Kabanata 19
Kabanata 19
You'll Regret This
Sa isang private jet kami sumakay patungong Cebu. Hindi ko alam na ganito palang airplane ang sasakyan namin. Lima lamang kaming nandoon, dalawa ay kaibigan di umano ni Avon. Ang isa naman ay isang matandang babae.
Nang pumasok kami dito kanina ay ikinagulat ko ang pagmamano ni Logan sa matanda. Ang chinita nitong mga mata ay napapalibutan ng mga kulubot.
"Kamusta ka na, Logan? Kamusta si Armando?" tanong nito.
"He's okay, Manang."
"Hindi ba siya sasama sa kasal?" tanong ng matanda sabay sulyap sa akin.
"Hindi. Abala siya sa negosyo."
Umiling ang matanda. "Si Armando talaga... Alam kong pareho kayong may iniiwasan. Mabuti at pupunta ka," anito.
Hindi umimik si Logan. Simula noon ay hindi na rin siya umimik kahit sa akin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa tanawin sa babae. Wala masyadong ulap kaya kitang kita ang mga isla at mga dagat.
"According to Google Maps, malayo pa ang Moalboal sa Cebu City. Are we going to ride a bus or car?" tanong ko habang tinitingnan ang niscreen cap na Google Map kanina.
"Chopper," sagot ni Logan.
Dahan-dahan akong tumango. Fine! I thought we're gonna travel by land!
True enough, pagkalapag ng eroplano ay agad kaming nag transfer sa isang chopper. Nagulat ako nang naroon na rin ang mga bodyguards ni Logan.
Hindi ito ang unang beses na nilipad ako ng chopper. Madalas ay sumasakay si daddy dito papuntang Visayas. Still, I enjoyed the ride. Besides, iba-iba ang experience. This time, I'm with Logan.
Nauna ang matandang babae sa amin. May sumalubong sa kanyang iilang mga tauhan. Nasa resort na kaagad kami kung saan gaganapin ang kasal ni Avon at Brandon.
"Sino iyong si Manang, Logan?" tanong ko.
"She's our old house maid. Sa aking lolo at lola na ancestral house."
Tumango ako at hindi na nagtanong. So the old woman knows his two other cousins. Kaya siya narito sa kasal ng kanyang pinsan.
Nang nakapasok na kami sa hotel kung saan kami pansamantalang titira, nakita ko kaagad ang mga pamilyar na mukha ng mga businessmen na naroon. It looks like the whole place is exclusive for the wedding.
"Logan!" isang businesswoman ang lumapit sa akin.
I know her! I designed something for the Carlzon Rockwell Group of Hotels last year. How could I forget! Siya ang mama ni Brandon, ang ikakasal ngayon.
"Tita..." ani Logan.
Ngumisi si Madame Rockwell sa akin. Bumaling si Logan sa akin at ipinakilala ako.
"This is Portia Cecilia Ignacio, Porsh, this is Tita Diana Rockwell, Brandon's mom."
Naglahad agad ako ng kamay sa kay Madame. "It's nice to see you again, Madame!"
"Ignacio?" Kumunot ang noo niya at napatingin kay Logan. "We've met before? I'm sorry, I'm old. Memory loss!" Tumawa si Madame.
She's not at all old. Ang tantya ko ay nasa Mid-40s or 50s lamang ang kanyang edad.
"Yes. I'm an interior designer. A year ago we've meet for a proposal sa design ng mga bago ninyong rooms sa isang hotel."
Tumango siya. "You work for the del Fierros?"
Tumango rin ako.
"Oh, yes! I remember now! Halika! Mag enjoy kayo dito sa resort. It's nice! I've been here for two days now," ani Madame sabay ngiti kay Logan.
"Where's Rage and Brandon?" tanong ni Logan.
"Brandon's with Avon. I don't know, checking the last minute things with their organizers? 'Tsaka may schedule iyong aerial shoot mamaya. Rage, Sunny, and Roscoe are on the beach."
Tumango si Logan at hinawakan ang kamay ko.
Bumaba ang tingin ni Madame sa aming mga kamay ngunit agad ding nag-angat. "Armando, Logan?"
Nagkibit ng balikat si Logan. "He's busy..."
"Oh, well... the old man's always busy ever since, huh? Mabuti na lang at nakapunta ka. By the way, I'm gonna call the roomboy. Para makapagpahinga na kayo sa kwarto."
Iginiya kami ng taga resort sa aming kwarto. Naiiwan ang mga mata ko sa puting buhangin sa malayo at sa kanilang kulay asul na pool. Kahit sa malayo din ay kitang kita ko ang linaw ng dagat. You can even see the corals and reefs sa sobrang linaw.
"Are we swimming?" tanong ko nang inaayos ang kurtina para mas maging maliwanag ang buong room.
The room is wooden. May touch parin ng modern iyon dahil sa mga muwebles. The huge white bed is very inviting. The headboard is cushioned wood. Ang bintana ng room ay malaki at may mapuputing kurtina.
"Maybe? Just wear your swimwear under a dress or something to cover you up," ani Logan sabay upo sa kama.
Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala akong sinabihan sa kay mommy o daddy kung nasaan ako. But I think I still need to tell them my whereabouts.
"Who are you texting?" tanong ni Logan.
"Just my mom and dad. I'll tell them na nasa Cebu ako."
Huminga ng malalim si Logan. "If they ask kung anong ginagawa mo sa Cebu?"
Natigil ako sa pagtitext at binaba ko ang aking cellphone. Not because I'm scared they'll find out about us but because I know they won't care kung nasaan man ako. They won't ask why I'm here.
"Well... I'll tell them may kasal akong pinuntahan... but well, they won't ask anyway. Naisip ko lang naman na itext sila, in case."
Nilingon ko ulit ang dagat sa labas. Sa dalampasigan ay nakita kong may isang batang siguro ay nasa dalawang taon na na tumatakbo sa buhangin. Mr. Rage del Fierro's wearing an all black diver's suit. Siguro ay nag dive ito sa dagat kanina. May kasama siyang isa pang lalaking ganoon din ang suot. Ang isang babae naman ay nakabikini, samantalang ang asawa ni Rage ay naka maxi dress.
"It's Rage! Nasa labas sila kasama iyong asawa at anak niya!"
"Let's change so we can join them..." ani Logan.
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy. Nagbihis na ako ng bikini at sinunod ang gusto ni Logan. Nagsuot ako ng isang bohemian white dress.
"Is that a dress or a top?" bayolente niyang reaksyon pagkalabas ko ng banyo.
"What? This is a dress!" giit ko.
Itinaas niya ang dulo ng aking dress at agad kong pinigilan ang kanyang kamay.
"What the hell are you doing, Torrealba?" sigaw ko.
"Isang ihip lang ng hangin ay makikita na ang kaluluwa mo! And for Pete's sake why are you wearing a white bikini, Portia?" Mabilis ang hininga niya. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"Okay! Okay! Calm down! Wala akong ibang dala! The other one's also white. I bought this because it's nice! The other one has a starfish in the middle of the bandeau."
"I don't care about the starfish! Why are you..." hindi niya masabi kaya umungol na lang siya.
Umirap ako. "Please, Logan. Don't be conservative now. I know you like it when women show some skin. Don't tell me you haven't drool over girls because of what they're wearing?"
"So you're telling me that you're wearing that because you want people to drool?" Para niyang dinura ang mga salita.
"For God's sake, that's not my point! Ang punto ko ay bakit ngayon ka pa nagagalit? It's the beach, I can't wear something with too much cloth in it!"
"Porsh, please-"
"Oh God! Don't make me change!" sigaw ko sabay martsa ko palabas ng silid.
Bahala siya. I am not going to change my outfit. Iniwan ko siya doon sa loob kasama ang frustrated niyang sarili. Sa labas naman ay marami akong nakasalubong na mga kilalang tao. The fact that they're here the day before the wedding means something. Kung sabagay, Sabado naman at walang trabaho. Libre na sila sa bakasyon, hindi ba?
Malayo ang dalampasigan sa labasan ng hotel kaya kinailangan ko pang mag lakad. Logan will find me anyway, he's good at that!
Isang sun lounger katabi ng asawa ni Rage ang nakita kong bakante. Si Rage at ang kasamahan ay parehong nasa dagat at mukhang nagda-diving nga.
Umupo ako sa sun lounger at tiningnan ang bata sa tabi ni Sunny, iyong asawa ni Rage. Maputi ang bata, halatang mana sa ina. Ang pisngi nito ay pulang-pula. Hanggang balikat ang kulot-kulot nitong buhok.
"Hi!" bati ni Sunny nang napansin ako.
"Hello! Ang cute naman ng baby mo! Anong pangalan?"
"Roscoe!" Ginalaw ni Sunny ang kamay ni Roscoe. "Say 'hi' to tita? Kaibigan ka ni Brandon?" Bumaling siya sa akin.
"Uhmmm." Umiling ako. "I'm Portia..."
Tinanggap ni Sunny ang nakalahad kong kamay. Nanliit ang mga mata niya. Para bang narinig niya na ang pangalan ko o nakilala niya na ako kung saan. I saw here noong exhibit but I never really had a formal conversation with her.
"Kung ganoon ay kaibigan ka ni Avon?" tanong niya.
Umiling din ako. "I'm with Rage's cousin. Si Logan Torrealba..." sabi ko, unsure if I should say that.
"Oh!" Tumango siya at ngumisi. "He's here?"
Ngumisi ulit ako at tumingin sa batang may mapupulang labi. Manang mana ito kay Rage, ang namana nito kay Sunny ay ang puting balat at kulot-kulot na buhok. He's so adorable!
"Hi Roscoe!" bati ko.
Tumingin ang bata sa akin at winagayway niya ang laruang pala. Para akong uod na binuhusan ng asin sa sobrang kilig.
"That's Tita! Say 'hi!' Tita Portia!" ani Sunny, tinuturuan ang batang del Fierro.
"Hi!" Mabilis na sinabi ni Roscoe.
"Very good, baby!" sabay halik ni Sunny sa bata.
Napakagat ako sa aking labi. How adorable children are! Napawi ang ngiti ko nang naisip kung ganyan din kaya ako ka cute noong bata ako? Or I was probably the worst child, the worst kid. I probably look like a monster, o baka hindi ako ngumingiti? My pictures tell me otherwise. Palangiti naman akong bata. Pero bakit ayaw ni mommy at daddy sa akin?
"Hard-headed!" muttering behind us was Logan.
Agad naputol ang linya ng aking isipan dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya at kitang kita ko ang pagsusuplado niya. Naka puting vneck t shirt siya at kulay darkblue na shorts. Even when he's wearing something for the beach, he's still so hot!
"This is okay!" sabi ko sabay tingin kay Sunny.
"Hi Logan!" ani Sunny.
"Hi Sunny... How's Roscoe?" tumabi si Logan sa akin sabay lagay sa kanyang palad sa aking hita.
Damn, this man! Don't tell me his hands will be all over me the whole time we're here?
"Hi!" ani Roscoe sa kay Logan.
"Hello, big boy!" ani Logan sabay kurot sa malapad na pisngi ng bata.
"There's Tito Logan!" ani Sunny sabay pakaway ulit kay Roscoe.
"By the way, this is Portia, Sunny..."
"Ah! Oo, nagkakilala na kami dito, Logan," ani Sunny sabay ngiti sa akin. Napatingin siya sa kamay ni Logan sa aking hita.
Holy crap!
Inayos ni Sunny ang kanyang kulot na buhok bago muling nagsalita.
"Kadadating niyo lang?"
Tumango si Logan. "Bukas ang dating nina tito at tita, hindi ba?"
Nagkibit ng balikat si Sunny. "Hindi sinasabi ni Rage sa akin pero iyon ang sinabi ni Brandon."
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya inabala ko ang sarili ko sa pagtingin kay Roscoe na naglalaro sa kanyang pala.
"Still haven't talked after all those years?" tanong ni Logan.
"Yes. Hindi parin napapatawad si Rage." Napatingin siya sa dagat kung nasaan ang asawa. "Time heals all wounds, sana nga ay ngayon maayos na."
Hindi umimik si Logan pero napatingin siya sa akin. Ilang sandali ang nakalipas ay narinig na namin ang tawanan galing sa papalapit na malaking speedboat. Tapos nang mag diving sina Rage at ang dalawa pa nilang kasama.
Malayo pa lang ay sumigaw na ang isang lalaki sa kay Logan. Umiling at tumawa lamang si Logan.
"Hello, Logan! I see you're finally with someone?"
Kinagat ko ang labi ko. Ano kaya ang naiisip nila? They think we're together when the truth is we're just f buddies.
"Portia, this is Kid and his girlfriend, si Mia," sabay lahad ng kamay noong babaeng naka orange na bikini.
"Nice meeting you," tinanggap ko ang mga kamay nila.
"And I'm sure you know Rage..." sabi ni Logan sa akin.
Tumango ako. Tumingin din si Rage sa akin. His gaze made me realize how del Fierro Logan is. "Portia Ignacio..." ani Rage.
Ngumiti ako sa kanya. Tumango siya at tumingin kay Logan. "Which dog are you, Logan?"
Kumunot ang noo ko sa pinag uusapan ng dalawa.
"Shut up, Rage!" tawa ni Logan.
"I do hope it's a dog with higher IQs. Hindi ko matatanggap kung hindi mo kayang mag fetch man lang ng maayos."
Pabirong nagsuntukan ang dalawa. Logan threw punches straight on Rage's face. Mabilis ding mag duck si Rage at tuwing bumabawi ito ng suntok kay Logan ay nakakailag din si Logan.
"Boys! Please, hindi iyan good example kay Roscoe baby..." ani Mia sabay karga kay Roscoe.
Tumigil ang magpinsan at parehong biglang pumormal.
"The sea's nice. Napagod kami. Why don't you try diving?" ani Rage sabay tingin sa akin.
"Maybe later..." sabi ni Logan para sa akin.
Sumipol si Rage at naglaro ulit ang ngiti sa labi nito. Uminit ang pisngi ko at hindi ko alam kung bakit.
"Shall we leave you then? Babalik din kami. Magpapahinga lang..." ani Rage.
Pareho silang nakangisi ni Logan. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit.
"Kami rin," ani Kid sabay hapit sa baywang ni Mia.
Binalik ni Mia ang batang del Fierro kay Sunny. Kinarga ni Sunny ang bata at bumaling sa amin.
"Mag enjoy kayong dalawa! See you later!" ani Sunny.
"See you..." sabi ko sabay kaway sa kanila nang palayo na.
Kaming dalawa na lang ang naiwan ni Logan sa beach. I took out my beach towel and my sunblock. Matalim akong binalingan ni Logan.
"What? I'm going to put some sunblock on. Ayaw kong masunog ang balat ko."
Pinasadahan niya ng tingin ang buong resort. Dahil closed ito sa ngayon para sa kasal bukas, kaonti lamang ang tao. Ang iilan pa sa kanila ay ang mga matatandang sinamantala ang kasal para magbakasyon.
Inayos ko ang beach towel sa buhangin. Mas gusto kong doon kesa sa sun lounger. Nang umupo na ako ay umupo na rin si Logan sa aking tabi. Nagawa niya pang magtawag ng waiter na napadaan lang. Umorder siya ng mga shake para sa aming dalawa.
Nang nakaalis na ang waiter ay kinalabit ko si Logan...
"Can you please put some sun screen on my back?" nangingiti kong tanong sabay diretsong hubad sa aking damit.
Narinig ko ang bayolenteng paghugot ng hininga ni Logan. Kinuha niya ang aking sunblock at naglagay ng tamang dami sa kanyang palad. Kinalat niya iyon ng maayos sa aking likod in circles.
Napapikit ako habang nararamdaman ang init ng kanyang kamay sa aking mga balikat. It sent shivers down my spine and I couldn't hide it. Napaungol na ako nang naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod.
"Portia, for goodness sake!" bulong niya. "Put your dress on!"
"What about my other shoulder, Logan?" sabi ko sabay tingin sa kanya. I'm already heady. I can't believe it!
Halos magmura si Logan habang naglalagay ulit ng sunblock sa kabilang balikat ko. I groaned again. Narinig ko ang mura niya at tumigil siya.
Ngumisi ako at kinuha ang bote ng sunblock sa kanyang kamay.
"Halika, ikaw naman?" sabi ko.
Nanliit ang mga mata niya sa akin pero naghubad siya ng t-shirt para malagyan ang likod niya. Good boy!
Naglagay ako ng tamang dami sa aking palad at inilapat ito sa kanyang likod. Kinalat ko iyon sa malapad niyang likod. Kinuha ko ang kanyang braso at nilagyan din iyon. Nakatitig lamang siya sa akin habang ginagawa ko iyon sa magkabilang braso niya.
"Let me put some on my legs... Give me the bottle," ani Logan.
Sinunod ko ang sinabi niya. Binigay ko sa kanya ang bote ngunit hindi ako tumigil sa likod niya. I even put some on his chest. Napatingin siya sa akin, naka-igting ang panga.
"Are you seducing me in broad daylight, Portia?" tanong niya.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang boardshorts at kitang kita na ang umbok doon. Libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko sa aking nakita.
"Come here!" utos niya.
Lumayo ako, natatawa ngunit nahawakan niya ang aking palapulsuhan. Hinila niya ako sa gitna ng kanyang mga hita. His arousal brushed my back. Tumawa ako ngunit pinalupot niya ang kanyang kamay sa aking katawan.
"This is your fault! Thanks for being so naughty... Now you stay here until it's asleep!"
Tumawa ako at nagpumiglas. Nilagay niya ang kanyang mukha sa aking leeg at hinalikan ako doon.
"Paano iyan matutulog when you keep on kissing me?" Tawa ko.
"Stay still. You'll really regret this, Portia..." may pagbabanta sa kanyang tinig.
Tumawa lang ako at hinawakan ang kamay niyang nakapalupot sa akin. His arousal is now very proud. Ramdam na ramdam ko iyon sa aking likuran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top