CHAPTER 9
Chapter 9: Apology
SUMUNOD ang ilang araw at hindi ko na pinansin pa ang tatlong hari ng kalokohan. Wala rin naman akong mapapala kung sakali mang pagtuunan ko sila ng pansin dahil puro kapahamakan lang naman ang nakukuha ko sa kanila.
Mas mabuti na lang na huwag ko na lang pansinin silang tatlo at iwasan sa abot ng makakaya ko. Dahil bukod sa tahimik pa ang buhay ko ay safe pa ako sa mga kalokohang ginagawa nila.
Kasalukuyan kaming nasa field ngayon dahil sa p.e class namin. Malawak ang field ng Leehinton kaya marami-raming naghi-held ng p.e class dito.
May iilang section rin na nagsa-soccer sa hindi kalayuan at puno ng mga kababaihan ang nanonood sa gilid no'n. Tili rin sila nang tili animo'y may pinakaguwapong nilalang na naglalaro roon.
"Okay, let's start. Nakikinig naman kayo ng maayos hindi ba?" Pumalakpak si ma'am para makuha ang atensiyon naming lahat dahil hindi kami sa kaniya nakatingin
Napalingon ako sa guro namin. Nagsasalita pa rin ito at yes, maa'm lang ang sagot ng lahat tuwing nagtatanong ito kung naiintindihan ba talaga namin ang sinasabi nito.
Halata namang hindu nakikinig ang iba dahil sa ibang direksiyon nakatingin at ang iba'y naglalaro sa cellphone.
Binalik kong muli ang atensyin sa gurong nagtuturo.
Tinuturuan niya kami ng tamang pagtama sa bola ng baseball at kung anu-ano pang mga paalala sa hindi dapat o dapat na gawin.
Pumalakpak ito ulit para makuha ang atensyon naming lahat.
"Okay, line up, students!" sigaw nito at hinipan ang pitong kulay pula.
Agad din naming sinunod ang sinabi nito. Biglang nagsiingayan ang lahat dahil nag-uunahan at ang iba'y mukhang ayaw pa sa gagawin.
Nakalinya kaming mga kaklase at si Ma'am Ginancial ang picher.
Naging maayoa naman ang bawat kaklase kong tumira. Pumalakpak kaming lahat ng matamaan ng kaklase kong babae ang bola.
Si Dave na ang kasunod at walang kahirap-hirap nitong natamaan ang bola. Sunod ang dalawa nitong kaibigan. Sana pala ay inorasyunan ko na huwag nilang matamaan, ang yayabang tuloy.
Parang number one hater nila akong tatlo nito. Hindi pala parang kung 'di ay hater talaga nila akong tatlo.
Napasimangot ako sa mga nagtitilian babae sa gilid ng field. Kahit kailan talaga ay nakaiinis ang mga fans ng tatlong hari na 'to. Nakaririndi ang mga boses.
Napahinga ako bigla nang maluwag ng pangalan ko na ang tinawag.
Sana mataaman ko. Sana matamaan ko!
Nakangising inabot ni Xavier ang baseball bat sa 'kin kaya napairap ako.
"Galingan mo, Day-Day, ha?" nang-aasar na aniya.
Nangunot ang noo ko sa narinig na tinawag niya sa akin. Day-Day? Si nanay lang ang tumatawag sa 'kin sa palayaw na 'yon, ah? Ano't alam ng damuhong iyon ang tinatawag ni nanay sa 'kin?
"Saan mo 'yan nalaman?" gigil kong bulong sa kaniya ngunit nagkibit-balikat lang ito.
"Hmm. . . somewhere in palengke?" patanong na sagot nito.
Palengke? Biglang pumasok sa isip ko na nagtitinda pala kami at tinatawag akong Day-Day ng mga nagtitinda roon.
Siguro napunta sila sa palengke kaya nalaman nila iyon? Sa yaman nilang lahat, pupunta sa lugar na iyon? Parang suntok sa buwan naman yata ang ideyang iyan.
Napatawa ako. "Ikaw?" Tinuro ko siya gamit ang baseball bat. "Bakit ka nakarating sa palengke? Sa arte mong 'yan?" Tinuro ko siya gamit amg hintuturo mula ulo hanggang paa kaya napataas ang kilay nito.
"Hindi ba pwedeng nalaman ko lang?" iling na aniya at umalis na.
Saan niya nalaman?
Parang hinahalungkat tuloy ang nananhimik kong kuryusidad. Sinong naman ang magsasabi?
Nahagip ng mata ko ang nakangising si Dave. Siya? Asa naman!
Inirapan ko lang ito at tinuon na ang pansin kay ma'am.
Naghahanda na si ma'am para na ihagis ang bola.
Unang hagis ay hindi ko natamaan at gusto kong lumiyab sa inis dahil sa pagsigaw ni Xavier ng boo. Nakisabay rin sa kaniya si Liam at tawang-tawa naman si Dave.
Kainis na, ah? Humanda kayo kapag ito natamaan ko, who you talaga kayong tatlo!
Napapadyak muli ako ng hindi ko matamaan ang ikalawang paghagis ni ma'am hanggang sa ikatlo.
Nagtatawanan ang tatlong hari sa kapalpakan ko sa buhay pero iniirapan ko sila at umalis na.
Uungot-ungot akong napapunta sa cr at nagbihis ulit ng uniform.
"Halos lahat naman ng babaeng kaklase namin hindi nakatama, ah? Bakit sa 'kin tawang-tawa sila? Pareho rin naman ako sa ibang babae na hindi nakatama!" bugnot na sabi ko.
Napatingin ako sa palda kong sira, tinapalan ko lang ito at pilit na tinatago kay nanay. Mabuti na lang at hindi niya naman ito nakita kanina.
Pumaaok akong muli sa cubicle para umihi pero habang nagseseremonyas ako sa loob, nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto.
Ilang mga yapak sunod-sunod na pumasok ay nag-uusap ang mga ito.
"Beh, nakita ninyo 'yong girl na palaging nilalapitan ng three kings? Ang landi, ha!"
"Oo, gaga, nakita ko nga. Nakaiinis, parang feel na feel na nilalapitan ng tatlo, ha?"
"Hindi naman kagandahan. Right, beh?"
"Mas maganda pa kaya tayo ro'n!"
Nangunot ang noo ko sa narinig. Sinong babae iyon?
Nakarinig ako ng mga papaalis na mga yapak kaya lumabas na ako.
Hindi ko na inintindi ang narinig dahil hindi ko naman kilala ang tinutukoy nila, ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.
Niligpit ko na ang mga gamit at pumuntang locker para ilagay ang pinagbihisan doon.
Pansin ko ang paninitig ng lahat sa akin habang naglalakad kaya taka kong sinalubong ang mga tingin nila.
Tusukin ko kaya mga mata nila isa-isa, ano? Nakakita yata ng napakagandang diyosa.
Nang marating ang locker ay agad ko itong binuksan at bumugad ang isang paper bag na kulay pink sa akin.
Agad na nangunot ang noo ko at nagpalingon-lingon sa paligid. Wala akong maalalang dinala at nilagay ko ito rito.
Saka, mukha pa lang ng lagayan, e, mamahalin na. Hindi ko naman afford ang lagayang ito. Ilang gulay pa ang ititinda ko para lang mabili ang lagayang 'to, ano!
Nilagay ko muna ang pinagbihisan ko sa loob ng locker at dahan-dahang kinuha ang bag na iyon.
May nakalagay na maliit na papel sa gilid. Agad ko itong binasa kahit nagtataka.
I'm sorry.
-DKL
DKL? Dugo, Karne, Laman?
Sino 'yon? At bakit nagso-sorry ito sa 'kin? Wala naman akong kilalang taong DKL at may atraso sa akin, ah?
Dulot pa rin nang pagtataka ay binuksan ko ang bag na iyon at bumungad ang tatlong pares ng uniporme ng Leehinton.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Napakamahal ng iisang unipormeng ito at halos magkanda kuba si nanay kakakayod para lang mabili ako ng uniform ng Leehinton noon.
Hinalungkat ko ang bawat pares ng unipormeng may silyado pa ng Leehinton.
Bawat uniporme ay may nakalagay na letter at bawat sulat ay unti-unti kong nakikilala kung kanino talaga 'galing ang mga unipormeng ito.
Napalunok ako nang makumpirmang siya nga ang may ari ng sulat kamay na ito. Hinding-hindi ako magkakamali na sa kaniya ito.
Tumunog bigla ang bell na nagpapahiwatig na sa pag-uumpisa ng panibagong klase kaya naputol ang pag-iisip at oaninutig ko sa mga sulat na 'yon. Mabilis na nagtakbuhan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom pati na rin ako.
Dala-dala ang pink na paperbag ay pumasok ako sa room at sinalubong ako ng tingin ni Dave. Dumapo ang mata nito sa akin at sa hawak ko at mabilis na umiwas ng tingin.
Sinipsip ko ang pang-ibabang labi habang dahan-dahang nagtungo sa upuan na nasa gilid niya.
Maingat kong inilapag sa ibabaw ng desk ang paper bag at nilagay ang backpack sa likuran.
Gusto kong magpasalamat sa kaniya pero nahihiya ako at siguradong-sigurado ako na sa kaniya ito nagmula dahil kilalang-kilala ko ang sulat kamay nito.
Paano? Minsan kasing naiwan nito ang notebook niya kaya tinago ko muna ito sa kaniya para pagtripan. Kaya habang nasa akin ay binulatlat ko ang laman ng notebook nito at napahanga sa kagandahan ng sulat kamay niya.
Noong una ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko naman kasi nakitang nagsusulat ito ng notes at miminsan lang talaga kapag tinopak.
Napasulyap akong muli sa kaniya at nahuli kong nakatingin ito sa paper bag na nasa harap ko.
Napadapo sa akin ang paningin niyo kaya agad itong umiwas pati rin ako.
Akala ko ba magapapasalamat ka, Diane? Ano't pasulyap-sulyap lang ang ginawa mo?
Gusto kong batukan ang sarili sa panenermon ng isip ko. Napalunok ako sa sariling laway bago ulit sumulyap kay Dave.
Bukod kasi sa nahihiya akong magpasalamat ay nakukonsesnya ako sa ginawa ko sa kaniya sa parking lot.
Mas lalo kong nilakasan ang loob para masabi namg tuluyan ang katagang laman ng isip.
"Ano. . . s-s-s-salamat," uutal-utal na saad ko.
Doon na siya napalingon ulit sa akin. "For?"
"D-D-Dito." Nginuso ko ang paper bag sa harap ko.
Napatitig lang siya sa akin ng ilang segundo at ganoon din ako. Naputol lang ito ng magsalita si Liam at Xavier.
"Magpapasalamat lang magmo-momoment pa? Napakabaduy! Nandididri ang guwapo kong mukha," mahanhing parinig ni Xavier ngunit hindi sa akin nakatingin.
Natawa si Liam sa sinabi ni Xav. "Kadira ba, bro?"
"Oo!" sagot ni Xav at nangangasim na mukhang bumaling sa 'kin.
"Baduy?"
"Sobrang oo!"
"Shut up, f*ckers!" singal sa kanila ni Dave. Bumaling ulit ito sa akin. "I'm sorry," mabilis na aniya at tumayo.
"Yes, Mr. Lee? Is there something you need?" anang boses ng guro namin.
"Emergency," tipid na sagot ni Dave at hindi man lang hinintay ang pagsang-ayon ng guro namin.
Napanganga ako sa narinig nula sa kaniya.
Sorry? Talaga bang totoo ang pagkarinig ko ro'n? Hindi ba ako nananginip?
***
MABILIS ang naging takbo ng oras at uwian. Hindi na rin pumaaok pa si Dave at ewan ko ba kung totoong emergency ba talaga ang excuse niyang iyon o paraan para lang makaliban sa klase.
Saka mas mabuti na lang iyon na wala aiya buong magdamag dahil baka mas lalo akong mailang sa mga ikinimilos nito.
Hindi kasi ako sanay na siya itong nagso-sorry o maging mabait. Parang ang layo sa nakasanayan kong Dave Kendrick Lee na playboy, mapang-asar at puro kalokohan lang ang nasa isip.
"Nandito na po ako!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok pa lamang sa pinto.
"Oh, Day-Day, mag miryenda ka na muna. Binilhan kita ng paborito mong donut at ice cream," malambing na saad ni nanay.
Napatigil ako sa narinig at mabilis na pumunta sa mesa.
"'Nay, bakit mo naman binili pa rito? Sana inipon mo na lang, 'nay. Sayang, oh!"
"Hayaan mo na anak, malaki-laki amg nadelihesya ko ngayong araw kaya okay lang iyan. Saka, matagal-tagal ka na ring hindi nakakain ng paborito mo, 'di ba? Hayaan mo na si nanay, anak."
Napabunyonghininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? E, nabili niya na, alangan namang tanggihan ko ang grasya?
Binuksan ko amg isamg box ng dpnut at halos magningning ang mata ko sa iba't ibang kulay nito.
Agad akong kumuha ng isa para ibigay kay nanay. Sabay kaming naupo sa silya at sinimulan nang pagsaluhan ang binili nitong miryenda.
"Nga pala, 'nay, bakit parang ang dami mo namang benta ngayong araw?" taka kong tanong habang kumakain.
"Ah, oo nga pala. May pumuntang palengke kanina at nakakotse pa. Nagtanong kung saan tayo nakapuwesto kaya tinuro ng mga tindera't tindero kung saan tayo. Hindi ko naman akalaing bibilhin niya lahat ng paninda ko at keep the change na lang daw. Ikaw, Day-Day, ha? Hindi ka nagsasabing may gwapo ka pa lang kaibigan."
"Ha? Anong—"
"Naku, ide-deny pa. Napakabait na batang iyon. Kutis porselana!"
"Wala po akong—"
"Hindi ko akalaing kaibigan mo pala ang may-ari ng eskwelahan mo? Naku, napakaganda at napakabait talaga ng anak ko! Nakipagkwentuhan kami ng kaunti kanina at napakabait niya! Minsan ka na lang makakakita ng lalaking ganoon ngayon."
May ari ng eskwelahan? Si. . . Dave?
Nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay nanay. Kaya pala inaasar ako kanina ni Xav sa palayaw ko. Kaya pala nakangisi si Dave kanina, ang tukmol pala ay pumunta sa palengke!
Nakahihiya! Ano kaya ang mga pinagkwentuhan nila ni nanay? Sana naman ay huwag akong ipahiya ng sarili kong nanay, ano?
Napahilamos ako sa mukha . Sana talaga ay walang karumal-dumal na binanggit si nanay sa kaniya!
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top