CHAPTER 5
Chapter 5: Shoes
BUMALIK ulit ako sa library para tingnan ang estado ng lalaking iyon. Ano kaya ang itsura niya ngayon? Pagod na pagod siguro kalilinis lahat ng mga libro? Buti nga sa kaniya! Magpawis siya hanggang maubos lahat ng tubig sa katawan niya! Nakaiinis ang taong iyon!
Napangisi ako sa naisip. May mga estudyante pang nakatingin sa akin dahil sa ginagawa ko. Siguro ang nasa isip nila'y may baliw na nakapasok sa Leehinton. Baliw sa kagandahan kamo.
Ngingisi-ngisi akong lumapit at napasilip sa may bintana ng marating ang library, ngunit nawala iyon na parang bula at napalitan nang nakalukot na mukha.
Ang haring 'yon ay prenteng nakaupo lang sa isang sulok, subo-subo ang isang lollipop habang nagse-cellphone. Napadako ang tingin ko sa mga nakahelerang bookshelf at halos may mas ikalulukot pa ang mukha ko dahil ang mga gumagawa nang parusa niya ay ang mga babae rito ng Leehinton!
P*nyetang lalaking 'yon! Nagpapakasarap siya sa buhay samantalang nagpapakapagod 'yong mga nauto niyang babae? Sa inis ko ay padabog akong napapasok sa entrada ng library. Gumawa iyon ng ingay kaya napatingin sa akin ang lahat ng nasa loob.
Ngunit hindi iyon naging dahilan para maalis ang tingin ni Dave sa cellphone niya. Patuloy pa rin ito sa kapipindot sa screen, tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid.
Ang sarap niyang tadyakan sa hotdog niya! Para naman madala! May pasungit-sungit pang nalalaman noong nabangga ko noon. Akala mo kapitag-pitagan, kagalang-galangang anak ng nanay niya! Kabaliktaran naman pala! Bwisit!
Napalingon ako kung saan nakaupo palagi ang librarian pero wala akong mahagilap kahit anino niya. Kaya pala ang lakas ng loob ipasa ang parusa niya sa mga babaeng uto-uto na 'to!
Sa inis ko ay hinubad ko ang isang sapatos at walang pag-aalinlangang ibinato iyon sa direksiyon niya.
Hindi ko alam kung nakikiayon nga ba talaga sa akin ang tadhana ngayon dahil nasapol siya ng sapatos ko.
"What the f*ck?" gulat na sigaw nito na may halong inis. Napatayo pa ito at nabitawan ang cellphone na ayaw pakawalan.
Sapul sa mukha.
Napayuko siya at tiningnan ang sapatos saka lumingon sa direksyon ko. Agad ko siya nginisihan para mas lalong asarin. Buti nga!
Lukot ang mukha nitong kinuha ang cellphone na nakasadlak na sa sahig saka mabibigat na paang nagmartsa siyang papunta sa akin, hawak-hawak ang sapatos ko sa kabipang kamay at sa kabila naman ay cellphone nito.
"You did that?" hindi makapaniwalang aniya.
Tinuro ko ang sarili at kunwaring gulat sa sinabi. "Ha? Alin? Wala akong ginagawa ah, kararating ko lang, e."
"Alam kong ikaw ang gumawa no'n. Hinding-hindi nila gagawin 'yon." Tinuro niya ang mga babaeng naglilinis.
Alam niya naman pala, bakit pa ako tatanungin? Saan utak nito? Sa hotdog niya? Lakas naman ng apog nito sa sarili. Napaismid ako sa sinabi niyang iyon.
"E, ano naman kung ako? Ikaw dapat ang naglilinis niyan at hindi sila! Napakatamad mo! Akin na nga 'yan!" Inagaw ko ang sapatos kong nasa kaliwang kamay niya pero mabilis lang nitong iniwas ang kamay para hindi ko maabot. Nahihilo na ako kakahabol no'n dahil pinapaikot-ikot nito sa dalawa niyang kamay. "Ano ba! Ibigay mo nga 'yan!" Sa inis ko ay inapakan ko ang paa nito. Ano na naman bang kalokohan ito? Bakit ko pa kasi binato 'yong sapatos ko sa kanya?! Peste!
"Aray! Bakit ka nang-aapak? Walang ganyanan." Akala ko ay maiinis ito pero mas lalo lamang itong ngumisi sa akin.
Nang-aasar ba siya? Letseng lalaking ito! Ako 'yong na-aasar sa kanya, imbis na siya ang maasar sa ginawa ko. Ang bilis naman ng karma kong ito.
"Akin na kasi 'yan!"
"E di kunin mo."
"Huwag mong itaas! Hindi ko abot!" reklamo ko na ikinangisi niya lalo.
"Kasalanan ko bang pandak ka?"
"Isa! Akin na 'yan!"
"Dalawa? Ayoko."
Nalukot ng husto ang mukha ko dahil dinugtungan pa nito ang pagbibilang ko. Bibinggo na talaga sa akun 'to.
Patuloy lang ako sa pagkuha Ng sapatos ko pero hindi ko pa rin mabawi-bawi sa kanya hanggang sa magsimula na ang klase namin.
Pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante kanina dahil maglalakad akong walang isang sapatos patungo sa room. E di kayo na ang may dalawang sapatos na suot! Kasalanan 'to ng hari ni'yong mukhang pwet!
"Akin na 'yan," bulong ko kay Dave pero parang hindi ako nito naririnig.
Ayoko namang lakasan dahil baka bigla namang sa detention room ang bagsak ko. Ngingisi-ngisi ang dalawa nitong katabi at pinakita ang sapatos kong may maliit na lubid. P*nyeta! Binababoy nila ang mahal na mahal kong sapatos!
"Make your voice too loud and you're dead." Kunwaring hiniwa niya ang leeg gamit ang hintuturo saka ngumisi.
Pigil ang inis ko sa kanya at lihim na pinapatay sa isip. Nanginang haring 'to! Makuha ko lang talaga ang sapatos kong 'yan ay ipapakain ko sa kanya ang medyas kong nangingitim na sa dumi.
"Isusumbong talaga kita kay ma'am kapag hindi mo binigay 'yan," pagbabanta ko.
"Ow? Really? Go ahead and tell her. Let's see if she will believe you." Ngumisi ito at nakipag-apir-an sa katabi na dalawang hari.
Ang sarap nilang sakmalin sa pwet! Kainis! Sa susunod talaga ay magdadala ako ng aso para hindi nila ako malapitan at magawan ng kalokohan! Kaso, naalala ko, bawal pala ang pets rito sa school.
Napabusangot na lang ako! Nangangati na 'yong kamay ko na pagsusuntukin at pag-untugin ang tatlong hari na 'to! Matapos lang talaga ang klase, lagot silang tatlo sa akin.
"Ma'am si Diane hindi nakikinig. Ang daldal, hindi ako makapag-focus sa klase mo, ma'am!" Nanlaki bigla ang mata ko sa sinigaw ni Dave.
'Nginang lalaki 'to. Mukha na ngang paa, sinungaling pa!
"Ma'am! Hindi 'yan totoo, ma'am!" despensa ko sabay tayo.
Agad na namewang ang guro at tinaasan ako ng kilay. "And why are you shouting at me, Ms. Fernandez?"
"Hindi po ako sumisigaw, ma'am. . ." mahinahon kong sabi. "Hindi po totoo 'yong sinasabi nitong si Dave, ma'am!"
"Kung hindi totoo, then prove it to me. Answer the problem on the board!"
Napalunok ako bigla. P*nyetang dilaw! Mathematics 'yan! Hindi ko alam kung paano i-solve 'to! Hindi ako nakikinig malamang!
"Kasalanan mo 'to!" gigil kong bulong kay Dave pero nginisihan lang ako.
"Miss Fernandez? Why are you still standing there? Go to the board and answer the problem!" ulit ni ma'am.
"Ano kasi, ma'am. . . " Nag-isip ako ng dahilan para hindi matuloy ang pagsagot ko sa board. "Masakit po kasi ang tiyan ko, gusto ko na pong mag-cr." Kapagkuwa'y napahawak ako sa tyan at ngumiwi.
Mas lalong lumukot ang mukha ni ma'am sa akin.Tinitigan niya ako nang mabuti kaya mas inigihan ko ang pag-arte.
Tinaasan niya ako ng kilay ngunit sa huli pumayag din. Takot lang niya na rito ako magkalat ng grasya sa loob ng room niya.
"Okay! You may go." Tumalikod na siya at nagtawag ulit ng bagong sasagot sa board.
Napangisi ako matapos na lingunin ang nakabusangot na hari. Dinilaan ko siya. Akala mo, ha. Pwes, naisahan kita.
Akma na sana akong maglalakad pero napatigil iyon nang may mapagpanto ako.
Peste!
Napatingin ako sa isa kong paa na walang sapatos.Maglalakad ako papalabas ng walang pares na sapatos? Bakit ba ganoon ang palusot ko kay ma'am? Hindi ko man lang naisip na wala pala ang isang pares ng sapatos ko! Nasapo ko ang noo. Ang talino mo, Day-Day!
Napasulyap ako kay Dave at tinaas nito ang sapatos ko. Ngisihan niya ako. Ang sarap burahin ng ngisi niyang iyan. Humanda ka lang talaga sa akin!
Inismiran ko siya at nagpatuloy na lang naglakad palabas ng room. Hindi pa rin nawawala ang ngisi nila at nakuha pang magbulong-bulungan ni Dave sa dalawa habang nakatingin sa direksyon ko.
Hindi ko rinig ang pinag-uusapan nila at tanging mga tango at tawanan lang nila ang naiintindihan ko. Inirapan ko sila isa-isa. Ano na naman kaya ang laman ng usapan nilang iyon? Malamang sa malamang ay kalokohan na naman.
Kailangan kong ihanda ang sarili dahil baka kung ano na namang mga kabulastugan ang nasiip nilang tatlo.
Parang noong umulan ng kalokohan sa mundo ay salo nilang tatlo. Na overdose lang ang lider nilang puno ng hangin ang utak. Pesteng Dave! Tinakasan na yata ng pag-unawa sa kapwa. Sarap pektusan.
Pumasok na lamang ako sa cr at ginawa ang dapat gawin. Maglilibot-libot muna ako sa buong campus. Ayoko ng pumasok. Nakawawalang gana ang pagmumukha ng tatlong hari.
Nang pagsawaan ko ang pagliwaliw ay bumalik na ako sa room. Saktong-sakto dahil uwian na. Lumapad ang ngisi sa labi ko ng isa-isa nang lumabas ang mga kaklase ko.
Hindi ko na rin nakita ang tatlong hari dahil parang wala naman sila roon. Baka nag-cutting dun katulad ng ginawa ko? O sadyang nauna lang sila lumabas ng room. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang isiping iyon. Wala akong pakialam sa kanila.
Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng room ngunit bigla akong bumagsak sa malaporselanang sahig ng Leehinton.
Kagaya ng mga nababasa ko sa wattpad ay hindi ito nag-slow motion. Hindi tumigil ang oras at walang sasalo sa aking prinsepe. Nangina!
Sobrang bilis ng pagbulusok ko sa sahig at kasunod ko na lamang na naramdaman ang paghalik ng mukha ko roon ng wala sa oras.
Napahawak ako sa maganda kong ilong. Ang sakit!
Inis kong binato ng tingin ang nagtatawanan sa gilid ng pinto. Nakipag-high five pa ang mga ito tila masayang-masaya sa nakikita.
"Mukhang nagasgasan ang sapatos ko, ah?" kapagkuwa'y pinunasan iyon ni Dave. "May napatid kasing drum truck sa daan." Humalakhak siya paglatapos at nang-aasar na siniringan ako ng tingin.
Nanlukot ang mukha ko at handa nang makipagbakbakan sa Dave na ito. Ako ba ang sinasabihan nitong drum truck? Aba gago 'to, ah! E, ano siya sa tingin niya?
Tumayo ako at hindi na pinagkaabalahan pang pagpagan ang sarili at buong lakas na binato patungo sa dikersyon ni Dave ang bag ko.
"Mas okay ng drum truck kaysa naman magmukhang gulong!" Ginaya ko ang paraan nito nang paghalakhak kanina kaya napalukot ang noo nito.
Nakita ko lang nagpigil ng tawa ang dalawa niyang bestfriend sa kaniyang likuran at pasimple sumipol.
Asar talo! Siya itong nanguna pero siya rin pala 'yong unang maaasar. Ngisi-ngisi ko siyang inirapan kaya inis niyang binato sa akin ang bag ko na nasalo ko naman ng walang kahirap-hirap.
Akala ko noong una ay aalis na siya dahil nagsimula na itong maglakad pero huminto ito sa harapan ko. Dahil sa malatore nitong taas ay napatingala ako ng wala sa oras.
Ang kaninang inis na nakapinta sa kaniyang mukha ay bigla na lamang nawala na parang bula. Ang buong ekspresyon nito ay naging seryoso na animo'y isang kapitag-pitagang tao.
Napalunok na lamang ako nang magsimula itong humakbang papalapit sa akin na hindi pa rin ikinakalas ang seryoso nitong mga tingin.
Kasabay nang pagkurap ng talukap ng aking mga ay ang pag-atras ko ng ilang ulit, hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng llikuran sa pader ng classroom namin.
Hindi ko alam pero awtomatikong napadako ang tingin ko sa mapupula nitong labi. Bigla na lamang ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam.
Ay, gaga ka,Diane, huwag mong pagnasahan ang pangit na kulangot na ito!
Naputol ang iniisip ko at pakikipagtalo sa sarili nang hawakan ako nito sa balikat. Nanlaki nang husto ang mata ko sa kaniyang ginawa na hindi ko inasahan.
Mukhang maduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Isang maling galaw ko lang ay baka magdampi ang mga labi naming dalawa.
Syet! Ano 'to? Mala-wattpad lang? Hahalikan noya ba ako? Aamin ba siya sa akin?
Kung sa bagay, maganda ako kaya hindi na iyon bago sa akin. Hindi ako nagmamaganda dahil tunay akong maganda!
"Ang pangit mo pala talaga," biglang aniya at umismid sabay layo sa akin.
Napanganga ako sa narinig. Akala ko ba aamin siya sa akin?
"Hindi mo sasabihing mahal mo na ako? Na manliligaw ka na? Hindi mo ako hahalikan?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Napatigil soya sa akmang paglalakad at tumingin sa akin na may nandidiring ekspresyon. Sinuri niya muna ako mula ulo hanggang paa at natawa.
Aba't!
"You? Hahalikan ko? In your wildest dream. Magpapalibing na lang ako ng buhay kung sakali mang magustuhan kita. You're not my type, dream on," tatawa-tawang aniya. "Let's go, dudes. I'll invite my girls tonight. Punya kayo sa bahay," pag-aaya niya sa mga kaibigan niya na kanina pa pala nagsisitawanan habang pinapanood ang video sa cellphone nila.
"Hindi mo sasabihing mahal mo na ako? Na manliligaw ka na? Hindi mo ako hahalikan?"
Aba't! Mga bwisit! Ni-record pa talaga nila 'yan at pinapaulit-ulit na pinapanood ha?
"Nice!" ani Xavier ay nakipag-apir-an kay William.
"E-delete ninyo 'yan!" inis kong utos at pilit na inagaw sa dalawa ang cellphone, ngunit pinagpapasa-pasaha lang nila iyon kaya hindi ko makuha-kuha.
Nagtawanan lang sila, parang wala nang narinig at nilampasan na lang ako. Inis akong napapadyak sa semento dahil hindi ko naagaw agad ang cellphone sa kanila!
---
Astarfromabove★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top