Kabanata 32
Kabanata 32
Priorities
Nasa Los Angeles na ako nang nag second appointment sa doctor. Hindi parin ako makapaniwala na may buhay ang laman ng tiyan ko. Hindi ako nagsusuka. Namimili ng pagkain at nahihilo lamang ang sintomas ko.
Sinamahan ako ni Clyde sa doktor. The nurse even asked him if he's the father of my baby. Hiyang hiya tuloy ako sa kanya.
"I'm sorry for the hassle, Clyde," sabi ko papauwi kami sa bahay namin sa Los Angeles.
"It's really nothing, Portia. You know you can always count on me," ngumisi siya at tumingin sa kalsada.
"Thank you so much."
Uuwi si Clyde limang araw mula ngayon. Palagi niya pa nga akong tinatanong kung magiging maayos nga ba ako dito ng mag-isa.
"I'm not totally alone, Clyde..." Panunuya ko sa kanya.
"You are not totally alone always. Pero madalas, oo..."
Ginala niya ang kanyang mga mata sa bahay namin. Hindi lang ako ang nakatira dito. Nandito rin ang Tito at Tita ko pero madalas silang bumabyahe patungo sa ibang state para sa trabaho. Ang mga anak naman nila ay bumukod at nasa kani kanilang mga apartment na.
"I'll be fine. Besides, ang sabi ni tito may kasama ako tuwing aalis sila..."
Kahit na kaya ko naman talagang mag isa, ayaw kong nag-aalala silang lahat. Tinanggap ko ang gusto ni tito na magkaroon ng kahit tagapangalaga o kasambahay tuwing wala sila. Para na rin pag lumaki na ang tiyan ko, may kaaakibat ako sa mga gawain dito. Hindi na ako nag protesta.
"Call me always, okay?" Bakas ang sinseridad sa kanyang tono at kanyang mga mata.
Tumango ako kahit hindi ko gagawin. I don't want to bother anyone. Hindi ibig sabihin na willing si Clyde ay pagsasamantalahan ko na iyon. I will continue being independent. Mismong pinanggagastos ko sa lahat ay sarili kong pera galing sa pagtatrabaho at pagpipinta.
"You should avoid social media, though..." ani Clyde.
Alam ko na iyon at wala rin naman akong balak. Hindi na ako hahanapin ni Logan. Tapos na ang hinihingi niyang paghihiganti. Tapos niya na akong gamitin pero umiiwas parin ako sa mga bagay na maaaring maging dahilan para magkaroon ulit ng koneksyon. As much as possible I want to live peacefully.
Nang umalis na si Clyde ay inabala ko ang sarili ko sa pagpipinta. That is my only outlet. Bukod na rin sa madalas na pakikipag tsikahan ko kay Tessa at Jade na nasa Pilipinas, wala na rin akong ibang ginagawa.
When I finished some of my paintings, kahit na di sadya ay may naibenta ako. Pagkauwi kasi nina Tito at Tita galing sa trabaho ay may dala silang mga Canadian na bisita. Ang isa sa mga iyon ay nagustuhan ang dalawa sa naipinta ko. Ginawa ko kasing dekorasyon sa kusina at sala kaya nila nakita. Gusto kong ibigay na lang iyon but they won't accept it. Gusto nilang bilhin ang painting ko so I took that opportunity to earn. Ngayong wala na akong trabaho, makakatulong ang di inaasahang pera sa akin.
"Hindi mo sinabi sa akin, Portia! Bakit hindi mo sinabi? Nalaman ko lang iyon kay Clyde!" Naghihisteryang utas ni mommy.
Nakakunot ang noo niya sa screen habang binabalik balik iyon. Malaki na ang tiyan ko at ngayon niya pa lang nalaman ang aking pagbubuntis.
"I was shocked that Leoncio knew about this! Ang akala ko ay itinago ninyo ni Clyde ang lahat ng ito to surprise us-"
"Bakit naman namin itatago mom?" Ngumiti ako.
"Because I didn't know kaya ko iyon naisip! Nang nalaman kong alam na ni Leoncio, I felt stupid! How could I be so blind! My own daughter is pregnant! Ilang buwan ka ng buntis, hija?"
"I'm seven months pregnant po," sabi ko sabay hagod sa tiyan ko.
"And... is it a boy or a girl?"
Bumuntong hininga ako. Naalala ko iyong unang beses na nalaman ko ang kasarian ng aking magiging anak.
"It's a boy, mom..." sabi ko.
"Oh! That's great, hija! When are you due?"
Marami pa siyang tinanong sa akin tungkol sa aking baby. I told her the details and that was it.
Nang nag walong buwan na ako ay pumunta na si Maja dito. Ang sinabi niya ay magbabakasyon lang siya at kakamustahin ang ibang kaibigan pero ang alam ko, pinlano niya na ito kahit noong maliit pa lang ang tiyan ko. Hindi ako pumayag sa pagpunta niya dahil ayaw kong ma abala siya kaya gumawa siya ng ibang rason.
"Is it heavy?" tanong niya at umaambang tutulungan ako sa pagbubuhat ng aking tiyan.
Tumawa ako at umiling. It is kind of heavy but I don't want her to worry about it.
Palagi na akong naglalakad lakad para makapag exercise. Hindi na rin ako mapakali sa sobrang excitement sa paglabas ng aking magiging anak. Pakiramdam ko, bawat sakit sa aking tiyan, kahit kaonting galaw lang ay manganganak na ako.
"You know what? Nanganak na si Avon Rockwell, iyong asawa ni Brandon?" patiling sinabi ni Jade.
"Talaga?" Ni hindi ko alam na buntis si Avon.
"Yup! It's a girl! They named her Schuyler... May ka edad ang anak mo, Portia!" Humagikhik pa siya.
Ngumiti lamang ako. I'm not sure how I should react. Hindi ko ipapakilala ang anak ko bilang anak ni Logan. I'm actually making this a secret. I want a peaceful life so I will leave that part behind.
Si daddy, tita Irene, Kier, at Clyde ay nasa Los Angeles nang nanganak na ako. Isang linggo lamang si daddy at Tita dahil sa trabaho. Nagtagal si Kier at Clyde pagkapanganak ko. I'm glad they're here. Hindi sapat ang kaalaman ko sa pag-aalaga ng bata pero ginagawa ko ang lahat. Tinutulungan nila ako kahit na pare pareho kaming mga walang alam.
"We should hire a nanny..." ani Clyde.
Paismid akong nagsalita. "I can do it. Wala naman akong trabaho."
"What if you need to go somewhere? You can't just leave the baby... For emergency purposes, we should hire a nanny..."
"Clyde's right, Portia. I'm gonna find you a nanny as soon as possible..." Dinagdagan pa ni Kier.
Natutuwa ako tuwing nakikita ko silang nagpapalit ng diaper. It's amusing. Lalo na pag nag aaway si Kier at Maja dahil lang sa pagkarga.
"I'll give him to Portia, Kier..." ani Maja sabay dahan dahang paglalagay ng baby sa aking braso.
Ngumiti ako nang nakita ang nakataas niyang maliliit ng kamay. "Hello, Beau..."
Noong unang buwan ni Beau, sobrang liit niya. Natatakot kaming lahat na kargahin siya. Kahit ako. But now, he's bigger. And her eyes are wider too. Hindi ako nagkamali sa naisip ko noong pinagbubuntis ko siya. His eyes resembled his father's. I love it... but then... it makes my chest hurt a little bit.
"I heard from Jade na nag design ka daw ng interior sa isang hotel sa Cebu, is that true?"
Karga karga ko si Beau nang nagtanong si Kier noon. Nakikinig si Maja at Clyde sa amin. Kinukuha ko ang gatas at inalog ito. Nilingon ko si Kier para sumagot.
"Yup. It's not bad to do freelance work. Makakatulong sa amin ni Beau ang pera," I said defensively.
"Why don't you work here in L.A. instead? Mas stable kayo pag may trabaho ka dito. You don't need to go back to the Philippines. You can even forget," ani Kier.
"Kier's right, Portia... We can visit you anytime you want..."
Ngumisi ako at umiling. "Kayo talaga. The case was stopped and everything went back to normal pero ang mga naiisip ninyo ay parang ganoon parin. I am not going back to the Philippines yet. I am enjoying Beau with me here. Don't think too much."
"The case was stopped because there isn't enough evidences both sides pero alam mo kung ano talaga ang nangyari."
Pinainom ko ng gatas si Beau. Ngumiti pa ako para lang aliwin siya. "Yeah, chill, Kier. And so what if I come back to the Philippines? Hindi naman ako lalapit kay Logan. I've learned my lesson. Ngayon pa ba ako lalapit na may anak na ako? Mas mahalaga sa akin si Beau, Kier. I want to go back to the Philippines of course because naroon ang buhay ko. My mom's there. Hindi pa siya nakakabisita dito. How about my abandoned condo? I haven't seen grandma's grave in a while now... And it would be better if naroon kami ni Beau para tuwing birthday niya ay makakadalo kayo with no excuses, right?"
"Oh! I like that..." Halakhak ni Maja. "Can I stay in your condo? I'll be his nanny!"
Nilapitan ako ni Maja at ginalaw galaw niya ang mga kamay ni Beau. Nagtawanan kami. She's very fond of Beau. Mas lalo na siyempre si Kier.
"We'll be here on his birthdays, Portia. You don't have to worry about that..." ani Clyde.
Kinagat ko ang labi ko. Palaging pumupunta si Clyde dito. Ginagawa niya na yatang kusina ang Los Angeles kung makaluwas siya. Nag aaksaya siya ng pera. Kung gusto niyang bumisita, mas mabuti kung nasa Pilipinas kami ni Beau para mas madali at hindi nakakabutas ng bulsa.
"We're worried about you, Portia..." pagod na sinabi ni Kier.
Ngumiti ako. "I know... Kier, nagbago ang buhay ko nang ipinanganak ko si Beau. Natutunan kong may mga mas importanteng bagay pa sa mundong ito. Mas importante kesa kahit ano. Iyon ay ang mabuhay ng may dahilan. My life is going to be all about Beau from now on. Nothing more. I want Beau to know my family, my home, the culture I'm used to. I want Beau to experience. Iyon lang ang priority ko sa ngayon. So you don't have to worry about me. Nothing can affect me. Mas matatag na ako ngayon kumpara noon-"
"What if Logan will show up to you?" Humalukipkip si Kier.
"So? I'm gonna be civil. Besides, hindi naman talaga naging malalim, Kier. Apat na buwan lang kaming magkakilala. Hindi malalim." Ulit ko.
"Hindi malalim pero nagbunga?"
Tumikhim si Clyde at pumagitna sa aming dalawa. "Kier, I think Portia's right. We should think about Beau. Logan can't touch him. Besides, wala siyang alam na may anak si Portia. As long as it's a secret, walang problema."
"Hindi mo maitatago ang bata. We won't keep him a secret, Clyde," ani Kier.
"Well, Logan can't just see Portia and ask her kung may anak ba sila, hindi ba? Wala siyang alam hanggang ngayon. He even probably resumed on dating anyone so he's pretty occupied..."
Bumaba ang tingin ko kay Beau na ngayon ay nakapikit niya.
"Bahala kayo, Clyde! Kayo ni Portia naman ang magkasundo. Basta ako, I have a bad feeling about this."
"I said chill, Kier. I am not leaving L.A. yet. 'Tsaka na pag gusto ko nang umuwi. I'm still enjoying it here so don't fret..."
Kaya nanatili kami ni Beau doon. Ganoon parin ang ginagawa nila. Bumabalik ng L.A. pagkatapos ng mga dalawang buwan sa Pilipinas. Papalit palit lamang sila. Madalas ay si Kier at Clyde, minsan si Maja at daddy. I'm content with that.
Bumalik din ako sa pagpipinta. Kahit na may nanny ay ayaw kong magtrabaho ng regular. Iniisip kong magpipinta ako at gagawa ng online gallery para sa aking mga paintings. Doon ko ipagbibili ang mga iyon. That way, hindi ko na kailangang pumasok ng opisina at mas mababantayan ko na si Beau.
Aliw na aliw si daddy tuwing kinakarga niya si Beau. Tuwing tinitingnan ko silang dalawa ay naiisip ko kung ganito ba siya sa akin noong sanggol pa lang ako. Nangingilid ang luha ko habang tinatanaw kong sinasayaw niya si Beau.
"My grandchild deserves a better birthday celebration, Portia!" sabay tingin ni daddy sa akin.
Umismid ako. "This is grand! You're all here!" Except for mom who's in Switzerland right now.
Tiningnan ko ang kulay blue na mga balloons sa aming bakuran. May mga batang invited, kapitbahay o di kaya'y anak ng mga kaibigan nina Tito.
"And why the hell would you make him wear a superman costume?" angil ni Kier.
"It's cute!" Tumawa si Clyde habang nilalaro ang kamay ni Beau.
"Ang ki-KJ talaga ninyo!" Iritadong puna ni Maja. "By the way, Portia, nag ri-ring ang cellphone mo. Nasa lamesa..."
Napatalon ako at hinanap agad ang aking cellphone. Bumaling muna ako kay daddy na nilalaro parin si Beau bago ako dumiretso sa aking cellphone.
I thought it's a client but I'm glad Tessa called!
"Hi!" Kumaway ako sa kanila ni Jade at ipinakita ang party. Kahit na tapos na ito ay naroon parin ang mga decorations at ang ibang guest.
"Patingin kay Beau!" singit ni Jade.
Nilapit ko ang cellphone kay Beau. Nagtilian ang dalawa. Ngumisi ako habang pinupuna nila ang pulang pulang labi ng aking anak. His cheeks are red too. His semi mohawk hair is now messy because of dad.
"Ang cute! Ang gwapo!"
Hinarap ko sa akin ang cellphone at lumayo na ako doon.
"Syempre, kanino magmamana edi sa akin?"
"Ah!" Tumawa sila. "Syempre nga naman 'di ba? Kanino magmamana?"
Pinalampas ko iyong mga panunuya nila. "I wish you were here..." sabi ko sa kanilang dalawa.
"We wish you are here, Portia. Alam mo ba? May natanggap kami?" Nag drum rolls pa si Jade at ipinakita sa akin ang isang itim na envelop.
"Ano 'yan?" lito kong tanong.
"This is an invitation from one of your recent client. Para mag exhibit ng tatlo hanggang limang painting mo sa Art Gallery with some of international artists. It's an event na dadaluhan ng mga artists like you and some interior designers!"
Hindi ako makaimik sa sinabi ni Tessa.
"Why don't you post a portfolio of your interior designs? Baka mamaya masali pa iyon!"
"Is that legit? I can't believe it..." Wala parin akong naging reaksyon. Hindi kaya ginogoyo lang ako ng mga ito para lang makauwi ng Pilipinas?
"This is! Kasali nga si Architect dahil sa mga interior. Tingnan mo sa internet! Dapat ay binigay ko ito sa kay Maja para ipadala diyan kaso nakaalis na pala sila. Ang sabi, they sent you an email... Hindi ka ba nag chi-check ng emails?"
Kinagat ko ang labi ko. Damn! Magandang opportunity ito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top