CHAPTER 7
Chapter 7: Glued
NEXT subject na at patuloy pa rin akong binubwisit ng tatlong hari na 'to! Nakahanap ang baklang Dave na 'to ng mga tagasuporta niya! Nakakaasar!
'Yong akala kong mabait na William ay tuluyan ng naglaho. Ang pangarap kong magkaanak sa kanya ng sampu ay biglang nawala na parang bula. Bad influence talaga ang lalaking nagngangalang Dave na 'to! Nang dahil sa kanya nasira ang pinapangarap ko!
Kasalukuyang nagdi-discuss si ma'am at nagsusulat ng mga requirements na dapat ipasa sa kanya Dudugo ang ilong ko sa pagbabasa mg mga buhay ng mga bayani natin. Pinapabasa niya rin 'yang gawa ni Dr. Jose Rizal.
Magdadala na ako ng sandamakmak na tissue at dahil hindi kayanin ng mga magaganda kong brain cells ang mga akda niya. Nakakadugo!
Minsan napapaisip ako, sana hindi na lang namatay si Dr. Jose Rizal para walang araling ganyan. Pero s'yempre bayani natin 'yon kaya sige isu-support ko na lang siya kahit naii-stress na ang maganda kong mukha.
"P'ssstttt."
Wala akong narinig.
"Psssssssssssst."
Bingi ako. Hindi ko 'yon naririnig. Mas lalo akong nagpokus sa pagkopya ng mga requirements na kailangan. Diane kumalma ka, huwag mong patulan ang bulong ng mga demonyu sa buhay mo!
"Psssstt. Ganda!"
Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Ganda raw, e, nakakahiya namang huwag akong lumingon.
"O 'di ba, Liam lumingon! Ang kapal din ng pagmumukha." Nakipag-apiran ang baklang 'yon sa William na iyon na tawang-tawa rin pati na rin ang isang kasama nila, si Xavier.
"Ako ba 'yong tinutukoy mo?" angil ko.
"'Yong alin? 'Yong maganda ba o 'yong makapal ang mukha?" natatawang ani Dave.
"Peste ka! Maganda ako sabi ni nanay kaya huwag kang kokontra! Mukha kang gilagid!"
Tumawa silang tatlo animo'y walang gurong nagtuturo sa harap. "You? Beautiful? Are you dreaming?" dagdag pa niya.
Nakakaasar na 'tong Dave na 'to ah! Maganda naman talaga ako! Hindi niya ba nakikita 'yon? Clear skin 'to 'no! Maputi na, makinis pa! Kaso mga lang kulang lang talaga ng ilang toothbrush ang ngipin ko.
Pero 'wag ka, yellow ang totoong kulay ng ngipin natin, kaya proud ako sa malagi tong ngipin ko!
Kinulbit niya sina Xavier at William. "Bro, maganda ba siya?" Tinuro niya ang pagmumukha ko at agad akong nilingon ng dalawa. Sinuri nila ako mula ulo hanggang paa at napatahimik.
Ano? Speechless kayo sa alindog ko, ano? Isang Fernandez yata 'to! Nasa dugo ko na nananalaytay ang kagandahan ito. Ngingisi na sana ako ngunit naunahan na no'n ng paghagalpakan nila sa tawa.
Tinuro ako ni Xavier. "Beautiful?"
"Binabangungot ka yata, Diane?" Sinimanguyan ko si Willian nang sabihin niya 'yon.
Mga nanginang 'to! Mga sinungaling! Humaba sana hotdog niyong tatlo at malagyan ng tigyawat sa dulo!
Nilamukos ko ang isang pahina ng notebook at walang habas na pinunit 'yon 'saka pinagbabato sa tatlo. Tawa lang sila nang tawa at ako itong asar na asar sa kanila.
Tadhana! Bakit mo ba pinaglapit kaming apat? Binu-bully mo yata ako, tadhana!
Hindi ko na sila pinansin at tinuong muli kay Ma'am Santchez ang atensyon. Bahala sila riyan!
Nangalumbaba na lang akong habang nakikinig kay Ma'am. Nakinig na ako at lahat pero tawa pa rin sila nang tawa. Nakakairita na!
Bumalik ulit sila sa paninitsit sa akin pero nagpapakatatag na ako ngayon. Hinding-hindi na ako lilingon sa kanila, ayokong nang ma-office. Naririndi na ako lay principal.
Nasa kalagitnaan na ako nang pagsusulat ng hindi inaasahang may lumipad papunta sa notebook ko.
"Ahh!" Histerya kong sigaw at puwersahang napatayo. Nabulabog ko tuloy ang tahimik na klase ni ma'am. Matalim siyang napatingin sa direksyon ko.
"Miss Fernandez, bakit ka sumisigaw? Alam mo bang nakakaistorbo ka sa klase ko?" mariing wika ni Ma'am.
Mapadapo ang mata ko sa mga kaklase ko at nagbubulong-bulungan. Ang iba ay natatawa sa 'kin na parang iba talaga ako sa kanya. Wala akong pakialam sa inyo! Inirapan ko lang sila ay hindi na pinansin.
Agad kong naibalik ang paningin sa guro naming nagsasalpikan na ang kilay. Isa pa itong ubod ng istrikto.
"E, Ma'am may ahas po kasing biglang lumipad sa desk ko," agad na sagot ko, mahihimigan ang paninisi.
Namewamg siya noong narinig ang sinabi ko. Mas lalong naglapit ang mga kilay nito at nadagdagan ang pagkakunot ng kanyang noo.
"Miss Fernandez, walang lumilipad na ahas! At kung meron man ay baka gawa-gawa lang 'to ng imahinasyon mo!"
Napuno nang tawanan ang buong klase.
Mukha ba akong limang taong gulang na hindi p'wedeng paniwalaan sa mga sinasabi? Totoo naman kasi iyon, e.
"Pero ma'am ito po ka—" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin nang mapatingin ako sa sariling desk. Taka kong kinuha ang notebook at itinaas nang walang mahagilap na ahas do'n. Saan na nagpunta 'yon?
Napansin kong tumatawa sa gilid ko ang talong hari kaya doon dumapo ang mga mata ko. Biglang ipinakita ni Dave ang ahas na hawak-hawak. May tali ito at palihim nilang pinapakita sa 'kin. Anak sila nga manok na pula! Laruan lang pala 'yon!
Mga bwisit kayo!
"Miss Fernandez kung nagpapalusot ka lang naman, gawin mo namang makatotohanan. Kung ayaw mong makinig, lumabas ka na lang at do'n ka magsisigaw!" giit niya habang nakaturo ang hintuturo sa labas.
Napayuko ako dahil sa kahihiyang naidulot no'n sa kaluluwa kong halang. Kasalanan nila ito, e.
"Sorry po, ma'am."
"Take your seat, Miss Fernandez! Makinig ka kung ayaw mong bigyan kita ng detention slip!" Matapos no'n ay bumalik ulit siya sa pagtuturo.
Padabog akong naupo at pinupukol ng masamang tingin ang mga haring tawa nang tawa sa kani-kanilang upuan.
Hindi ba sila magsasawa sa mga ganito nila? Nakaiirita!
"Mabaog sana kayong tatlo, hayop kayo!" inis na giit ko pa.
"You're reaction is priceless!" tawang-tawa na sabi ni Dave. May kasama pa itong palakpak na para bang tuwang-tuwa sa nasaksihan.
Pinagkrus ko ang mga braso at itinuon ang atensyon sa harap, inis na lamang ako nakinig. Naaasar ako! Hindi ako makaganti! Kainis!
Halos wala akong maintindihan sa mga tinuturo ng mga guro dahil ang iingay ng mga katabi ko. Lahat 'ata nang pinag-usapan nila ay may kinalaman sa babae. Babae ganito! Babae ganyan! Kulang na lang maging babae silang lahat!
Ang inosente kong tenga ay nabahiran ng mga hindi kaaya-ayang impormasyon ng dahil sa kanila. Wala rin palang hindi pinapatos na babae! Mga babaero tatlong hari ng Leehinton dapat ang tawag sa kanila!
TANGHALIAN na at doon na ako kumain sa cafeteria. Nasa may pinakadulong mesa na ako nakaupo para kahit paano ay hindi ako maging aktraksyon ng mga taong kulang sa ire.
Nasa huling dalawang subo na ako ng kanin ng biglang lumipad ito patungo sa maganda kong mukha. Napapikit ako dahil tumama 'yong tinidor sa gilid ng mata ko.
Nyeta! Kamuntikan na akong mabulag kung hindi ko lang naipikit agad ang mata ko ah! Inis kong naihampas ang dalawang palad sa mesa at napatayo. Doon ko nasalubong ang nakakrus na braso ng isang babae at nakataas na kilay nito habang nakangisi sa akin.
'Nak ng teteng na lima! Mukhang cactus ang mukha niya!
"Inaano kita r'yan? Kumakain 'yong tao rito, namimerwisyo ka! Wala kang respeto, ha?"
"Ops, tao ka ba?" Nagtawanan ang tatlong babae sa likod niya. "And besides, why would I respect you ba? You're so pangit and eww. . . mahirap," maarteng aniya.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Sobrang ikli ng palda nito at fit na fit 'yong pang-itaas na uniporme. 'Yong unang butones nito ay nakabukas na naging dahilan para makita ang malusog at malaki nitong hinaharap.
Ganito ba dapat suotin ang school uniform ng Leehinton? Hindi ako na-inform. Hiyang-hiya naman 'yong hinaharap ko. 'Yong kanya ang lusog tapos iyong akin naman ay malnourish, ganoon?
Humakbang ako papunta sa kanya na may nakataas na kilay. Akala mo ikaw lang 'yong may kayang magpataas ng kilay ha? Pwes ako kaya ko rin.
"Bakit? May problema ka ba sa mga mahihirap? Pera lang ang lamang niyo sa 'min. Pera lang ang nagpapasaya sa inyo pero kaming mahihirap? Kahit maliit na bagay ay marunong kaming magbigay ng halaga!" Umirap lang siya sa 'kin. Hindi ko naman nilalahat na ganyan ang mga mayayaman. Sadyang sarap pektusan sa ngala-ngala lang itong babaeng 'to! Sinuri ko ulit siya mula ulo hanggang paa. "At ikaw? Tao ka rin ba? Akala ko kasi drawing book ng isang kinder garten." Sinabayan ko ang titig nito.
Akala mo magpapatalo ako sa 'yo ha! Pwes, nagkakamali ka nang binabangga mo. Hindi nagpapatalo ang mga magagandang katulad ko.
"Ohhh!"
"Lumalaban 'yong newbie kay Fiona oh! Pusta ako sa kanya. Mukhang palaban!"
Rinig kong sabi ng mga estudyanteng narito sa cafeteria. Biglang nagtumpukan ang lahat sa gawi namin. Ano 'to sine? Tapos ako 'yong bida at inaapi ako nitong kontrabidang mukhang cactus na ito? Excuse me, ang ganda ko naman yata masyado para maging artista.
Lumukot bigla ang mukha ng tinatawag nilang Fiona. Na saan na ba 'yong jowa nito? Si Shrek!
"Shut up!" Halos mapigtas ang litid niya sa sigaw niyang iyon sa lahat. Nanlilisik niyang inilibot ang tingin sa mga taong nasa cafeteria. Naitikom ng kahat ang bibig sa ginawa ng Fionang iyon. "Hmp!" Pinagkrus nito ang braso at inis akong tinapunan ng tingin bago pakendeng-kendeng na iniwan ako rito. Inirapan ako ng tatlo niyang kasama at sumunod na rin na may nakakrus na braso.
'Nak ng teteng na lima! Siya 'yong nagsimula, siya rin 'yong unang mapipikon. Isa-isang dumapo ang tingin ko sa kanila. Napangiwi ako dahil para silang mga bibeng hindi tinubuan ng balahibo. Nakalinya pa. Mga disiplinadong bibe!
Bumili na lang ako ng tubig pampawala ng stress. Baka pumangit pa ako nito, e. Matapos no'n ay umalis na ako sa cafeteria at nagtungo sa classroom namin. Hindi ko na lang pinansin ang mga wirdong tingin ngga kaklase ko.
Nyeta! Hindi tuloy ako nabusog ng dahil sa Fionang iyon. Padabog akong naupo at napaub-ob sa sariling desk. May kung ano akong naramdamang mainit na nanunuot sa balat ko pero hindi naman iyong gaanong masakit kaya pinanabayaan ko na lang.
Sinandal ko ang ulo sa dalawang brasong nakakrus sa ibabaw ng mesa ko at ginawang unan iyon. Naipilig ko lang ang ulo papuntang pinto nang sumalubong sa 'kin ang nakangising baklang Dave kasama sina Xavier at William na nakangisi na rin sa 'kin.
Napakunot ang noo ko. Parang hindi magandang pangitain 'yong ngisi nilang tatlo. Nag-apiran muna sila bago maupo sa tabi ko at ngingisi-ngising napatingin sa akin.
Akmang aalis na ako sa pagkakaub-ob dahil hindi maganda itong nararamdaman ko pero gumalaw rin ang buong desk ko sa ginawa kong iyon. Inulit ko pero sumabay lang 'yong desk ulit.
Biglang nagtawan ang tatlong hari kaya doon ko na napagtanto ang nangyayari sa 'kin. Iwinagayway ng baklang Dave na iyon ang isang plastic na maglalaman limang pirasong shoe glue sa ere at ngumisi.
Kunot-noo kong pinipilit ulit na alisin ang dalawang nakakakurs na braso sa ibabaw ng desk ko pero hindi ko iyon pagawa. Nakadikit na 'yong long sleeve na uniform ko sa mesa at hindi ko na talaga makuha pa. Buong braso! P*nyeta! Ano 'to? Kambal tuko kami ng mesang ito? Bwisit! Makikinig ako sa klase ng ganito ang posisyon?
Nagpupuyos sa galit kong tiningnan ang tatlong hari na pini-picture-an na ako. "Walanghiya kayo! Tulungan niyo ako rito!"
"Hahaha! Asa ka!" Tawa pa ni Xavier.
"You look good together with that table Diane," ngising asar sa akin ni William.
"Enjoy spending your time with your twin table," anang boses ng bwisit na Dave.
"Peste kang bakla ka! May araw ka rin sa 'kin! Ah! Alisin niyo 'to! Ano ba!"
Tinawanan lang ako ng lahat. Kaya pala! Ganoon 'yong ibig sabihin ng tingin nilang iyon! Anak ng teteng na lima! May madilim palang balak ang hari nila!
Paano ko maalis ang sarili sa table na 'to? Mga dimunyu! Makakaganti rin ako!
--
Astarfromabove★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top