Kabanata 18
Kabanata 18
I'm Home
He only texted me nang nakauwi na ako sa bahay. Tumawag rin siya pagkatapos ng mensahe niya. Tiningnan ko ang kabuuan ng Bonifacio Global City habang nasa kabilang linya siya.
"I'm sorry for not telling you about my trip. Kanina ko lang din iyon nalaman kay Marina," he told me.
"That's okay. I'm just really shocked," sabi ko.
"Hinatid ka ba ni Clyde sa condo mo?" matigas niyang tanong.
"Yup. Inimbitahan lang din ako ni daddy sa dinner na iyon because Clyde's there. I'm not usually involved with our business."
Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Yeah... I know..." mahinahon niyang sinabi.
"Hmmm... So you and Marina will go to..."
"Hong Kong for another convention. Actually she's already there with her crew. Susunod lamang ako," ani Logan.
She's with her crew? Ibig sabihin ay marami sila, kung ganoon? Bakit ko ba iniisip ito?
Hinayaan ko iyon. If there's one thing good about Logan, iyon ay ang pagiging tunay niya sa kanyang mga salita. He may not be the most righteous person I know but I know he'll stay true to our deal.
"Natapos mo?" tanong ni Architect Constantino.
Tumango ako. "I'll send the files to you later po. Can I have the blue print of our other projects?"
Tumango rin si Architect.
Biyernes na nang natapos ko lahat ng kailangang trabaho. Pagod na pagod kaming lahat pero ako ang naging pinakaproductive.
"Inspired?" Halakhak ni Tessa nang pinuntahan ako sa aking mesa.
Hindi ba pwedeng inaayos lang ang trabaho? Humikab ako kaya ngumiwi si Jade.
"Your promise? Valkyrie, Friday? Remember? O baka sunduin ka na naman ni Logan?"
Bumuntong hininga ako. Hindi ako susunduin ni Logan dahil wala siya dito sa Pilipinas.
"Basta. I'm going home to change and let's have dinner somewhere?" sabi ko.
"Sabi mo, ha! Mamaya, indianin mo kami ni Tessa!" ani Jade.
"Yes, I promise," sagot ko at nagligpit na ng gamit.
Umuwi na ako sa bahay para makaligo at makapagbihis. Gutom na ako kaya pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa restaurant sa malapit. Doon kami magkikita nina Jade, Tessa, at Lloyd. Tumingala ako. Tiningnan kong mabuti ang towers kung saan nakatira si Logan. Pinilig ko ang aking ulo at pumasok na sa kakainan namin.
"Hi!" sabay beso ni Jade sa akin.
Napatalon ako. Naglalaro ako sa aking wine habang naghihintay sa kanila. Magkaholding-hands si Tessa at Lloyd sa likod ni Jade. We're all wearing something black.
"Hi!" sabi ko sabay tuwid sa pagkakaupo.
"Tulala ka diyan?" Humagalpak si Jade.
"Where's Logan?" tanong ni Tessa sa akin nang naupo na sa aking tabi.
"He's out of the country..." sabi ko.
"Oh! Since when?" tanong ni Jade. "Is that why Clyde picked you up last Monday?"
"May business si daddy noong Monday kaya magkasama kami ni Clyde. Tuesday pa umalis si Logan."
"So you missed him that's why you look so lonely?"
Umismid ako. "I'm not lonely. Come on, let's order! I'm starving!"
Nagtawag kami ng waiter. Sinabi namin ang aming mga order at nagpadagdag pa ng wine.
"Mabuti ka pa, Portia. Natapos mo ang lahat ng gagawin mo bukas. Pati ikaw, Tess. Pupunta pa ako bukas sa building para tapusin ang mga di pa natatapos."
Ngumisi si Tessa. "So kayo ni Architect lang ang nasa building bukas?"
Kitang-kita ko ang pagpula ng pisngi ni Jade. Nanliit ang mga mata ko. "Hindi no! I'm sure marami pang employees ang hindi pa nakakatapos ng kanilang projects!"
Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa nag alas diez na ng gabi. Nagdesisyon na kaming pumunta sa Valkyrie pagkatapos noon.
The familiar scent of alcohol mixed with smoke filled my nose. Ang ingay din ng music galing sa stereo at ang tinig ng mga taong naroon ay umatake sa aking tainga.
Mixture ng vodka, whiskey, and juice ang nasa aking baso. Si Jade ay nasa dancefloor na, her usual spot. Tessa and Lloyd were baby talking beside me. Tiningnan ko ang dancefloor. Tama si Jade. Ilang linggo na rin kaming hindi nakakapag bar kaya heto at kailangan kong ienjoy ito!
Ininom ko ang nasa aking baso bago ako tumayo para pumunta sa dancefloor. Kitang kita ko ang iilan sa mga kaibigan namin. Kita ko rin si Jade na kasayaw ang kaibigang foreigner ng isa sa mga schoolmates namin noong college.
Pinikit ko ang mga mata ko at nakihalo sa mga nagsasayaw. The electronic music is like alcohol. Pagnakapasok sa tainga ay unti-unti kang nalalasing - nawawala sa sarili.
Ilang sandali ang nakalipas, may naramdaman akong malalaking kamay sa aking baywang. Ang init nito ay nagpatindig sa aking balahibo. Dumilat ako at tiningnan ang kamay na nakahawak sa magkabilang baywang ko.
Ang mukha ng lalaki ay nasa aking leeg na at ang kanyang ilong ay tumatama sa aking tainga.
"I'm home..." bulong ng pamilyar na boses.
Sa sobrang gulat ko ay lumayo ako sa lalaki at hinarap ko siya. Logan's dark features blasted my eyes. Halos hindi ako nakahinga nang nakita ko ang pagiging seryoso niya. For a moment, I want to jump at him and hug him so tight! Pinigilan ko ang sarili ko.
"Logan!" sabi ko.
Ngumisi siya at hinigit ako palapit sa kanya. He started dancing with me again. Nilagay niya ang kanyang noo sa akin. Sumayaw din ako sa kanya. God, I missed him!
"Hindi ko alam na ngayon ang balik mo? I thought didiretso ka na sa Cebu!" bulong ko.
"Bukas pa ang lipad natin sa Cebu..." aniya.
Sa gulat ko ay natigil ako sa pagsasayaw. Tinutop ko ang aking bibig. Isasama niya ako sa Cebu?
"You're kidding, right?" sabi ko.
Umiling siya at kitang kita ko ang pagdila niya sa pang-ibabang labi. All my insides felt fussy. Hindi ko alam kung bakit.
Hinawakan niya ang aking kamay at nilagay niya iyon sa kanyang balikat. He pulled me closer to him. My chest was against him. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan.
Nilagay niya ulit ang kanyang kamay sa aking baywang. Ang isa ay pumalupot sa aking likod.
"This is mine..." bulong niya sa aking tainga.
Kung nalasing ako kanina sa musika dito sa loob ng bar, mas lasing ako sa bulong ni Logan.
Hinalikan niya ang aking tainga. Halos iiwas ko sa kanya ang aking mukha dahil sa pagkakakiliti.
"Don't move. I wanna kiss what's mine..." bulong niya habang hinahalikan ang aking pisngi pababa.
Niyakap niya na ako habang pababa ang kanyang mga halik sa aking leeg. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ramdam ko ang pag bukas at sara ng kanyang labi habang hinahalikan ako sa leeg.
Sa aking puson ay ramdam ko ang umbok sa kanyang pantalon. Napangiti ako. I like how I can affect him. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya. Nagsimula akong sumayaw sa pamilyar na ritmo.
He groaned. "Portia, we need to go home and pack our things first."
Kinagat ko ang aking labi. "Ilang araw ba tayo sa Cebu?"
"Their wedding is on Sunday. Three days? Don't file your leave yet. We'll extend if we have too," bulong niya.
We have too! "Saan sa Cebu?"
"Moalboal..." nagpatuloy siya sa pagsiil ng halik sa akin.
I swear my lips are swollen. Pakiramdam ko ay tinadtad iyon ni Logan ng halik.
"Damn, I miss you so much..." His tongue slid inside my mouth.
Tinanggap ko ito pero narinig ko ang pag-ungol niya.
"Porsh, it's been four days." Tumigil siya sa paghalik. "The last time we saw each other, I was not in the mood and you still can't open your mouth properly? Don't go shy on me now... Open your mouth..."
Uminit ang pisngi ko at bahagyang binuka pa ang aking bibig. He kissed me intensely this time. Ramdam na ramdam ko ang pananabik niya. Hindi rin ako nagpatalo. I kissed him hungrily, desperately.
Kinalas niya ang kamay ko sa kanyang leeg at binaba. Tumigil din siya sa paghalik at tinitigan ako.
"Where's your table?"
Wala pa ako sa aking wisyo nang tinanong niya noon. Mabuti na lang at naituro ko naman ng maayos ang aming lamesa.
Doon ay naroon parin si Tessa kasama si Lloyd. They were also joined by Jade with his probably new hook up, the foreigner.
Parehong halos mabali ang leeg nila nang nakita nila kaming dalawa ni Logan na palapit. Bumagsak pareho ang kanilang mga mata sa aming mga daliri na magkasalikop.
"Hey!" may panunuyang tono sa boses ni Jade.
"Hey! This is Logan..." bumaling ako kay Logan. "Si Jade and Tessa. Ito naman si Lloyd, ang boyfriend ni Tessa."
Kinamayan ni Logan ang aking mga kaibigan. Pinakilala din ni Jade ang Canadian na kasama niya. Pagkatapos ay umupo na kami. If Jade wasn't preoccupied, kanina niya pa ako binaril ng mga tanong. Si Tessa ay tahimik lamang na nakangiti habang tinitingnan kaming dalawa ni Logan.
"6 AM ang flight natin tomorrow. Are you not worried about the things you should bring?" tanong ni Logan.
"Why? Do you want us to go home now?" tanong ko.
"Did you bring your car?" tanong niya naman.
Tumango ako.
"I'll ask one of my bodyguards to drive it to your home para sa Mustang ka na sumakay."
Tumango ulit ako. He's always ready and organized, huh? "Hindi ba sasama sina Rage?"
"Naroon na sila kasama ang kanyang wife at anak."
"So tayong dalawa lang bukas?"
"Yup." Hinawakan niya ang aking kamay at hinaplos ito ng bahagya.
"I don't have a dress yet! Ano ang susuotin?"
"I bought you a dress when I was in Hongkong!"
Ngumiwi ako. "Do you know my size?"
Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Yup."
"Oh, right! I forgot! You have my file!" Tumawa ako. "Shall we go, then? Aayusin ko pa ang mga dadalhin ko."
"We should. I also need to rest early. I will pick you up tomorrow around 5AM, okay?"
Tumango ako at tumayo na. Tumayo na rin si Logan.
"Where are you going?" marahas na tanong ni Jade nang napansin ang pagtayo namin.
"We need to go home, Jade. I'm sorry."
Kitang kita ko sa mukha ni Jade ang disappointment. Kung hindi lang siya tinanong ng kung ano noong kasama niya ay hindi niya na kami nilubayan. Paglingon ko kay Tessa ay nanatili parin ang ngiti niya.
"Take care!" aniya sa malambing na boses.
"Thanks, Tess. Ikaw na ang bahala kay Jade." Nilipat ko ang tingin ko kay Lloyd na tumango sa akin.
Hinintay ako ni Logan. Hinawakan niya ang aking siko bago kami umalis doon. Every weight I felt these past few days got lifted.
Nang nasa parking lot na kami ay binigay ko na kay Logan ang aking susi. Isang malaking tao ang tumanggap ng susi galing sa kanya.
"Sundan mo lang kami. It's just near the Fort," anito sa lalaki.
Tumango ang lalaki at pinatunog na ang aking sasakyan.
Binuksan ni Logan ang kanyang Mustang. Agad na akong pumasok doon at nagsuot ng seatbelts. Lumipad na ang utak ko sa mga dadalhin sa Cebu.
"Should I bring a bikini? Beach or pool?" tanong ko.
"It's a beach wedding so most probably there's beach."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi na ako makapaghintay!
Hindi kalayuan ang condo kaya agad rin kaming nakarating. Like the usual, inakyat niya ako sa aking floor.
"I will call when I'm in my condo. Pack up, okay?"
Tumango ako. Hinalikan niya ako sa aking noo bago siya nagpaalam para umalis.
Bahagya pa akong natulala. Hindi makapaniwala na isasama niya nga ako sa kasal ng isa sa kanyang mga pinsan! Nagsimula na akong mangalkal ng gamit sa aking walk-in closet. Hindi pa nakakapagbihis ay kinuha ko na ang aking maleta para malagyan ng mga kakailanganin.
Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na ito tiningnan nang sinagot ko iyon. I was almost positive that it will be Logan but...
"Portia..." boses ni Clyde ang narinig ko sa kabilang linya.
"Sino ang kasayaw mo sa Valkyrie?" diretsahang tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Pagkatapos ng excitement ko ay napalitan ng lamig ang aking sikmura. Tinuwid ko ang sarili ko. I made sure my voice didn't reflect my nervousness.
"Valkyrie? Nasa condo lang ako."
"You were here kanina. I know. I'm in Valkyrie right now. One of our batchmates told me you were dancing intensely with someone."
Agad akong nakaramdam ng pagkakairita. "I'm in a bar so I danced with someone. So what? And besides, don't act as if you're wounded. Para sa akin ay wala na tayo, Clyde. Alam mo iyan! The only thing that's keeping us together is our fathers, the business. If not because of them, matagal na tayong wala!"
"Sino ang kasayaw mo?" matigas niyang tanong na parang hindi ako naririnig.
"Why the hell are you asking me that?"
"Why can't you answer?" tumaas ang boses ni Clyde.
Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga. I want to throw it against the wall!
"I don't know! What the fuck, Clyde? Will you leave me alone!? Hindi na kita pinapakealaman sa iyong buhay at ngayon ako ang papakealaman mo? Can we chill so our friendship will not be ruined! Wala na tayo bilang magboyfriend, sana huwag mong walain pati ang pagkakaibigan natin!"
"Wow! So there really is someone else? Kaya ganito? I will know who you're with Portia... Malalaman ko rin kung sino ang lalaki mo!"
Bago ko pa siya masigawan ay binaba niya na ang tawag. Pumikit ako ng mariin. Clyde ruined my fucking mood!
Tumunog ulit ang aking cellphone. Nakita kong si Logan na iyon. Marahan kong ni-slide para masagot siya.
"I'm in my condo. Are you packing?"
Humugot ako ng malalim na hininga. "Yup, I am. You'll pack too?"
"Yes. Put the phone to loudspeaker while you pack para hindi ka mahirapan."
Napangiti ako. "Okay..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top