Kabanata 30

Kabanata 30

Love and Care

"Logan was there?" ani Jade.

"Ang sinabi ni Kier ay ang Trion daw ang bumaril. Does this mean..."

Pagod akong tumango. I feel like I've been shot by Logan directly. Umasa ako kahit paano na hindi niya magagawa iyon.

Tumango ako. "I don't know who it is but it's from Logan's side."

"Bakit ka binaril?" tanong ni Jade.

"Hindi ako ang dapat na binaril. Their target was dad or tito. I covered dad noong pumasok na kami sa Home ng ExPa. That's when I got the hit."

Nahilo ulit ako. Masakit parin talaga ang sugat ko. Tiningnan ko sa loob ng bestida ang mga bandage. Walang sugat sa aking dibdib taliwas sa madalas kong naging panaginip. Ngunit doon malapit ang masakit. Marahil ay muntik nang tumagos ang bala dito.

Ngumiwi si Tessa at lumapit sa akin.

"You should be lying down..." ani Tessa.

"No, No, I'm fine," giit ko.

"So you saved Tito Leoncio from that bullet? Sino pa ang mga nabaril?" tanong ni Jade.

"I don't know but from what I remembered, sugatan na rin ang ibang bodyguards namin bago kami nakapasok sa Home. I don't know how it ended o ilan ang casualties..."

"Jade!" ani Tessa. "You shouldn't ask her those questions!"

"It's okay, Tessa," sabi ko.

Sabay silang lumingon nang bumukas ang pintuan. Napatingin din ako roon. Aligaga ang kapatid ko nang sumungaw ang ulo.

"She's awake..." ani Kier na papasok na ngayon sa aking kwarto.

May kasama na siyang isang doktor at nurse. Pumasok na rin si Maja kasama si daddy.

"Are you okay?" agad na tumabi si daddy sa aking kama. Kitang kita ko ang pagkakailang niya sa akin.

"I'm fine..." pagod kong sinabi.

"Excuse me, Mr. Ignacio..." anang lalaking doktor.

Tumayo si daddy at tumabi para makalapit ang doktor sa akin. Tiningnan ng doktor ang aking sugat. Pinaupo niya ako ng maayos. Inalalayan ako ng nurse na kasama niya.

Chineck niya rin ang dextrose na nakakabit at may kinuha siyang mga notes galing sa nurse. May binulong siya sa nurse na hindi ko makuha.

"She's okay for now. Kailangan niyang magpahinga. She needs to heal the wounds. We also need to stop the bleeding," anang doktor.

"Thank God at walang natamaang internal organs!" ani Kier sabay tingin kay daddy.

"She needs to rest. What's important right now is that she's safe with her baby. Kailangan mong magpagaling at alagaan ang sarili mo..."

Marami pang dinugtong ang doktor pero tila nabingi ako dahil sa narinig ko. What is it? There must be something wrong!

Narinig ko ang pagsinghap ni Tessa. Mas lalong nag sink in sa akin nang napagtanto kong hindi lang ako ang nakarinig noon.

"Baby?" ani Tessa sabay tingin kay Jade.

"Wait, what is it again, doc?" tanong ni daddy sa doktor.

Nalaglag ang panga ko. Tila lumabas lahat ng hangin sa aking sistema dahil sa paghinga ko. Kasabay noon ay ang pagbuhos ng aking luha.

"The baby..." Luminga linga ang doktor sa akin at sa kay daddy. "Oh! Hindi ba ninyo alam? She's five weeks pregnant. Congratulations!" Ngumiti ang doktor, para bang sa wakas ay nalaman na ang lunas sa cancer.

Wala ni isang ngumiti sa ibang naroon. Ni ako ay hindi nagawang ngumiti. I didn't even believe him. He's got to be kidding! Ngunit ang mga luha ko ay ayaw nang magpaawat!

Suminghap si Maja at panay ang bulungan ni Tessa at Jade. Humakbang palapit si Kier sa akin at hinawakan niya ang aking kamay.

"Please tell me it's Clyde's..." Marahan niyang sinabi, para bang nagpipigil.

Bumuhos na ang luha ko. How can it be? I took pills! I did everything Logan wants! I did everything to avoid this! Ayaw ni Logan na magkaganito at hindi rin ako handa para rito! Paano nangyari iyon?

"Pero doc, baka nagkakamali kayo? I'm on pills..." nanginig ang aking boses.

Kumunot ang noo ng doktor. "Nope. We checked you bago ka namin binigyan ng mga gamot. We have to be careful. We found out that you're pregnant. You must've missed a day or so when you took the pill. Excuse me, we'll be back for more tests."

Tumalikod ang doktor at umalis na kasama ang nurse.

Kinagat ko ang labi ko. I missed twice. Pumikit ako ng mariin. I am pregnant with Logan's child? Pagkatapos ng lahat? Hindi pumapasok sa utak ko iyon. Para bang inuulit ko lamang ang sinabi ng doktor ngunit hindi ito matanim sa aking utak.

"Portia, please tell me this is Clyde's child!" mariing sinabi ni Kier, may halo ng galit.

Umiling ako. Tumayo siya at hinampas ang dingding ng ospital. Nagmura si Kier na agad namang tinahan ni Maja.

"Dad!" sigaw ni Kier.

"I have filed a Restraining Order, Kier! Hindi makakalapit ang mga iyon dito! And besides, I'm going to file a case!" giit ni daddy.

"Who's the father, Portia? Sino?" Naguguluhang tanong ni Maja.

"We'll be keeping this a secret!" Nilamon ng boses ni daddy ang tanong ni Maja.

"What shall we do, Dad?" Frustrated na tanong ni Kier.

"Contact our lawyers again, Kier. Papuntahin mo rin si Clyde dito," ani daddy. "Hindi natin sasabihin sa media ang lahat ng ito. Portia, you're going out of the country... away from this mess. You are not going to tell that Torrealba that you're pregnant. That child will bear my name," mariing sinabi ni daddy.

Hindi na ako nagprotesta. That was it. I am not going to let Logan touch my child. I am not going to even let him know that we have this.

Sinuntok ni Kier ang dingding. Pilit siyang tinatanong ni Maja kung sino ang ama. Lumabas si daddy doon at tinawag niya si Kier. Sumunod si Kier sa kanya at ganoon na rin si Maja kay Kier.

Parang talon kung makabuhos ng luha ang aking mga mata. Bakit ganito pa? Am I really pregnant with his child? Bakit sa ganitong panahon pa?

Hinawakan ko ang aking tiyan. Parang naulit lamang iyong nangyari kina mommy at daddy noon. That one night stand, that physical arrangement... nauwi sa ganito!

He used me. He used me for his revenge. Lahat ng ibinigay niya sa akin, pinadama niya sa akin, ay purong peke. Para lamang iyon makuha niya ang loob ko. Nagtagumpay siya. Nasaktan niya ako. Hindi niya man nagalaw si dad ay tuluyan talaga siyang nagtagumpay sa paghihiganti niya. Mas masakit ito, sobra. Kasi kung namatay na lang ako, isang sakit lang ang kailangan kong isipin. Pero ngayong buhay ako at sobra sobra akong nasaktan, para akong ilang beses na nabaril at hindi mamatay matay.

Niyakap ako ni Tessa. Lumabas si daddy na sinundan naman kaagad ni Kier.

"Oh my God, you're pregnant!" ani Tessa.

Tumango ako habang umiiyak. Hinawakan ko ang tiyan ko. Wala pa akong maramdaman na kahit ano.

Now I wonder if mom got so mad when she found out she's pregnant with my dad's child? I'm not mad right now. I'm just sad. I'm sad for my child. Dahil alam kong tulad ko, hindi niya mararanasan ang saya ng kumpletong pamilya.

Noong bata pa lang ako, pinangarap ko na sana kung magkaanak ako, hindi siya matutulad sa akin. Na sana ay kumpleto ang pamilya niya. He or she won't need to endure the pain I had. I don't want my child to experience that. But then... hindi ko na iyon maibibigay sa kanya. Ang tanging maibibigay ko na lang sa kanya ay ang pagmamahal. Purong puro. Siya lang ang tanging iisipin ko. Siya lang ang tanging mamahalin ko. Ibibigay ko sa kanya ang buong atensyon ko ng walang kulang.

"Stop crying!" ani Tessa, nanginginig ang mga labi. Pinunasan niya ang aking mga luha.

"I can't help it..." nabasag ang boses ko.

"Nakakasama iyan sa baby..." dagdag ni Jade.

Umiling ako. "Ngayon lang ito... I just really want to cry."

"Why? Are you sad or happy?" tanong ni Tessa.

Nag iiyakan na kami sa silid. Panay ang punas nila sa mga luha ko.

"Both..."

"Please don't think about aborting the baby, Portia!" May pagbabanta sa boses ni Tessa.

Agad akong umiling. "I am not going to do that, Tessa! No way!" Halos maiyak ako.

Hinaplos ko ulit ang aking tiyan. Ano kaya talaga ang naramdaman ni mommy noong pinagbubuntis niya ako? I don't know. All I know is that right now, I am happy and sad at the same time. Happy because I won't be alone anymore. I've been alone for how many years pero dahil nandito na siya, hinding hindi na ulit ako mag iisa. Sad... sad because I can't give him or her the life he or she deserves. I can't give a complete family.

Pumikit ako ng mariin. My love, you will not be abandoned. I will love you with all of me. With all of my heart. I will not keep people who won't love you. I will never let anyone hurt you. That is my promise to you.

Logan did not want a child, in the first place. Siya mismo ang may gustong mag pills ako. Ayaw niya dahil gusto niya lamang akong gamitin. In every way. Physically, mostly. And he needed me for the information.

Hindi ko na siya kailangang isipin. It will only give me a slight hope when I shouldn't hope at all.

"Whatever happens, I am not going to do that to my baby..." Umiling ako.

Sa pagod ko sa pag-iyak ay nakatulog rin ako doon. Hindi ko na naisip na naroon pa si Tessa at Jade.

Mas lalong dumalas ang mga panaginip ko ng pagkakabaril ni Logan. It's his hazelnut eyes that I always see before I fall and bleed in my dreams. Paulit-ulit iyon. I feel like I'm hallucinating or something.

Nagising ako sa mahihinahong boses na nagtatalo sa loob ng aking silid. Nanghihina pa ako habang unti unting dinidilat ang aking mga mata. I heard Kier's voice.

"Let's not do that to Portia. I'm sure she won't agree..." anang kapatid ko.

"But if Clyde's willing, I know she'll be grateful for it!" mariing boses ni daddy.

Nagtatalo na naman silang dalawa. May narinig akong mas mahinahong boses. It was Clyde...

"I'm willing, Kier..."

"Clyde, I know. But we shouldn't just decide without Portia's approval. Besides, isn't it unfair to you?"

"I've been really unfair to Portia for the past years. Susuklian ko lang ang pasensya at pagmamahal na ibinigay niya noong nagloloko pa ako," ani Clyde sa mahinahong boses.

"We still need to hear Portia's side," giit ni Kier.

"She will be grateful! Mabubuo ang pamilya ng kanyang magiging anak. Kung ikasal sila ni Clyde sa lalong madaling panahon, hindi na siya guguluhin pa ng Torrealba na iyon. Mabubulok sila sa kulungan!" ani Daddy.

Kinusot ko ang aking mga mata. Agad nakita ni Clyde ang aking galaw kaya mabilis siyang lumapit sa akin. Sa isang iglap ay nasa gilid na siya ng aking kama. Lumapit rin si daddy at Kier doon.

"Portia..." ani Clyde.

"Ilang oras akong tulog?" tanong ko sabay tingin kay Kier.

Tiningnan ni Kier ang kanyang relo. "14 hours, Portia..."

Tumingin ako kay daddy at kay Clyde na parang naghihintay lang ng sunod kong sasabihin.

"Ginugutom ako," I said.

Nag panic si daddy at Clyde nang sabihin ko iyon. Si Dad ay dumiretso sa intercom para magtawag ng nurse samantalang si Clyde ay agad na nasa cellphone niya. Tumalikod siya para kausapin ang kung sino man sa kanyang cellphone.

Umiling si Kier at umupo naman ngayon sa aking tabi.

"Hindi pa ba ako aalis dito sa ospital?" tanong ko.

I know my wound isn't healed yet but I'm feeling better. Gusto ko nang umuwi at sa condo na lang magpagaling.

"Portia, dito ka na lang muna until may approval for you to travel."

Nanlamig ako sa narinig ko kay Kier. Alam kong aalis ako. I have accepted that fact. Iyon na lang din ang tanging paraan na naiisip ko. Besides, I want a peaceful life for my child. I don't want this mess.

"Where... am I going?" Hindi ko alam na ako pa mismo ang magtatanong niyan.

"You have the choice," ani daddy. "You can stay with your tita Mariz in Switzerland, uuwi siya with her family. Pwede rin sa bahay natin sa Los Angeles, Portia... Anywhere you want. You know your tito can check on you while you're in L.A."

"I can go with you, Portia..." ani Clyde.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa tatlong lalaking naroon. I've heard them talk about my decision. Imbes na magsalita para doon ay inisip kong mabuti kung alin ang mas makakabuti sa akin.

"Dad, Logan... can find me in those places." Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi.

Umigting ang panga ni Clyde nang marinig ang pangalan ng lalaki. Umiling si daddy na para bang sigurado siyang hindi.

"Hindi siya makakalabas ng bansa. As long as there's a case. Besides, your tito will be there to make sure you're fine," ani daddy.

"I can come with you, Portia..." ulit ni Clyde.

Huminga ako ng malalim. Mas maginhawa na ang paghinga ko ngayon, hindi na gaanong masakit ang sugat.

"I'm going to be fine..."

"Hija," malambing na panimula ni daddy. "Clyde can stay with you. He actually..." tumawa pa si daddy. "Even wants to marry you."

Napatingin ako ng matalim kay daddy. "I am not going to marry anyone..."

Suminghap si Clyde at umupo sa aking kama. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya. They're not going to convince me to do anything stupid!

"Pero, Porsh, mas maigi iyon para may ama ang batang dinadala mo. The child will be safer. You won't need to be bothered by questions from the media or from your friends. Hija, isipin mo ang nakakabuti sa bata."

Umiling ako. That is not the answer for this. I can love my child genuinely kahit na mag-isa lang ako.

"Of all people, ikaw dapat ang mas nakakaalam na mas nakakabuti sa bata ang kumpleto ang pamilya."

"I didn't need a complete family, dad. I only want love from the people I loved the most. I only want to feel it. Kahit hindi na kumpleto. Kahit na patigi tigi na lang basta may maramdaman lang ako..." nanginig ang boses ko. Damn, stupid tears! "Iyon lang naman ang gusto ko noon."

Kitang kita ko ang pamumula ng mga mata ni daddy. Humalukipkip si Clyde at si Kier naman ay tumabi ulit sa akin.

"So... you sure you'll be fine?" ani Kier.

Tumango ako at pinunasan ang takas na luha sa aking mga mata. Hinaplos ni Kier ang aking pisngi para saluhin ang luha.

"Hija, I just don't want you to regret..." nanginig ang boses ni daddy nang sabihin iyon sa akin.

"Regret what? Regret not giving my child a complete family?"

Hindi siya nagsalita. I figured that's what he meant by that.

"Why, dad? Nagsisi ka ba na hindi niyo binigay sa akin ang kumpletong pamilya?"

Hindi nakasagot si daddy. Bumaling si Kier sa kanya at tahimik lamang si Clyde sa gilid.

"Hindi ko kailangan ng kumpletong pamilya. Besides, if you did give me the complete family you're talking about, wala si Maja at Kier dito. I don't need a complete family. What I waned was your love, your care, that's all... You didn't marry mom for an important reason. Dahil hindi kayo magkasundo 'di ba? Kaya mas mabuti na rin na hindi naging kayo. Kasi hindi rin naman tayo magiging masaya kung hindi kayo magkasundo. What I want was just a very natural thing, dad... Love and care... that is all. That is all..." Humagulhol na ako sa pag-iyak.

Kitang kita ko ang mga luhang pumatak galing sa mga mata ni daddy. Humagulhol na rin siya. Tumayo si Kier at tinapik ang balikat ni daddy. Hinagod ni Kier ang likod ng aming ama. Lumapit naman si Clyde sa akin at pinunasan ang luha ko.

"I'm sorry, Portia..." basag ang boses ni daddy nang sabihin niya iyon.

Magkahalong galit at pagtatampo ang naramdaman ko pero nang narinig ko ang panghihina at pagkakawasak ng boses niya ay para akong natauhan. I will forgive him for hurting me. I will forgive him for anything.

Lumapit si daddy sa akin at hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Nanginginig ang aking labi habang tinitingnan siya.

"Sino man ang gumawa nito, I'm gonna make them pay..." mariin at nanginginig na sinabi ni daddy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: