Kabanata 15

Kabanata 15

Lamb Girl

Nang nagkita na kami ni Clyde ay mukhang badtrip siya. Hindi siya gaanong nagsasalita, not his usual playful aura. Hindi na rin ako gaanong nagsalita.

Malamig. Ang turingan naming dalawa ay kasing lamig ng yelo. Hindi ako nagrereklamo. It just sucks that we can't just break up. I know he's not happy with me and I am definitely unhappy with him.

"Do you want to go somewhere after this?" tanong niya nang tiningnan na naming dalawa ang venue.

Napatingin ako kay Clyde. For a moment, I saw the boy I loved a long time ago. Nawala din kaagad ito. Umiling ako sa kanya.

"I'm tired. Uuwi na ako," sabi ko.

"Bakit nga pala wala sa parking lot ang sasakyan mo?" Kumunot ang kanyang noo.

Agaran ang pag-iwas ko ng tingin. I don't want to suddenly feel guilty. Gusto kong ipunin lahat ng kasalanan niya at gawin iyong dahilan para sa mga ginagawa ko ngayon ngunit hindi ko parin maalis sa aking sistema ang kaalamang hindi ito mabuti.

"Left it at work..." Iyon lang ang tanging nasabi ko.

"Why?" Nahimigan ko ang mas malalang pagtataka.

"Ipapatingin ko pa iyon sa service center. There's something wrong with the engine." Binalik ko ang tingin ko sa kanya.

Kunot parin ang noo niya. It's like he's not buying what I just told him. Mariin ko siyang tinitigan. I'm not expert on lies but I wish through looking at him straight in the eyes, he'll believe.

"Gusto mo ipacheck ko iyon?"

"Nah... Ipapacheck ko din iyon bukas. Don't worry." Nag-iwas ulit ako ng tingin.

"Okay..."

Hinatid niya ako sa condo. Nagpasalamat lang ako sa kanya at dumiretso na sa pag-akyat.

"How's your sister's exhibit?" Bored ang tono ni Jade nang tinanong niya iyon sa akin.

Lunes nang babad ako sa aking cellphone. Mommy kept on bugging me about the three big companies. Hindi ko naman maiwan kaya kahit sa trabaho ay panay ang reply ko sa kanyang mga texts.

Alas onse nang nagsimula ang exhibit at hindi parin dumadating ang inaasahang mga panauhin. Iniisip kong sana ay nag leave ako para matuonan ng pansin ang exhibit pero ayaw ni mommy.

"I think it's doing great. Wala pa nga lang iyong mga inimbitahang bigating panauhin," sagot ko habang kumakain ng yogurt.

"Panauhin like Mr. del Fierro?"

Tumango ako. "I want to go there right now, actually. Ayaw kumalma ni mommy pero ayaw niya namang mag leave ako."

Umismid si Tessa sa narinig. My mom is not exactly their favorite topic. "Ang sabihin mo, ayaw niyang naroon ka kasi nag-aalala siya kay Katelyn."

I'm not sure if I should believe Tessa o nasabi niya lang iyon dahil hindi niya gaanong gusto si mommy.

"Pero pupunta ka naman mamaya?" pahabol ni Tessa.

"Yup. Of course. Pagkatapos dito. Probably mamayang gabi..."

"Will he pick you up then?"

Napatingin ako sa dalawa. Alam kong hindi na nila kailangan ng sagot ko pero parang uhaw sila sa sasabihin ko. Tumango lamang ako at sabay silang bumuntong hininga.

"By the way, we're not partying anymore these past few weekdays. Bakit hindi na?"

Weekdays? Those are days for Logan. Napaawang ang bibig ko para umapila.

"Friday, Valkyrie... My social life is going down because of you two!" tinapunan ni Jade ng tingin si Tessa.

"Oy! I'm always in, basta may party. You know Lloyd's always understanding."

"Isasama mo naman." Umirap si Tessa.

"Susubukan ko lang, ha..." sabi ko.

Napatingin silang dalawa sa akin. I raised my hands defensively. "May usapan kami ni Logan."

Nanliit ang mata ni Jade. "Oh come on! Si Logan ay isa lamang fuck buddy..."

"Shh!" Pagalit akong tumingin sa paligid.

"Why do you have to be always available when he needs you? Let him be with his other girls and let's have some fun this coming Friday!"

Hirap akong lumunok. Hindi ganoon ang usapan namin ni Logan pero alam kong may punto si Jade. Ito ang unang beses na pumasok ako sa ganitong arrangement pero hindi ako ganoon ka inosente. Alam kong kung one night stand lang din naman, labas na ang both parties sa iba pang gawain. It's probably different for everyone, then.

"Sorry..." nagmamadali ako pababa at hinihingal pa dahil sa ginawa.

May isang proyekto kaming nafinalize sa araw na iyon kaya ginabi ako. Ang malas at ngayon pa talagang may event si Katelyn.

"That's okay..." Logan sounded calm but I noticed his clenched jaw.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pumasok na sa loob ng kanyang Mustang. He's still wearing his suit. Galing pa kaya siyang meeting? Ginapangan ako ng hiya nang napagtantong sinundo niya ako dito sa opisina para pumunta sa exhibit ng aking kapatid. This businessman has time for such, huh?

Pinaandar niya ang kanyang sasakyan. Tahimik ako dahil sa paghahabol parin ng hininga habang ang kanyang atensyon naman ay nasa daanan. Palabas na kami ng basement ngayon. Nilingon ko siya. Naalala ko na ang huling pagkikita namin ay umalis ako para kay Clyde. He texted me that same night, noong nakauwi na ako, at sinabi niyang magkikita kaming dalawa sa exhibit. So here we are...

Wala namang kung anong pagbabago sa kanyang tungo. Bakit nga naman magbabago? I'm being very silly. Pinilig ko ang ulo ko upang maputol ang linya ng pag-iisip ng ganoon.

"Oh my God!" May naalala ako kaya nilingon ko siya. "May media nga pala. They're covering Katelyn's works. We can't be seen together!"

Hindi man lang kumibot ang kanyang labi. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada.

"I mean... pwede naman tayong sabay na dumating pero hindi siguro tayo pwedeng masyadong magkasama. People see you as one of the most priced bachelors in the country. You being seen with me is gonna be a big deal."

"Yeah, like you being seen with me when you have a boyfriend. That's okay. Nandoon ang pinsan ko. I can go with Rage and Sunny."

"Sunny?"

"His wife. Naghahanap sila ng painting para sa kanilang bahay."

Tumango ako at kinuha na ang compact powder sa aking bag. Nilagyan ko ng kaonti ang aking ilong. Chineck ko ang aking kilay at ang kaonting make up sa aking mata. When I got satisfied, binaba ko na iyon at nilagay sa loob ng bag. Napatingin ako sa kay Logan na nakatitig din sa akin dahil sa traffic.

"Sorry. I need a retouch. Nakakahiya sa media. Kagagaling ko pa lang sa trabaho."

Napansin ko kaagad ang kanyang aura parang palaging camera ready. His eyes were deep lalo na nang idinirekta niya ang kanyang tingin sa kalsada. He's got perfect teeth, lips, and nose. I then wonder how it would be if his slightly brown hair is mixed with my pitch black locks. Or his deep eyes blend with mine...

"Is this the venue?" Naputol niya ang pag-iisip ko.

"Uh, yup!"

Tinanggal ko ang aking seatbelts. Inayos ko ng isang beses ang buhok ko bago binuksan ang pintuan.

Kitang kita ko na sa bukana pa lamang ay marami ng mga camera. Mom did a great job. Marami siguro siyang inimbita na taga media. That's a great investment, afterall. Para na ring inaadvertise ng media ang mga paintings ni Katelyn. Given that my mother's active in ExPa, pwedeng gawing headlines iyon.

"You want to go first?" tanong ni Logan.

Tumango ako nang napagtantong hindi nga pala kami pwedeng magsabay sa pagpasok. Dumiretso ako sa loob, hindi na siya hinintay.

Nang nakaapak ako sa red carpet ay marami na ang nakatuon sa aking camera. Ngumiti lamang ako sa mga iyon.

"Portia!" bati ng isang high school classmate ko na ngayon ay reporter na sa isang kilalang station.

Nagbeso kaming dalawa. Malaki ang ngiti ni Roderick. Ang kanyang glasses ay nahuhulog na sa kanyang ilong. Dinungaw ko siya. I am a few inches taller than him.

"Katelyn's your sister, right?" tanong niya at pinasa sa akin ang mikropono.

I want to ask him if he's shooting but then I don't want to look dumb. Tumango ako.

"Her works are great! It's all cool! I love it! Totally the celebrities favorite. What can you say?"

Ilang camera na ang nakatutok sa akin. Pinagpapawisan na tuloy ako ngunit nanatili akong nakatuyo doon at nakangiti.

"I am very proud of my sister. Ang galing niya! I always knew she had this potential-"

May isang nag rerecord ang nagtanong sa akin. "Hindi ba ay artist ka rin? Bakit hindi ka nag eexhibit?"

Ngumiti ako. "I left painting a long time ago. I have other passions..."

"I personally like your paintings. I think you deserve an exhibit too. Actually, two businessmen inside were expecting for your works to be here. Wala, e. Where are your works? I bet it would sell..."

Ngumiti ulit ako. Nakita ko na si mommy sa malayo na nakatingin sa akin. Katelyn's busy talking to an old businesswoman. Nakilala ko siya bilang CEO sa isang malaking condominium sa Taguig. "I'm not selling them anymore. I paint for ExPa, hindi para ibenta..."

"But you have so many works, right? Where are they? We would love to see it!" Makulit na sinabi ulit nong nagtanong.

"I'll probably donate it to the children in ExPa o para sa foundation mismo. Iyong iba ay nasa condo ko. I'm not anymore interested with painting..." Mariin kong sinabi.

"You will donate? Wow! That's a big word! Wait! I would bid for your works, Porsh!" tawa ni Roderick, iyong kaibigan ko.

Tumawa na lang din ako at nagpaalam na kung pwede ba akong makapasok na. Nang nakawala sa mga reporters ay dumiretso kaagad ako kay mommy at nagbeso sa kanya.

"Mr. del Fierro's here. He's with his wife. Nakausap sila ni Katelyn kanina. Ngayon ay kasama ni Katelyn si Mrs. Gotiangco." Ngumiti si mommy sa mga bisita.

Nilingon ko si Katelyn. Ang kulot niyang buhok ay nakatali. She's wearing a black slacks, white cropped sleeveless top, and a vintage necklace. Si mommy naman ay naka itim na dress. Panay ang ngiti niya sa bawat bisita. Nagbibeso din siya sa mga dumadaang kilala.

"Portia!" anang isa sa mga naging propesor ko noon sa unibersidad.

"Prof!" Ngumiti ako sa kanya.

She's a known designer and entrepreneur. Hinawakan niya ang kamay ko habang nangungumusta.

"How are you? Naku!"

"I'm fine! This is my mom..." sabay tingin ko sa mommy ko. "Mom, this is Professor Matsura. Prof ko noong college."

"Hi! Nice meeting you!" bati ni mommy.

"Oh! So ibig sabihin ay magkapatid kayo ni Katelyn Cayetano, Portia? Where's your works, then? You should put them here!"

Hindi pa ako nakakasagot ay may isa pang lumapit sa akin. Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang aking atensyon...

"Portia Cecilia Ignacio?" anang lumapit.

Nanliit ang mga mata ko sa babaeng may katandaan na. Nang unti unti kong napagtanto kung sino siya ay nagtawanan kaming dalawa. "Mrs. Revamonte!"

"Hija! I'm here to search for some paintings again. The last two pieces I bought was from you! Asan na iyong sayo at nang sa ganoon ay makapili ulit ako!"

"Madame," bigo kong sinabi. "I'm sorry but I stopped painting na po..."

"Ha? Bakit?" sabay pa sila ng professor ko sa pagtatanong.

"I'm into interior designing na po."

"Hindi ba ay into interior designing ka rin noong ginawa mo ang painting namin sa bahay? You should've continue painting it, hija! Sayang ka! You're a very good artist!"

Nilingon ko si mommy na unti unting umalis doon. Nakita kong nilapitan niya si Katelyn na nakatingin sa akin. Kinawayan ko ang aking kapatid ngunit wala siyang naging sukli. Bumaling ulit ako sa kausap.

"Salamat po. I'm just so busy with work kaya hindi ko na napagtutuonan ng pansin."

Nahagip ng tingin ko si Logan, Rage, at ang siguro'y wife ni Rage. Nakatingin sila sa isang painting na puro dagat. That's a very nice painting. Sumulyap si Logan sa akin habang nag-uusap sila ni Rage. Nagtaas siya ng kilay. Mananatili pa sana ang mga mata ko kung hindi lang ako kinausap ulit ng mga kasama.

"You should! Where are your previous works? Hindi ba ay sinabi ko sa iyo na kukunin ko iyong Lamb Girl painting mo? The one with a girl carrying a lamb? I like that so much! Only that my son loved the Enigmatic!"

Kinagat ko ang labi ko. "It's in my condo po... Kung gusto mo, ibibigay ko po sa inyo." Ngumiti ako.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Mrs. Revamonte. Umiling siya. "No! You need to get what you deserve and that's not going to be free! Definitely not!"

Humalakhak ako. "Ma'am, that's alright po. You've been my client for the past years, you deserve something from me too. And besides, hindi ko na po talaga sila ibibenta so I would rather give it to you for free..."

Nagngitian kami ni Mrs. Revamonte. My Prof started talking and praising me for being humble. Hiyang hiya tuloy ako sa mga sinabi niya.

"Portia..." malamig na tawag ni mommy sa akin.

Hinawakan niya ang aking braso bago bumaling sa dalawang kausap.

"May I excuse my daughter?" tanong niya sa dalawa.

"Sure!" maligayang sagot ni Professor kay mommy.

Tumango si mommy at bumaling sa akin. "Thanks for getting me out of there, mom. Gusto ko talagang gumala para tingnan ang mga gawa ni Katelyn. Where's she?"

Luminga ako para hanapin ang kapatid ko ngunit wala siya doon.

"Let's talk..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: