CHAPTER 3

Chapter 3: Library


LUMIPAS ang mga araw at palagi na lang kaming napapatawag sa principal's office dahil sa kagagawan ng baklang bwisit na pinaglihi sa kulangot na mamasa-masa pa ang Dave na iyon.

Halos kada subject yata sa buong araw ay palaging may napapalabas sa aming dalawa, puwedeng ako, puwede rin siya, minsan kami talagang dalawa o hindi kaya'y may umiiyak na teacher dahil hindi na kami kayang dalawa. Kulang na lang ay isumpa  kami ng mga guro kapag nakikita nila kaming present sa kanilang klase.

Minsan ay pinaghihiwalay kami ng upuan ngunit hindi pa rin iyon  mapipigilan ang lagablab ng inis ko sa kaniyang tuwing may ginagawang kagaguhan sa buhay ko.

Ako na itong nananahimik na ang kaluluwa tapos manggagambala pa siya. Nasa talampakan yata ang utak nito at hindi na makaintindi ng salitang tama na.

Minsan, may isang guro pa, ultimo wala pa nga kaming ginagawa ay pinalabas na niya kami agad para hindi tumaas ang presyon o hindi kaya mahimatay sa galit sa aming dalawa ni Dave.

Alam kong nakahihiya na 'to, pero lahat ng mga iyon ay ang pasimuno ni Dave at ang dalawang kaibigan nitong mga hari. Sila talaga ang may kasalanan nito. Normalize blaming three kings ika nga.

Akala nila magpapatalo ako sa mga panti-trip nila? P'wes, nagkakamali ang kaluluwa nilang tatlo! Kahit manghiram pa sila ng utak at ilagay sa puwet nilang panis. Maghalo pa ang balat sa tinalupan!

"Ms. Fernandez and Mr. Lee, araw-araw na lang bang ganito? Bakit ba wala kayong tigil sa pagpapasakit ng ulo namin? Hindi ba kayo naawa sa mga guro ninyo? Hindi ko na alam ang gagawin sa inyong dalawa!" anang Principal Vico.

Pinagmasdan ko ang ilang hibla nitong buhok sa ulo. Pati yata buhok niya ay nai-stress sa amin. Panipis na nang panipis kada araw, e.

"Hindi ko na rin po alam ang gagawin po, sir," sabat ko na agad ding ikinatikom ng bibig ko nang sinamaan ako ng tingin ng principal.

Lihim akong napanguso at napabaling kay Dave na prente lamang nakaupo sa harap ko. Magiba sana ang upuan niya!

"Ikaw ang may kasalan nito, pangit!" asar na bulong ni boy kulangot.

Pinandilatan niya ako ngunit irap lamang ang isinagot ko. Lihim niyang sinipa ang ilalim ng upuan ko at agad ko ring ginawa ang ginawa niya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin matapos na marinig 'yon kaya wala sa oras na napapatol ako.

"Aba! Ako pa talaga? Ikaw ang unang bumato ng bag ko kaya ginawa ko lang ang nararapat! Bakulaw!" depensa ko.

Ang sarap niyang ihambalos sa pader. Legit!

"Bakit hinagis mo mula sa third floor? Binato ko ba 'yong bag mo sa gano'ng kataas na building? Sa sahig ng room ko lang binato 'yon, hindi sobrang taas tulad ng ginawa mo!" sigaw niya.

Napabuga ako ng hangin. Ako pa ang sinisi. Masama na bang gumanti ngayon? Napunta na naman yata sa talampakan nito ang utak niya. Hindi niya ba alam ang kasabihang, do not do into others, if you don't want them to do it into you. Ganoon ba iyon? Basta ganoon iyon!

"Dapat bang may pahintulot muna ako mula sa 'yo na ihagis ko 'yon? Ano ka tanga? Humingi ka ba ng permiso bago mo kuhanin 'yong bag kong nananahimik? Ginawa ko lang ang ginawa mo, hindi na mahalaga kung sa paanong paraan! Ang importante ay parehong hinagis at humalik sa sahig! Tapos ang usapan," sigaw ko rin sa kan'ya pabalik.

Bubuka na sana ang bibig nito at handa ng mag-rebut sa sinabi ko pero napatigil kaming dalawa nang dumagundong sa apat na sulok ng opisina ang boses ni Principal Vico at paghampas nito sa lamesa nito.

"Enough! Kayong dalawa! Sa harap ko pa talaga ninyo naisipang magbangayan ng ganiyan? Hindi ba kayo titigil?! Maupo nga kayong dalawa!"

Hindi! Hinding-hinding mangyayari 'yon, sir! 

Napairap akong muli kay Dave. Padabog kaming naupo ng bakulaw na Dave na 'to at napasimangot.

Halos tirisin ko na siya pero pinipigilan ko lang ang sarili at baka atakihin sa altrapresyon itong matandang principal namin. Baka kami pa ang sisihin kapag na-hospital. Wala akong perang ipambabayad kung sakali man.

Pilit niya kaming pinagbabati pero sa huli ay walang nagawa si Principal Vico at pinaalis na lang kami sa kaniyang opisina ng mag-umpisa ng sumakit ang batok nito sa amin.

Matapos makalabas ay doon ulit namin ipinagpatuloy ang naudlot na bangayan.

"Ang ingay-ingay kasi ng bunganga mo, kaya tayo napatawag, e!" paninisi ko.

"What? Me? Asa ka! Ikaw 'tong maingay, ako pa ang sinisi!" giit din niya.

"Ikaw naman talaga, ah! Nakakainis ka!" Akma ko ng ihahampas ang kamay sa kan'ya pero agad itong lumayo.

Napatigil lang kami sa pagtatalo ng dumaan sa gitna namin si William na may hinahabol na babae. Galit ang nakita kong ekspresyon ng babae ng sandaling magtama ang mga mata namin ng iilang segundo kanina. Mabilis ang pagkakalakad ng babae na nagpasayaw sa itim na itim nitong buhok na nakatali.

Syet! Ang ganda niya!

"Ash! Sandali lang!" tawag sa kaniya ni Liam.

"Lubayan mo nga sabi ako!" sigaw sa kaniya ng magandang babae.

Napakurap-kurap ako at inalisa ang nangyayari. Bakit naghahabol ang dakilang hari ng mga playboy sa isang babae? Ni hindi ko pa nga nakita kahit minsan na naghabol 'yon. Lumundag na ba ang mundo at ganito ang nangyari?

Napangisi ako sa naisip ng mapagtanto ang nangyari.

Karma niya yata 'yon! Buti nga! Ang bilis naman.

Kumibit-balikat na lamang ako ng hindi na sila maaninaw pa ng mata. Nagkatinginan kami sandali ni Dave at bigla na lang nag-irapan. Nandidiri itong naglakad kaya napairap na lang ako ulit sa kaniya. Arte!

---

"ANO ba? Doon ka nga bakulaw!" bulyaw ko sabay usog ng inuupuan.

"Dito ako nakaupo, bakit mo ako pinapaalis?" takang aniya.

"Dikit na dikit ka, e!" saad ko pa.

"Anong dikit na dikit? Kita mo 'to?" Tinuro niya ang dalawang dangkal na agwat ng mesa niya sa mesa ko. "Dikit na dikit ba 'to sa 'yo?"

"Pareho pa rin 'yon! Umusog ka roon! Nabubwisit ako sa pagmumukha mo! Ang pangit! Nakaka-attract ng bad luck!"

"Ugly? Are you pertaining to yourself?"

Umusok ang ilong ko at sinipa ang desk nito na naging dahilan para malaglag ang mamahalin nitong ballpen.

"Umalis ka nga sa harap ko at huwag mo akong ini-english!"

"Nasa gilid mo ako, siya ang nasa harap mo." Tinuro niya ang kaklase kong nagsusulat na nasa unahan ko.

Lumukot ng husto ang mukha ko sa tinuran niya. Namimilosopo pa ang bakulaw!

Bubuka na sana ang bibig ko para pilosopohin pabalik ang Dave Kendrick na 'to nang marinig ang boses na kinakatakutan ko noong unang araw ko rito.

"Ms. Fernandez and Mr. Lee, please get your bag and get out of my class!" sigaw ni Miss Miranda sa aming dalawa na may nanlisik na mata. Nakatuon ang lahat ng atensyon ng kaklase ko sa aming dalawa—hindi, sa akin lang pala.

Agad na napatikom ang bibig ko at inirapan si Dave. Sinamaan niya lang ako ng tingin na nagsasabing kasalan mo 'to.

Aba, ako raw ba ang sisihin? Kasalanan niya kaya!

Naunang niyang kinuha ang bag at walang sabi-sabing umalis sa room. Hindi na ako naghintay pa na sermonan ulit ni ma'am kaya agad kong kinuha ang bag.

Nagtatawanan lang sina William at Xavier kaya inambahan ko sila na hahampasin ng bag nang mapadaan sa harap nilang dalawa.

'Nyetang mga hari na 'to! Ang sasarap tirisin ang mukha. Hindi sana makahanap ng girlfriend ang dalawang putragis na 'to o hindi kaya pahirapan sila ng mga girlfriend nila!

"Ma'am si Diane, mananakit pa, oh!" sumbong ni William. Nanlaki ang mata ko sa narinig, pero mas lalong nanlaki iyon nang nakakalokong ngumisi si Xavier.

"Hindi namin inaano, namamalo pa, ma'am, oh!" segunda naman ni Xavier.

Pinalakihan ko sila ng mata at gigil na tininganan. Aba't! Mga sinungaling din! Wala akong magawa kung 'di mabilisang umalis sa room at baka mabasag na naman 'yong tenga ko sa sigaw ni ma'am.

Bwisit!

Nagtatawanan lang sila nang makitang kumaripas ako. Nang makalabas ay mas lalo akong inasar ng dalawa sa loob ng room.

"Mr. Scott and Mr. Angeles, gusto ni'yo rin bang sumunod sa kanila?" rinig kong wika ni ma'am.

Sa pagkakataong iyon ay ako na naman ang tumawa.  Benelatan ko sila na nakasimangot na sa kani-kanilang mga upuan. Buti nga sa inyo! Mabilis talaga ang karma! Nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Naibalik ko ang tingin kung na saan ko nakitang naglalakad si Dave. Napalinga-linga ako nang hindi ko na mahagilap ang bakulaw na 'yon. Ang bilis naman mawala ng taong iyon. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at tinuloy ang paglalakad sa library.

Hindi ako magbabasa, matutulog ako ro'n. Wala naman akong gagawin sa campus dahil pinalabas na rin lang naman ako. Nakakatamad ring libutin ang buong school, pagod  lang ang makukuha ko.

Tahimik akong pumasok sa library at naghanap ng puwestong matutulugan. Doon ako napadpad sa huling shelf at nagpalinga-linga bago maupo sa pinakadulo.

Komportable akong naupo at isinandal ang likod sa book shelf at pumikit. Akala ko ay makakaidlip na ako at makakapag-beauty rest pero mali yata ang inaasahan ko. Naramdaman ko ang pag-alog ng book shelf at kasunod no'n ang biglang pagbagsak ng libro sa ulo ko.

"Aray!" mahabang daing ko ngunit nagpipigil na mapalakas iyon at baka mapagalitan ako rito. Mahuhuli na nga, masesermonan pa dahil ginawa kong kwarto ang library.

Napatayo ako habang hawak-hawak ang ulong tinamaan ng isang geology book. Napatalon-talon ako sa sakit. P*nyeta! Bakit geology book pa talaga? Sobrang kapal!

Parang binatukan ako ng sampung beses ng isang sumo wrestler dahil sa librong iyon. Sobrang sakit! Nanunuot hanggang spinal cord! Anak ng teteng na lima, oh!

Namumuhay ang magandang nilalang ng payapa rito at matutulog lang tapos ganito? Ang kill joy nitong librong 'to.

Akma ko sanang pupulutin iyon pero napatigil ang kamay ko sa ere nang may humahagos na lalaking nagsumiksik sa kinalalagyan ko.

Tila hindi ako napansin nito at sumilip pa roon sa dulong bahagi ng book shelf para alamin ang nangyayari sa labas. Nangunot ang noo ko sa pamilyar na amoy nito at pangangatawan. Hawak-hawak nito ang uniform at tanging puting t-shirt na hapit sa katawan lang ang suot.

Napabuga ito nang hangin at napasandal sa book shelf tsaka napaupo sa sahig. Doon ko na nakilala ang taong iyon dahil naka side-view ito mula sa 'kin. Kaya pala pamilyar ang amoy nito.

"Tsk! She's so persistent!" may bahid na inis na wika nito. Tila hindi pa rin ako nito napansin dahil pumikit pa ito habang habol ang hininga.

Parang alam ko na kung bakit siya naligaw sa library sa mga oras na ito. Natitiyak kong may tinatakbuhan itong babae na ayaw siyang lubayan. Akala ko talaga noong una, e, kagalang-galang ang isang 'to dahil anak ng may-ari ng Leehinton pero naglaho ang  paniniwalang 'yon ng matikman ko ang bagsik niya.

Matikman? Napaduwal ako bigla. Yuck!

Nandiri ako sa berdeng ideyang iyon. Ang ibig kong sabihin ang 'yong panti-trip niya sa 'kin kasabwat ng dalawang haring iyon na ubod ng babaero.

Umusok ang ilong ko ng makita kung sino ang may kagagawan ng pagkalaglag ng librong geology na 'to sa ulo ko. Walang pag-aalinlangan kong kinuha 'yon at walang habas na binato sa kinaroroonan niya na nagpalaki sa mata nito sa gulat.

"What the f*ck?!" bulalas niya at marahas na napatayo. Doon na siya gulat na napatingin sa direksyon ko. "Sinusundan mo ba ako, ha, pangit?"

Sarkastiko akong tumawa sa harap niya at kumuha ng maliit na libro sa shelf. Walang ano-ano'y binato ko ito sa direksyon niya.

"Ako? Sinusundan ka? Luh, asa ka! Ikaw 'tong gumagambala sa pagtulog ko at naging dahilan para magkabukol ako ng dahil sa librong iyan!" Tinuro ko ang geology na nasa paanan nito.

"Mukha ka na ngang bukol, e," ngising aniya.

Nangigigigil ko siyang tiningnan. Mukha ba akong bukol? E, siya ano? Mukhang pigsa?

"P*nyeta kang bakulaw ka!" Kumuha ulit ako ng libro at buong lakas na ibinato 'yon sa kanya ngunit nakailag lang ito at iba ang tinamaan ng humahagibis na history book.

Napasapo ako sa bibig sa hindi inaasahang pangyayaring iyon. Nakatayo ngayon ang librarian sa likod ni Dave, suot-suot ang tumabinging salamin sa kanyang mata dulot  nang paghalik ng libro sa kanyang nangungulubot na mukha.

Napapikit ako nang dumagundong ang boses nito sa buong library.

"Hindi bola ang mga libro rito sa silid-aklatan!"






---
Astarfromabove★

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top