorry, Mare..." sabi ko at bumalik ulit sa sala para kausapin si Maja.

"Yes, Trion's still alive. Si Ret. Gen. Torrealba parin ang namamahala noon."

Tumango ako. "Dad filed a case against Logan 3 years ago?"

"Dad was frustrated. Hindi niya alam kung sino ang sisisihin. I bet he's also guilty. That bullet was for him."

"Bakit si Logan ang kinasuhan niya? What made him think that Logan shot me?" napatanong ako.

"Nagpaputok din ng baril si Logan noon. And yes, most of the men were from Trion. Logan is part of Trion... At naroon siya. Sino pa ba ang pwedeng ituro? And he's not only part of Trion, he's head of Trion, Porsh... Kahit ako, inisip kong kasalanan niya. Kahit si Kier, Porsh. And I know you also believed that..."

Kumawala ulit si Beau sa akin. Nagiging malikot na siya. Kaya madalas ay hindi ko siya magawang iwan.

"Nalaman din namin that same week na hindi siya ang nakabaril sayo. Pero dad wants justice to be served. Inisip naming isa siya sa mastermind ng lahat ng iyon..." Nagkibit ng balikat si Maja.

"At paano naging maayos ang lahat?" napatanong ako.

"Nang nag usap si daddy at si Ret. Gen. Torrealba, humingi ng tawad si daddy sa nangyari. Humingi rin ng tawad si Ret. Gen. Torrealba kay daddy. Napagtanto kong napakabait ng daddy ni Logan. Hindi ko magawang isipin na kaya niyang patawarin si daddy sa lahat ng iyon. I mean... it's cost him his wife, you know. They're civil with each other now... dad and him."

Huminga ako ng malalim. Kahit paano ay naliwanagan ako sa mga nangyari. Tiningnan ko si Beau na ngayon ay nakaupo na sa carpet at tumitingin sa magazine ng mga sasakyan.

"Good for dad. Hindi ko alam ang lahat ng ito. Actually, ayaw ko nang alamin pa," sabi ko.

Tumango lamang si Maja. Maybe she understood what I meant by that. There's no point in anything kapag nakapag desisyon ka na sa isang bagay.

Ilang sandali ang nakalipas, ilang beses ko nang naikarga si Beau at ilang beses na rin siyang kumawala.

"Maja, aalis ka ba bukas?"

"Sa umaga hanggang tanghali. Bakit? May gagawin ka?"

"Yup... Jade demands a night out. Pagbibigyan ko dahil simula sa Lunes, magiging abala ako sa project na nakuha ko."

"Ayos lang. Uuwi naman ako bago gumabi kaya ako na ang bahala kay Beau kapag wala ka."

Hindi ko alam kung paano pasalamatan si Maja. Alam kong maaasahan din si Clyde pero ayaw kong guluhin ang kanyang schedule. Alam kong abala siya sa negosyo at sa iba pang mga bagay.

Nang sa wakas ay napagod na si Beau sa kanyang paglilibot sa condo ay dinalaw na siya ng antok. It's almost ten when I saw his sleepy eyes. Kinarga ko ulit siya ng marahan para ideretso sa kanyang kama.

Nanonood ng TV si Maja at mukhang nagmamarathon ng isang series. Hinayaan niya akong alagaan si Beau ngayon pagkat alam niyang wala ako bukas.

Hiniga ko si Beau sa kanyang kama at nilagyan ng kumot. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay. Hindi ako makapaniwala na ang anak ko ang magpapabago sa mga pananaw ko. Siya ang nagpapatunaw sa galit at pighati ko noon. Humiga ako sa kanyang tabi, nag iinit ang gilid ng aking mga mata.

Kaya naming 'tong dalawa. I'll be okay basta nandiyan lang siya. Ayos lang sa akin ang lahat basta magkasama kaming dalawa.

Dahan dahang bumukas ang pintuan. Tipid ang ngiti ni Maja nang sumungaw siya doon. Ngumiti ako pabalik.

"Porsh..." marahan niyang sinabi. "What happened in Art Gallery?"

"Bakit?" napabangon ako. Sinuklay ko ang aking buhok.

"Umuwi ka ba ng maaga dahil kay Katelyn at Logan?" napapaos ang kanyang boses nang sinabi iyon sa akin.

Ipinakita niya sa akin ang kanyang cellphone. May pictures doon na magkasama si Katelyn at Logan. My sister's watching Logan's expression habang si Logan ay natatawa sa isang eksena o taong wala sa larawang iyon. The caption says: Real Estate Tycoon and bachelor Logan Torrealba is dating an artist?

Binalik ko kaagad ang cellphone ni Maja sa kanya.

"She's your sister. He's dating her?" marahan niyang tanong. "She's dating him?"

"Hindi alam ni Katelyn ang tungkol sa amin ni Logan," simple kong sinabi.

Bumangon ako para iwan na ang tulog na si Beau. Naisipan kong doon na matulog pero dahil sa usapan namin ni Maja ay kinailangan naming lumabas.

"But he... he knows you two are sisters... Really? What an ass!" Tumaas ang boses ni Maja. Mabuti na lang at nasa sala na kami. "Alam kong mukhang hindi naman sigurado ang balitang ito pero... for Pete's sake! I can't believe it... I can't believe he's the father of my nephew! He's an asshole, Portia!"

Sumikip ang dibdib ko. I don't know what to say to her.

"I know he's an asshole. Noon pa man," iyon lang ang tangi kong nasabi.

"My nephew deserves a better father..." umiling si Maja at padabog na umupong muli sa sofa.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: