CHAPTER 27

Chapter 27: Miche



PAGPASOK na pagpasok pa lang namin ni Vincent sa Leehinton ay bumungad na ang mga bandiritas sa may kulay mint green at itim na naglalaman ng salitang, 'Happy 23'rd Leehinton Festival'.

Marami-rami na ring mga estudyante sa ganitong oras ng umaga. Hindi lang naman kasi kami ang narito dahil invited ang ibang school sa mga kaganapan ngayon sa Leehinton.

Lahat ng mga estudyanteng nakikita ko ay magaganda ang mga suot. Nagpapahiwatig talagang anak mayaman ang bawat isa sa eskwelahang ito. Idagdag pa 'yong mga branded clothes at mga mamahaling bags na sukbit ng mga kababaehan.

May pangilan-ngilang napapasulyap sa akin at bumabati. Naisip ko tuloy si Miche, ito ba ang kinaiingitan niya sa akin? Hindi ko naman ito ginusto, e. Saka hindi naman ang isang tulad ko na kaingit-inggit.

May kagandahang taglay naman si Miche kung marunong lang talaga siyang mag-ayos. Alam kong matatalbugan niya ako kapag nangyari iyon.

Nagpaalam na si Vincent sa akin kaya ako na lang ang naglalakad patungo sa classroom para mag-attendance. Dagdag points daw kasi iyon kaya grab the oppurtunity.

Tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali kong kinuha iyon sa sling bag pero hindi ko pa man nakukuha ng tuluyan iyon ay may nakabanggaan na ako. Nalaglag sa semento ang cellphon ko kasabay nang pagbagsak ko rin.

Nanlaki ang mata ko sa gulat kaya napatagal ang pagtayo ko. Akmang tatayo na sana ako ng may isang kamay na lumahad kalebel sa mukha ko.

Hindi ko iyon tinanggihan at kinuha iyon ng walang pag-aalinlangan kahit hindi ko pa nakikilala ang may ari ng kamay na iyon.

Nang makatayo ay dali-dali kong dinampot ang cellphone sa semento. Sinipat ko kung may crack ba iyon o anumang depekto matapos ang malakas na pagbagsak no'n, pero, hindi naman siya nasira o ano pa. Okay pa rin siya,parang wala ngang nangyaring pagkahuhulog, e.

Hindi ko inaasahan kung sino ang tumulong sa akin sa mga oras na bumaling ako rito. Bigla akong napatigil. Napatitig ako nang matagal sa mukha nito at sa dress na suot-suot nitong kulay krema na pinaresan ng puting sneakers. Nakalugay rin ang buhok nitong nakakulot.

Sa totoo lang, napakaganda ngayon ni Miche. Parang siya iyong Miche na una kong nakilala sa get up niyang ito.

Humakbang ito papalapit sa akin kaya ganoong na lang ang paglayo ko sa kaniya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya nanatili siya sa puwesto niya.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi at yumuko.

Anong nangyayari sa isang ito? Isa ba ito sa mga palabas niya?

"D-Diane. . . I'm s-so sorry sa lahat ng ginawa ko sa 'yo," utal na aniya at napahikbi. Inangat nito ang mukha kaya nagkasalubong kami ng tingin.

Wala akong naging reaksiyon sa mga lumalabas na salita sa labi nito. Pilit kong tinitimbang kung totoo ba ito o hindi. Baka isa lang ito sa mga palabas niya.

"Noong una kitang nakita, gustong-gusto kita maging kaibigan, Diane. May parte sa puso kong nagsasabi na magiging matalik tayong magkaibigan. Ikaw ang kauna-unahang taong nagbigay ng importansya sa akin dahil noon, palagi akong ginagamit ng mga gustong kumaibigan sa akin." Ngumiti ito.

"Alam kong mali ang mga ginawa ko sa iyo, Diane. Maling-mali ang ginawa ko sa iyo dahil ikaw ang nag-iisa kong k-kaibigan dito sa Leehinton. Nilamon a-ako ng inggit at selos sa mga n-natatamasa mo k-kaya ko nagawa iyon. Humihingi ako ng p-patawad sa g-ginawa kong iyon," mas lalo itong napahikbi at hindi ko inaasahang luluhod siya sa harapan ko.

"Miche. . ." Napatakip ako sa bibig at napatingin sa paligid.  May pangilan-ngilang nakikiusisa sa amin ni Miche pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin pa. "M-Miche. . ." tawag ko ulit sa kaniya.

"Diane, I'm so sorry. Hindi ko sasabihing hindi ko iyon sinanadya dahil alam ko rito," Tinuro nito ang dibdib, "na sinadya ko ang lahat ng iyon. Hindi ako humingi ng agad-agarang kapatawaran. Pero. . . lubos akong humihingi ng 'tawad sa mga ginagawa ko. P-pati iyong sa camping. Muntik ng. . . muntik na kitang. . ." Sinapo nito ang mukha at mas lalong humagulgol.

Doon na ako napahakbang palapit sa kaniya. Ramdam ko ang sincerity sa boses nito kaya walang pag-aatubiliing lumibel ako sa kaniya at niyakap siya.

Hinagod ko ang likod nito at napaluha. "Shhh, Miche, tahan na."

"Diane, patawad!" Humigpit ang pagkakayakap nito.

"Okay lang, Miche. Sorry rin kasi inaway kita. Pasensya ka na," hingi ko ng tawad sa kaniya.

Tumayo na ako at hinila siya. Nahihiya itong tumingin sa akin. Alam kong totoong Miche na ang kaharap ko ngayon kaya napangiti ako sa kaniya.

Siguro, iisipin ng iba, bakit ko siya agad pinatawad, e, masama ang mga ginawa niya sa akin. Hindi naman talaga mahirap magpatawad, ang mahirap lang ay iyong pride bilang isang tao.

Bakit pa patatagalin ang magpatawad kung puwede namang ngayon na gawin. Hindi ko naman ikamamatay ang pagpapatawad, 'di ba?

Habang naglalakad ay may pangilan-ngilan akong nakikitang napapasulyap sa akin at bubulong. Hindi ko na lang iyon pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad sa classroom.

Ako ang nakikipag-usap kay Miche dahil nararamdaman kong nahihiya siya sa akin. Kapag inunahan ko naman ay dadaldal siya nang dadaldal kaya okay lang.

Nang marating ang silid namin ay pinagtitinginan si Miche. Alam kasi ng mga ito na hindi kami magkabutihan at sa ugali nitong pinakita sa mga kaklase ko.

Napayuko si Miche kaya hinawakan ko ang kamay niya. Nakasunod lang siya sa akin nang pumasok sa loob at nag-fill up ng attendance sheet.

Papaalis na dapat kami para magliwaliw nang harangan kami ng ilang kaklase namin.

"Bati na kayo, Diane?" Napatango ako sa tanong ni Nesha. "Sa pangit ng ugali niyang 'yan, kakaibiganin mo pa rin?" prangkang aniya.

Napatingin ako kay Miche na ngayon ay nakayuko. Sunod-sunod ang patutsada niya kay Miche kaya huminga muna ako nang malalim bago sinagot lahat ng tanong nila.

"Walang perpekto sa mundong ito kaya alam kong alam ninyo iyon. Nagbabago ang tao, guys, kaya sana tanggapin ninyo iyon. Saka hindi ba kayo nahihiya kay Miche? Harap-harapan ni'yo siyang sinisiraan, oh."

"Correction, classmate, hindi iyon paninira, nagsasabi kami ng pawang katotohanan lang," ani Jacob, ang baklitang kaklase namin.Sumang-ayon sa kaniya ang lahat.

Magsasalita na sana ako nang pigilan ako ni Miche. Umiling ito. "Ako na, Diane. Gulo ko ito kaya ako ang reresolba. Sorry talaga at nadamay ka pa," mahinang aniya.

"Aba, siyempre dapat magpatawad ka, ano! Ang sama-sama kaya ang ugali mo, girl!" patutsada pa ni Jacob.

Pinigilan naman siya ng mga kasamahan niya. Mukhang nakaramdam na yata ng hiya sa mga pinagsasabi nila.

Hinila ako ni Miche kaya siya na ang nasa unahan ko. Yumuko siya sa lahat. "Patawad! Sorry talaga sa mga ginawa ko. Alam kong mali lahat ng iyon. Patawad sa inyo!"

Tila may dumaang anghel sa pagitan nila ng mga kaklase ko. Katulad ng naging reaksiyon ko kanina ay gulat din ang nakapinta sa mga mukha nilang lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin silang reaksyon kaya nagsalita na ako. "Alam kong alam ni'yo na sincere si Miche sa paghingi niya ng tawad kaya sana, bilang kaibigan niya ay nakikiusap akong paniwalaan ninyo siya. Kahit paniwalaan lang," pakiusap ko pa. Nag-iwas ng tingin ang iba sa mga kaklase ko.

Nanghintay kami ng sagot pero wala kaya umalis na lang kami ni Miche sa classroom.

"Diane, salamat, ah?"

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Wala iyon! Kaibigan kaya kita!" Pinalo ko siya sa braso at mukhang nagulat pa ito.

Nagtawanan na lang kaming dalawa at naglakad-lakad. Kumain din kami ng mga pagkaing tinda sa loob ng Leehinton.

Napapangiti na lang ako tuwing nakikitang nagiging kumportable na ulit kumilos at magkuwento si Miche.

Oo, inaamin ko, inisip kong huwag na lang maging kaibigan si Miche dahil sa mga ginawa niya. Pumasok din sa isip ko na sana ay hindi ko na lang siya nakilala gayong kasiraan naman ang dinulot niya sa akin at sakit.

Hindi ko idi-deny na minura ko siya sa isipan at ilang ulit na inisipan ng masasama. Alam ko ring dala lang iyon ng galit at sama ng loob sa kaniya.

Pero, minsan, naiisip ko rin na sayang ang pagkakaibigan namin. Na dapat ay makipagbati na ako sa kaniya.

Ang magkakaibigan, dapat nagkakabati kahit gaano pa kalaking lamat ang nagawa ng bawat isa. Dapat bawat isa ay marunong tumanggap ng mali nilang nagawa at magpatawad.

Alam kong mahirap itong gawin sa iba pero nakaya ko nga, kaya sigurado akong kaya rin nila. Walang taong pinanganak na perpekto sa mundo, lahat ay nakagagawa ng mali sa mata ng iba.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top