Kabanata 34
Kabanata 34
For Peace
Sa bahay kami nina daddy tumira ng pansamantala. Ang sinabi niya ay sana kahit unang dalawang araw ko lang sa Pilipinas kaya lang ay nagtagal kami doon. Nagsimula kasi ako ng isang painting at gusto kong tapusin ito nang nasa bahay lang nila.
Mabuti na lang at hindi naman umalma si Tita Irene. Wala siyang sinabi sa pagtagal ko ngunit hindi ko iyon sasamantalahin para magtagal pa doon.
"Oh my God!" Patiling sinabi ni Tessa nang nakita na sa wakas si Beau.
Kakagising lang ng aking anak. Umaga ng Sabado bumisita si Tessa at Jade sa bahay. Hindi na sila nagpaawat dahil gustong gusto na nila akong makita at pati na rin syempre si Beau.
"Oh my God! Ang bigat niya na!" ani Tessa nang kinarga ang anak ko.
He extended his arms for me. Ngumisi lamang ako. Ayaw niya pang makihalubilo.
"Hi Beau! Manang mana ka sa daddy mo!" ani Jade sabay hawak sa kamay ni Beau.
Matalim ko siyang tiningnan. Ngumiti lamang si Jade at nilaro ang kamay ng anak ko. Umupo ako at nagsalin ng juice sa kani kanilang mga baso. Nasa poolside kami ng bahay at tanging ang malaking payong lang ang nagsisilong sa umagang init.
"I know what you'll say... let's not talk about him," inunahan ako ni Jade.
"Come on, it's been years, Jade. I don't mind. Ayaw ko lang sa harap ni Beau."
Umismid si Tessa at pinaupo ang anak ko sa kanyang kandungan. "Hindi mo sasabihin sa bata kung sino ang tunay niyang ama?"
"I can raise him alone. My love would be enough. I love him so much. More than anything, Tessa."
Kitang kita ko ang pag alma sa mukha ni Tessa. Uminom ako ng juice para maibsan ang tensyong namumuo sa akin ngunit ipinagpatuloy ng kaibigan ko ang kanyang sinasabi.
"Kahit huwag na nating isipin si Logan, you are being unfair to Beau. He deserves to know. And besides, kahit malaman niya lang. One day, he will ask. Magtatanong siya kung nasan ang kanyang daddy o kung sino? At sino ang isasagot mo? Si Clyde?"
Nilapag ko ang juice sa mesa. Naisip ko na iyan. Ngunit hindi ko natapos ang desisyon. Gusto ko na lang munang mamuhay sa kung anong mayroon ngayon. While he's young and innocent.
"Logan didn't want a child. I don't want him to feel like he's unwanted." Umiling ako.
Natahimik silang dalawa. Nginitian lamang ni Tessa si Beau dahil nagsimula itong ngumiti din sa kanya.
"Paano mo nalamang ayaw niya?" tanong ni Jade.
"Siya mismo ang may gustong mag pills ako. And come on, men like him?" hindi ko na tinapos dahil iniisip kong alam na nila ang dugtong.
"Still, we can't judge him just because of that."
Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam. Ayaw ko munang harapin ang problemang iyan. I just want to simply enjoy what Beau and I have now. Nilaro nila si Beau at Tessa habang nag-uusap kami tungkol sa mangyayari ngayong Biyernes.
"Your designs are under Philip Constantino's designs. At iyong paintings mo naman, ay naroon na rin sa mismong venue. Aayusin pa lang iyon next week," ani Jade.
"Okay lang kay Architect?" tanong ko, pang ilang beses na yata ito.
Pinandilatan niya ako. "Of course, Portia. Bakit nga pala tatlo lang ang isasali mo sa exhibit?"
"Tatlo lang ang gusto ko," iyon lang ang sinabi kong rason.
"Tranquil, Los Angeles, and Moment, ang title ng mga nilagay mo, hindi ba?" ani Tessa.
Tumango ako.
"Do you know Katelyn will put her own version of Satellite?" ani Jade pagkatapos ay ngumiwi. "Own version ba talaga iyon? Parang kopyang kopya ang pagkasurreal noong sa'yo. I would get it if she copied the title or coincidence lang pero iyong laman mismo ang kinopya?"
"Hindi maiiwasan sa art na ganoon-"
"Ano? Ano 'yan, nagkataon lang na pareho kayo ng naisip at title na rin? The three coconuts, the big surreal moon, and the setting sun?" angil niya.
"The painting is not with me anymore kaya hindi ko na rin pinuna..."
"Where is that painting, by the way? Hindi ba ay nasa bahay iyon ng former president?"
"Maybe... I don't know..." iniwasan ko ang topic ngunit nagpatuloy si Jade sa pagsasalita tungkol sa kapatid ko.
"Halos buwan buwan nag eexhibit iyang si Katelyn. I'm not sure if it's because she's prolific or wala talagang bumibenta sa kanya?"
"Stop it, Jade. Hayaan mo na. She's good at this so probably she's prolific."
"I'm sorry, Porsh. I just really don't like her." Nag kibit ng balikat si Jade.
Pinakuha ko si Beau sa napiling kasambahay. Inutusan kong paglaruin muna siya sa loob kasama si Maja dahil naroon naman sa bahay ang kapatid ko. Nagpatuloy kami sa usapang trabaho. Sinabi nila sa akin ang lahat ng gagawin doon at ang posibleng mangyari sa mga designs lalo na iyong sa interior.
"Kung magustuhan ay pwede kang pumirma ng kontrata para iprovide iyong mga disenyong kakailanganin-"
"But I can't work full time-"
"Chill! You are not going to work full time. Iyong disenyo lang mismo ang kukunin. May ibibigay lang na project so you won't have Architect as the boss. Ikaw lang mag isa pag napili ka."
Inintindi ko lahat. May lista din si Jade sa mga dadalong executives bilang guests at sa mga mag s-scout ng mga para sa mga real estate. I'm not surprised that the del Fierro's will be there. Nasa guestlist din si Logan at si Brandon.
Napalunok ako. Alam kong pinagmamasdan nila ako habang binabasa ang mahabang listahan. I tried to act cool.
"Asan iyong sa mga mag s-scout?"
"There..." tinuro ni Jade ang malalaking kompanya.
Napahinga ako ng malalim. Hindi na sasama ang Carlzon Rockwell dahil ang del Fierro na mismo ang sasalo sa mga designs na gusto nila para sa kanilang real estates o hotels. Thank God!
"Oh! Para kang nabunutan ng tinik?" Nagtaas ng kilay si Tessa.
"Wala..." sabi ko.
"Pero we can't assure you that Logan's not there. Nasa guestlist siya. Kung gugustuhin niya ay magpupunta siya doon. Lalo na at naroon si Katelyn." Napatutop kaagad si Tessa sa kanyang labi.
Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang kwestyunin ang kanyang reaksyon o hindi. Pero bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay natalo na ako ng kuryusidad. "Bakit si Katelyn?"
Nagkatinginan muna sila ni Jade bago nagpatuloy si Tessa. Inabala ni Jade ang kanyang sarili sa pag inom ng juice at pag kain sa lasagna na hinanda ko para sa kanila.
"Lagi kasing iniimbita ni Katelyn si Logan sa mga exhibits niya. Siguro ay gusto rin ni Tita Carina kaya ang alam ko, lagi siyang nasa exhibit ng kapatid mo."
Bumagsak ang tingin ko sa lasagna at nagkibit ng balikat. "Well, good for Katelyn. Logan probably liked her works, that's why..."
Alam kong worried sila sa magiging reaksyon ko pero ipinakita ko sa kanilang ayos lang. Ayos lang naman talaga. I mean, it's been years. Kumpara noon ay ibang iba na ako ngayon. May purpose na ang lahat ng gagawin ko. This is all for Beau. Nothing can stop me from this.
Nang nag Lunes ay lumipat na kami sa condo. Kasama ko si Mary, iyong kasambahay at nagbabantay kay Beau kung abala ako, at si Maja. Ayaw ni daddy na doon si Maja tumira sa condo ko kaya minsan lang siya pwedeng matulog dito. I didn't encourage her too.
"Will you two be okay here?" tanong ni Clyde habang hinihiga ko si Beau sa kulay blue niyang kama.
Nakahilig si Clyde sa hamba ng pintuan. Naka lukot ang sleeves niya patungong siko. His hair is slightly messy too. Ngumiti ako sa kanya.
"We will be."
"I am going to visit you the whole week, every night..."
Ngumiwi ako. "Come on, Clyde... Paano iyong girlfriend mo?" Panunya ko.
"I don't have a girlfriend, Portia..." mariin niyang sinabi.
"Okay... Whatever." Tumawa ako at nakita siyang tumingin sa kanyang relo.
Hindi ko alam kung nasobrahan ako sa kape o ano pero nitong mga nakaraang buwan ay nakikita kong busy siya tungkol sa kung ano. Narinig ko rin siyang may kausap na babae isang beses sa Los Angeles. Ayaw niyang umamin pero nararamdaman ko na may girlfriend siya. It's not new to me but it's been years since I saw him with another girl so...
He's true to his word. Gabi gabi niya kaming binibisita ni Beau. Gabi gabi rin niyang naabutan na nagpipinta ako at si Beau ay naglalaro sa gilid. I can't thank him enough for being always there. Syempre, kahit nandito si Mary para mag alaga ay mas mabuti na rin na may kaakibat pa kami sa mga simpleng gawain.
"So... Beau likes pasta? Sinanay mo ba siya?" tanong ni Clyde habang sinusubuan si Beau ng Ziti.
Umupo ako sa highchair ng counter. May sariling high chair si Beau at naroon ang isang maliit na bowl ng Ziti. Sa tapat ko ay si Clyde na pinagmamasdan si Beau na kumakain.
"More!" ani Beau, sinasalubong niya ang kutsara kay Clyde.
"Nagkataon lang. Nag bake ako ng Ziti at Risotto, of course I let him try it and he liked it. He likes pasta..." Kinuha ko ang isang tinidor para tikman ang luto ko.
"Though he shouldn't eat too much of this."
Tumango ko. "Yup. He eats vegetables only when it's cooked like pasta or pasta. Kaya pinapakain ko."
Clyde would even wait till we go to bed bago siya aalis. Hinayaan ko na rin ang ginagawa niya. I'm glad that we're okay after everything.
Nang nag Biyernes ay kabado na ako. Hindi naman ako madalas an kabado tuwing may exhibit kahit sa Los Angeles. Siguro ay dahil nasa Pilipinas na ako. The media would be covering it and it's my first time to come out after years of being abroad.
Pupunta si Kier bilang representative ni daddy. Walang kinalaman sa aming business ito ngunit dahil sa ExPa ay magkakaroon parin ng appearance ang aking kapatid.
Sa loob pa lang ng sasakyan ay panay na ang retouch ko. Naka all black terno ako at ang nakalugay kong buhok ay nakaparte sa left side ng aking balikat. Pinasadahan ko ng tingin ang aking top at inayos ito ng isang beses. It's revealing my cleavage and some skin on my stomach. Hindi pa ako naging ganito ka conscious sa aking suot. Crap!
Lumabas ako sa aking sasakyan at pinatunog ito. Pumunta ako sa elevator at may nakasabay pang ibang kakilala.
"Kamusta, Portia!? Nakauwi ka na pala!" anang isang kaklase ko sa college.
"Yup," ngumiti ako.
"We thought you'd stay abroad for good because of what happened?" concerned na tanong ng kaklase ko.
Ito ang iniiwasan ko. Bumukas ang elevator at nakita ko kaagad ang red carpet patungo sa venue. Mabilis ang click at mga flash ng camera at naglipana ang mga artists, business tycoons, modelo, celebrity, politician, at kung sinu sino pa.
May mga reporters sa bawat sulok ang naroon. Even the clothes of the famous people were made an issue.
Pagkatapak ko sa red carpet ay sinalubong kaagad ako ni Jade at Tessa na parehong pormal ang mga damit. Napangiti ako at napagala ang mga mata ko sa kanilang dalawa. It's been a while since I saw them this dressy!
"Is that Portia Cecilia Ignacio?" boses ng bading na reporter ang narinig ko.
Crap! It was Roderick! Nasa magkabilang gilid agad si Tessa at Jade para huwag ako masyadong makakuha ng atensyon ngunit nang lumapit na si Roderick sa amin ay wala na silang nagawa.
"Portia! It's been a while..." nagbeso si Roderick sa akin.
"Rod, you're still with that same magazine?" tanong ko.
"Yup but I'm also working as a news anchor tuwing Sabado. I'm with a TV station..."
Tumango ako at bumaling kay Jade at Tessa nakikinig sa amin.
"You're displaying your works here? Years ago you told me you stopped painting!" ani Roderick at agad kong napansin ang kanyang cellphone. Nirerecord niya na ang sinasabi ko at may camera man na rin sa likod.
Crap!
"I stopped for a while. I guess old habits just die hard..." Ngumiti ako sabay tingin sa camera.
"And my... you look so stunning than ever, Portia!" Pinasadahan niya ako ng tingin. "Mind telling me about your dress?"
"Ah! I just bought this under Marc Jacobs. Hindi ako nagpadisenyo para sa event na ito."
"Still classy! And hindi ba umalis ka ng bansa right after the Bulacan shoot out? What happened with the case?"
Crap! Really!
"Rod, I think we should go. Baka mahuli na kami..." singit ni Tessa.
Hinawakan ko ang kamay ni Tessa. Haharapin ko ang tanong na ito. Alam kong sa gabing ito ay hindi lamang si Roderick ang magtatanong tungkol diyan. Marami pang reporter ang magtatanong. Mapalad ako at kaibigan ko mismo ang nagtanong.
"Yes. I was shot and for my security lumabas ako ng bansa. That's my dad's orders too and my personal decision..."
"You're in some sort of family feud with the Torrealbas, right? Pero that was years ago. Right now your family's in good terms with them. Iyan ba ang dahilan kung bakit malaya ka nang nakabalik ngayon?"
Crap! I didn't know that part. Or he's just over reacting?
"Yup. I believe that at some point, people will stop fighting for a better cause... For peace..." tumango ako.
"Pero still in feud with the Fuentes', though. Hindi ka ba natatakot? The case wasn't solved because of the lack of evidences in both sides. Do you still believe na sila ang may kagagawan ng lahat ng iyon?"
"Honestly, Roderick, I just hope people would stop the feud. I hope for the best." Tumango ulit ako. "I don't want to give life to that issue. It's done. It's over. Years ago..." sabi ko.
"You were seen with Logan Torrealba at Brandon and Avon Rockwell's wedding years ago. What does this event suggest? Are you two still friends?"
Halos mapasinghap ako. Lahat ng tanong ay nasa utak ko kanina pero hindi ko inasahan ang isang ito.
"Roderick, please... We need to go..." Nahimigan ko na sa boses ni Tessa ang pagkakairita.
"Oh!" Tumaas ang kilay ni Roderick na para bang may nahimigan siyang malaking sekreto.
Crap! I am going to put an end to this issue.
"Nagkataon lang iyon, Roderick. We're friends years ago before the Bulacan event-"
"So you're saying na hindi na kayo magkaibigan ngayon?"
Ramdam ko ang paglisan ng dugo sa aking mukha. Thank God for make up!
"Hindi kami nagkakausap na. Of course because of the issues but I'm not saying that we're not friends anymore-"
"So kung magkikita kayo, you'll be civil?"
"Roderick, why are you making this a big deal?" iritadong sinabi ni Tessa.
Hindi nakinig si Roderick sa kanya. "Of course, I would. Bakit hindi?" Tumawa ako at bumaling kay Tessa. "We need to go. I need to check my works..."
"Thank you for the time, Portia and good luck!" ngumiti si Roderick at pinakawalan na kami.
Parang nawala ang nakadagan sa aking dibdib. Ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Marami pang nagtatangkang lumapit sa akin dahil sa ginawa ni Roderick pero dahil hindi kami tumitigil sa pagpasok ay hindi sila natutuloy.
Nasa bukana na kami ng venue at kitang kita ko na ang iba't ibang paintings. Dumiretso kami sa kung nasaan iyong akin. I even encouraged Tessa and Jade to go to their booth pero hindi nila ako nilubayan.
Nilingon ko ulit ang malaking double doors at nakita ko ang mabilis na click ng mga camera dahil sa pagdating ng isang lalaki kasama ang ilang mga business tycoon. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong si Logan iyong dumating. Naka itim na tuxedo siya at may kulay gray na necktie.
Tumigil ang paghinga ko. He's still the same. Hinarap niya ang reporter na sumalubong. Gusto kong magtago sa likod ng mga paintings. No... he's not the same. He's better. He's more... intense. Dammit!
He towered over the reporters. He ran his fingers in his hair. Kitang kita ko ang paglingon ng mga babaeng naroon. They're all drawn because of him. I'm sure of it. He's beautiful and intense. His chiseled jaw, straight nose, broad shoulders and long powerful legs would shame all the gods of Mount Olympus! Tanging ang dimples at ang pagngiti lamang niya ang nagbigay ng liwanag sa madilim niyang mukha.
Inayos ko ang buhok ko at bumaling sa aking mga painting. Holy crap! My knees are trembling... kahit anong kalma ko ay hindi ko magawa.
"Asan ang kay Architect? Shall we go there?" tanong ko sa dalawa.
Dammit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top