Kabanata 23
Kabanata 23
Desperate Loser
Hindi ko alam kung ano ang mga ginawa ni Logan. Pinaupo niya lamang ako sa sofa doon sa opisina ni Rage at may inutusan siyang mga bodyguards. Nakapangalumbaba lamang si Rage habang pinagmamasdan kaming dalawa. Palipat lipat ang kanyang tingin sa akin at kay Logan.
"So you'll just wait till that Prieto goes home?" ani Rage sabay hilig sa kanyang swivel chair.
Umiling si Logan.
"Nasa baba parin si Clyde?" tanong ko, isang oras na ang lumipas simula nang umalis ako sa opisina.
"We'll go now," ani Logan sabay lahad ng kamay sa akin.
Tinanggap ko ang kamay niya. Hindi ko maiwasang mag-alala. I know I shouldn't be worried though. Wala nang karapatan si Clyde sa akin. Ang tanging ikinatatakot ko lamang ay ang malaman ni dad.
"Paano si Clyde?" tanong ko. "Baka makita niya tayo?"
Tumagilid ang ulo ni Logan. "Hindi. Ang bodyguards na ang bahala."
True enough, nang nakapasok na kami sa sasakyan ni Logan ay hindi ko nakita si Clyde kahit saan. Halos wala nga kaming taong nakasalamuha. Sa ibang lugar din kinuha ni Logan ang Mustang galing sa valet. 'Tsaka lang ako nakahinga ng malalim nang nakalabas na kami sa building.
Mabilis kong tinext sina Jade at Tessa para magpaalam. Although I'm sure nakaalis na ang dalawa. I just don't want to be rude.
Patungo na kami sa condo ni Logan. Kanina sa opisina ni Rage ay nagdesisyon kaming sa kanyang condo na lang kami kakain dahil baka nandoon na rin si Clyde sa condo ko.
"You okay?" tanong niya nang narinig ang bayolente kong buntong hininga.
"Yup," ngumiti ako. Ngumuso ako at tinitigan siya habang nagmamaneho. "What are you going to cook for me now?"
"Hmm... Something Mexican?"
Lumapad ang ngisi ko. Ang dami niyang kayang lutuin. Samantalang pasta, fried foods, at salad lang ang alam ko.
Pagkarating namin sa condo niya, naamoy ko kaagad ang pamilyar na bango ni Logan. Tingin ko ay natapon ang pabango niya sa buong kwarto. I can't get enough of the smell.
"I have something for you, by the way..." aniya at hinarap ako.
Nasa tanggapan pa lang kami kaya nilapag ko ang aking bag sa kanyang sofa. I wonder what he's talking about?
"Ano 'yon?" Kumunot ang noo ko.
Kinuha niya ang aking mga kamay. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at inangat patungo sa kanyang labi.
"Ibibigay ko sana ito sa'yo sa birthday mo but then you're here and I can't wait,"
"Ano?" Kumalabog ang puso ko.
"I know you have these but..."
Binuksan ni Logan ang kanyang kwarto at ipinakita sa akin ang iba't ibang pintura, water color, acrylic, at kung anu-ano pa. May iba't-ibang hugis din ng brush at may iilang canvas! Nalaglag ang panga ko.
Umikot siya para mayakap ako galing sa likod. Ang tanging umiilaw sa mga bagay na iyon ay ang kanyang lampshade sa tabi ng kama.
"Why?" nanginig ang boses ko.
"I want you to paint again..." bulong niya sabay salikop sa aming daliri.
"But..." hindi ko masabi ang dapat na dugtong.
"It's you're choice, Portia. Hindi ito desisyon ng kung sino. This is for yourself. This is for you. Stop thinking about other people. I want you to think about yourself..."
Hindi ko pa matikom ang aking bibig nang hinarap ko siya. Tiningnan kong mabuti ang kanyang mga mata. Mabilis ang pintig ng aking puso at tila gusto nitong kumawala sa mga butong nagsisilbing kulungan nito. I want answers in his eyes. I wish for it. Right now! Right now!
Why is he doing this to me?
Why is he making me...
Kinagat ko ang labi ko. Walang takot niyang tinitigan pabalik ang aking mga mata. Para bang inilalahad niya ang kanyang sarili sa akin. Ng walang pagpapanggap, walang labis at walang kulang.
But... we're in this arrangement. Paano kung na mi-misinterpret ko lang ito?
Bago pa ako makaapila sa binigay niya ay siniil niya na ako ng halik. Hindi ako nakapikit sa sobrang gulat ngunit kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang pagpikit niya para sa halik na iyon.
"Come on..." humalakhak siya. "Magluluto pa ako. I know you're starving."
Humugot ako ng malalim na hininga at tumango. "Thank you for this, Logan."
Kaya't habang abala siya sa kusina, nasa kwarto niya lamang ako at chinicheck ang mga mamahaling materyales na kanyang iniregalo. I can't believe he would give me this. And how the hell did he know about my upcoming birthday?
Umiling ako at ngumisi. I guess I should just enjoy it while it's here, huh?
Ang iniisip ko noon, ang mga katulad niyang nandito sa arrangement na ito ay magbibigay lamang ng mga bagay tulad ng damit, bag, sapatos, o kahit anong parang ganoon. Hindi ko kailanman naisip na kayang magbigay ng ganito ka... sentimental.
Pagkatapos kong tingnan lahat ng gamit ay umupo lamang ako sa kanyang kama at nag-isip. I will never regret giving my virginity to him. Kahit na hindi maganda ang naging arrangement namin. Kahit na masyadong kumplikado ang lahat ng ito. Hindi ko makakalimutan na minsan sa aking buhay ay may isang taong naaalala ang mga maliliit na bagay sa akin.
Pagkatapos kong magmuni muni ay dumiretso na ako sa kanyang kusina. He's still in his white longsleeves right now. Iyon nga lang ay bukas na ang unang apat na butones nito, ang sleeves ay naka tupi narin hanggang siko.
Ngumisi siya nang nakita akong umupo sa counter.
"Did you like it?" tanong niya habang abala sa paglalagay ng cream sauce.
"Hmmm. Of course! Pero... paano mo nalaman na malapit na ang birthday ko?" And will that really matter for a fuck buddy? I guess not! Ni hindi ko nga naisip man lang na tanungin siya tungkol sa kanyang birthday.
"It's on your Facebook," aniya.
"Oh!" Ngumisi ako.
Nilapag niya sa aking harapan ang kanyang ginawa. Taco at Enchiladas ang kanyang ginawa. Sa amoy pa lang ay tingin ko masarap na ito. Ginutom tuloy ako.
Pinagmasdan ko siyang nilalapag ang mga kubyertos sa aking harap. Napansin ko ang pagiging bihasa niya sa gawaing ganito. He's husband material when it comes to the kitchen.
"Do you like Mexican food?" tanong niya habang naglalagay ng juice sa aking baso.
"Yup. Hindi ko nga lang palaging nakakakain. I only know pasta and some fried breakfast."
Umupo siya sa highchair sa tabi ko. Tumuwid ako sa kinauupuan ko.
"I hope you'll like this though..." humalakhak siya.
Nilagyan niya ang pinggan ko ng Enchiladas at Taco. Pakiramdam ko ay ipapakain niya sa akin ang lahat kaya sinaway ko siya at tinawanan.
"Don't... tell me if you don't like it!" banta niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko na napigilan ang aking tawa. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko siyang mababa ang confidence level. I couldn't believe it!
Ngumisi siya at pumikit. "Try it!"
Tumawa ulit ako at kinuha ang tinidor para masubukan ang Enchilladas na ginawa niya. Sinubo ko ito at pinagmasdan niya ako. Pinakiramdaman niya sa aking ekspresyon kung nasarapan ba ako o hindi.
Unang nguya ko pa lang nasarapan na kaagad ako. This man loses confidence over this? I can't believe him! Pakiramdam ko ay wala siyang tsansang bumagsak. Wala siyang tsansang pumalpak sa kahit anong gawin niya. He would never fail in anything.
"And?" Ngumuso siya.
"It's delicious!" sabi ko pagkatapos kong lunukin. Totoong masarap ito. Kung ganito pala kasarap ang Mexican food, I would want to learn how to cook it too!
"Okay. That's it. I'm fine with that," aniya at pinatigil na ako sa pagsasalita.
I can't help but really laugh at him. Ngumisi lamang siya at tinikman na rin ang sariling luto.
"You almost lost your cool because of this? I'm not sure if nagmamayabang ka through being humble or what?"
"How is that even possible?" Tumawa siya sa sinabi ko.
"Ewan ko sa'yo!"
Dammit! There's really nothing he can't do!
Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko siyang mag ligpit ng gamit. Hindi ko nga lang maiwasan ang pagpuna sa pagiging sobrang minimal ng disenyo ng condo unit niya. He's a man, after all. Busy rin siya kaya wala na siyang panahon para pagtuonan pa ng pansin ang mga bagay na tulad ng interior design ng kanyang bahay.
"No frames, paintings, and whatnot..." I commented.
"Hmm. Why don't you paint something for me then? Para mailagay ko dito sa aking condo."
Siya ang nagbigay ng ideyang iyon kaya inubos ko ang nalalabing oras ng gabi sa pagpipinta. Pinaghalo ko ang lahat ng shades of red sa isang abstract painting. Nakatingin lamang siya sa akin sa loob ng isa at kalahating oras na pagpipinta ko noon. Nahihiya na nga ako. I know painting is boring and dragging for audiences.
"Ipapaframe ko muna ito," sabi ko sabay tingin sa kanya.
Natapos ko iyon sa loob ng isa at kalahating oras. Hindi naman kasi kalakihan iyong canvas na napili ko. Ilalagay niya raw iyon sa kanyang living room. He's minimalist so I want it simple too.
"What do you call that painting then?" aniya.
Nakatayo na ako at pinapahiran na ang mga kamay. May kaonting pintura sa aking mga daliri. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa salamin pero paniguradong mayroon ding pintura sa aking mukha.
Humakbang si Logan palapit sa aking likod at niyakap niya ako galing doon. Humilig ako ng kaonti sa mainit niyang katawan. Pareho naming pinagmamasdan ang weird kong painting.
"I don't know... it's all red... maybe... blood?" Humagikhik ako.
Hinalikan niya ako sa tainga.
"But what did you paint?"
Napawi ang ngiti ko. Pinalitan iyon ng kirot sa aking puso. "It's a rose."
"Rose?"
"Yup... a blooming rose," nilingon ko siya.
Tumitig siya sa akin. Seryoso at malalim ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako. Nag-iwas ako ng tingin. The intensity of his eyes were unbearable. Sa sobrang bigat ng kanyang mga mata, pakiramdam ko babagsak ako kung patuloy ko siyang titingnan.
"Rose, then?" aniya.
Tumango ako at bumaling sa aking painting. Mas lalong humigpit ang yakap niya galing sa aking likuran.
Malamig dahil sa aircon ngunit dahil sa kanyang yakap ay nakaramdam ako ng init. Naging kumportable ako dahilan kung bakit doon na rin ako inantok.
"Galit na galit si Clyde kagabi noong nalaman niyang umalis ka na... We actually waited para lang hindi talaga siya makaalis," ani Tessa sa sumunod na araw.
Kina Logan ako natulog sa gabing iyon. Hinatid niya lang ako sa condo ko ng maaga para doon na ako makapagbihis at nang makapasok na rin ako.
"Salamat talaga ha? I don't know what to do without you. I'm just so tired of Clyde. I find him very toxic," sabi ko.
Nasa cafeteria kami, kumakain. Hindi ko pa nasusubo ang panghuli ko sanang kanin nang bigla kong nakita si Clyde sa pintuan ng cafeteria.
"Speaking of..." ani Jade nang namataan na rin si Clyde.
Kumulo ang dugo ko nang nagtama ang mga mata namin ni Clyde. Gusto ko siyang sigawan kung bakit nandito na naman siya? Kung nandito siya para lang manggulo, sana umalis na siya.
"Mag-usap tayo..." malamig ang tono ni Clyde nang sinabi iyon sa akin.
"For what?" Tumaas ang kilay ko.
"Clyde, we are working..." ani Jade na nakatingin lamang sa kanyang baso.
"Portia, please!"
Nagulat ako sa desperasyon sa kanyang boses. Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan na parehong umiiling. Alam kong dapat ay hindi na ako nakikipag usap kay Clyde. Nasisira lamang ang araw ko dahil sa kanya pero kahit para na lang sa nalalabing friendship na gusto ko sanang ibigay sa kanya kaya ako sumunod.
Sabay na nagbuntong hininga ang mga kaibigan ko. Nadisappoint sila sa ginawa kong pagsama.
Naglakad si Clyde patungo sa isang mesang walang tao. Malapit iyon sa malaking glass window na tanaw ang syudad. Umupo ako sa tabi ng kanyang inupuan. Humalukipkip siya at lumingon sa akin.
"What is it, Clyde? I do hope you're not wasting my time-"
"Are you playing with Logan Torrealba, Portia?"
Natigilan ako. Hindi ko inakalang didiretsuhin niya ako sa tanong na iyon.
"Tell me! Are you dating him?"
"What is this all about, Clyde?" iritado kong sinabi. "Ano? Maninira ka? Magagalit ka? Para saan pa?"
"So you are dating that man?" Halos puno ng histerya ang boses niya.
Luminga ako para matingnan kung may nakatingin ba sa aming dalawa. Tinapunan ko siya ng tingin nang nakitang wala namang nakikinig o nakatingin.
"I don't get you, Clyde! Ang sabi ko, wala na tayo! Hindi ba iyon ang gusto mo? Iyong wala na tayo para makaporma ka ng malaya sa ibang babae?"
"Portia!" mariin ngunit mahina ang pagkakasabi niya noon.
Hinawakan niya ang aking braso, para bang kinukumbinsi ako na pumanig sa kung ano mang sasabihin niya.
"Portia, you're dating a very dangerous man! Dangerous for you! Dangerous for the business! Dangerous for your father."
Hinawi ko ang kamay ni Clyde. He just wants me back. Gusto niya lang makuha ulit ako. Nasaktan lang siguro ang ego niya kaya siya naninira ngayon!
"Dangerous? Baka ikaw ang dangerous, Clyde-"
"Portia!" Umiling siya at pumikit. Para bang hirap na hirap siyang sabihin ang lahat. "That man is probably just using you to get to your business!"
Umirap lamang ako. "Using me? How? Hindi ako ang tagapagmana ng negosyo kundi si Kier. At isa pa, Clyde, please stop this! You are being very desperate!" giit ko.
Tumayo ako. Ang buong akala ko may katuturan ang sasabihin ni Clyde pero nagkamali ako. He'll just manipulate me into this. Ano man ang plano niya, alam kong para lang iyon sa kanyang sarili!
"Portia! That man will try to kill your father if you don't stop this!" sabi niya.
Iilang taong naroon ang napatingin sa aming dalawa. Unti unti ko siyang nilingon. Nanlalaki ang mga mata ko.
"What did you say?" tanong ko.
Humugot siya ng malalim na hininga. Hinilot niya ang kanyang sentido, para bang nahihirapan ulit siyang sabihin ang lahat.
"Logan is a monster in the business world, Clyde. But he's not that kind of monster you're thinking about! If you're trying to manipulate me para lang mabalik ako sa'yo, hindi na tatalab iyan-"
"So you are fucking dating him, Portia? Really?" Tumayo si Clyde.
He towered over me. Ngunit kahit katiting ay wala akong naramdamang takot. Hindi ako natatakot sa kanya.
"Habang tayo ay kayo? Anong ginawa niya sayo, ha? Paano ka niya napaniwala, ha?" Kinain ng mga hakbang niya ang distansya namin.
Hindi ako nagpatinag. Hindi ako umatras. Sa halip ay hinintay kong tuluyan siyang makalapit para mahampas ko ang dibdib niya.
"Kung makapagsalita ka ay parang wala kang ginawang masama sa ating dalawa! But let's forget about that! I am not doing this because I want to hurt you, Clyde. Alam kong hinding hindi ka masasaktan... Your conscience is calloused, anyway! I'm doing my thing here. You do yours! It's none of my fucking business so let this be none of your fucking business as well!" sabi ko.
"Portia, that man will ruin your business, will kill your father, or probably even you-"
"How dare you accuse him-"
"Sige nga! Sabihin mo sa akin ngayon... Sabihin mo... paano kayo nagkakilala? Paano ka niya nakilala? Kilala ka na ba niya kaagad? Bakit? Tinanong mo ba?"
Nanlaki ang mga mata ko. I can't believe he knows a lot of things about me and Logan. Bakit siya nagtatanong noon? Alam niya ba ang tungkol sa pagkakakilala naming dalawa?
Umiling ako. "You're a pathetic, desperate loser, Clyde. Please get out of this building or I'll make him throw you out of here!"
Tinalikuran ko siya at dire diretsong bumalik sa kung saan ko iniwan si Tessa at Jade.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top