CHAPTER 4

Chapter 4: Cleaning the Library



BUGNOT kong binabalik sa kani-kanilang lagayan ang mga librong napunasan na. Halos mahatsing na ako sa mga nagliliparang alikabok tuwung nilalabas amg bawat libro sa shelf. Kailan pa ba 'to matatapos? Kanina pa ako rito naglilinis pero parang hindi naman nauubos itong mga libro.

Inis kong tinapunan ng tingin ang bakulaw na nakaupo lang sa sahig. Prenteng nakadantay ang dalawang paa nito sa kabilang shelf at parang haring nagsi-cellphone lang.

Kaming dalawa ang pinarusahan tapos ako ang magdudusa? Anak ng teteng na lima naman, oh!

Namewang ako at lukot ang mukhang hinarap si Dave.

"Napakagaan naman ng buhay mo r'yan haring Dave, ano? Ako rito ang nagpapakahirap tapos ikaw, nagpapakasarap sa buhay? Napakagaling!" sarkastiko kong puna at pumalakpak.

Parang hangin lang ako sa kaniya at hindi man lang punagtuunan ng pansin. Sa pagkakaalam ko ay malakas ang pagkasasabi ko no'n pero hindi yata narinig dahil pinagpatuloy niya lang ang kapipindot sa cellphone niyang mamahalin.

Inis akong napahilamos sa mukha at padabog kong  binaba ang mga librong hindi pa napupunasan at sinasadyang doon patungo sa direksyon ng bakulaw ang pagpunas ko sa alikabok.

Tingnan natin! Uupo ka lang diyan, ha? P'wes langhapin mo lahat ng alikabok patungo sa 'yo.

Ngumisi ako nang humatching ito pero agad 'yon nawala  nang makitang pinagpatuloy lang nito ang paglalaro. Ginawa niyang pantakip sa ilong ang uniform na hindi pa rin sinusuot.

Aba't! Ang kapal din ng mukha ng lalaking 'to. Siya 'yong may kasalanan kung bakit kami pinapalinis dito tapos ako lahat 'yong gagawa ng parusa? Sampung book shelf pa ang kailangan naming linisan! Sampu!

Humanda ka talaga sa 'kin. Inis kong kinuha ang bangko at nilagay iyon sa unahan niya.  Padabog akong pumatong  ro'n para kumuha ng mga libro sa taas at sinadyang ihulog papunta sa kanya.

"What the hell?!" bulalas niya. "Sh*t ang sakit," daing nito matapos malaglagan ng libro sa ulo. Doon na niya nabitawan ang cellphone at napunta ang atensyon  sa 'kin. Nakahawak ang isa nitong kamay sa parte ng ulo niya kung saan tumama ang libro.

Napababa ang tingin ko at kunwaring nagtakip ng bibig. "Opps! Sorry. Ang bigat kasi kaya nalaglag. Hindi nakayanan ng kamay ko. Masakit ba?" inosenteng wika ko na nagpataas sa kilay nito.

"Nananadya ka ba, ha?" Tumayo ito na may nangungunot na noo pero hindi niya mapantayan ang taas ko dahil nakatungtong ako sa bangko. Hanggang bewang ko na lang siya ngayon at nakatingala sa akin.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili. "Nananadya? Hindi, ah! Aksidente lang ang nangyari. Nakalimutan ko kasing and'yan ka pala," maang-maangan ko pa.

"Aksidente? Nananadya ka talaga, e," pagpupumulit niya pa. Asar niya akong tiningnan. Gusto kong matawa pero hindi dapat.

"Oh,e di ikaw na lang magsalita, ako ang maniniwala!" pabalang kong kontra sabay irap.

"Aish!" Inis siyang umalis sa harap ko at hinanap ang nabitawang cellphone. Ginulo nito ang buhok niyang pugad lawin at kulang na lang ang mga inakay saka pinulot ang cellphone nang makita ito at mas lalo niya lamang ginulo ang buhok. Tila may masamang balitamgnakita sa cellphine niya. Pinukol noya ako nang masamang tingin. "Talo! Kasalan mo 'to!" paninisi niya.

Tinuro ko ulit ang sarili at nagkunwaring nagulat. P'wes ako naman ngayon ang mang-aasar sa 'yo.

"Ako? Kasalanan ko?" Pinigilan kong matawa dahil sa pagmumukha niya. Pilit kong pinainosente ang tono para lalo siyang mabwisit.

Umirap siya sa akin. "Hindi, 'yong libro!" inis na aniya. Sinuksok niya na ang cellphone sa bulsa at padabog na kinuha ang basahan at sinimulang magpunas ng mga libro.

Napatalikod ako at ngumisi. 'Yon lang naman pala, aasarin para maging masipag. Isang bagsak lang pala ng libro ang kailangan para kumilos. Bakit hindi ko naisip agad 'yon?

May ngiting tagumpay kong pinagkukuha ang mga libro at maayos na nilalagay iyon pabalik matapos na mapunasan. Nasa huling helera na kami ng libro at ako 'yong nagkukuha at nagbabalik, si Dave 'yong nagpupunas na labag pa yata sa kalooban niya pero mas okay ng ti utulungan niya ako kaysa naman sa wala.

"Bilisan mo nga! Ang bagal-bagal mo. Tapos ko nang punasan 'to," inis na usal niya.

Napatigil ako sa pagtingkayad para maabot 'yong pinakadulong libro sa ibabaw at napatingin sa kanya. "Ikaw kaya rito ang magkuha at bumalik, ako ang magpupunas d'yan?! Kanina ka pa, e. Nakakarindi 'yang boses mo!"

"Maraming babaeng nagkakandarapa para lang marinig ang boses ko," preskong aniya na nagpakunot ng noo ko.

'Nyeta! Ang lakas talaga ng buhawing umiikot sa utak nito. Pare-pareho talaga silang ng dalawa niyang bestfriend. Ang titindi ng hangin sa utak!

"Puwes, hindi ako isa sa mga nagkakandarapang babaeng 'yon! Sa ganda kong 'to—" pinutol niya ang sinasabi ko.

"Maganda ka ba?" Umakto siyang nasusuka sa sinabi kaya agad akong kumuha ng libro at ibinato sa direksyon niya. Nakaiwas naman siya na ginawa kong iyon pero ako yata 'yong hindi makakaiwas sa mangyayari sa 'kin.

Mali yata ang ginawa kong iyon. Bigla-bigla na lang gumewang-gewang ang bangkong pinapatungan ko kaya nawalan ako ng balanse.

Napaangat siya ng tingin sa 'kin at sabay na nanlaki ang mata naming dalawa. Naisip ko sanang ipagaspas ang kamay kaso wala pala akong pakpak at hindi ako ibon! 'Nak ng teteng na lima!

Naipikit ko na lang ang mata habang bumabagsak ang maganda't sexy kong katawan. Nai-imagine kong may sasalong prince charming sa akin tapos maghahalikan kami at—

"Ah! Arayyy!" napasigaw ako sa sakit nang humalik ako sa mamahaling sahig ng Leehinton library.

Akala ko ay mala-wattpad na ang datingan na tipong sasaluhin ako ng isang lalaki at magkakalapit ang mga mukha naming dalawa at maghahalikan, pero, p*nyeta, malandi lang pala ang isip ko! Hindi nangyari 'yon!

Napaupo ako sa sahig at nakatingalang tiningnan ang nakatayong bakulaw. "Bakit hindi mo ako sinalo? 'Yon dapat ang gagawin mo!" singhal ko.

Napayuko ito ng bahagya. Nangunot ang noo ni Dave sa sinabi ko. "Bakit kita sasaluhin? Obligasyon ko ba 'yon? Ano mo ako? Superhero? Asa ka namang sasagipin kita kung sakaling maging superhero ako," natatawang aniya.

Inis kong dinampot ang isang libro na hindi kakapalan at hinagis sa kaniya pero umilag lang ito. Mas lalo akong nainis.

"Mabuti na nga lang at hindi ka naging superhero, dahil baka kapag nagkataon, mga babaeng may  malalaking dibdib lang 'yong sasagipin mo! Bwisit kang bakulaw ka!"  Binato ko siya ulit ngunit hindi na libro kung hindi ay isang basahan na at saktong sa mukha nito tumama. Nagmarka sa mukha nito ang  mga alikabok na manggaling sa libro.

Tatawa na sana ako ng malakas ng biglang sumulpot ang librarian kaya dali-dali akong nagpulot ng libro at niligpit ito.

"Mr. Lee! Bakit si Ms. Fernandez lang 'yong pinapalinis mo ng libro?" nakapamewang aniya. Lihim akong napangisi habang nakatalikod.

"What? Tumutulong ako, ma'am!" pakinig kong depensa ni Dave sa librarian.

"Tinatasan mo ako ng boses, Mr. Lee?" masungit na giit ng librarian.

"No, ma'am. I'm just saying that—"

"Nakita ng dalawa kong mata na hindi ka tumutulong. Dadagdagan kita ng dalawamg oras para rito. Ms. Fernandez, p'wede ka ng umalis, si Mr. Lee na ang bahala d'yan."

Halos mapatalon ako sa tuwa ng marinig iyon at hindi ko mapigilang mapangisi. Lihim kong inaasar si Dave at halos patayin na ako nito sa masama niyang tingin.

Mabilis kong binitiwan ang libro at pinagpag ang mga alikabok na kumapit sa uniporme ko.

"Opo, ma'am!" masayang sagot ko. Lihim kong binelatan si Dave na inis na inis na ngayon.

Ano, ha? Ipakita mo 'yong bastos mong pag-uugali sa librarian natin. Tingnan natin kung tatalab ang masama mong kaluluwa r'yan.

Palihim akong tumawa. Maglilinis ng mga libro ang anak ng may ari ng eskwelahang ito. Bait na bata, ah?

Nang mawala ang librarian sa harap namin ay akma na niya sana akong babatuhin ng basahang hawak pero mabilis lamang akong tumakbo.

Umalis na ako sa library dahil baka hagisan ako ng buong book shelf kapag tuluyan kong nagalit ang lalaking 'yon. Kulang na lang ay kainin ako nito ng buhay sa harap ng librarian.Mukhang mas masungit pa yata 'yong librarian kaysa kay Ma'am Miranda kaya siguro hindi makareklamo 'yong bakulaw na 'yon. Buti nga sa kaniya!

Pero, nakakaasar talaga! Bakit hindi niya ako sinalo kanina? Nasa unahan niya na ako, e. Ilalahad niya na lang 'yong kamay niya para hindi ako bumagsak!

Bugnot akong naglakad patungo sa cafeteria dahil parang nagutom yata ako sa pagbagsak ko sa sahig ng library. Biglamg lumipada yata amg kaluluwa ko papuntang empyerno at ganito na lang nag-iinit ang ulo ko.

Liliko na sana ako kaso nakarinig ako ng pag-uusap ng mga kababaihan na nagpatigil sa 'kin sa paglalakad.  Naidikit ko ang likod sa pader at napasandal na lang. Hindi ko gaanong naririnig pero parang may kung ano sa loob ko na manatili rito. Hindi ko na sana papansin 'yon pero narinig ko 'yong maganda kong pangalan. Chismosa ako sa part na 'to kaya huwag tularan.

Sisilipin ko na sana ang mga taong 'yon pero bigla ko na lang narinig na pahina nang pahina ang mga boses nito. Susundan ko pa sana kaso hindi ko na makita kung saan silang direksyon napunta.

Napakunot ang noo ko. Bakit ba nila ako pinag-uusapan? Ganoon na ba dapat kapag magandang dalaga? Laman ng chismis?

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang narinig at tumuloy sa pakay ko.

Ngunit bigla na lamang akong napahinto nang maaninaw sa 'di kalayuan si Xavier na tinatakbuhan ang isang babae.

Nagpalinga-linga ang hari na parang naghahanap ng matataguan ngunit wala itong makita. Muntik na akong mapahagalpak sa tawa nang tumingala ito.

Huwag mong sabihing aakyat siya r'yan? Bibigyan ko talaga siya ng pinalobong condom kapag nagkataon.

Nalaglag ang panga ko nang umangkat nga siya sa puno ng langka. Halos mapahagalpak ako sa tawa at nag-abang nang mangyayari sa kaniya.

Doon ko rin napansin ang isang babaeng sobrang ikli ng buhok. Parang lalaki ang gupit ng buhok niya pero nababagay iyon sa kaniya. Ang ganda niya kahit sa malayuan! Sana all naman!

Iba talaga ang kapag mayaman, naaalagaan mo ng husto ang kutis at mukha mo. Gusto ko rin naman sana ng ganoon, iyong mga pampaganda, skin care, pero wala akong pera.

Pansin kong nagpalinga-linga ang babae at napakamot sa ulo nang hindi niya na makita ang hinahabol na hari. Hindi na bago sa akin ang sitwasiyong iyan ni Xavier.

Palaging may naghahabol sa kaniyang mga kababaihan, minsan, grab the opportunity agad pero minsan mapili rin ang tukneneng na iyan. Chick magnet ang loko-loko. Sana ma-magnet niya rin ang salitang pagseseryoso.

Napailing ako, balang-araw, makahahanap ka rin ng katapat mo, Xavier. Tatawanan talaga kita kapag nagkatotoo ang sinasabi kong 'to. Itaga pa sa tae ng kalabaw.








---
Astarfromabove★

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top