CHAPTER 6
Chapter 6: Three kings
MAAGA akong nagising para tulungan si nanay sa mga ititinda niyang mga prutas at gulay sa palengke. Ang lahat ng 'yon ay 'galing sa mga pananim namin sa likod ng bahay. Mahirap man ay pilit pa ring kumakayod si nanay para sa aming dalawa.
Simula kasi noong mawala si tatay ng dahil sa sakit sa puso ay halos hindi ko na nakitang nagpahinga pa si nanay. Walang araw na nakaupo lang ito sa bahay, palagi talaga itong may ginagawa para lang may maibigay na baon ko sa pang-araw-araw.
Maswerte na lang ako dahil ipinasok ako noon ng taong tinulungan ni tatay bago siya atakihin sa puso. Kaya nakakapag-aral ako ngayon sa Leehinton at natatamasa ang magandang kalidad nang pagtuturo.
Napatitig ako kay nanay, payat na ito at makikita mo talaga problemado ito base na rin sa kanyang mukha. Alam kong nahihirapan na siya pero hindi niya iyon ipinapahalata sa akin.
Minsan naaawa na ako sa kanya kaya ang tangin ginagawa ko na lang ay 'yong pagbutihin ang pag-aaral. Hindi ako gaanong katalinuhan, sakto lang pero ginagawa ko ang lahat para hindi naman kahit paano bumaba ang mga grado ko.
Kahit na sinabi na noon na okay lang kahit mababa ang grado pero nakakahiya naman sa taong nagbabayad ng tuition ko.
Napatitig ako kay nanay at bigla siyang napatingin sa 'kin.
"Anak kaya ko na 'to, mag-ayos kana doon at baka ma-late ka pa!" Sabi niya habang nakapamewang pa.
Kaya mahal na mahal ko 'yang si nanay, e! Nasa kanya na yata ang katangian ng isang ina at wala na akong hihilingin pa. Napakaswerte ko at siya ang naging nanay ko.
"'Nay! Kahit 'di na ako mag-ayos, e maganda na po ako. Diba nga ikaw pa nagsabi sa 'kin no'n?" Sabay hawi ko pa ng buhok ko.
"Maghunos dili ka mga Day-day! Wala akong pinagsasabi na ganyan anak!" Parang gulat na gulat pa na sabi nito.
"Nay naman. e!" Kamot ulo kong saad. Matawa na lang kaming dalawa ni nanay at napagpasyahang ko nang maghanda papuntang eskwelahan.
-
SA KABUTIHANG palad ay maayos kong narating ang Leehinton University. S'yempre hindi na naman nawala iyong mga lasengero na nasa kanto. Nag-marathon na naman kaming lahat at hindi na naman sila nakahabol sa magandang tulad ko.
Patungo na ako sa classroom namin na may ngiti sa labi nang makarinig ng mga sigawan ng mga kababaehan.
"Kyaaaaaaahh!"
"Ang gwapo!"
"Ang hot nila!"
Nakunot ang noo sa mga narinig na tilian sa hindi kalayuan. May artista bang bumisita sa Leehinton? Bakit hindi ko alam?
Dulot nang pagtataka ay napalakad ako sa mga nagtutumpukang mga babae at tili nang tili na parang wala ng bukas.
"Aray, naman!" sigaw ko nang may tumapak sa paa ko.
Ramdam ko pa 'yong takong na namirwisyo sa maganda kong paa. Baka may mabali pang buto sa paa ko! 'Nak ng nanay mo! Kainis!
Napayuko ako para linisan ang sapatos kong napuno ng alikabok dahil sa mga paa ng mga malalanding babaeng 'to.
Ang aga-aga pa pero nangingitim na itong medyas ko dahil sa kanila!
Sa huli ay hindi ko nakita ang pinagkaguguluhan nila. Ulong may kuto lang 'yong nakita ko at mga lisa sa buhok ng mga babaeng ayaw mag-share ng blessing!
"Ang gwapo ng 3 Kings!"
"Correct girl!"
Napabusangot ako sa mga pinag-uusapan nila. Bakit ko ba nakalimutang iisa kami ng eskwelahan ng tatlong tuko na iyon?
Sila pala ang dahilan kung bakit tili nang tili ang mga babaeng pinaglihi sa mikropono! Napairap na lang ako.
Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa para mapunta na sa room namin. Naglalakad na ako patungo sa classroom nang marinig na tumunog ang cellphone kong de-keypad na nabuhay pa yata sa kapanahunan ng mga hapon. Agad ko itong inilaba sa sa bulsa ng palda at tiningnan kung sino 'yong nag-text.
Akala ko kung sino na, pero talk 'n text lang pala. Out of balance na raw ang sim card ko. Kailangan talaga ipamukha na wala na akong load, ha? Nakabubwisit naman, 'to!
Akala ko secret admirer ko na 'yong nagte-text, e. Binibigyan lang ako ng sama ng loob ng tnt na ito! 'Nyeta!
Akma ko na sanang ilalagay sa bulsa ang cellphone ko ngunit hindi ko na iyon nagawa pa. Nanlalaking mata akong napasigaw dahil hindi ko naman inaasahan ang mangyayari.
Parang tumigil bigla ang mundo at pinagkait sa 'kin ang oras. P*nyeta! Ang salitang swerte ay wala yata sa 'kin ngayong araw. Na-delay yata ang pagbyahe niya papunta sa 'kin, nag-substitute na si malas. Kainis!
Napapikit na lamang ako at nangibabaw sa tahimik na hallway ang kalabog nang pangmalakasan pagbagsak ko.
Walang bato sa daanan ko o kahit anong bagay pero tao mayro'n! Taong bakla!
Pinatid ako ng baklang walang'ya na nagngangalang Dave Kendrick na may apelyidong Lee! At sa likod nito'y mga kaibigan niyang nakainom ng panis na sabaw habang naghahagalpakan sa tawa.
Nakitawa na rin ang mga estudyanteng nakasaksi sa ginawa sa 'kin ng gunggong na Dave na 'to. Nagbi-video pa ang iba imbis na tulungan ako rito. Napaisip ako, sino nga ba 'yong tutulong sa 'kin rito?
Napakamatapobre ng mga pag-uugali ng mga tao rito. Hindi ko sila bina-bash, ha, ganoon kasi ang karamihan dito. Kung meron mang mabuting kalooban na nahulog mula sa langit at madapa sa mismong harap ko, magpapasalamat ako kung tutulong siya sa 'kin. Pero ano? Wala! Masakit kaya umasa, ano!
"P*nyeta kang baklang Davenchi ka!" inis akong napasigaw habang nakasadlak pa rin sa sahig. Mas lalong nagtawanan ang lahat. Iprito ko 'yang mga dila nilang lahat, e.
Padabog akong tumayo at sinamaan ng tingin ang may-ari ng paang pumatid sa 'kin. Kahit gwapo siya, hinding-hindi ko siya uurungan! Nanginang lalaking, 'to!
"Bakla! Bakit mo ko pinatid, ha? Kung ikaw kaya 'yong gawin kong panglampaso sa sahig? Sasaya ka ha? Ha?" Halos umusok ang ilong ko habang pinanlalakihan siya mata.
Tawang-tawa pa rin ang dalawang kasama nito. Nangunot ang noo ko noong una nang makilala ang mukha ng isang kasama niya.
Napabaling ang tingin ko kay William. Bwisit! Akala ko talaga mabait, 'yon pala makikitawa rin sa pinaggagagwa ng kaibigan niya sa 'kin! Baho ng puwet!
"Stop calling me that! Kasalanan ko bang nakaharang ka sa daanan ko?" sagot nito at pinakrus ang mga braso.
Nakaharang? Ako pa 'yong nakaharang? Ang luwag-luwag ng daanan tapos ako pa 'yong nakaharang? Wrong send yata ang utak nito!
"Ang laki ng daanan, oh! At hindi ako nakaharang dahil dumaan lang naman ako! Ikaw 'yong nananadyang mamatid, e!" sigaw ko sa mukha nito.
Halos lumabas na yata ngala-ngala ko kakasigaw. Nakaka-stress ang baklang 'to!
"Nakita mo bang pinatid kita? Kung oo, e 'di sana nag-sorry na ako," nakataas na kilay na aniya. Saglit akong napatigil sa tanong niyang iyon.
"H-hindi! Pero alam kong ikaw 'yon! At alam ko rin may masama kang balak sa 'kin!" pilit ko pa.
"Look at that, girl, ilusyonada!"
"Baka siya 'yong may masamang balak kay Dave!"
"Sinabi mo pa! Hindi katiwa-tiwala 'yang pangit niyang mukha."
Napairap ako sa mga narinig. Ako? Ilusyonada? Baka kayo! May masama naman talaga balak palagi sa 'kin ang nanginang lalaking 'to.
Tinawanan lang ako ng lahat na parang isang wirdong nagsasalita sa kawalan. Hindi na ako pinansin Dave na 'yon dahil nagtatawanan na sila ng mga kaibigan niya.
Inis ko na lamang pinulot ang bag ko at mga libro at napagpasyahang pumasok na sa loob ng room namin.
Ilang minuto lang ay nagsipasukan na ang mga kaklase ko. Pinagtitinginan nila akong lahat at natatawa pa. Nagbubulong-bulungan din ang iba kaya napairap na naman ako.
Mukha ba akong clown at pagtingin pa lang ay tawang-tawa na agad? Pagtatahiin ko 'yang mga bibig nila, e!
Hindi ko na lang sila pinansin dahil kapag pinatulan ko 'yon at kung sakaling mapikon ako ay bibigyan ko talaga sila ng magkabilaang black eye.
Hindi lang ako mabilis tumakbo, marunong din akong manuntok kapag nagkagipitan, may kasama pang tuhod 'yan.
Nagsimula na ang klase ni Miss Miranda at hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil sa tatlong nagkukwentuhan na parang ilang dekadang hindi nagkita-kita.
"Saan tayo mamaya?" tanong ni Dave sa dalawa.
"Dating gawi, bro!" sabay tawa ni Xavier
"Pass muna ako riyan mga bro, may family dinner kami mamaya. Tsk. Kailangan kong magdala ng girlfriend para hindi ako ma-out of place," sabat naman ni William.
"Marami ka namang girlfriend, bro. Pili ka lang!" mahinang natawa si Dave.
Nakakairita na sila, hindi man lang natatakot kay Ma'am Miranda. Ang lakas nang usapan nila pero parang walang naririnig si ma'am, e, no'ng ako nga na kahit ang kasing hina na nga utot ko rinig pa rin ni ma'am.
Kapag sila, bingi, gano'n? Tapos pagdating sa 'kin kasing talas ng pandinig ng leon? Sarap mong kurutin sa gilagid, ma'am! Alam mo ba?
Padabog kong nilapag sa desk ang notebook at ballpen saka nilingon silang tatlo na todo kwentuhan pa rin.
"Tumigil nga kayo sa kakadada riyan! Nakakadistorbo kayo! Kung ayaw niyong makinig pwes ako gusto ko!" bulong ko habang gigil na gigil sa kanilang tatlo.
Pero wrong move yata at narinig pa ako ni ma'am kaya ayon special mention naman ang lola niyong sobrang ganda. Kita niyo na?
Kapag ako, distorbo! E, 'yong tatlong hari, ano? Blessing? Nanginang 'yan!
Sinamaan ko lang ng tingin ang tatlong hari. Tinawanan ako ng dalawa at habang nginisian lang ako ng baklang katabi ko. Sarap bitinin patiwarik!
Mabuti na lang at hindi ako pinadiretso sa principal's office dahil baka mapanot na ng tuluyan ang principal namin dahil ginawa ko nang pasyalan ang office niya.
--
Astarfromabove★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top