Kabanata 12
Kabanata 12
Appointment
Ilang beses pang naulit ang dinner sa linggong iyon. Hindi na ako tinatantanan nina Tessa at Jade dahil ilang beses na rin nilang nakitang pumapasyal si Logan sa building.
Kaya naman kahit hindi ko ginusto ang mga pinaggagagawa nila noong breaktime namin, wala na rin akong nagawa.
Kung anu-ano ang tinitingnan nila sa iPad ni Jade. Hinanap nila sa social networking sites si Logan. Nahanap nila ito sa Facebook at tiningnan ang wall nito.
"What's the name of the girl he brought noong event?" tanong ni Jade sa akin, nagtutunog imbestigador.
"Marina..." sagot ko naman.
Hindi pa nag iisang minuto ay nahanap nila kaagad ang account ng babaeng tinutukoy ko. Kumakain lang ako ng yogurt habang halos magka untugan na ang dalawa sa kaka tingin sa iPad.
"You can also Google her pala..." ani Tessa.
Nagkibit ako ng balikat. Seryoso, kahit na medyo nagulantang ako na dala ni Logan ang babaeng iyon sa event... kalaunan ay napagtanto kong wala na akong karapatang kumwestyon noon. Wala kaming relasyon. It's all physical and nurturing feelings like that won't get me anywhere.
"She's the daughter of a famous tycoon. Real Estate din ang linya ng ama ni Marina Fuentes. She's the daughter of Senator Pancho Fuentes." Nanliit ang mga mata ni Jade.
Nagpatuloy parin ako sa pagkain. That explains it. Kung ano man ang mayroon sa kanilang dalawa, be it business or personal whatnots, labas na ako doon!
"Hindi kaya pinagkasundo ang dalawang ito?"
Pinunasan ko ang gilid ng bibig ko. Halos hampasin ni Tessa ang mesa kaya nginiwian ko siya.
"You act like you don't care, Portia!" ani Tessa.
"What do you want me to do? Stalk her too?" Pinandilatan ko ang dalawa. "Hindi ako girlfriend ni Logan Torrealba kaya bakit ako makekealam sa kanyang buhay?"
Napatingin silang dalawa sa akin. Para bang may mali akong nasabi ngunit nang binalikan ko naman ang nabitiwan kong salita ay wala naman akong mahanap. Ngumiwi ulit ako.
"Jade!" tawag ko sa kaibigan kong di hamak mas open minded kesa kay Tessa.
"Yeah, well... I just thought what if girlfriend niya pala itong si Marina? That will make you a mistress and that's a different story..."
Nagtiim-bagang ako. Ayaw ko mang aminin ay may punto si Jade doon sa sinabi niya.
"Logan told me na wala siyang girlfriend."
"And you would believe that? Kung sinabi mong manipulative siya bilang isang businessman, paano na lang kaya sa relationships niya?" tanong ni Tessa.
"Wait... that's not my problem! Tutal kung girlfriend niya nga ang Marina Fuentes na iyan, dapat ay nakealam na siya sa amin."
"What if hindi siya nakealam kasi hindi niya naman alam?"
"You people!" Umiling ako. "Masyado naman yata kayong nag o-overthink!"
"Why don't you ask him? Personally, ayos lang sa akin ang arrangement na ganyan pero ang maging mistress ka, ibang usapan na iyan."
Nagkunwari akong wala lang ngunit naisip ko rin naman iyon. Would he lie? Pag nagsinungaling iyon ay paniguradong aayaw na ako sa arrangement na ito. Jade's right... being a mistress is another story.
Nakatitig ako sa kakatapos ko lang na design. Inaprubahan na ito ni Architect kanina. Oras na lang ang hinihintay ko para makaalis na ngunit imbes na mag-ayos ay wala akong ginagawa.
If I'll ask Logan about this, hindi kaya lumalabag ako sa rules namin? That's a personal question, right? To ask if he's in a relationship? Or even kung sino man si Marina Fuentes?
Tumunog ang cellphone ko. Tamad ko itong dinampot at nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mensahe ni Logan sa aking phone.
Logan:
Are you done?
Is he going to ask me out tonight? Noong Monday at Tuesday ay lumabas kami. Thursday ay nagdinner din kami. Kahit ngayong Biyernes?
Ako:
Almost. I have to run some errands tonight.
Logan:
Like what? I can pick you up and help...
Parang uminit ang pakiramdam ko. This is not gonna happen. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.
Ako:
Wala... Not really important but... Kaya ko na ako lang.
Logan:
What is it? I'm available.
Ako:
Are you bored?
Tutok na tutok na ako sa aking cellphone. I can imagine him in his swivel chair, bored and unproductive.
Logan:
What do you mean?
Ako:
You always ask me out...
Damn! Pakiramdam ko ay may himig na emosyon sa tanong na iyon. I need to stop sounding too hopeful.
Logan:
I just want to have dinner with you again. You're starting to lose it again. Don't be sentimental.
Crap! Sinasabi ko na nga bang nahihimigan niya ang emosyon doon!
Ako:
I'm not. I'm just saying na may mga bibilhin ako. I'll be very busy.
Logan:
Anu-ano ang mga bibilhin mo? Seems like very important things, huh
Ako:
Paints, brushes, and etc.
Logan:
Then let's buy paints, brushes, and etc. then have dinner. Is that okay?
Kinagat ko ang labi ko. Bakit ko nga ba siya iniiwasan? If what we're doing is purely sport, bakit ako umiiwas? I shouldn't, right? What's happening to me?
Ako:
Fine. Be here by five.
Logan:
Alright.
Nagsimula na ako sa ritwal ko sa aking mukha. I don't put too much make up pero tuwing mag-isa akong umuwi, madalas ay hindi ko na inaayos ang aking sarili.
"Hmmm. Logan Torrealba time?" ngisi ni Jade sa akin.
"Oh, please! Tantanan niyo na ako!"
Nagtawanan ang dalawa habang tinitingnan akong nag-aayos. Binilin nila sa akin na alamin ko ang tungkol kay Marina. Sinabi ko naman na hindi ko gagawin ang hinihingi nila. I would rather die than ask Logan about his relationship with that girl. Pakiramdam ko pag tinanong ko si Logan ay may naaapakan akong linya sa gitna naming dalawa.
Nagsimula na akong mag self-reflect. Hindi ko pa ito kailanman nagagawa kahit na sino. Hindi kaya ako mahulog? Hindi kaya ako umasa? Paano kung sa kalagitnaan ng pagpapanggap ko ay hindi ko mamalayang nagkakatotoo na pala? How will I save myself from it?
Pinilig ko ang ulo ko. No matter how much I loved fairytales, alam ko at napatunayan ko na hindi iyon nag eexist sa mundong ito. My mom and dad played with fire. Hindi sila nagkatuluyan dahil 99% sa mga taong nag eengage sa mga ganitong gawain ay hindi nag seseryoso. This is the line, Portia. Ako mismo ang guguhit nito. Hinding hindi ako mahuhulog. Hinding hindi ako iibig. I don't need it. I don't want it. I am not going to push myself to that infinite abyss.
Iyon ang paulit ulit na bilin ko sa aking sarili.
Nang namataan ko siyang nakikipag usap sa valet ay halos maputulan ako ng hininga. Sumulyap siya sa akin habang tumatango sa sinasabi ng lalaking kausap. He's wearing an all black longsleeve rolled up to his elbows, a black slacks, and a most probably Armani Ex shoes. Everything about him is imposing. Iyong tipong malayo pa lang siya ay alam mong hindi mo siya mapapasunod ng basta basta. Nanatili ang tingin niya sa akin. His gaze made my cheeks flush. Gusto ko na lamang magmura. Tag hirap ng oxygen tuwing nagkikita kaming dalawa.
"Good evening..." aniya at ngumisi.
Nag-iwas ako ng tingin. Not because I don't want to see his smile, but because my heart is racing so fast. Tingin ko ay kapag nagkakatitigan kaming dalawa, malalaman niya na ganito lamang ang pagkakatuliro ko kahit sa simpleng pagkikita namin.
Iniwan kami ng valet. Gumapang ang kamay niya sa baywang ko at naramdaman ko kaagad ang elektrisidad na siya lamang ang nakakalikha. Tumuwid ako sa pagkakatayo habang iginigiya niya ako sa kanyang sasakyan.
Nangangatog na naman ang tuhod ko. I should remind myself to wear flats around him. Ang hirap magsuot ng pumps o stilletos pagkasama siya ng ganito.
"How's your day?" tanong niya sa akin habang nagdadrive na siya.
"Well... fine. Natapos na namin lahat ng designs at ready na siya lahat. Iyong boss na lang namin ang maghahatid sa opisina ninyo," sabi ko.
Tumango siya. "That's great! You should design your own furniture too. I'm sure, marunong ka na noon."
Napatingin ako sa kanya. "Hindi pa masyado."
His brows furrowed. "Did you include your paintings in your designs?"
Natigilan ako sa tanong niya. Naramdaman niya yata ang pagkagulat ko kaya nagawa niyang sumulyap sa akin ng isang beses.
"Are you stalking me?" hindi ko alam kung pang ilang beses ko na itong naitanong.
"Don't be too dramatic. Rage de Fierro called para sa exhibit ng kapatid mo. May ipinakita siyang picture ng painting na nagustuhan ng asawa niya. Hindi ko alam saan niya iyon nakuha but when I searched for it, hindi iyon sa kapatid mo. It's from a certain Portia Cecilia Ignacio. Was that yours?"
Namutla ako. Hindi ko alam kung paano pa nahanap ni Rage del Fierro ang aking mga paintings. Matagal ko nang sinuko ang pagpi-paint. Hilig ko iyon kaya nga ako kumuha na rin ng related course. But then noong nalaman ni mommy na nahiligan iyon ni Katelyn, she asked me to stop painting. Ngayong mauungkat ulit iyon...
"I don't sell paintings anymore."
"But... you do paint?" napatingin siya sa akin.
"Well... Yes. Kaya nga tuturuan ko bukas ang mga bata sa ExPa. But that's just for fun. Unlike my sister, mas maganda iyong sa kanya dahil talagang ginawa niya for the exhibit."
"Hindi ba ay mas maganda iyong ginawa ng may malayang pag-iisip? Art is only good when it's from the heart. Pag ginawa iyon para sa exhibit, ibig sabihin hindi niya iyon ginawa ng malaya."
Nagtiim-bagang ako. I don't like this topic. Katelyn's works are amazing!
"Sabihin mo na lang kay Mr. del Fierro na subukan niya lang na pumunta sa exhibit. Katelyn's works are the best. One time may bumiling mayamang pamilya na taga Indonesia sa kanya. Her works are superb!"
"How would I know? I'm not good in art. I need to see yours and compare."
"I am not painting anymore, Logan." Mariin kong sinabi at hindi na binalik sa kanya ang tingin.
"Why?"
"I'm busy with work. I'm not interested anymore..." sabi ko sa pag-asang titigilan niya na ako sa kanyang mga tanong.
Paulit-ulit niya akong tinanong tungkol doon. Nang bumaba kami sa pagbibilhan ko ng pintura, panay ang sulyap niya sa akin. Hindi ako kailanman bumaling sa kanya. I busied myself with the washable paints. Naghanap din ako ng mga child friendly na mga gamit. Ngayong linggo ako nakapag volunteer. Sa susunod na linggo ay may ibang artist naman silang uupahan para magturo sa mga bata. Ganoon sa ExPa. At ang lahat ng artworks ng mga bata ay binibenta sa magandang halaga. The kids are earning because of their artworks.
"How will you get to the venue tomorrow?" tanong ni Logan habang namimili ako ng mga pintura.
"Car," simple kong sagot.
Napatingin ako sa paligid. Sa isang sikat na bookstore kami pumunta. Halos lahat ng mga naroon ay mga college student na bumibili ng kani kanilang mga gamit. Halos mabali ang mga leeg nila sa kakatingin sa kasama ko. He's just so breathtaking and foreign. Hindi ko masisisi ang mga batang iyon.
Umiling ako nang may nakita akong muntikan nang nabunggo ang isang buong shelves ng mga libro dahil sa kakatingin kay Logan. Bumaling ako kay Logan. Hindi niya man lang nakita kung paano kumislap ang mata ng babaeng iyon. His eyes were all on me.
"You left your car..." nagtaas siya ng kilay.
"Huh?" Bumaling ulit ako sa mga pintura.
"You left your car... sa del Fierro building. Remember? Kinuha kita doon."
Umirap ako at bumaling sa kanya. "Kukunin ko iyon bukas ng umaga. Taxi."
"What time is the event?" tanong niya.
"Hmmm. One PM. I have time in the morning," nagkibit ako ng balikat.
"I can pick you up by twelve," sabi niya.
"Wow! Nakakahiya naman, e. I know you're busy and besides, I can ride a taxi and get my car back."
"I'm not busy. I work out the whole morning... I'll pick you up by twelve then?"
Tinapunan ko siya ng tingin. I can't help but smile. He's taking this seriously. Walang bahid ng pagbibiro sa kanyang mukha. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang importante ng gagawin ko bukas. Importante para sa mga bata ngunit the foundation won't mind if I'm late for a few minutes just because of my car.
"Baka may meeting ka sa hapon, nakakahiya naman sa iyo," sabi ko.
"You still go shy on me?" Ngumisi siya.
Nagtindigan ang mga balahibo ko. Napatingin ako sa kanyang labi. All I could think about was his taste. Kung gaano katamis ang kanyang labi tuwing naghahalikan kami. Bumilis ang paghinga ko. For notebook's sake, Portia, we're in a frigging bookstore!
"Really, Logan. I'm fine tomorrow."
"No... I'm part of the foundation. Sasamahan kita."
Huminga ako ng malalim. I just want to forget about my thoughts of him.
"You don't have any other appointments tomorrow? Matatagalan ako dahil magtuturo ako kung paano mag paint."
"My Saturdays are reserved for you. You're my appointment tomorrow..."
Kinagat ko ang labi ko habang tinititigan ang pintura. Gusto ko siyang tingnan ngunit natatakot akong sa sobrang pagkahumaling ko sa kanya ngayon ay bigla ko na lang siyang mahalikan. This man is driving me nuts... He really is. I would gladly abandon all thoughts of committment, prince charmings, and fairytales in exchange of a night with him. Tutal ay matatapos din naman kami sa huli, might as well enjoy the journey with him.
Tulad ng sabi niya, fuck and leave. Hindi pwedeng leave lang. We need to fuck.
"Fine..." bumaling ako sa kanya.
All the heat from within materialized in my system. I could feel it in between my thighs. Mabuti na lang at rational pa ako ngayon, kung hindi ay kanina ko pa siya hinalikan dito.
"Deal then..." he whispered.
Tumango ako ng marahan. Damn!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top