Kabanata 21
Kabanata 21
Tell Me
Ayaw kong bumangon. Iyon ang unang naisip ko nang nagising ako. Hindi ko pa nadidilat ang aking mga mata ay ramdam ko na ang sakit sa aking katawan. I'm sore all over. Logan took me over and over again last night.
Nalalanghap ko ang bango ng kanyang balat. Pinaghalo itong perfume at mint. Nakapalapupot ang kanyang braso sa akin at ang pisngi ko ay nasa kanyang dibdib. Can we just stay like this forever?
Ang call time ay ala-una ng hapon para sa mga may part. Si Logan ay isa sa mga groom's men. I know he should be awake by now but I'm too tired to wake him up.
Unti-unti akong dumilat at nag-angat ng tingin sa kanya. Sa kaonting galaw ko ay naramdaman ko rin ang pag galaw niya. Hinalikan niya ang noo ko at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
"Logan..." tawag ko.
"Hmmm..." He's awake!
Kinalas ko ang mabigat niyang braso na nakapalupot sa akin. Nahirapan pa ako sa pag-angat nito at sa paglagay nito sa kanyang tagiliran. Bumangon ako. Kinusot ko ang nanlalabong mga mata. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri pagkatapos ay bumaling kay Logan.
"Wake up!" tawag ko.
Nahuli niya ang palapulsuhan ko at hinila niya ako sa kanyang dibdib. Napasubsob ako sa kanyang dibdib. Tinampal ko siya ngunit hindi siya naapektuhan.
Isang oras ko pa siyang hinila. He wants to stay in bed and just show up when it's five minutes before the wedding!
"Ano ka ba? May shoot pa yata kayo! This is Brandon's wedding! Your cousin's wedding!" giit ko.
Dumilat siya. Ang mapupungay niyang mga mata ay kaagad naglahad ng iritasyon. Ngumuso ako.
"Just get up!" sabi ko.
"Let's shower together..." napapaos niyang sambit.
Umiling ako at umirap. Tingin ko ay wala na talagang makakapagpabangon sa kanya kaya sinunod ko ang lahat ng gusto niya. As a result, I looked so flushed! Dammit! Parang may mga paru-paro sa aking tiyan tuwing naiisip ko ang mga reaksyon ng mga taong makakakita sa akin pagkalabas. Pakiramdam ko ay malalaman nila kung anong ginawa namin dito sa loob.
Maganda ang dress na binili niya para sa akin. It's designer. Ang kulay beige na damit ay nakayakap sa akin ng mabuti. Tamang tama lamang ang sukat sa akin. Magaling siyang mamili. Well, I'm not sure kung siya nga ang namili. Isinantabi ko ang naisip kong iyon. I shouldn't make that a big deal.
Nang lumabas kami sa kwarto ay pumunta na kaagad kami sa restaurant. Panay ang kulit sa kanyang ng babaeng organizer ng kasal at iyong stylist ni Brandon. Siya na lang kasi ang kulang sa mga groom's men.
"Yes, I'll be there..." paulit-ulit na sinabi ni Logan.
Bumaling siya sa akin nang natapos na kaming kumain. Ilang beses ko na rin siyang pinagsabihan na huwag paghintay ang crew dahil baka mastress ang ikakasal pag nalamang nagmamatigas siya.
"And you'll stay here and wait, then?" ani Logan.
"Yes. I'll stay here and wait," sabi ko at uminom sa mango shake na nakahain sa akin.
Ilang oras pa bago ang kasal. Sunset ang habol nila dito. Iyon ang dahilan kung bakit sa beach ang wedding. Pumangalumbaba ako habang tinitingnan si Logan na sumasama sa bading na stylist. His broad shoulders are on my sight. I couldn't help but remember how many times I dug my nails to them last night. Uminit ang pisngi ko.
"Excuse me, miss?" matipid na ngiti ang sinalubong sa akin ng waitress.
Inangat ko ang tingin sa kanya. HIndi niya na ako hinintay na magtanong para sabihin ang hinaing.
"Wala ka bang ibang kasama?"
Napatingin ako sa aking mesa. It's a table for two at wala na si Logan sa harap ko. He won't be back soon. Pinasadahan ko ng tingin ang buong restaurant at nakita kong maraming tao doon. Dumoble o tumriple yata ang dami ng tao ngayon kumpara kahapon. Of course, it's the wedding day after all!
"Umalis..." sabi ko.
"Kasi si Lola walang maupuan. Pwede ba siyang dito?"
"Sure! Sure!" agaran kong sinabi. Inalis ko pa ang aking mango shake sa gitna ng mesa para mabigyan ng espasyo ang kung anong dala ng tatabi sa akin.
"Maraming salamat!" ngumiti ang matandang nakilala ko bilang kasambahay nina Logan sa ancestral house nila.
Ngumiti ako pabalik. Naka simpleng damit pa lang siya at tingin ko ay magbibihis pa lang ito mamaya. Hindi tulad ko na nakasuot na ng dress at handa na.
"Walang anuman po," sagot ko sa matanda.
Tinitigan niya ako ng mabuti bago binalingan ang kanyang pagkain. May kabagalan na ang kilos niya, dulot na rin siguro ng katandaan. I wonder what it's like to see the del Fierro boys in their prime years? Surely, ang matandang ito ay saksi sa lahat ng mga napagdaanan nila.
"Ikaw ba iyong kasama ni Logan?" tanong niya pagkatapos akong tinitigan ng ilang saglit.
Tumango ako. Nagulat ako at naalala niya pa.
Nagpatuloy siya sa pagkain. Sa utak ko ay maraming mga crickets na nagsisitunugan pero mas pinili kong hayaan ang katahimikan. Naalala ko tuloy ang aking lola. Though my grandmama isn't as old as this woman in front of me, naisip ko parin siya.
"Pinakilala ka na ba niya sa kanyang ama?" tanong bigla ng matanda.
Hindi ko alam kung tatango ba ako o hihindi. "We've met during the business meeting."
Siguro ay iniisip ng matanda na ako nga ay legal na girlfriend ni Logan kaya siya nagtatanong. She's wrong but I don't blame her. Dinala ako ni Logan sa event na ito. People will think we're seious with our relationship.
Uminom ng tubig ang matanda. "Hindi niya ba isinama si Marina dito? O wala pa si Marina?" gumala ang mata ng matanda.
Hindi ko maitago ang pait sa mukha ko. Kung sino man si Marina, dapat wala na akong pakealam. Malinaw sa kilos ni Logan na ang babaeng iyon ay isa sa mga bagay na hindi ko dapat pinagtatanong.
"Hindi ko po alam, e. Hindi po sinasabi ni Logan sa akin," sabi ko.
Tumango ang matanda at nagpatuloy sa pagkain. Nanahimik na lang ako. Nawala bigla ang magandang mood ko kanina.
"Akala ko lang pinasama ni Armando..." dugtong niya pagkatapos kainin ang huling piraso ng manok na ulam. "Kamusta ang negosyo ni Armando? Tinutulungan ba siya ni Logan?"
This old woman really thinks I know everything about Logan. Ang hindi niya alam ay pinagbawalan akong makisali sa kanyang buhay. We're here for the physical benefits. Hindi ko namang pwedeng sabihin sa kanya iyon. I can only imagine her face kapag nalaman niyang ganoon lamang ang nagdala sa akin dito.
"I think so," iyon lamang ang nasagot ko.
Tumawa siya ng bahagya. Nanatili ang titig ko sa kanya. "Ang akala ko ba'y pababagsakin niya na iyon? Hindi parin makalimutan ng batang iyon ang nangyari..." Umiling siya. "Kawawa naman si Armando kung ang anak niya mismo ang magpapabagsak doon. Hindi ko naman masisisi si Logan, namatay ang kanyang ina dahil sa kompanyang iyan."
Tumigil ako sa paglalaro sa straw ng aking shake. Laking gulat ko sa lahat ng sinabi ng matanda. Is this considered as breaking the rules? I guess not. Ayaw ni logan na tanungin ko siya tungkol sa kanyang personal na buhay pero wala siyang sinabing hindi ako pwedeng magtanong sa ibang tao.
"Namatay po ang ina ni Logan?" tanong ko.
Tumango ang matanda. "Hindi mo ba alam? Namatay si Thalia dahil sa isang ambush. May kairingan si Armando dahil sa negosyo niya. Alam mo naman siguro kung ano ang negosyo niya, hindi ba? Nag-iimbestiga sila, nagbibigay ng seguridad sa pribadong tao, at marami pang iba. Hindi maiiwasan na walang iringan. Lalong hindi maiiwasan dahil malalaking tao ang kanilang mga kliyente." Bumuntong hininga ang matanda. "Mapanganib iyon. Kahit si Thalia ay may ayaw rito pero dahil gusto iyon ni Armando, wala ring nagawa."
"Sino po ang pumatay sa mommy ni Logan?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Ang alam ko lamang ay kairingan nga ni Armando. Kaya gustong gusto na ni Logan na ibagsak ang negosyo. Ayaw niya sigurong maalala ang pagkamatay ng kanyang ina tuwing naiisip ang negosyo ng kanyang ama. Kaya nilang protektahan ang ibang tao pero mismong si Thalia ay hindi nila naprotektahan."
Natahimik ako. Uminom ng tubig ang matanda. Inisip ko lahat ng mga sinabi niya.
Is this the reason why Logan disliked the company? Kung ganoon ay bakit pa siya nakipagmeet sa kay daddy? Bakit pa sila oorder ng mga armas kung pabagsak na rin pala ang kompanya nila?
"Ilang taon na po ba ang lumipas simula noong namatay ang mommy niya?"
"Tatlong taon. Hindi mo ba ito alam, hija? Ano ba ang relasyon mo kay Logan?"
Halos mabilaukan ako sa tanong na iyon. I don't know how to describe my relationship with him. Nanatili ang tingin ng matanda sa akin. Kuryoso dahil hindi ako makasagot agad sa simpleng tanong niya.
"Kaibigan lang po." Nanuyo ang lalamunan ko.
Hindi na nagsalita ang matanda. Nagpatuloy siya sa pag inom ng tubig habang ako ay nagkukunwari namang abala sa aking shake.
Logan loved his parents. Mahal na mahal niya ang kanyang ina kaya galit na galit siya sa kompanyang tinayo ng kanyang ama. And all the while I thought he's the monster capitalist who wants the business to fail for his own good! He cared for his parents. He cared for his mother so much that he wants their business to bleed to death. Sinisisi niya iyon dahil sa pagkawala ng kanyang ina!
"Sa tingin mo po, pupunta si Marina?" tanong ko. Hoping to somehow get a little bit of information about the girl.
"Hindi. Kung hindi sila magkasama ni Logan, hindi na iyon pupunta dito," anang matanda ng wala sa sarili.
"Ganoon po ba? Pinsan niya rin po si Marina?"
Umiling siya at napatingin sa akin. "Anak iyon ni Senator Fuentes. Kliyente iyon ng kanyang ama. Kasabay na namatay ang ina ni Logan at Marina sa parehong ambush."
Tumango ako. So that explains their closeness? Magkasabay palang nawalan ng ina ang dalawa. Nanuyo ang lalamunan ko. He can relate to Marina's feelings. Alam din ni Marina ang pakiramdam ni Logan.
Tumayo ang matanda pagkatapos kumain. Tumuwid ako sa pagkakaupo at binigyan siya ng ngiti. Ngumiti rin siya pabalik sa akin.
"Magbibihis na muna ako. Mamaya ay ako pa ang mahuli sa kasal ni Brandon," aniya.
"Sige po!" I tried to sound jolly.
Tuluyan din siyang umalis. Tinitigan ko ang halos wala ng lamang mango shake. Ilang sandali pa akong nanatiling nakaupo doon. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi ko rin alam kung bakit nawala ako sa mood ko kaninang masaya. Nagiging bipolar na yata ako.
Kung ano man itong nararamdaman ko, kailangan ko na itong isantabi ngayon pa lang. I know what kind of relationship this is and clearly understand it. Tumayo ako at nagpasyang pumunta sa kung saan nag sho-shoot ang mga groom's men. Mag eenjoy ako habang nandito pa ako. After all, nothing lasts forever. It's true to everything.
Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno ng niyog. Naroon ang mga groom's men sa buhangin at nakangisi sa isa't-isa. Maraming photographers ang kumukuha ng pictures. Napapangiti ako tuwing napapangiti ang mga kinukuhanan.
Ang mga groom's men ay puro puti ang damit. All white coat and tie na medyo loose at komportable tingnan ang kanilang suot. Meanwhile, Brandon's sporting a black tux. Lahat ng naroon ay mukhang kinuha galing sa GQ magazine at pinasali sa kasal na ito.
Nagtawanan si Logan at Brandon. I couldn't help but smile a little to myself. His laugh is contagious. Kahit na sabihing intense siyang makatingin at mas maaakit ka sa kanyang mukha, nangingiti parin ako tuwing tumatawa siya. Damn the man is hot and adorable at the same time!
Nang nag alas tres na ay natigil na ang shoot para sa paghahanda. Sa malayo pa lang ay kitang kita ko na na nakatingin si Logan sa akin. At nang nabuwag na siya sa grupo ay dumiretso nga ito sa kinaroroonan ko.
Matipid ang isinalubong kong ngiti sa kanya. He's still thrilled because of the shoot. I bet he enjoyed it more than he expected!
"Pumunta na tayo sa mga upuan. The wedding will start probably a quarter before four."
I agreed at him. Tahimik akong sumama sa kanya. Hindi matanggal ang tingin niya sa akin.
"Did you like the dress I bought you?" tanong niya, pinapasadahan ng tingin ang buong dress.
"Of course! Magaling kang mamili. It seems like you're used to this thing?"
Tumawa siya. "Hindi ako namimili ng dress para sa mga babae."
Ngumiwi ako. He's bluffing! "Don't tell me wala ka pang ibang binibigyan ng dress na ka "arrangement" mo?"
"Well, yeah, I buy some gifts but not dresses. I don't really bring girls to events."
Tumigil siya sa paglalakad. Nasa harap na namin ang nakahilerang mga upuan para sa wedding nina Brandon at Avon. It's in a cliff. Mamaya ay paniguradong kitang kita ang sunset dito.
"Why did you bring me to this event, then?"
Sinubukan kong magtanong ng ibang tanong ngunit doon parin ako dinala ng dila ko. Crap!
Tumitig siya sa akin. I am not sure if he's debating on telling me his real reason or sugarcoat it para hindi masira ang mga nangyayari sa amin.
"Because I missed you... so much like hell, Portia."
Kumalabog ang puso ko. His husky voice sent shivers to my spine. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip na totoo ang mga sinasabi niya.
"Talaga? You acted so cold before you left for Hongkong," I tried to sound normal. Nagtagumpay naman ako. Kita ko sa mukha niyang nahihirapan siya dahil sa tono kong mukhang nagbibiro.
"Why? Hindi ka ba mapapagalitan kapag nalaman ng daddy mo ang tungkol sa atin?"
Hindi ako nagsalita. Ang kumakalabog kong puso kanina ay mas malakas na ngayon! Daig ko pa ang nag 100 meter dash sa sobrang lakas ng pintig nito.
"Tell me... Do you want us to go public?" tanong niya.
Nanliit ang mata ko. "Are you serious? We can't go public! We're fuck buddies!" I pointed out.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Akala ko iyon ang ibig mong sabihin. I'm sorry, yes, I was cold that night. I don't know how to act sane when the girl I'm making love to is in the arms of another man."
Pakiramdam ko ay kinitilan ako ng hininga. Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ako nakapagsalita. Hindi niya rin ako hinayaang magsalita pa. Hinigit niya na ako papunta sa mga upuan at nagsimulang mag iba ng topic.
And all I hear about is my insane heartbeats!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top