Kabanata 24

Kabanata 24

Revenge

Ano man ang sabihin ni Clyde sa akin, kumbinsido akong para lang iyon mabalik ulit ako sa kanya.

Sa sumunod na mga araw ay sinusundo niya na ako halos gabi-gabi. May mga inasikasong trabaho si Logan kaya dalawang araw kaming hindi nagkita. Ang alam ko ay pumunta siyang Tagaytay para sa isang conference sa Highlands at bumyahe patungong Aklan para sa isang proyekto.

"What are you doing here, Clyde?" tanong ko nang nakitang nakaabang siya sa aking kotse.

Biyernes na at dalawang gabi na siyang ganito ang ginagawa. I promised Logan to not see Clyde habang wala siya kaya dapat ay hindi kami nagkikita.

"I'm picking you up!" giit ni Clyde sabay lapit sa akin.

"Picking me up? Tulad kahapon?"

"Don't tell me pupunta ka ulit kina Tessa. You're finding ways to reject my offer, Portia," aniya.

"Can't you see? I have my car. I don't need you to pick me up. Might want to pick other girls, I would be more happy. Excuse me..." Pinatunog ko ang aking kotse ngunit hinarangan niya lamang ako.

Humalukipkip ako at tumingin sa kanya. Madilim ang kanyang mga mata... seryoso. Nag-iwas ako ng tingin.

"Look, Clyde... I have more important things to do. Please..." mahinahon at pormal kong sinabi.

"Then can I go with you?" seryoso niyang sinabi.

Halos hindi ako makasagot. I am torn. I am torn of keeping my friendship with him or rejecting him.

"Clyde, sa condo lang ako. I'm not going anywhere," sabi ko.

"Then I'm going to your condo too. I wan cook your favorite and we'll have dinner. After that, I can go home..."

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking braso. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak rito. Halos hindi ako makapaniwala na sobrang gaan ng pagkakahaplos niya roon.

"Clyde, I..." Umiling ako. I can't let him go to my condo. "I'm sorry..."

Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga. Bumaba ang kanyang kamay sa gilid at huminga siya ng malalim.

"Then at least payagan mo akong ihatid ka na lang. Hindi na kita kukulitin na paakyatin pa ako sa condo mo."

"But my car..." giit ko sabay tingin sa aking sasakyan.

"Just leave it here or I can send James para kunin iyan."

Ilang sandali pa bago ako nagsalitang muli. I want to look at his eyes... I want to see his real intentions.

"Sige..."

Sa byahe ay tahimik lamang ako. Si Clyde ang panay ang tanong para lamang hindi maging tahimik ang buong byahe.

"You'll work tomorrow?"

"Yup..." sagot ko sabay tingin sa labas.

"Uh, I can pick you up after. Buong araw ka rin ba?"

Umiling ako. "Hindi ako buong araw and... huwag mo nang ipakuha kay James iyong kotse ko. Ako na lang bukas. Don't pick me up. I'm fine."

Bayolente siyang humugot ng malalim na hininga.

"You know... I'm trying..." marahan niyang sinabi.

Nilingon ko siya. Nakita ko ang pag iling niya kahit na ang mga mata ay nasa kalsada. "Trying?"

"Nevermind..." Kumunot ang kanyang noo.

Nanatili ang tingin ko kay Clyde. I have an idea but I don't want a confirmation from him. Hinayaan kong lumutang sa ere ang huli naming pinag-usapan. There's no point in that.

"Salamat, Clyde..." sabi ko nang kinalas na ang aking seatbelts.

Nakarating na kami sa basement ng condo ko ngunit pakiramdam ko ay marami pang sasabihin si Clyde. Nang tingnan ko siya ay dumilim ulit ang kanyang mga mata.

"I know you think sinisiraan ko si Logan Torrealba, Portia. Pero hindi..."

Halos umirap ako. I am also trying to at least preserve our friendship. Bakit kailangan niya pang sirain ang lahat ng ito?

"Clyde, huwag na natin itong pag-usapan..."

Nakaawang ang bibig ni Clyde. Halatang marami pa siyang gustong sabihin pero ramdam niya ang pagod ko.

"You have to see Maja..." aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa biglaang pag-iiba ng topic. "Why?"

"She will tell you..."

Umiling ako. Naguguluhan sa sinasabi ni Clyde. Pinagpatuloy ko ang pag-alis sa kanyang kotse at pag akyat na sa aking unit.

Kahit na hindi naman talaga ako naniniwala sa mga sinabi ni Clyde, hindi ko mapigilan ang pag-iisip ng tungkol doon. Why do I have to see Maja?

Inubos ko ang oras ko sa pagpipinta sa aking condo. Nakatulugan ko pa nga ang isang malaking painting. Dalawang araw ko na itong ginagawa. Simula nang umalis si Logan ay pinuno ko ang schedule ko ng ibang bagay. I went to Tessa's para makapag paturo ulit sa pagluluto ng ibang putahe naman ng pasta at pagkauwi ay nagpinta.

Sa Sabado ay naroon ulit si Clyde. I am so damn annoyed with him. Ang gusto niya lamang gawin ay ang ihatid ako sa bahay kahit paulit ulit ko siyang tinatanggihan dahil may kotse ako.

In the end, niyaya ko si Tessa at Jade na mag dinner kung saan para lang makawala kay Clyde. Sa isang chinese restaurant sa BGC kami kumain.

"Oh, kailan ang dating ni Logan?" tanong ni Jade habang kumakain kami.

"Bukas..." sabay ngisi ko.

"Kaya excited ka?" nagtaas ng kilay si Jade sa akin.

Ngumiwi ako. "Excited? Hindi ba ikaw ang excited para sa weekend? Who's your new boyfriend, Jade? Bakit hindi ka nag kukwento?"

"Boyfriend? Uso ba noon? Kay Tessa lang uso iyon!" sabay tawa ni Jade ngunit hindi naman makatingin sa amin.

Nagkatinginan kami ni Tessa. These past few days masyado siyang masikreto. Ang akala ko ay ako lang ang may tinatago dito pero mukhang siya rin pala.

"Hmmm... Are you dating..."

Natigil ako sa pagtatanong nang may biglang pumasok sa restaurant. Nagkatinginan agad kami ng tingin noong babae. She's wearing a very classy all black dress. Ang kanyang buhok ay nakalugay at nasa left side lahat. Kumikinang ang kanyang gold chain necklace sa leeg.

Hindi ko naipagpatuloy ang sinasabi ko. Masyado akong nagulat nang nagkatinginan kami ni Marina.

May isang babaeng lumapit sa kanya. Sinundo siya sa kinatatayuan niya at tinuro noon ang isang di kalayuang mesa.

"Hindi ba ay si Marina Fuentes iyon?" ani Jade.

"Yeah..." sabi ko ngunit hindi na ako mapakali. I don't know why.

Natahimik kami. Pinagmamasdan ako ni Tessa samantalang tuliro ako sa kinauupuan ko. Ginagalaw ko ang pagkain sa aking pinggan pero hindi na kinain.

Nilingon ko ang lamesa nina Marina. Naabutan kong nakatingin na siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo. Mabilis akong bumaling kay Tessa.

"Tapos na kayong kumain?" tanong ni Tessa.

Binaba ko ang aking mga kubyertos. I want to go now.

"Tapos na ako..." sabi ko.

Tumawag si Jade ng waiter para makapagbayad na sa aming kinain. Pagkatapos niyang lagyan ng cash ang bill ay sabay-sabay na kaming tumayo.

Nahagip ulit ng aking mga mata ang lamesa nina Marina at nagulat ako nang nakitang palapit siya sa amin.

"Portia..." tawag ni Tessa.

Nilingon ko si Tessa pero tinitigan niya lamang ako. Para bang may gusto siyang sabihin ngunit dahil palapit na ang pag uusapan ay hindi niya nasabi.

"Portia Ignacio, right?" Mahinhin ang boses ni Marina nang binanggit ang pangalan ko.

I turned to her. Ngumiti ako. "Yes?"

"Can I talk to you for a moment?" Nilingon niya ang mga kaibigan ko.

"Portia, we'll wait outside?" ani Tessa.

"But..." Gustong manatili ni Jade kaso hinihila na siya ni Tessa.

Tumango ako kay Tessa. Nang ibinigay ko ang aking atensyon kay Marina ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Bigla akong kinabahan.

"Have you seen Logan?" tanong ni Marina.

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Alam ba niya ang tungkol sa amin ni Logan? Obviously, Portia... she's asking you!

"Hindi. Bukas pa ang dating niya, hindi ba?"

Tumango si Marina.

There's something in the way she looks at me. Tila ba may halong panghihinayang, hinagpis, at awa ang kanyang mga mata.

"I know what's going on between you and Logan..." humugot siya ng malalim na hininga. "I tried to stop him. I want him to leave you alone but he just wouldn't. Noong una ay gusto ko iyong ginagawa niya..."

I am losing my cool. Hindi ko makuha ang pinagsasabi niya. Taas noo parin akong nakinig kahit na hindi ko na alam kung ano ang mga sinasabi niya.

"I mean I want justice for our parents, Portia. But that was years ago. Natanggap ko na ang lahat makalipas ang tatlong taon. And besides, the justice system will only conclude when there's enough evidence. Wala kaming sapat na ebidensya kaya wala kaming magawa."

I want to stop her from what she's talking about. Hindi ko iyon makuha but my pride got angry. Ayaw kong magmukhang tanga sa harap niya. Whatever she's talking about, I'm gonna pretend I know what it is.

"But Logan wants justice. Hindi siya tumitigil hanggang ngayon. He wants justice for our parents' death. And you... you're just going to be his instrument. I am sorry but I think you should end the relationship you have with him."

Tumikhim ako. Unti unti kong nakukuha ngunit may ilang bagay paring hindi malinaw. Bakit ako ang magiging instrumento at paano ako nagkaroon ng kinalaman sa pagkamatay ng ina ni Logan?

Bumilis pa lalo ang takbo ng puso ko. Parang may malamig na tubig ang bumuhos sa aking tiyan. Unti-unti kong napagtatagpi ang mga ideya sa aking utak. Si Clyde. Si Daddy.

"Ako ang hindi papatulugin ng konsensya ko. This thing about revenge will only add ripples and waves of more revenge. Pinagsabihan ako ni Logan na huwag nang makealam sa iyo but then... as a woman, I want to be fair to you. I give you this information and the choice is all yours..."

Natulala ako sa harap ni Marina. I was caught off guard of all the ideas. About revenge. About Logan. About everything we shared.

"Thanks for listening, Portia," kitang kita ko ulit ang awa sa kanyang mukha.

Umiling ako. Binalik ko ang kontrol sa aking sarili. "We're not serious about this, Marina. You don't have to worry about me but thanks for your concern..."

Ngumiti ako at tinalikuran ko siya. Napawi ang ngiti ko nang hinarap ko na ang pintuan palabas. Pakiramdam ko ay sa sobrang panginginig ng aking tuhod ay babagsak ako.

"What is it?" salubong ni Jade sa akin.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko masabi kung ano iyon. All I think about is Clyde and his points...

Kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang numero ni Maja. Sa pangatlong ring ay sinagot niya ang aking tawag.

"Portia..." pormal niyang salubong.

"Maja... can we talk? May mga tanong ako..."

Humugot ng malalim na hininga ang aking kapatid. It was as if she expected this call. "Is this about Logan Torrealba?"

Hindi ko alam na may mas ilalamig pa pala ang naramdaman ko kanina. Kahit malamig ang aking sistema ay naramdaman ko ang init sa gilid ng aking mga mata. Crap! Crap! Why the hell am I crying? I'm not even sure of anything yet!

Nasa isang bar lang si Maja sa BGC. Pinili niyang makipagkita doon kaya wala akong nagawa. She's with her friends and I know she's usually in the VIP section like us.

Sumama si Tessa at Jade sa akin. Nasabi ko sa dalawa ang sinabi ni Marina. Wala silang nasabi. Syempre tulad ko ay wala rin silang alam sa lahat. But I am so scared of the ideas that's running on my head.

Naka all black na terno top and skirt si Maja. Hanggang balikat ang kulot ng kanyang buhok at kaswal ang trato niya sa akin at sa aking mga kaibigan. Ang kanyang mga kaibigan naman ay may sariling buhay sa loob ng bar. May dalawang nag uusap ng masinsinan sa gilid at ang karamihan ay nasa dancefloor, nagtatawanan, at nagsasayawan.

Nilapag ni Maja ang kanyang sigarilyo sa ash tray at binuga ang usok sa gilid bago humarap sa akin.

"What do you know about it?" tanong ko.

"Hindi ba sinabi ni Clyde sa'yo?" pabalik niyang tanong sa akin.

Hindi ako sumagot kaya dinugtungan niya pa.

"By the way... kung wala lang talagang history, I would be very amazed! Porsh, I know you're beautiful. We're sisters. But then I don't think Logan Torrealba would last two... or more months with a girl," ngumisi siya sa akin. "He's a known playboy billionaire."

"What is it, Maja?" Hindi na ako mapakali. Kumakalabog na ang aking puso dahil sa mga sinasabi niya.

"The Trion, their company, thinks that daddy and tito are planning to create a new business. Iyong tulad sa kanila..."

Napalunok ako. Parang alam ko na talaga kung saan ang tungo nito. But... no... If Logan did really want me for something else, he wouldn't give me those kind of gifts.

"Marina Fuentes, do you know her?" ani Maja, nanliliit ang mga mata.

"She's... we've met." Hindi ko alam kung alin ang una kong sasabihin.

"We're friends years ago. Actually, we're in the same circle. We were very close, Porsh. But after the ambush incident, inaway niya ako. Pinagbintangan niya si daddy na pumatay sa kanyang mommy at sa mommy rin ni Logan. She wanted me down my social circle. Siniraan niya ako sa lahat ng aking mga kaibigan. She even threatened me na mag hihiganti siya sa kahit anong paraan."

"So are you saying that Logan... has this relationship with me for revenge, Maja? Kung ganoon, bakit ako? Bakit hindi ikaw? You're the more legal daughter!"

"I am not the one tied with a Prieto, Portia. Why would he target me. But then if he would, I would be pleased..." she smiled.

Umiling ako. Hindi makapaniwala sa lahat ng impormasyong ito.

"I don't believe this," sabi ko na para bang pati ang sarili ko ay kinukumbinsi ko.

Nilingon ko si Jade at Tessa na nakikinig lamang sa amin. Nagpatuloy naman si Maja.

"Why? Ano na ba ang level ng relationship niyo? Do you know Clyde's very angry? He smashed a table at Prive because of this?" Nagtaas ng kilay si Maja sa akin. "I'm surprised na hindi ka pa niya sinusumbong kay daddy."

Hindi pa rumirehistro sa aking utak lahat ng panibagong sinabi ni Maja. Nanatili ang isipan ko sa impormasyong ginagamit lamang ako ni Logan.

"Clyde's guess that Logan Torrealba's using you to get to the company. He will never stop until he-"

"I don't think so..." giit ko sa nanginginig na boses.

Ngumuso at ngumisi si Maja. I think she's a little tipsy. Tinitigan ko siya ngunit humalakhak lamang siya.

"Why? He showered you with so many sentimental gifts? He showed you affection? His hot, beautiful and manly features killed all your brain cells? Remember, Portia, the devil never reveals his real identity unless he's winning. He will never let you see the ugly side. It's always the attractive side. Always."

Nagtiim-bagang ako. Hindi ito totoo. Sana ay hindi nayanig ang paniniwala ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: