Kabanata 17

Kabanata 17

Out of the Country

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Mabuti na lang at nauna sa paggising si Logan, nakabili agad siya ng breakfast.

Kumain ako ng breakfast pagkatapos kong maligo at magbihis. Hinatid na rin ako ni Logan sa del Fierro building. Bumaling ako sa kanya para magpaalam at doon ko pa lamang napagtanto na natulog siya sa aking condo. He comforted me when I needed it. He felt my loneliness...

Pinilig ko ang ulo ko. I should stop overthinking. I know what we are and I don't need to put other ideas into it.

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng trabaho. Si mommy ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad ito. Halos uhaw ako sa opinyon niya sa nangyari kagabi.

"Hello?" sagot ko.

"Portia, I'm sorry for what happened last night. Sorry rin kay Katelyn."

Pumikit ako ng mariin. Kahit ito ay malaking bagay na para sa akin. I'm glad that my mom apologized.

"Okay lang po. I just hope you realize that I care about you two."

"Thanks, Portia. I'm really sorry, darling. Let's talk again soon. Inaayos namin ang mga paintings ni Katelyn ngayon. Are you at work?"

"Yes, mom... Okay. Take care po."

"Take care too."

Binaba ko na ang aking cellphone. Bahagya akong natulala. Naisip ko ulit ang mga nangyari ngunit ang tanging nanatili sa utak ko ay ang init na dala ni Logan. Crap! I should just go back to work.

Hindi pa nag lilimang minuto sa pagbabalik ko sa computer ay tumunog ulit ang cellphone ko. Sa takot kong mahuli ni Architect ay diretso ko itong sinagot.

"Hello?"

"Portia..." It's dad!

Kumalabog kaagad ang puso ko. Natatakot ako sa kung anong balita niya sa akin. He doesn't usually call me for nothing.

"May meeting ako mamaya with a client. Pupunta si Clyde at ang tito mo. Kier will be there too. You need to come with us too."

Kinagat ko ang labi ko. Later tonight?

"Kailangan po ba? I'm not involved with your business-"

"Clyde will be there. Just come with us!" utos ni daddy.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Is this a private company or it's the AFP?"

"It's a private company. Seven PM later, okay? Resort's World. Clyde will pick you up."

Bago pa ako makaapila ay binaba na ni daddy ang cellphone. Halos mapamura ako. Well, it won't hurt right? Besides, hindi naman kami nagkasundo ni Logan na magkikita mamaya kaya ayos lang siguro iyon.

Hindi rin siya nagparamdam habang nagtatrabaho ako. He's probably busy and I should really stop thinking about this. It's toxic. Hindi ito maganda para sa arrangement namin.

"You did not bring your car... again?" salubong ni Clyde sa akin nang nagkita na kami sa parking lot.

I could just lie at him and tell him na hindi ko pinark sa usual parking lot ko kaya hindi niya nakita. But what if he's checked the whole basement for my car? Then I'm screwed?

"Hindi. Iniwan ko sa condo."

Nanliit ang mata niya. I looked away. Sa tagal naming magkakilala ni Clyde, natatakot akong kilala niya ako masyado. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling.

Nagulat ako nang bumuntong hininga lang siya at pumasok na sa kanyang sasakyan. Pumasok na rin ako at nagsuot ng seatbelts. He threw me another glance. Hindi ko siya nilingon. Unti unting gumapang ang aking kaba. Crap!

"Lagi mo na lang iniiwan sa condo ang sasakyan mo? Do you commute everytime?" tanong niya sa isang malamig na tono.

Crap! Nanatili ang aking poker face. I don't want him to see that I'm already panicking.

"Sometimes."

"Bakit? Nasiraan ba ang sasakyan mo? Why don't you have it checked, Portia?" Puno parin ng pagdududa ang kanyang boses.

"Maayos ito. I'm just really tired of using it every morning-"

"Paano ka nakakauwi kung ganoon?" matigas na tanong ni Clyde.

Naiirita na ako but then I have to remind myself to answer him properly. "Sumasabay kina Tessa," kalmante kong sinabi.

Hindi na siya nagsalita. Kahit na ganoon ay panay ang tingin niya sa akin tuwing natatraffic kami. Ni minsan ay hindi ko na siya sinulyapan.

Nang palapit na kami sa pupuntahan ay naisip kong gawing magaan ang mood sa pamamagitan ng pagtatanong.

"Sino ang kameeting ni daddy at tito?" tanong ko.

"Some private agency..." ani Clyde habang nakatingin parin sa daanan.

"Private agency? For what?" tanong ko.

"They want our firearms to supply them," aniya.

My father's business is all about firearms. Pareho sila ng business ng daddy ni Clyde and they plan on merging the two companies later. Kaya kami pinipilit ni Clyde sa isa't-isa ay dahil doon.

"Anong agency ito?" tanong ko.

"It's the Trion," nilingon niya ako.

Nanlaki ang mata ko at hindi ako nakapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko. We're meeting with Logan's father?

"Ayaw ni dad na makipag deal sa kanila but we need bigger deals."

"Bakit ayaw ni tito?" Nagawa kong itanong kahit na nanunuyo na ang lalamunan ko.

Hindi niya ako sinagot. He parked the car on the basement. Sa ngayon ay para nang binuhusan ng asido ang aking sikmura. Logan's father! Sila ang ka business meeting ni daddy.

"Clyde, hindi ba pwedeng hindi na lang ako kasama? You can do it better without me," sabi ko.

Gusto ko nang bumalik sa opisina. Gusto ko nang umuwi. Paano kung kasama si Logan?

"Iyon ang gusto ng daddy mo. And besides, Portia, we're here. Ano ang problema mo?" Kunot noo niyang tanong. "Is this because of us again?"

Umiling kaagad ako. Muntikan kong nakalimutan na boyfriend ko nga pala si Clyde sa paningin ng ibang tao.

"Good!" aniya at hinawakan ang kamay ko.

Nilagay niya ang kamay ko sa kanyang braso. I stiffened. Binalewala niya ang paninigas ko at nagpatuloy siya sa paglalakad. Sanay na siya na ayaw kong mahawakan niya ako simula noong nagkalabuan na kami.

"Clyde, we shouldn't-" sabi ko.

"What's your problem, Portia?" nilingon niya ako. Galit na siya.

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? I am tired of our relationship! If only my dad would allow me, matagal na tayong break!" iritado kong sinabi. I don't want him to think that this is all okay with me.

"Fine! Then you're doing this for your dad! At least do it properly! Kung gusto mong makita ng daddy mo na tayo parin, show it!"

Nagtiim-bagang ako. Kailan ako makakawala sa kagustuhan ni daddy? When will i be free from it? I wonder.

"You're taking advantage!" giit ko.

"I'm not! We were always like this before, Portia! Bakit ngayon ka lang nagrereklamo?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Obviously, I got fed up with your thirst issues! I'm not up with you anymore!" Tinutop ko kaagad ang aking labi. Crap!

Nanliit ang mga mata ni Clyde. "Why? Are you with someone else?"

"No! I'm not with someone else! Hindi ba pwedeng gusto ko ng kumalas?"

Humakbang siya ng isang beses patungo sa akin. Punong puno ng pagdududa ang kanyang mga mata. Gustong gusto ko siyang sampalin. Wala siyang karapatang magalit kung mayroon man akong iba!

Hinigit niya ang aking kamay at binalik sa kanyang braso. Walang imik niya akong hinila patungo sa loob ng hotel.

Nang nakapasok kami sa hotel ay agad may gumiya sa aming babae patungo sa restaurant. Pumasok kami sa double doors ng restaurant kung nasaan ang mga businessmen na madalas mag casino.

"Dito po..." sabay lahad ng kamay noong babae patungo sa isang private room.

Binuksan ng babae ang pulang pintuan patungo sa isang pribadong room na may mahabang dining table.

Sa mahabang dining table ay nakita ko si Kier, Maja, daddy, tito, dalawa pang hindi kilalang tao, at si Logan. Halos mapamura ako.

Naka suit ang lahat ng ginoo na naroon sa room. Ginalaw ni Logan ang kanyang necktie at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Clyde..." ani daddy sabay tingin sa aming dalawa ng kasama ko. "Portia..."

"Gen. Torrealba, this is my daughter and Mr. Prieto's son. Portia and Clyde..." sabi ni daddy sa isang mas nakakatandang lalaki.

Tumayo ang ama ni Logan at naglahad ng kamay sa kay Clyde. Ang matandang Torrealba ay puti na ang buhok at may eyeglasses na suot. Matangkad din ito at matipuno parin ang katawan despite his old age.

"This is General Torrealba, and here is his son Mr. Logan Torrealba, at isa sa kanilang stock holder si Mr. Ramos."

Kinamayan ko rin ang dalawang nakakatanda. Huling tumayo si Logan kaya huli na rin nang nagkamayan sila ni Clyde. Nagtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko alam kung kakamayan ko ba siya.

"Logan..." aniya sabay lahad sa akin ng kanyang kamay.

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya.

"Let's take a seat?" ani daddy.

Hinawakan ni Clyde ang baywang ko dahilan kung bakit bumitiw ako sa kamay ni Logan. Iginiya ako ni Clyde sa upuang para sa amin at nagsimula na si daddy sa pakikipag-usap sa mga Torrealba.

"We can provide your agency the most advanced firearms..." ani daddy. "We have the newest hand guns and long guns in the Philippines. Ano nga iyong mga bagong dating natin, Kier?"

"We both have the Polymer 1911 and Caracal 1911 both in their newest versions."

"We have Polymer 1911. How about long guns?" tanong ni Logan sa kapatid ko.

"We have new rifles and pocket snipers..." ani Clyde.

Napatingin si Logan sa kanya. Nagtaas ito ng kilay.

Kumalabog ang dibdib ko. Crap! Bakit kailangan pang magkaganito?

"What kind of rifles do you have?" Hindi ko alam kung bakit sarkastiko ang tono ni Logan nang tinanong niya ito.

Ramdam ko ang tensyong namumuo kay Clyde. Tumikhim siya at humilig sa backrest ng mahogany chair. Umakbay siya sa akin. Alam kong para lamang iyon kumalma siya. Kitang kita ko ang paglipat ng tingin ni Logan sa kamay ni Clyde na nakapalupot sa aking balikat.

"We have the newest Mossberg. I'm sure wala pa iyon sa inyo," kumpyansang sinabi ni Clyde.

"That's not what we want. Do you have the Diamondback?" ani Logan sa mas sarkastikong boses.

Nagkatinginan si Kier at Clyde. Tumawa si daddy at tumingin kay Logan.

"Hijo, we can order what you want. Sabihin lang ninyo kung anu-anong mga baril ang kailangan para sa mga tauhan ninyo. If we close the deal, we assure you that we'll provide whatever you need," ani daddy.

"We don't want to waste our time, Mr. Ignacio. Our company has big time clients. Madalas ay may malalaking kaso kaya kailangan ng mas maigting na siguridad. If we settle for a company with a low caliber firearms, we're screwed."

"We can talk about how fast we can provide you with what you need when we close the deal, Mr. Torrealba," anang daddy ni Clyde.

Lumipat ang mata ni Logan sa matandang Prieto. "We're here to talk about that. Why are we going to schedule another meeting for it? Hindi ba ay may meeting tayo ngayon para doon-"

"Logan, that's enough..." anang nakatatandang Torrealba.

Nagtiim-bagang si Logan at nanatili ang tingin sa tatay ni Clyde.

"My son is right. We need you to provide us as soon as possible. It's not about our company. This is about the safety of our clients. The more advance our tools are, the more we can execute our operations better. I know the Ignacios are the best when it comes to this, kaya sana you can meet our expectations, Mr. Ignacio?" anang nakatatandang Torrealba.

Hinawakan ni Clyde ang aking kamay at bumaling siya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Nilapit niya ang mukha niya sa aking tainga, umambang may ibubulong.

"I hate that young Torrealba," bulong niya.

Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Logan. He looked so damn frustrated and I know it's because of the deal. Wala akong alam sa mga transaksyon ngunit kitang kita ko na importante ito sa kanya.

"If you want, Mr. Torrealba. I can give you the list of the latest guns we have along with their description tomorrow so as early as next week, we can order the firearms you need," ani Kier kay Logan.

"I'll be gone for business tomorrow. You can give the list to my dad," matigas na sinabi ni Logan.

"Sa makalawa, kung ganoon?" anang ama ni Logan.

"I'll be out the next three days, dad. I'll be out of the country."

"On the weekends?" tanong ng daddy ni Logan.

"I'll be in Cebu... that time."

Napatingin si Logan sa akin. He'll be gone for a week? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Para akong nabilaukan sa naisip ko. Bakit nga naman niya sasabihin sa akin? What for, right?

"Then hand it to me tomorrow, Mr. Ignacio. Ako na ang titingin," anang matandang Torrealba.

Inakbayan ako ni Clyde. Ramdam ko ang kanyang mga daliri sa aking braso. He pulled me closer to him and I hate how it felt.

Napatingin ulit si Logan sa aming dalawa ni Clyde. Kitang kita ko ang paninigas ng kanyang ekspresyon.

Nilagay na sa aming mga pinggan ang mga pagkain. Nagpaalam ako sa kanila para pumunta sa bathroom. I couldn't stand it.

Nang nakalapit sa bathroom ay kaagad akong nagtipa sa cellphone ko.

Ako:

Why didn't you tell me you're out of the country tomorrow?

Crap! Hindi ko napigilan! Pumasok ako sa bathroom at nag-ayos ng mukha. Kahit pagkalabas ko ay hindi pa siya nagrereply. His phone is probably out of his reach dahil may meeting.

Lumabas ako ng CR at bumalik na sa hapag. Kitang kita ko nakalalapag lamang niya sa kanyang cellphone. Nagpatuloy siya sa pagkain. Tiningnan kong muli ang cellphone ko at nakitang wala paring mensahe doon.

Nanlamig ang aking tiyan. Dahan dahan akong bumalik sa upuan. May pagkain na sa aking pinggan. Nilingon ko si Maja na abala sa pakikipag-usap kay Kier. Nang namataan niya ako ay tumango lamang ang kapatid ko. Ngumiti ako at nagsimulang kumain.

"Take care of Marina when you two are out of the country, Logan..." anang katabi ng daddy ni Logan.

Napainom ako ng tubig sa aking narinig. So Marina's always with Logan when he's out of the country then?

"You don't have to remind me, tito..." matigas na sagot ni Logan sa kay Mr. Ramos.

The deal was closed pagkatapos naming kumain. Tumayo na kaagad si Logan at inayos niya ang kanyang suit. Tumingala ako sa kanya. Nakipagkamay si daddy sa kanya at nauna na siyang lumabas kesa sa kanyang ama at sa isa pang kasama nila. Lumabas ang mga nagtatagong body guards para igiya ang nakatatandang Torrealba palabas.

I checked my phone again pero walang mensaheng galing sa kanya akong nakita.

"Sinong tinitext mo?" tanong ni Clyde nang namataan ang madalas kong pagcheck sa phone.

Umiling ako. "I'm just checking the time..."

Nakatingin na ako ngayon sa pintuan kung saan lumabas si Logan. Dammit! Fine! Ayaw niya akong sagutin! That's probably because he's going to be with Marina tomorrow and maybe for the rest of the week! Wala muna ako! Wala muna ako sa kanya! Sa tabi muna ako! Nanikip ang aking dibdib. Crap!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: