Kabanata 14
Kabanata 14
I Should
I got preoccupied. Habang tinitingnan ko si Logan na abala sa pagtulong sa paglilinis ay napapaisip ako. Pinilig ko na lang kaagad ang ulo ko. I should stop overthinking. Kung anong mayroong namamagitan sa amin ngayon, iyon na iyong pinag-usapan namin. Walang labis at walang kulang.
Gabi nang nang nag wrap up kami sa venue. Nalaman ko rin na nasa isang dinner party ang mga bata sa loob ng mall. Pagkatapos noon ay uuwi na sila sa headquarters ng foundation.
"Let's go!" anyaya ni Logan sa akin pagkatapos ng lahat.
Tumango ako at naramdaman ang pagkalam ng sikmura.
Sa sobrang abala namin sa trabaho ay nakaligtaan na namin ang pagkain.
"Are you hungry?" tanong niya.
Tumango kaagad ako. "We should eat. I'm sure you're hungry too."
"Are you very hungry? I can cook for us if you want," ngumisi siya.
Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Nagbibiro ba siya o may iba siyang balak? Tumango parin ako kahit na ganoon.
"I can wait. If you really want to cook."
"Ang sabi mo ay ayaw mong kumakain tayo sa mga mamahaling restaurants so let's dine in my condo, then..."
His condo. Ito ang kauna-unahang pagkakataong dadalhin niya ako sa condo niya, kung sakali. It's not against the rules but I really thought this arrangement would mean hanggang hotel lamang ako.
"Okay. Sabi mo, e!" tumawa ako at naglakad na palabas.
Sumunod siya sa akin. Marunong pala talaga siyang magluto. Ano naman kaya ang lulutuin niya? He likes pasta, hula ko ay pasta din ang gagawin niya.
Nang nasa sasakyan ay tinanong ko na siya kung anu-ano ang mga kaya niyang lutuin.
"Mexican, italian..." nagkibit ng balikat si Logan.
"You don't have a cook?" tanong ko.
"We have in our home, Portia. Noong lumipat ako ay ako na lang ang nagluluto ng sarili kong pagkain."
"Kailan ka lumipat?" tanong ko, nagtataka.
"Four years ago," aniya nakatitig parin sa kalsada.
"So you've been living alone for four years, huh?" napatingin din ako sa kalsada.
Kahit na hindi pa kami umabot ng taong magkakilala, may ideya na ako sa ugali ni Logan. Kapag ayaw niyang pag-usapan, nag-iiwas siya ng tingin. I am actually surprised na hindi niya sinabi sa akin kung gaano ka off-limit iyong tanong ko. That's kind of a personal question.
Hindi ko na siya tinanong ulit. Instead, I turned on his stereo. Napatingin siya sa iTouch niyang nasa harap.
"May I?" tanong ko.
Kinuha niya iyon at tinype ng madalian ang password bago binigay sa akin. Ngumisi ako at naghanap ng mga kanta. Napagtanto kong mahilig siya sa mga Alternative Rock base sa kanyang playlist.
Pinindot ko ang isang kantang paborito ko sa lahat ng kanta ng Switchfoot.
"I believe you now. I've come too far. No I can't go back... Back to how it was..." kumanta ako at tahimik naman siyang nagdadrive.
Nilingon ko siya nang kinanta ko ang chorus. Sumulyap siya sa akin, ngumiti, at umiling.
"Yeah this is home!" Tumawa ako nang nakita ko ang matatayog na building sa BGC. "Bakit tayo nandito? I thought we're going to your condo?"
"I live here too, Porsh. Hindi lang ikaw ang may condo dito."
Sa gulat ko ay napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam iyon! Ang buong akala ko ay malayo kami sa isa't-isa!
Lumabas ako ng kanyang sasakyan pagkapasok sa basement. Nilingon niya ako pagkatapos patunugin ang car alarm.
"Sobrang lapit lang natin sa isa't-isa," I told him.
Tumango siya at lumapit sa akin. "Yup... Let's go."
Hinawakan niya ang aking kamay. Napatingin ako sa pagkakasalikop ng aming daliri. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin.
"Let's see if I can cook your favorite..."
Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pag-aalala, iyong mga kamay namin o ang lulutuin niya.
"No!" sabi ko, natatawa.
Umangat ang gilid ng labi niya pagkapasok namin ng elevator. "Why?"
"Hindi ka marunong noon!" giit ko, natatawa. That's filipino food. Hindi ko lubos maisip na kaya niya iyong lutuin gayong puro foreign food ang niluluto niya. He's not even familiar with it!
"I am gonna try. Hindi naman ikaw ang magluluto. You should just be grateful!" His smile was devilish.
Hinampas ko ang kanyang braso. "I am grateful! I just can't imagine you cooking Sinigang!"
Code at susi ang pinang bukas niya sa pintuan ng kanyang condo. Pagkapasok ay agad na umilaw lahat ng mga ilaw doon. Pinasadahan ko ng tingin ang kulay puting walls, accentuated with dark brown furniture.
Hinawakan ko ang materyal ng sofa niyang kulay dark brown. Ang carpet ay kulay puti at ang marble floor ay kulay darkbrown. Ang lahat sa kanyang condo ay nagsusumigaw ng yaman at disiplina. All the doors, frames, cabinets were dark brown. Walang ibang kulay kundi puti at dark brown.
Binuksan niya ang flatscreen. Pagkatapos ay nilapag niya ang remote sa coffee table.
"I'll just change and then I'll cook." Bumaling siya sa akin at kinuha niya ang aking bag.
Nilagay niya ang aking bag sa coffee table. Bumaba ang tingin niya sa aking heels.
"Feel at home."
Tumango ako at ngumiti. "Okay. Thanks!"
Pumasok na siya sa isang kwartong tingin ko ay kanya. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang kabuuan ng condo. It's huge. Mas malaki pa iyon sa condo ko. Siguro mga tatlong beses ang laki nito kesa doon. Well, binigay lang din naman iyon ni daddy at mommy para may sarili akong bahay while Logan's condo is the fruit of his businesses.
Naka puting vneck t shirt na siya at khaki shorts nang pumunta sa kusina. Although I want to see him cook Sinigang, sinunod ko ang payo niyang manatili sa sofa. Napagod din ako sa ginawa ko kanina kaya nagawa kong ihiga ang ulo ko doon habang nanonood ng movie.
Ilang minuto ang lumipas ay naamoy ko na ang maasim na amoy ng sinigang. Mas lalo lang kumalam ang sikmura ko. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.
Napangisi ako nang nakita kong nakapamaywang siya habang tinitingnan ang sabaw ng paborito ko. Nakapaa na ako kaya mabilis ang lakad ko patungo sa dining table.
Tumagilid ang ulo ni Logan nang nakitang nakapaa ako. Hinubad niya ang kanyang kulay dark blue na tsinelas at nilapag sa tabi ng pinag upuan ko.
"Mukhang masarap!" sabi ko.
"Wear my slippers," aniya.
Napatingin ako doon sa tsinelas. I pouted. Madalas nga akong nagpa-paa sa aking condo, dito pa kaya?
"Wala kabang spare slippers?" Probably for your girls na pumumpunta dito?
Umiling siya. "I can walk barefoot. Just wear my slippers," aniya.
"Hindi. Ayos lang ako," sabi ko. I curled my feet on the chair's legs.
Bumuntong hininga siya. Tinitigan ko ang proma niya. Even when he's just wearing a t shirt and a khaki shorts, he's still breathtakingly handsome. Damn, this man could even seduce a plate. Hinila niya ang upuan at umupo siya sa harap ko. Nagtaas siya ng kilay. Halos natuyo ang lalamunan ko.
"Try it," aniya.
Kinuha niya ang maliit na bowl at nilagyan ng sabaw at karne. Kinagat ko ang aking labi. Crap! I'm hungry and at the same time amazed by him!
"Sige nga! Susubukan ko..."
Nilapag niya iyon sa harap ko at pagkatapos ay naglagay din ng sakanya.
Kinuha ko ang kutsara at sinubukan ang sabaw. Pumikit ako ng mariin sa tamang asim nito.
"Not bad!" tawa ko.
It's true. Napaisip ko tuloy kung first time niya ba itong niluto.
"Try the meat. Malambot siya."
Kinuha ni Logan ang isang piraso ng karne at nilagay sa aking pinggan. Isang pasada lang ng kutsilyo at tinidor ay nahiwa kaagad ito. Kinagat ko ang labi ko. Mas lalo lang akong nagutom.
"That's good!" sabi ko at naglagay ng kanin sa aking pinggan.
Sa pagkain namin ay puro Sinigang ang pinag-usapan. Nalaman kong sinubukan niya na itong lutuin noong isang araw. He got curious so he tried and now he's making me eat my favorite food.
Gusto ko tuloy matuto nito. Nakakahiya sa kanya at ang bilis niyang matuto samantalang ako noon ay naghihintay lang sa dadalhin ni Clyde sa akin.
"Ikaw lang ba ang naglilinis dito?" tanong ko.
Umiling siya. "I have a cleaner. Isa sa mga kasambahay namin sa bahay ang pinapapunta ko dito para maglinis from time to time."
Tumango ako. Kaya pala malinis parin ang condo kahit na siya lang mag-isa ang nakatira.
Uminom ako ng wine na nakalapag sa harap. Tinitigan ko siyang kumakain pa ng sinigang. Mukhang nagustuhan niya iyon, tulad ko.
"Do you usually bring girls here?" tanong ko.
Ilang babae na kaya ang napagluto niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin. His jaw tensed. Nakapunta na kaya si Marina dito? I don't need to ask that! Syempre!
"Hindi ako nagdadala ng mga babae sa condo ko."
Nagkibit ako ng balikat. Hindi ako naniniwala. Ilang beses niya na kaya iyong nasabi sa iba't-ibang babae na nagpunta dito? Hindi ko isinatinig iyon. That's a very emotional remark and I don't need it.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His jaw was clenched and his eyes deep and hard.
Tumango ako at napatingin sa labi niya. Sumimsim siya ng wine bago nagsalita muli.
"So saan mo dinadala ang mga babae mo noon?" tanong ko.
"To hotels."
Like me, huh? Pero bakit ako dinala dito? "You mean, you don't bring them here? Kahit na pagkain lang tulad nito?"
Umiling ulit si Logan, nakatitig sa akin.
"How about Marina? Do you bring her here?" Oops!
Bumuntong hininga siya. Nakita ko ang dumaang pait sa kanyang mga mata. Ayaw niyang pag-usapan ito at alam kong nagkamali ako pagkabanggit pa lang noon. "Portia, Marina is a personal question. I told you to refrain from asking me personal-"
Hindi ko na siya pinatapos. Kinukurot ang puso ko habang sinasabi niya iyon kaya imbes na dinggin ang lahat ng sasabihin ay tumayo na ako at kumandong sa kanya. Sinimulan ko ang paghalik sa kanyang labi.
"What are you... doing?" tanong niya nang binanatan ko na siya ng halik.
Hinawakan ko ang batok niya at diniin pa lalo ang aking sarili sa kanya. Hinarap ko siya at isang malakas na mura ang pinakawalan niya.
Umupo ako sa kanyang hita at nagsimula ulit sa paghalik. In between my thighs, I could feel him slowly starting to stand. Dahan dahan akong nagtaas baba, brushing me against his almost hard on!
"Portia, we're here to eat! Hindi kita dinala dito para-"
Hindi ko ulit siya pinagsalita. I bit his lower lip and slowly sucked it. He moaned.
Ito ang tanging paraan ko para makalimutan niya ang tanong kong masyadong personal. i'm sorry, I got carried away. Hindi na mauulit. This is all body and I shouldn't care about other things than what we have physically.
"Fucking shit, Portia!" sigaw niya nang binilisan ko ang pagtaas baba.
His hard on was in full blast now. Tumayo siya at hinawakan ang aking mga hita bilang suporta. Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg.
"Posrh, please I didn't bring you..."
Ramdam ko ang init ng kanyang dibdib habang niyayakap ko siya at hinakalikan. The peaks of my breasts were already hard too.
Binuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto at nang nakapasok kami ay nilapag niya ako sa kama. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang tshirt. I want him to remove it! Dinungaw niya ako, kitang kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata.
Nang tatanggalin ko na sana ay malakas na tumunog ang aking cellphone sa sala. Binalewala ko iyon at tinaas ang dulo ng kanyang tshirt.
"Someone's calling," ani Logan at hinawakan niya ang aking kamay para tanggalin sa kanyang t shirt.
"Wag mo nang..."
Bago pa ako makatapos ay lumabas na siya para kunin ang cellphone ko. Umupo ako ng tuwid sa kanyang kama at hinintay ko ang pagbabalik niya. Nang bumalik siya ay dala niya na ang maingay kong cellphone.
"It's your mom." Sabay pakita niya sa aking cellphone.
How I want to just ignore the call. Humugot ako ng malalim na hininga. I can feel the raw liquid heat in between my thighs. I want him now!
Kinuha ko ang cellphone ko at pinikit ang mga mata nang sagutin ito.
"Mom..." salubong ko.
"Portia! How are you, darling?" malambing na boses ni mommy ang narinig ko.
"I-I'm fine, mom."
Umupo si Logan sa tabi ko. Nakatingin siya sa akin habang hinihilamos ang palad sa mukha.
"Are you somewhere? Nagpunta kaba doon sa ExPa?"
"Yes, mom. Kakatapos lang noon," sabi ko.
"Good at tapos na. Well, as you can see, Katelyn's exhibit is this coming Monday. Kakatapos lang namin sa preparations. Would you like to see it para naman marinig ko ang opinyon mo sa venue at sa mga pagkain na rin na ise-serve."
"Where and when, mom?" tanong ko.
"Ngayong gabi sana. I called Clyde to pick you up so kayong dalawa na rin ang tumingin."
Nanlaki ang mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Wala po ako sa condo."
"What? I thought nasa condo ka na kaya sa condo ko siya pinapunta..."
Halos magmura ako. Bakit pa kailangang isama si Clyde?
"I can go there alone-"
"But darling, nakakahiya kay Clyde. I interrupted his meeting to rush to your condo for this. Please?" malambing na sinabi ni mommy.
"Fine..." Bumuntong hininga ako. "I'll be in my condo. Paki sabi sa kanya na antayin ako sa hall."
"Thank you, darling. Your sister will be glad!"
Pinatay ko ang tawag ni mommy. Pumikit ako ng mariin at halos itapon ang cellphone ko sa dingding. I'm not even sure if I should tell Logan about it...
"Is it about the exhibit?" tanong niya.
Tumango ako. "Ipapacheck sa akin ang venue."
"Hmm... Now?"
Tumango ulit ako. Hindi ako makatingin sa kanya. Bakit nga ba ayaw kong malaman niya? There's nothing about it. Logan's just here for the arrangement, right? I'm so frigging stupid!
"I can bring you there. Saan ba?"
Umiling ako at tumingin sa kanya. "Papunta na si Clyde sa condo ko. Kaming dalawa ang pinapapunta ni mommy..."
He stared at me blankly, unable to speak. I'm not even sure if that's normal.
"You should go now, then," aniya.
I swallowed the bile in my throat. "Yes. I should."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top