CHAPTER 28
Please play the music above. That's the song Dave would sing .
--
Chapter 28: Dave
MAGLA-LUNCH na pero hindi ko pa rin makita-kita si Dave at ang mga kaibigan nito. Na-curious tuloy ako kung ano bang klaseng emergency ang sinabi nito.
Nagtipa ulit ako sa cellphone para alamin kung na saan siya, pero, makalipas ang ilang minuto ay wala akong natatanggap na sagot 'galing sa kaniya.
T-in-ext ko rin sina Liam at Xav pero walang reply rin sa dalawang hari. Ano ba ang nangyayari? Nilukob ulit ng kaba ang sistema ko sa isiping iyon.
Na saan ba sila? Okay lang ba si Dave? Ano ba'ng nangyari? Ano ba 'yong emergency na iyon?
Bigla akong may naaninaw sa hindi kalaunan, ang babaeng nakikita kong binubuntutan palagi ni Liam. Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon niya.
Naglalakad ito papalayo sa akin ay may kabilisan pa kaya nahirapan akong maabot agad ang kinaroroonan niya.
Nang ilang metro na lang ang pagitan namin ay tinawag ko ito, "Miss! Sandali, miss!"
Napatigil ito at nilingon ako. Halos matulala ako nang makita sa malapitan ang babaeng ito. Hindi ko mapigilang mapanganga at mapalunok.
Napatingin muna ito sa kaliwa ay kanan kung may iba pa bang tao na nasa paligid niya. Nang makumpirmang wala ay tinuro nito ang sarili. "You are calling me?" malumanay na aniya. "D-did I do something wrong?" alanganing dagdag niya pa.
Tinaas ko ang dalawang kamay. "Naku! Hindi! Wala. . . miss?" Naghintay akong sabihin nito ang pangalan niya at mukhang na-gets naman niya.
"Asheen Ignacio. You can call me Ash, Sheen, whatever you prefer," ngiting pakilala nito at nilahad ang kamay.
Syet! Ang bait naman nito! Taena, parang nakakakilig itong mga titig niya. Anghel yata itong bumaba sa langit!
Mabilis kong tinanggap ang malambot nitong kamay. "Diane! Diane Jyle Fernandez," pakilala ko rin sa sarili. "Ano. . . may itatanong lang sana ako, Ash. . ."
"Hmm?" Nag-aabang ito sa susunod kong sasabihin.
"Alam mo ba kung saan ang three kings? O, kahit lang ang isa sa kanila. Si William? Nakita mo ba?" nagbabakasakaling tanong ko.
Nangunot ang noo nito at tumahimik. Parang alam ko na ang sagot niya sa itsura pa lang nito.
"I'm sorry, Diane, pero hindi ko nakita ang isa sa kanila, e." Napakamot ito sa ulo.
"Hala, hindi, okay lang talaga. Salamat, ha?!" Napatango ito sa akin. Nagpaalam na ako at sinimulan muling hanapin ang mga hari.
Na saan ba sila nagsusuot at wala akong mahagilap kahit anino nila ngayon? Bagsak-balikat akong naglakad. Absent yata sila pati na rin si Dave.
Napasimangot ako. Sana pala hindi na lang ako pumunta sa Leehinton kung alam ko lang na wala naman pala si Dave rito.
Tamad akong dumaan sa likod ng building ng grade-7 department. May pangilan-ngilang akong nakikitang nagdi-date rito. Napasimangot ako lalo. E 'di sana all naman, 'di ba?
Napatigil ako nang mag-vibrate ang cellphone ko kaya dali-dali kong binuksan iyon. Bumungad ang pangalan ni Dave kaya mabilis kong binuksan ang mensahe.
From: Daveveh
Where are you?
Mabilis akong nagtipa na nasa likod ako ng grade-7 department. Naghintay ako ng ilang minuto sa sagot nito sa text ko pero wala akong natanggap.
Bugnot akong bumalik ulit sa paglalakad. Ano ba iyan! Tatanungin tapos wala namang reply! Kainis!
Hahakbang na sana ako pero nakarinig ako ng mga yapak papunta rito. Baka si Dave na 'to!
Babaling na sana ako sa likod pero may tumakip sa mata ko at mabilis hinawakan ang magkabila kong kamay.
Dahil hindi naman nila tinakpan ang bibig ko ay rumatsada ako nang katatalak sa kanila "Sino kayo? Bitiwan ninyo ako! Isusumbong ko kayo sa principal! Sige kayo!" Banta ko pero nakarinig lang ako ng pagpigil ng tawa ng mga taong ito.
Walang pasubali akong kinaladkad ng dalawang taong ito. Ang isa ay nakakapit sa kabila kong braso habang ang isa naman ay sa kabila rin.
Tahimik lang sila pero ako, talak nang talak at nagpupumiglas pero kalaunan ay nagpahila na lang ako.
Wala namang sasagot sa akin. Parang hangin lang naman ako sa kanila.
Biglang umihip ang hangin at napasinghot ako sa pamilyar na amoy ng mga katabi ko. Napakunot ang noo ko, saan ko ba naamoy ang pabangong ito?
Habang naglalakad ay iyon ang umukupa sa isip ko kaya naging tahimik ang paligid. Napansin ko na lang nang tumigil na kami sa parang damuhan.
Mas lalong nalukot ang mukha ko nang walang marinig na kahit ano except sa umuugong na hangin at mga dahong naglilikha ng tunong sa bawat hampas ng hangin.
Isang lugar lang ang pumasok sa isip ko, ang soccer field, pero kataka-takang tahimik ang lugar. Kahit kasi may kaganapan sa Leehinton ay hindi nawawala ang mga estudyantemg tumatambay rito.
Naramdaman kong binitiwan na ako ng dalawang taong may hawak sa braso ko. Akala ko ay kukunin nila ang nakatakip sa mga mata ko pero ilang minuto kong hinintay na kunin nila iyon pero wala pa rin.
Doon na ako nagtaka kaya unti-unti ko nang tinanggal ang panyong ginamit para piringan ako.
Nang makuha ang panyong iyon ay medyo hindi pa kalinawan ang paningin ko dahil sa higpit ng pagkakatali nila. Kinusot ko muna ang mata at ilang ulit na napakakurap hanggang sa maaninaw ko na ang paligid.
Totoo ngang nasa soccer field ako. Napabaling ako sa harapan at halos maitulos ko ang sarili sa kinatatayuan dahil sa nakita.
Napatakip ako sa bibig at halos hindi makapaniwala sa nakita.
May nagkukumpulang mga estudyante at parang hinihintay talaga kong bumaling sa kanila dahil sabay-sabay silang nagpakawala ng kulay pink at puting lobo. Tila hudyat ang tinging iyon para bitiwan nila isa-isa ang mga lobong hawak-hawak.
Biglang may tumugtog kasabay nang paglalakad nilang lahat papalapit sa akin at huminto ng mga ilang dipa. Lumabas si Dave sa mga nagkukumpulang mga estudyante, may hawak-hawak na mikropono.
Nakakulay asul itong long sleeves at itim na pang-ibaba, pinaresan niya rin ang suot ng puting sneakers. Kahit malayo, alam na alam kong sobrang guwapo nito sa suot-suot ngayon.
Hindi maipagkakailang isa siya sa three kings ng Leehinton University. Napakagat-labi ako nang mahinuha ang sitwasyon sa oras na tinapat ni Dave ang mic sa bibig nito.
Napabaling ang tingin ko sa banda na nasa mini stage sa loob ng soccer field. Naroon sila sa likuran ng mga estudyanteng nagkukumpulan. 'Pansin kong puro puti ang mga damit nilang lahat at walang kahit anong desinyo ang nasa unahan.
Nawala lang ang pag-iinspeksiyon ko kay Dave nang magsimulang tumugtog ang banda at kumanta si Dave.
Bakit ba nang makilala ka, hindi na makatulog?
Sa bawat saglit ay iniisip ka
'Di mapigil ang sarili na hindi ka nakikita
Ano'ng mayro'n ka, mayro'n ka bang gayuma?
Mas lalo itong lumapit sa akin. Kitang-kita ko na ngayon ang ekspresyon sa mukha nito habang kumakanta. Nakangiti siya habang kumakanta sa hindi gaanong kagandahang boses niya, pero sino ba ako para mag reklamo kung kitang-kita ko naman na ginagawa nito ang lahat para maitama ang tono ng kinakanta niyang kanta.
Tinuro ako nito at kumindat. Halos kumawala na ang mga daga sa dibdib ko at hindi ko na mapigilan pa ang saya.
Ako'y tinamaan, puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip, walang nalalaman
Kun'di ikaw lang 'pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin 'pag iyong nararamdaman
Nagsigawan sina Liam at Xavier sa gilid habang bini-video ang kumakantang kaibigan. Pasimple pang sinamaan ng tingin ni Dave ang dalawang hari at napailing na lang kalaunan.
At ngayon, sa 'yo'y nalaman ko na
Pagtingin, sa 'kin ay mayro'n ka
At palagi kong naririnig, lagi mong sinasambit
Pag-ibig mo'y tunay na abot-langit
Nawala na ang mga nakatumpok na mga estudyante sa likuran at unti-unti lumapit sa likod ni Dave at gumawa ng napakahabang linya.
Sinabayan na rin nila ang pagkanta ni Dave pati na rin si Liam at Xavier ay nakisali na. Sa kabila ng kantahan ay rinig na rinig ko pa rin ang kantiyawan ng mga kaibigan ni Dave sa kaniya tila ba inaasar.
Ako'y tinamaan, puso'y tinamaan
Sadyang ikaw lang ang tanging dahilan
Walang iniisip, walang nalalaman
Kun'di ikaw lang 'pagkat ikaw ang mahal
Tunay na lahat ay hahamakin, 'pag iyong nararamdaman
Napabaling ako sa paligid. Marami na ang mga nanonood sa amin at may mga cellphone na nakatutok kay Dave.
Parang sa mga oras na ito, gano'n pa lang nag-sink in sa akin ang lahat-lahat, na hindi isang ordinaryong lalaki itong nanliligaw sa akin.
Maraming humahanga sa kaniya, isang sikat na tao animo'y isang artista, guwapo, habulin ng mga babae, at higit sa lahat isang hari ng mga playboy.
Napangiti na lang ako sa isiping iyon. Isa lamang ako ordinaryong babae, pero ito siya, habol nang habol sa akin. Hindi ko akalaing magkakagusto ako sa isang ito.
Napakaarogante at ang sama-sama ng ugali noong una ko siyang makita. Ultimo natapunan lang ng kapeng iniinom ay para nang mangangain ng tao. Palihim akong natawa sa pagbabalik tanaw ng mga alalang iyon.
Ang tagal na pala naming magkakilala, ano? Marami pang naging away at hindi pansinan sa pagitan namin. Para nga talaga kaming aso't pusa kung isasama noon sa isang hawla.
Pinagmasdan ko ang unti-unting pagtalikod ng mga estudyante at nanlaki ang mga mata ko sa nabubuong mga salita mula roon. Naaninaw ko rin sina Vincent at Muche na nakisali roon.
'Will you be my girlfriend, Diane? ' ang nakasulat sa mga t-shirt ng kakuntsaba niya sa kaganapang ito.
Lumapit si Dave sa akin at doon ko napansin na may mga rosas itong dala-dala.
"Diane, alam kong alam mo ang nararamdaman ko sa 'yo. I know that you know my reputation on this school, that I'm a playboy pero simula noong nakilala kita, unti-unti akong nagbago. Noon, hindi ako kuntento sa isa, ngayon kahit ikaw na lang, okay na okay na ako roon—" naputol ang sinasabi ni Dave.
"Huwag kang maniwala riyan, Diane! Maraming babae iyan! Gasgas na 'yang linyang iyan!" sigaw bigla ni Liam kaya napabaling ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.
Panira ng moment ang gagong ito, ah?!
"F*ck you, William! Kapag hindi ako sinagot ni Diane, wala kang magiging girlfriend habang buhay!" banta rin ni Dave.
Natawa ako sa sinabi nito sa kaibigan. Alam ko namang wala naman siyang babae, e. May tiwala na ako sa kaniya. Alam ko at ramdam ko ako lang talaga.
"Kung ako sa 'yo, Diane, humanap ka na lang ng iba. Napakapangit ng magiging boyfriend mo!" patutsada ni Xavier sa akin. Humagalpak sa tawa sina Liam at Xavier. Nag-high five pa sila.
"Gago!" sigaw ko. "Wala sanang pumatol sa inyong babae!" simangot kong dagdag at kalaunan ay tinawanan na lang, ganoon din naman ang ginawa ni Dave.
Napabaling ulit ako kay Dave at napakagat labi. Napalunok ako. Mas lalong dumagundong ang dibdib ko at pilit na iniipon ang lakas para sa sasabihin.
Sa pagtitig ko sa mata nito, parang nawala ang mga tao sa paligid at tanging kami na lang ang magkaharap.
Ngayon, saksi ang hangin, damo at mga ibon sa gagawin ko.
Binasa kong muli ang katanungang nakalimbag sa likod ng t-shirt ng bawat estudyante.
Napahakbang ako kay Dave at walang pag-aalinlangang hinalikan ang pisngi nito saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Yes! Oo, tayo na!" kinikilig na bulong ko rito.
Nanlaki ang mata niya at sandaling napatulala. Kalauna'y nagpatalon-talon ito sa sobrang saya at magsisigaw ng yes.
Niyakap ako ni Dave at hinalikan sa noo. "I love you."
Namula ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Ngitiian ko ito. "Mas mahal kita."
Nang dahil sa tatlong haring ito, naging memorable itong high school life ko. Idagdag pang naging boyfriend ko ang isang campus king.
Sa isang banggaang nagsimula ang lahat. Lahat ng masasamang salita ay ibabato ko sa kaniya, laging laman ng dean's office dahil hindu na kami kaya ng diciplinary office. Nakaiinis man ang umpisa ng pagkakakilala naming dalawa, nakakikilig naman ang katapusan naming dalawa.
Minsan ko na ring naisip na maging kami at magsama habang buhay. Ngayon ay nagkatotoo nga, ito na ang simula at masasabi ko ng. . .
I'm a girlfriend of a campus king.
A S T A R F R O M A B O V E
☆
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top