Kabanata 16
Kabanata 16
So Cold
Pumasok kami sa isang pribadong opisina. Parte parin iyon ng venue pero wala nang nakakapasok doon.
Nakangiti pa ako galing sa labas nang hinarap ako ni mommy. Hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Magkahalong pagkabigo, awa, at kaonting galit ang naaninag ko mula sa kanyang mga mata.
"The press are looking at you too much. Hindi na nagugustuhan ni Katelyn ang nangyayari."
Napawi ang ngiti ko. Humalikipkip si mommy at sumandal sa malaking lamesa ng opisinang iyon. Isang beses akong humakbang para malapitan siya pero hindi ko tuluyang sinarado ang espasyo sa aming gitna.
"It's my friend Roderick, mom. At iyong kasama niya ay mukhang nakiusyoso lamang. That's nothing compared to the eyes of the people looking at her works. Ang pinunta ng mga tao dito ay ang exhibit." Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko.
"I know, Porsh..." Nanatili ang pagkabigo sa mga mata ni mommy.
Pait na lamang ang naramdaman ko sa aking sistema. I know where this is going. This is not the first time.
"Your sister is not happy. I just want Katelyn to be happy," banayad niyang sinabi.
Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi ni mommy. I want Katelyn to be happy too. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para masiyahan ang kapatid ko?
"I want her to be happy too, mom. I tried everything I could. I came here to check if the people I invited are here..." giit ko.
"You can check it through text. Magrereply naman ako sa'yo, Portia..." nahimigan ko ang paninisi sa kanyang boses.
Natigilan ako sa sinabi ni mommy. Sana ay manhid na lang ako para hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Mom, I tried everything I could. I thought my moral support would be a little help!" sabi ko.
Bumukas ang pintuan ng opisina at napalingon ako sa likod. Nakatayo na si Katelyn doon at nakatingin sa akin.
"Help?" She started.
Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Her fair skin turned red and her eyes were pitch black. Napaatras ako.
"You are not helping me! You love the spotlight so much na pumunta ka pa dito para makuha iyon!" sigaw niya sa akin.
Kumalabog ang puso ko sa kaba at sa unti unting pagbangon ng iritasyon. Noong mga bata pa lang kami, I know she's a little bit spoiled. Alam ko rin na hindi kami kailanman magiging pareho dahil binibigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya. May mommy at daddy siyang laging nariyan para sa kanya. Lahat ng kapritso ay nakukuha niya. I took it all in. I accepted it all. Na magkaiba kaming dalawa dahil buo ang kanyang pamilya.
"It's not that, Katelyn! I checked if the businessmen we invited-"
"This isn't your exhibit, Portia! Hindi ka naman kailangan dito!" sigaw ni Katelyn sa akin.
Tumabi kaagad si mommy sa kanya. Hinawakan ni mommy ang kanyang braso para pakalmahin ngunit mas lalo lang yatang nagliyab ang kapatid ko.
"Katelyn, don't shout at your sister..." ani mommy.
"No, mom! She likes the spotlight so much! She wants the attention! Alam niyang may media kaya siya pumunta dito! Gusto niyang ipamukha sa akin na mas magaling siyang artist! Sinong matinong kapatid ang gagawin iyan?"
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. I couldn't believe it! Alam kong may mga pagkukulang ang mga magulang ko sa akin. I craved for their attention, alright. But I never craved for it to this point! Hindi ko iyon magagawa! Ganito ka lawak ang imahinasyon ni Katelyn para maisip na ginagamit ko ng ganito ang exhibit niya.
I can shout at her and leave pero hindi ko iyon ginawa. Sa lahat ng pagkakataong maaari kong sabihin ang nararamdaman ko sa kanila, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob.
"I came here to check on the event, Katelyn!" sigaw ko pabalik sa kapatid ko. "I tried everything para lang maging successful ito and yet you give me that remark!? I'm here for your exhibit! Not for the stupid spotlight you're telling me! Can't you see-"
"So you're saying na may utang na loob pa ako sa'yo ngayon? Dahil ikaw ang nag imbita ng mga bigating kompanya, ha? You really love the damn spotlight, no, Portia?" Umiling siya.
"I don't need the damn spotlight, Katelyn! Hindi ko alam kung saan mo napupulot ang ideyang iyan!"
"You're the one who's thirsty for attention! Hindi maibigay ni mommy iyon sa'yo kaya naniningil ka sa ibang tao! If you want the damn attention, pumunta ka sa ibang lugar at huwag dito sa exhibit ko!"
Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Not because I'm emotional but because I am very angry. I have been very patient. Sa lahat ng dinanas ko at sa mga kakulangan ng mga magulang ko, hindi ako kailanman nanumbat o nagreklamo.
"Katelyn, tama na..." tahan ni mommy sa kapatid kong nanggagalaiti sa akin.
Nanliit ang mga mata ko. Ang luha sa gilid ng aking mga mata ay pinigilan ko sa pagbuhos. I want to see how my mother will defend me somehow.
"Portia..." nilingon ako ni mommy, bigo parin ang kanyang ekspresyon. "Can you please leave? I'll call you soon. I don't want to ruin Katelyn's exhibit just because of this. Please?"
Ang kakarampot kong pasensya ay naubos na sa sinabi ni mommy. I can't believe it! Tiningnan ko ang paghagod niya sa braso ni Katelyn. Pinagmasdan ko kung paano niya tinatahan ang kapatid ko. Pinagmasdan kong mabuti kung paano niya tiningnan si Katelyn gamit ang mahabagin at mapagmahal na mga mata. I've never seen that expression directed at me. Kahit kailan. Kahit isang beses. Kahit sa tuwing nagkakasakit ako noong bata pa ako. Kahit sa noong tinatawag ko ang pangalan niya dahil sobrang sama na ng pakiramdam ko. Never.
Tumulo ang maiinit kong luha. Tinuro ako ni Katelyn. All the hate in her eyes were like daggers thrown at me.
"And you're crying? You're trying to catch the attention of other people!? Pag-alis mo dito, makikita nilang umiiyak ka! You're going to make it to the headlines of those stupid newspapers because of your tears!"
"How dare you say that!" sigaw ko at humakbang ng isang beses.
Kitang kita ko ang pagbabanta sa mga mata ni Katelyn. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang ganito ka lakas na kagustuhang masabi ang lahat ng nasa isip.
"I came here to see if your exhibit's alright! Kung gusto ko pala ng atensyon, I should've organized my own exhibit, Katelyn! I am not going to steal something from you! Alam kong maraming kulang sa buhay ko pero kahit kailan, hindi ko naisipang manghingi o mang-agaw dahil doon! Iniintindi ko ang lahat lahat! Iniintindi ko!" sigaw ko habang bumubuhos ang mga luha.
Pinalis ko ang bawat pagpatak ng mga luha sa aking pisngi. Ayaw kong umiyak ngunit sa inis ko ay hindi ko mapigilan. Alam kong wala na akong magagawa sa opinyon niya kaya naiinis ako. Naiinis ako kaya ako umiiyak ngayon. I can't believe that's her opinion of me.
"Portia! Just leave!" ani mommy nang napagtantong hindi pa ako tapos sa lahat ng sinabi ko.
Nilipat ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kailanman naisumbat sa kanya ang sasabihin ko ngayon. All my life, I have been very patient and content. Palagi akong kontento sa kung ano lang ang maibibigay ni mommy at daddy sa akin. But this time... I can't stop myself from speaking out!
"And you, mom! Pagkatapos mong humingi ng tulong ko, ganito na lang? Ayaw kong manumbat pero ang sakit sakit na! Gusto kong makita niyo na lang sana lahat ng mga nagawa ko sa inyo, pero hindi niyo iyon nakikita kaya heto ako at sasabihin ko! Baka sakaling marealize niyo!"
Hinabol ko ang hininga ko. Kung pwede lang sana isantabi ang emosyon ay kanina ko pa ginawa at umalis na lang ako dito...
"I tried everything! I did everything! At kahit kailan hindi ako nanghingi sa inyo ng kahit ano para lang makita ang mga nagawa ko! All I wanted was the damn respect! I am your daughter, mom! Anak mo po ako!" paalala ko sa kanya.
Nakatikom ang bibig niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Hinahagod parin ng kamay niya ang braso ni Katelyn. Ayaw ko mang aminin pero naiinggit ako. She's giving all her love to Katelyn at kahit tira-tira ay wala siyang maibigay sa akin!
"I went here to check if it's all okay! Kasi tumutulong ako sa inyo! Then now, you're asking me to leave for stupid reasons? Mga rason na kahit ako ay hindi ko naisip? Yes! I will leave!"
"Then why don't you leave now?" humalukipkip si Katelyn at pinagtaasan ako ng kilay.
Nagtiim bagang ako. Portia, she's just spoiled. Sanay siyang nakukuha niya ang lahat. Pero sapat na rason ba iyon para saktan niya ako ng ganito?
"And you, Katelyn! I am doing my best for all of these. I am trying to understand you. Please, don't think ill of what I'm doing. I don't have any hidden agenda. This is purely for you-"
"Kung para sa akin ito, Portia, bakit kinailangan mo pang kausapin ang mga reporters? Why are you being nice to them? Ang sabihin mo, unconsciously you are craving for their attention!"
Pumikit ako ng mariin. Nanginginig ang kamay ko. Gustong gusto kong isigaw ang lahat ng frustrations ko ngunit hindi ko magawa.
"I am trying to be nice! Those were my friends, Katelyn! Can't you see? Can't you see, Katelyn? Kung gusto ko ng atensyon, bakit hindi ako gumawa ng sariling exhibit!"
Pinutol niya ako ngunit nagpatuloy ako.
"I gave up painting because you love it! I gave it up because mommy wants you to excel! Passion ko iyon, Kate, ginive up ko para sa'yo. Hindi mo parin makita?" Nanghina na ako.
Umirap siya at tinalikuran ako. Humakbang si mommy ng isang beses ngunit tinaas ko ang isang kamay ko para pigilan siya sa paglapit pa sa akin.
"You don't have to ask me again. I will leave!"
Tinalikuran ko silang dalawa. Habang palabas ay pinapalis ko ang aking mga luha. I don't care how I look right now, I just want to be out of here. Sana ay walang makakita.
Mabilis ang lakad ko nang tinahak ko ang daanan kung saan nakalagay ang mga paintings. Wala akong nilingon kahit na may narinig akong tumatawag sa akin. I don't want the media to notice my eyes.
Mabilis ang lakad ko. Nang malapit na ako sa pintuan ay naalala ko kaagad na hindi ko nga pala dala ang sasakyan ko. I should've brought my car! Sana pala ay hindi na lang ako sumakay kay Logan.
Sinalubong ako ng valet. Nasa harap na ang Mustang ni Logan. Umiling ako. Iniisip niya sigurong aalis na si Logan kaya siya nandito.
"I'm gonna go find a cab. Mr. Torrealba's still inside the venue..."
"Where are you going?" Logan's hoarse voice reached my ears.
Halos mapamura ako. Hindi ko siya nilingon dahil ayaw kong makita niya ang mga mata ko. What we have is purely physical. Labas ang emosyon at personal na buhay dito.
"I'm going home," sagot ko nang di siya nililingon.
"Ba't di mo sinabi sa akin?" Malapit na ang boses niya.
Kumalabog ang puso ko. I don't know what's the problem but it sure is beating so fast.
Hinawakan niya ang braso ko at pilit na hinarap. Inilag ko kaagad ang aking mukha. Hindi ko siya tiningnan.
"You cried?" mariin niyang tanong.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wala na akong kawala.
"It's nothing. Just a family thing."
"Aalis ka na sa exhibit ng kapatid mo?" tanong niya, seryoso ang mga mata.
"Kung gusto mo dito ka na muna. I need to go. I need to go home."
Hindi siya nagsalita. Napatingin ako sa kanya. Nakapagtataka ang kanyang katahimikan. Nakatitig lamang siya sa akin. It's like he's weighing and guessing my thoughts. Ngumiti ako para maipakitang ayos lang ako.
"I'll drive you home..."
Maagap akong umiling. "Hindi na. Your cousin is there, right? And besides, what about the exhibit?"
"I'm gonna buy one of your sister's paintings, if that's what you're talking about."
Lumunok ako. "Alin don?"
"I don't know. I'll buy anything. If you want to go home, we will go home."
Nag-init ang puso ko. Taliwas sa lamig ng simoy ng hangin sa labas ng venue. Taliwas sa lamig na naramdaman ko sa trato ng aking ina sa akin.
"Logan, matutulog lang ako sa condo. Pagod ako. It's a Monday. It's not the weekends. Kagagaling ko lang sa trabaho at bukas ay may trabaho-"
"Then you sleep in your condo. Hindi ko sinabi sa iyong may gagawin tayong iba. Stop thinking too much, Portia."
Huminga ako ng malalim at unti unting tumango. He's right. I should stop overthinking. I should just be glad that he offered me a ride.
Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Pumasok ako doon at inayos ang seatbelts. Umikot siya para sa driver's seat.
Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bag. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at ako ay abala sa pag tatype ng mensahe para sa aking mommy.
Ako:
Mom, I'm sorry for what happened. Sorry din sa nasabi ko. I'm sorry.
Nagbara ang aking lalamunan. Nahirapan akong lumunok. I opened Katelyn's number and send her a text message.
Ako:
Katelyn, I'm sorry. Hope we'll talk again soon.
Kinagat ko ang labi ko. Family is all I got. Wala ng iba. At kung mawawala pa sila, asan na ako?
"You okay?" tanong ni Logan.
Tumango lang ako.
"Nag-away kayo ng mommy mo?" His voice was so cold.
"Nagkasagutan lang."
Nilingon ko siya. Hindi na siy ulit nagsalita. I'm not sure if it's good or bad. Pakiramdam ko ay kung magtatanong man siya sa kung ano ang nangyari, natatakot akong sasabihin ko sa kanya ang buong detalye. That's not good for our rules. Napagtanto kong alam niya iyon kaya kahit noong dumating na kami sa condo ko ay hindi na siya nagtanong pang muli.
Hinatid niya ako sa aking unit. Pinapasok ko siya. I am too tired to shoo him just because we're just in this arrangement.
Binagsak ko ang aking bag sa sala at hinubad ko ang aking sapatos doon bago pumasok sa aking kwarto. Bumalot sa akin ang lamig ng aircon.
"I'll take a hot shower. If you want to go, just please lock the door," sabi ko sa kanya.
Umiling siya at nakapamulsa. His suit is still on and I can't believe I can still think about how hot he is right now. "No. I'll wait till you're done with your shower. I'll tuck you in bed."
Saglit akong napatitig sa kanya. Kung kaya ko pang makipagtalo ay ginawa ko na kanina. Pagod na akong makipagtalo. Nagkibit na lang ako ng balikat at pumasok sa loob ng bathroom.
Mas lalo lang akong inantok ng mainit na tubig. Nakahanap ako ng kaginhawaan sa mainit na tubig. Pagod ang bawat muscles ng aking katawan. Nahuhulog na rin ang aking mga mata. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa bathroom.
Nakita kong nakatalikod si Logan at nakatingin sa mga kuwadro sa aking dingding. Sa puting dingding ng aking kwarto ay may siyam na kuwadro. Lahat ng picture ay sa amin ng pamilya ko. Ako kasama si daddy, Kier, at Maja. Si Mommy, Katelyn, at ako. Marami pang iba. By now, alam niya na siguro kung bakit marami akong pamilya.
Nakahalukipkip siya at nasa kanyang braso ang coat na suot kanina. Nilingon niya ako.
"You're done..." deklara niya.
Tumango ako at umupo na sa kama. Lumapit siya sa akin. Halos magulat ako nang nakita kong kinuha niya ang aking comforter.
"You should sleep now..." aniya sa malamig paring tono.
Tumango ako at humiga. Hinawakan ko ang kabilang dulo ng comforter.
Nang naihiga ko na ang aking ulo sa unan ay inayos niya ang comforter sa aking katawan.
"Lights out?" tanong niya.
"Yes, please... Ang lamp lang ang bukas pagnatutulog ako."
Tumango siya at lumapit sa switch ng aking ilaw. He turned it off. Tanging ang lamp lang sa di kalayuan ang bukas.
Binuksan niya ang pintuan ng aking kwarto. Nakatingin lang ako sa kanya. He's going to leave now.
Nakatingin lang din siya sa akin habang palabas siya sa aking kwarto. Hinawakan ko ang aking pang ibabang labi. Pinisil pisil ko iyon. I'm trying to hurt myself so I could ignore that little hurt I'm feeling in my heart.
Pinakawalan niya ang isang buntong hininga at binuksan muli ang aking pintuan. Kumalabog ang puso ko.
Umupo siya sa aking kama at naghubad ng sapatos. Nilapag niya rin ang kanyang coat sa aking cabinet. Kinalas niya ang mga butones ng kanyang longsleeve at hinubad ang kanyang kurbata.
"What are you doing?" tanong ko sa pagkakabigla.
"I'm gonna sleep here. You look so lonely when you're alone."
Hindi ako nakapagsalita. Naghubad siya ng sinturon at naka boxers lamang siya nang humiga sa aking tabi.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. He held out his arms. Hinigit niya rin ako palapit sa kanyang katawan.
"And you're so cold..."
Hiniga ko ang aking ulo sa kanyang balikat at pumikit ako. Ang tuktok ng aking ilong ay humahaplos na sa kanyang dibdib.
This is the first time I felt so comfortable in my own bed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top