Kabanata 31
Kabanata 31
I Promise You
Hindi na ako binalitaan ni daddy at Kier sa mga nangyayari. Siguro ay para na rin maiwasan ang pagkakastress ko. Ganunpaman ay lagi ko silang naaabutan na nag uusap sa aking kwarto tungkol sa kaso na isinampa sa Trion at maging kay Logan.
"Wala akong pakealam sa mga ebidensyang sinasabi ni Fuentes," mababa ngunit mariin ang boses ni daddy.
Suminghap si Kier. "Baka mapahamak kayo ni Tito. And how about Portia?"
"She'll be out of the country by then. Hindi niya na kailangang mamroblema sa lahat ng ito. I just want justice..."
Bumulong pa lalo si Kier. Hindi ko na marinig kaya dumilat ako. Namataan niya iyon kaya tumigil siya sa pagsasalita.
"Portia..."
Kinusot ko ang mga mata ko. I've been here for almost two weeks now. Hindi na gaanong masakit ang aking sugat at gusto ko na sanang umuwi ngunit hindi pa ako pinapauwi sa condo ko. Nasabi rin ni daddy na sa kanila muna ako titira pansamantala para masiguro ang aking seguridad.
Bumangon ako para makaupo. Inalalayan ako ni Kier kahit na hindi na naman kailangan. Lumapit din si daddy sa akin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri bago nagsalita.
"Kailan ako uuwi?" tanong ko.
"Tomorrow, Portia. As planned, sa bahay ka muna ng isang linggo bago ka aalis patungong Estados Unidos," ani daddy.
"Paano si Tita Irene?" tanong ko.
Hindi pa ulit nakabisita si mommy. Ang alam ko ay naging abala siya sa kanilang business. Ang alam ko rin ay hindi pa siya nasasabihan ni daddy na buntis ako. Dad wants to avoid talking about it even.
"Nagpaalam na ako sa kanya. You're going to the US with Clyde..." ani daddy.
Hindi pa nga ako nakakaprotesta ay pinutol niya na ako.
"He's not going to stay with you, Portia. Ihahatid ka lang niya. I cannot go with you because I have a pending case filed by Senator Fuentes. Si Kier naman ang mangangalaga ng negosyo..."
Kinagat ko ang aking labi. Clyde has been an ass at the end of our relationship but as a person he's nice. Hindi na ako nagprotesta.
"Paano si mommy?" tanong ko.
"Papunta na rito si Carina kasama si Christopher. Your sister will be here too."
Itinanong ko iyon dahil ang alam ko ay ayaw ni Tita Irene na pumunta si mommy sa bahay nina daddy. Kung aalis na ako ng ospital bukas at uuwi na sa bahay nina daddy, hindi na makakabisita pa si mommy sa akin.
"Did you tell her?"
"No, I didn't tell her. Your mom, Portia, is very active in social gatherings. As much as possible, I want to keep this a secret but if you want to tell her. You may..." sabi ni daddy sa malumanay na boses.
Inisip ko iyong mabuti. I can't leave na hindi alam ni mommy ang tunay na kalagayan ko. But then again she would ask kung sino ang ama ng dinadala ko. Bago pa ako tuluyang nakapag isip ay may kumatok na sa aking kwarto.
Si Kier ang tumayo at nagbukas kay Mommy at Tito Christopher. Nagkatinginan kaagad si daddy at Tito Christopher. Tumindig ang balahibo ko. They don't usually meet. Actually, hindi ko maalala ang mga events kung saan nagkakasalamuha ang dalawa.
"Portia, I'm sorry I've been very busy..." ani mommy.
May mga prutas siyang dala na agad niyang nilapag sa isang mesa. Dinama niya ang aking noo na para bang nilagnat ako o ano.
"Christopher..." ani daddy kay Tito Christopher. "Iiwan ko muna kayo para makapag usap ng maayos."
"Leoncio..." pigil ni mommy. "Is it true? You're taking her to the U.S.?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni mommy.
"It's her choice."
"Bakit hindi sa Switzerland, darling! Naroon ang tita Mariz mo! Magsasabay kayo! Then she's going to the US alone?" Bumaling ulit si mommy kay daddy.
"Ipapasama ko si Clyde pero hindi magtatagal iyon. Uuwi din dito pagkatapos. Carina, naroon si Arthur. Mababantayan si Portia doon."
"Mom, I'm fine. I'll be okay. Doon na po ako kay Tito Arthur," sabi ko para matigil si mommy sa paghihisterya niya.
Tuluyan ng lumabas si daddy. Nakaupo lang si Kier sa gilid. Si Tito Christopher ay nakatayo at nakapamulsa. Nakatingin siya sa amin ni mommy, tila nagbabantay.
"Kamusta ka na? Are you feeling better? Naghilom na ba ang sugat mo?" Umiling siya. "Is that going to cause a scar?"
"Mom, I'm feeling better. I don't know about the scar part. Maybe? Pero matatanggal din naman iyon."
"Tama nga naman. You know Katelyn's been worried about you too. I'm so sad na kalaban ni Leoncio iyong mga naging kliyente niya. May exhibit siya ngayon sa Makati. Pangatlong araw na. We sent the Trion, del Fierro, and Carlzon Rockwell some invites pero ni isa walang dumating."
"Tita, don't waste your time. Alam mo namang may nangyaring ganito..." nahimigan ko ang iritasyon sa tinig ni Kier.
"Alam ko. I just thought they would separate those kind of issues for arts sake! And besides, it's the Ignacios, not the Cayetanos..."
Tumikhim si Kier. Alam kong nagpipigil na ang kapatid ko kaya ako na mismo ang sumaway kay mommy.
"Mom, please... I hope you understand. I mean kahit na malayo kayo sa amin, I cannot assure you they would come for your invites. This is a very sensitive issue. Problemado si daddy..."
"I know, I'm sorry. It's all over the news last week. Some of your dad's bodyguards got shot too."
"Maybe Leoncio should stop his illegal works para naman hindi ka na mapahamak, Portia..." malamig na sinabi ni Tito Christopher.
"Walang illegal sa trabaho ni daddy," giit ni Kier.
"Ngayon. Pero noon, marami. At malay natin kung baka sa susunod ay magkakaroon ulit." Tumawa si Tito Christopher.
Bumaling si mommy kay Kier. Alam kong kitang kita niya na ang galit ng kapatid ko kaya tumayo na siya.
"I'm going to try to visit you in your home. I believe isasama ka ni Leoncio sa kanila. Pero pag hindi papayag si Irene ay sa airport na lang pagkaalis mo..."
Hindi na nagtagal si mommy. Akala ko pa naman makakapag usap kami ng masinsinan. Hindi ako makapaniwalang giginhawa pa ako pagkaalis niya. Kinakabahan ako tuwing nagsasalita siya at nagagalit si Kier. Baka mamaya sa harap ko pa mismo sila mag-away.
Nakalabas na ako ng ospital. Malapit ng maghilom ang sugat at ang sabi ni Maja ay kung magkakapeklat daw ito, pwede akong magpa treatment para mag lighten. Nasa likod ko ang sugat. Ang tanging importante lang sa akin ngayon ay mabuti na ang kalagayan ko.
Maigting ang seguridad sa bahay ni daddy. Bente kwatro oras ang mga bodyguards na nagbabantay. May CCTV kung saan-saan at trained din si Maja at Kier sa self defense at paano humawak ng baril. I want to learn too but because of my condition, I avoided it.
Madalas bumisita si Clyde sa bahay para makipag usap kay Kier at para na rin sa akin. I can't believe I'll be grateful for that. I am so bored and Maja is always away with her friends. Kung wala si Clyde ay talagang nakatunganga na ako sa bahay.
Nagsisimula na rin akong mag impake. Malapit na ang alis namin ni Clyde patungong US.
"How's the first trimester? Hindi ka ba nasusuka or something?" tanong ni Jade nang nakabisita sila sa aming bahay.
Nasa sala kami at kumakain ng pizza. Isang kagat lang ang kinain ko at tapos na. Nahihiya pa ako dahil ako mismo ang nagrequest sa cook namin ng isang napakalaking pizza na may apat na flavors pero sa huli ay isang kagat lang ang ginawa ko.
"Hindi naman..." sabi ko. "I get headaches sometimes but that's all."
"Baka wala pa..." ani Tessa. "Hindi naman iyan diretsong nagpapakita 'di ba?"
Tumango ako at tiningnan ang pizza.
"By the way, tuloy ka na ba ngayong Sabado?" pabulong na tanong ni Tessa.
"Yup. I'm going with Clyde..."
"You know Mr. del Fierro asked us about you and if you're going out of the country..."
Halos masamid ako sa iniinom kong tubig. Kumunot ang noo ko. Why would Rage ask them that? Tinanong ba siya ni Logan? At para saan?
"May TRO si Logan sa'yo, hindi ba? Hindi rin naman siya makalapit dahil natamaan din siya noong nasa Bulacan kayo..."
Hindi ako huminga saglit. Napansin ko ang pagsiko ni Jade kay Tessa. It's okay... I need to move on. Logan's not important anymore. Ang tanging iisipin ko lang ngayon ay ang aking anak.
"Siguro ay sumali siya sa barilan o baka naman ay natamaan ng ligaw na bala..." wala sa sarili kong sinabi.
Hindi nagsalita ang dalawa. Sinikap nI Jade na ibahin ang topic at nagtagumpay siya. Umalingawngaw na ang tawa namin nang nag-usap kami tungkol sa madalas na pangyayari sa opisina. I trust my friends. Alam kong alam nila na ginagawa kong sikreto ang pagbubuntis ko. I trust that they won't tell anyone about it. Not even my child's father... Lalo na siya, syempre.
Hinatid kami ni mommy at daddy sa airport. Mommy was crying ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng sakit. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naging emosyonal sa pag alis. Siguro dahil nakakasiguro akong magbabalik ako kahit na sinabi ni daddy sa akin na mas mabuting huwag na.
Nang nasa eroplano na kami ni Clyde ay doon pa lang ako nakaramdam ng homesickness. Sa loob ng mahigit kumulang apat na buwan ay nabago ang buhay ko. My usual routines like work, jog, and party turned into this. Hindi ako makapaniwala.
And then it hit me... I am pregnant! Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.
Will it be a boy or a girl? And... magiging... kamukha ba niya si Logan? Will he or she copy his eyes? Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung pagtingin ko sa mga mata ng aking anak ay mata ni Logan ang nakatingin sa akin pabalik. It's going to be devastatingly beautiful.
Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Dammit!
"Portia, are you okay?" bulong ni Clyde sabay kuha ng tissue.
Tumango ako at pinunasan ulit ang aking luha. Nakatingin lamang siya sa akin. Ilang sandali akong nanatiling nakatingin sa labas bago ko siya binalingan. Kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata.
"I'm sorry..." nabasag ang boses ni Clyde.
Imbes na maiyak ako ay nagulat ako. Huminto ang aking luha dahil nakita ko siyang namumula ang mga mata.
"I'm really sorry for everything..." Iling niya sabay kusot sa mga mata.
Suminghot siya at dumilat. May mga luha sa pulang mata niya.
"Kung hindi lang sana ako nagloko. Kung hindi lang sana ako naging makasarili, sana hindi nangyari ang lahat ng ito. I am so... so sorry. I didn't want to lose you. Kung pwede ko lang maibalik ang lahat... Ang lahat lahat. Simula noong umpisa... If only I could turn back time, I wouldn't let anything ruin us..."
Kinagat ko ang labi ko. It's over and done. I loved Clyde. He will always be my first love.
"I can be a good father to your child if you want. But then I won't force you. It's going to be your choice, Porsh. I'm so... so sorry for what happened between us. I love you, Porsh. I really do. I've been tricked by lust." Nanginig ang boses ni Clyde.
Hinawakan ko ang kamay niya. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri.
"I know this sounds an excuse to you but I'm really sorry. Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad sa lahat... lahat... If you can't give me the love you've given me for the past years, then I do hope you can still be my friend."
Tumango ako. Iyon lamang ang maibibigay ko sa kanya ngayon.
"I will be there always when you need me. This time, Portia, I promise. I promise you... You don't deserve what I did to you. I'm sorry..."
Ngumiti ako kahit na may luha pa sa aking mga mata. "It's okay, Clyde. I forgive you."
"I owe you the love you've given me before. I owe you the forgiveness you've given me now..."
Umiling ako. "I give love because I love, Clyde. I don't give love to be loved so you don't owe me anything."
Ilang oras kaming nanatiling ganoon. Tahimik kami at pakiramdam ko ay sinusubukan niyang huminahon.
Ngumisi ako nang nakahinga na ng maluwang si Clyde.
"You'll find a woman who can love you more than I loved you before, Clyde... Malay mo sa U.S. mo siya ma meet." Humalakhak ako kahit na mahapdi pa ang mga mata.
Tumango siya at ngumisi. "I'm going to wait for your next appointment sa doctor bago ako uuwi-"
"Clyde..." Kumunot ang noo ko.
"Just let me, Portia. As a friend, okay? Hindi ka pwedeng mag isa sa mga bagay na ito. And I'll be back after a month..."
Tumawa ako. Is he serious? "Hindi ka na magkakalove life niyan..."
Ngumisi lang siya at tumingin sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top