Kabanata 11
Kabanata 11
Pasta
Sobrang aga ko sa opisina nang nag Lunes. Muntik ko nang maunahan ang mga janitor at janitress sa sobrang aga ko doon. Nagtimpla kaagad ako ng kape.
Hindi ko alam pero hindi ako makatulog kagabi. I can't help but think about what happened the night before. Hindi matanggal sa isip ko kung paano ako pinawisan at napagod ng husto sa mga nangyari. Thinking about it sent shivers down my spine but I couldn't help it...
Sa sobrang pagod ko sa nangyari sa amin ni Logan ay nakatulog ako pagkatapos. I woke up with his body covering mine. Mga nag-aalalang text galing kay Clyde, sa mga kaibigan ko, at kahit galing kay Kier.
In the end, I told them all na may inasikaso ako sa opisina. Pinagalitan pa ako ni Kier dahil umalis ako sa event nang hindi nagpapaalam kay Clyde. He was worried sick. Well, at least he's worried sick. Clyde got pissed kaya hindi niya na ako nireplyan ulit.
"Ang aga natin, ha?" puna ng kasama kong pangalawa lamang sa akin.
Umiling ako at ngumiti. "May tatapusin lang kaya napaaga."
Images of what happened between me and Logan that night kept flashing on my mind. Pakiramdam ko ay kailangan kong i-bleach ang utak ko para luminis muli ito. This is the consequence. Tsk.
Tiningnan ko ang aking schedule sa phone. Sa susunod na Sabado ang pag vo-volunteer ko para sa mga bata sa ExPa. I'll be there to teach them how to paint. No... more like teach them how to express their feelings through paintings. Paano gumamit ng mga materyales at paano mag blend ng colors. I can't wait for Saturday!
Habang nag s-scroll ako sa aking cellphone ay tumunog ito sa isang text ni Logan sa akin sa Viber.
Logan:
Morning...
Tinitigan ko ang kanyang text. Bahagya akong tumuwid sa pagkakaupo at nagtipa ng reply.
Ako:
Good morning... :)
Logan:
You at work?
Napalinga ako sa paligid. Papasok na ang supervisor namin at ilang maaagang employees.
Ako:
Yup. You?
"Portia Cecilia!"
Halos napatalon ako sa sigaw ni Jade! Tinago ko kaagad ang cellphone ko at ngumisi sa kanya.
"Saan ka noong Sabado at bakit hindi ka nagpakita? Ha?" Nangingiti niyang sinabi.
Umirap ako. "I got busy-"
"Got busy? Got busy with?" Umiling siya at nanliit ang mata sa akin.
"Whatever. May tatapusin akong design..." sabay tingin ko sa aking computer.
Humilig siya sa aking cubicle. Nakangising aso siya habang pinagmamasdan akong seryosong nakatingin sa proyektong hindi ko pa natatapos.
"You're with him again?"
"Him? Who?" nagtaas ako ng kilay.
"Ay nako! Huwag ka nang mag maang-maangan pa! Portia... ang tagal na nating magkaibigan, ngayon ka pa ba mag sesekreto? Why can't you tell us what's going on?"
"Alam mo naman pala. Nagtatanong ka pa..."
"So you were with him?"
Napatalon siya at napatili. Kahit na hindi niya binabanggit ang pangalan ng tinutukoy ay alam kong si Logan na iyon. Sino pa ba ang makakapagpatili sa kanya ng ganito? Wala ng iba?
Uminit ang pisngi ko at tinuro turo ako ni Jade. I seriously don't get why she's always dressed up like a doll kung ganito naman siya makitungo sa mga tao.
"You're blushing! Oh my God! You're blushing!"
Nangingiti na ako at umiiling nang biglang dumaan ang aming supervisor.
"What are you giggling about?" masungit na sambit ni Architect.
Kitang kita ko ang pagkawala ng dugo sa mukha ni Jade. Although his face was properly contoured, kita parin na namutla siya sa kasungitan ng aming boss.
"Go back to your table..." anito bago nagpatuloy sa paglalakad.
Matalim na tinitigan ni Jade ang likod nito. Nilingon ko rin si Architect. I know he's just pretty pressured pero masyado naman yata siyang masungit nitong mga nakaraang araw.
"Whatever. Let's talk later!" aniya bago kumaway sa akin at nagmartsa na patungo sa kanyang cubicle.
Tiningnan ko muna ang paglayo ni Jade at ang paglapit niya sa kanyang lamesa bago ako bumaling ulit sa aking cellphone. May mensahe na si Logan doon.
Logan:
At work too. May gagawin ka mamaya?
Napalunok ako sa tanong niya. Nagtipa ulit ako ng sagot.
Ako:
You mean after work? Wala. The usual routine. Why?
Logan:
Let's meet after work. I'll pick you up by five.
Kumunot ang noo ko at nanatili ang mata sa cellphone. Bakit at para saan? Well... hindi naman sa ayaw ko siyang makita.
Ako:
I have work tomorrow.
Logan:
I know. I said we'll meet after work. Later. What's wrong? It's just dinner.
Halos matawa ako sa sarili ko. Oo nga naman, Portia! And all this time ang iniisip ko ay niyaya niya ulit akong gawin iyon.
Ako:
Fuck buddies going out for dinner? That's new.
Hindi kaagad siya nakapag reply. Nakapag arrange pa ako ng gamit at nabati ko pa si Tessa na muntikan nang ma-late. Nang tumunog ang cellphone ko ay agaran ang lipad ng tingin ko doon.
Logan:
It's just dinner. You're too sentimental. That's just nothing.
Tumitig ako doon. Right! He's right! It's just dinner!
Ako:
Fine. Five then?
Logan:
Five. I'll be there.
Panay ang yugyog ni Tessa at Jade sa akin sa cafeteria habang kumakain kami. Hindi ako tatantanan ng dalawa kung hindi ko sasabihin ang nangyayari sa amin ni Logan. So I told them about what happened pero hindi ko naman sinabi sa kanila ng buo.
"Oh my God! You think mauulit pa?" tanong ni Tessa.
Hindi ko alam kung na eexcite ba siya o nag-aalala sa nangyayari. Jade's just very excited. Malapad ang ngiti niya at hindi siya mapakali.
"For a time, maybe?" sabi ko. "I give it a couple of months. Magsasawa din 'yon."
Dinilaan ko ang kutsara. Kumakain ako ngayon ng yogurt. Nakatitig ang dalawa sa akin. Hindi ko alam kung bakit big deal para sa kanila ito. Gawain ito ni Jade at hindi na kagulat-gulat. Well maybe because they know na hindi ko pa ito nagagawa kahit kay Clyde.
"Paano pag hindi siya magsawa, Portia?" tunog pag-aalala na ang tanong ni Tessa.
Kinuha ko ang strawberry sa aking yogurt. "You really believe na hindi siya magsasawa? Sa inyo lang iyan ng boyfriend mo. People like him... always get tired of what he's doing. Lalo na pag paulit-ulit na lang..."
"You sound like a professional when it comes to these. This is your first time," pag-aalala ni Tessa.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Malaki parin ang ngisi ni Jade. Ang mahaba at maitim niyang buhok ay nakapirmi. Ang kulay brown at kulot kulot namang buhok ni Tessa ay bahagyang sumasayaw sa bawat pagbigkas niya ng salita.
"This maybe my first time but I'm not that innocent. And besides, saan pa ba ako matututo? I learned from the best right? I learned from my parents. Arrangements like these don't last. Alam ko ang patutunguhan ng mga ito."
"Porsh's right, Tessa. She can handle herself..."
Alam kong nag-aalala na si Tessa. Sa aming tatlo ay siya lang naman ang devotee ng fairytales. Well, aaminin ko. Ako man ay nangangarap ng ganoon. Nangangarap ng taong magmamahal ng lubos sa akin. But then... that's ideal. This world isn't ideal. Kaya alam ko na hinding hindi magkakatotoo ang mga ganoong pangarap.
Nang nag alas cinco na ay bumaba na ako ng building. Dumiretso ako sa basement kung saan madalas naghihintay si Logan sa akin.
When I saw his Mustang, agad akong ginapangan ng kaba. Nakita ko rin siyang nakasandal doon sa pintuan. His white longsleeve was rolled up to his elbow. Nang nasinagan ng ilaw ang kanyang mata ay kitang kita ko ang pagiging kulay abelyana nito. This man was created to be the perfect example of perfection. Napalunok ako. Kumunot ang kanyang noo. Nagtaas naman ako ng kilay para maitago ang dagungdong ng puso ko.
Binuksan niya ang pintuan ng Mustang. Pumasok ako sa loob in one swift motion. Umikot na rin siya para makapasok sa driver's seat. Amoy na amoy ko ang pamilyar niyang bango. Ganito ba siya palagi? And what about his clients? Or his women business partners and even employees? Hindi ba sila nahuhulog sa kanya? Dammit!
"Saan tayo?" tanong ko.
"I'm hungry so let's dine somewhere."
Tumango ako. Nag drive naman siya palabas ng basement. Nagkasundo na kami ng sarili ko na tumahimik na lang tuwing ganito pero hindi ko parin maiwasan.
"Do you always dine to expensive restaurants tuwing dinner?" tanong ko.
Nanatilig ang mga mata ni Logan sa kalsada. I'm not even sure if he'll answer me. Kumibot ang kanyang labi.
"Not always. I cook. Most of the time sa condo lang. Why?" sumulyap siya sa akin, kumunot kaagad ang noo.
His thick eyebrows accentuated his strange-colored eyes. I can't help but stare at him.
"Gaano ka "not always"? You know people like you dine to places that sells food ten times the average cost of the food most Filipinos eat. Nagsasayang lamang ng pera. And to think na maraming gutom sa Pilipinas..." Kinagat ko ang labi ko. Why do I always fail to shut my mouth?
"People like me?" Natawa siya. Rinig ko ang sarcasm doon. "Do you expect me to eat on fastfood chains? Para makasama ako sa average cost of food na tinutukoy mo?"
"No. I hate fast food chains. Hindi healthy. What I'm saying is... bakit kaya nag-aaksaya ng ganoong pera para lamang sa pagkain?"
Sumulyap siya sa akin nang natraffic kami. Nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi ba ay ikaw rin naman? Hindi ka ba kumakain sa mga mamahaling restaurants?"
Hindi ako nakapagsalita.
"We don't only pay for the chef, for the ingredients, for the type of food, Portia. We also pay for the security, for the service, convenience, and many more..."
Damn capitalists. He clearly did not get my point. Ang ibig niyang sabihin ay mayaman siya at kaya niyang bumili ng ganoong klaseng pagkain, na may mamahaling ingredients, at may magandang service.
"I know. I'm just thinking about the people who don't get enough food on their plates."
Tumawa si Logan. Napatingin ako sa kanya. Halos malademonyo ang tawa niya. "What do you want? I sell all my stocks to feed the poor? Nagtatrabaho ako ng maayos. I'm paying my taxes. It's up to the government kung paano nila ihahandle ang pinapasok kong pera sa kaban para matulungan ang mga taong nangangailangan. I'm a businessman so I can pay for my own bills, live my life... I am here to raise the employment rates, pay my taxes, and in exchange of that I get to live the life I've always wanted. Come on... no hate on that."
Nanliit ang mga mata ko. He's right but I still couldn't help it. Wala talaga siyang pakealam sa mga nangyayari. Wala siyang puso. He lacks empathy for almost everything.
"You're a one hell of a businessman."
Umiling siya. "Portia, you haven't seen the businessman in me yet..."
"I've seen it, Logan," sabi ko. "Like how you are such a monster for doing that to your father's business."
Umigting ang kanyang panga. Crap! Dapat ay nanahimik na ako! Bakit kaya hindi ko talaga magawang manahimik kapag ganito?
Tinigil niya ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Binigay niya sa valet ang kanyang susi at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hindi na niya ako sinagot pagkatapos kong isali sa usapan ang kanyang ama.
Hinawakan niya ang aking baywang ng papasok na kami sa restaurant. Hindi na rin ako nagsalita. Nahihiya ako dahil sa kadaldalan ko kanina.
"For two, sir?" tanong ng babaeng sumalubong sa amin.
"The private room, please..." sagot naman ni Logan.
Iginiya kami ng babae sa isang kulay mahogany na pintuan. Bumukas iyon at tumambad ang two seater table na may kalakihan. May mga kandila doon ay may mga kubyertos nang nakalapag.
Hinila ni Logan ang upuan para makaupo ako. I glanced at his face. Tiningnan ko kung ayos lang ba kami ngunit hindi siya tumingin pabalik. Umupo siya sa harap ko at kinuha ang menu.
He ordered for the two of us. Hindi na ako umangal. I suddenly feel uneasy. Like I intruded the most private parts of him. Nginuya ko ang labi ko. I thought this is exciting. Ayan, Portia, ang daldal mo kasi!
Nang umalis ang babae ay mas lalo lang akong nanlamig. I can't wait for this to end. I wish it ends right now. O pwede ring kainin na lang ako ng lupa para mawala na lang bigla sa harap niya.
"My father's business is dangerous, Portia. Ayaw ko ng ganoon. Besides, it's failing. The digits are down. His trained men are still good but the management is failing."
I wish I could give it up pero hindi ko nakayang hindi magtanong. "Why don't you manage it, then?"
"I'm busy with my on business. My dad is old at ako lang ang anak niya. Kung hindi ko iyon mamamanage, it will fail along with him."
Nagtiim-bagang ako. I have so many buts in my head but I chose not to say it aloud. Tiningnan ko na lang ang tubig sa baso.
Tumikhim ako. I'm determined to change our topic. "By the way... pupunta ka ba personally sa exhibit ng kapatid ko?"
Nagulat siya sa pagpapalit ko ng topic. "Hmm. Dadalo ako pagkatapos ng meeting. I have a meeting that day."
Tumango ako. "My mom would be thrilled. How about Brandon? Or... Mr. del Fierro."
Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay niya nang nabanggit ko ang pangalan ng naunang pinsan niya. "Brandon is busy with his wedding. Rage will probably go. Naghahanap iyon ng panibagong paintings para sa kanyang bahay."
Tumango ulit ako. "That's great! So... if Brandon's not around. Who's his representative?"
Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Logan. I didn't purposely ask him that! Syempre ay kakasabi niya lang na wala iyong pinsan niya! Natural lang na magtatanong ako kung sino ang pupunta!
"I am not sure yet. Siguro ay ang CEO, kung walang gagawin. Why do you always ask about Brandon?"
Nanlaki ang mata ko. "I don't always ask about him. Syempre ang sabi mo ay wala siya... Who's going to the event then? That's my point."
Umigting pa ulit ang panga niya at pinaglaruan ang bibig ng baso sa harap. Tumaas ang isang kilay niya.
"Abala siya sa kasal. Most probably hindi siya makakadalo," ulit niya.
"Fine, then..."
Nilapag ng waitress ang mga pagkaing inorder namin. Italian food ang napili niya kaya nagsimula ng umikot ng pasta sa aking tinidor.
"Do you like pasta?" tanong niya.
"Hmmm... Yup. You can say that," sabi ko habang kumakain kaming dalawa.
"What's your favorite food?" tanong niya.
"Hmmm. Sinigang na Baboy." Walang pag aalnlangan kong sinabi.
"What's that?" tanong niya, nakatoon ang pansin sa akin.
"Baboy na sinigang," sabi ko nang hindi tuluyang mailarawan ang ulam na paborito ko.
"Paano lutuin?"
"I don't know... Clyde can cook that. Siya ang nag introduce sa akin ng pagkaing iyon..." wala sa sarili kong sinabi.
Hindi na siya nakasagot kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin lamang siya sa kanyang pagkain na parang hindi ito masarap. I suddenly wondered if he likes pasta. Kung ayaw niya pala, bakit pa siya nag order nito?
"You don't like pasta?" tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. His eyes turned pitch black again. My heart literally skipped a beat. Kung hindi pa ako nakainom ng juice ay kanina pa ako nasamid dahil sa titig niya.
"You don't like pasta," sabi ko.
"No... I like it..." Narinig ko ang lamig sa kanyang boses nang sabihin ito. "I like girls who can cook pasta..."
Ngumuso ako. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. His features were hard habang kumakain. Nag-angat din siya ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. Binagsak ko kaagad ang aking mga mata sa pagkain.
I wonder if Tessa can teach me how to cook this one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top