CHAPTER 26
Chapter 26: Vincent
NAGING masaya ang camping namin sa loob ng tatlong araw. Mga palaro at kung ano-ano pa ang ginawa namin kaya sobrang na-enjoy ko iyon.
Si Dave ay todo alalay naman sa akin, akala mo parang baldado ako, e, gasgas lang naman sa dalawang tuhod ang mayroon ako. Maka-react parang hindi na ako makalakad pero siyempre huwag mag-inarte, gustong-gusto ko naman, e.
Mabilis ang naging takbo ng mga araw at nobyembre na. Nabigyan ko ng surpresa si nanay noong birthday niya. Muntik pang maging disaster iyon dahil sa dalawang tukmol na sina Dave at Vincent na nag-aagawan kung sino ang magsi-serve ng spaghetti kay nanay. Sus, pasikat lang naman kay nanay, e.
Alam na rin ni nanay na nanliligaw na si Dave kaya tuwang-tuwa. May favoritism talaga si nanay, e, 'no.
Wala namang nangyaring sobrang importante noong birthday niya dahil nagsaya lang kamung lahat sa dagdag na bugay nito at sa normal naman ang lahat sa nakaraang buwan. Hindi ko rin matiyempuhan na sabihing kami na ni Dave dahil parang may pumipigil.
Kung magsasalita na ako, palaging mai-interrupt ng mga kaibigan niya o ng ibang tao. Kaya ang resulta, hindi ko na nasasabi sa kaniya.
Taenang buhay, oh. Atat na atat na ako, e. Parang ayaw yatang maging kami ni Dave.
Kinuha ko na ang puting sling bag na regalo ni Dave sa akin at tiningnang muli ang kabuuan sa salamin.
Inayos ko ang buhok na may ponytail at puting hairclip na hugis bituin. Ngumiti ako sa salamin na parang baliw at umikot. Nakasuot ako ng kulay khaki na dress na pinaresan ng itim na boots.
Bumaba na ako at sumalubong ang mabangon amoy ng pagkaung niluluto ni nanay.
"'Nay," tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa direksiyon ko.
Nanlaki ang mata niya at dali-dalung pu.unta sa akin. "Diane? Ikaw ba iyan anak?" Napatango ako. "Bagay na bagay sa iyo ang dress na iyan!" galak na bulalas niya at in-examine ako.
"Nanay naman, e. Siyempre maganda ang anak ninyo na napulot sa tae ng kalabaw,'no!" tawa ko pang patutsada.
Natawa rin si nanay. "Ikaw talagang bata ka, oo. Halika na't kumain," aya niya at pinanghila ako ng upuan.
Kumain na ako at nagpaalam kay nanay. Nang palabas ako sa bahay ay tumunog ang cellphone kong bigay ni Dave.
From: Daveveh
I can't fetch you now. I have an emergency, Diane. I'm sorry :(
Napakunot ako ng noo. Anong emergency naman iyon? May naaksidente ba? Hala!
Hindi ako nakapag-reply dahil wala naman akong load. Kinabahan tuloy ako bigla at hindi na mapirme sa puwesto. Dali-dali na akong naglakad papunta sa Leehinton pero may nasalubong akong pulang sasakyan sa daan.
Bumukas ang pinto no'n at niluwa si Vincent na naka-long sleeves na polong kulay pula rin. Naka-brush up din ang buhok nito at hitik na hitik sa hair wax.
Ang guwapo niya sa pormang iyon pero mas lamang pa rin sa puso ko si Dave, 'no!
"Vincent? Ano'ng ginagawa mo rito?" taka kong tanong matapos na maabot ang kinaroroonan niya.
Ngumiti siya sa akin. "Bakit? Masama bang solohin muna kita ngayon?"
"H-ha?"
Natawa ito at umiling. "Let's go?" Binuksan nito ang pinto sa passenger's seat.
Kahit nagtataka ay pumasok na ako roon at kumportableng naupo. Wala siyang driver ngayon, himala, ah.
Umikot siya at dali-daling binuksan ang pinto sa driver's seat. Ngumiti muna siya bago pinaandar ang sasakyan.
"Diane, you know my feelings for you, right?" Sumulyap ito sa akin pero agad ding binalik ang tingin sa daan.
Napatango ako kahit hindi naman sa siya nakatingin sa akin. "B-Bakit?" kinakabahang tanong ko. Napakagat-labi rin ako.
Alam kong alam niya ang nararamdaman ko pero ayo'ko siyang masaktan dahil doon. Naging malapit sa akin si Vincent at napakabait
"I think. . . I think I need to stop here, Diane."
Napalunok ako sa narinig. Hindi naman ako bobo para hindi malaman ang ibig niyang sabihin. Hindi ko rin alam ang ire-react sa narinig kaya tanging pakikinig sa kaniya ang tangi kong nagawa.
"From the start, I really know that you like him—Dave, but then, I insist to show my affection for you. I wanted you to know that I'm worth it for your love eventhough I know who will you end up to. All those secrets gazes both of you make, made me felt like I should not interfere on your blossoming love for each other. . . .It hurts, honestly, pero pinili ko ito, e." Malungkot itong ngumiti. "I'm sorry, Diane, I'm being a gay here." Suminghot ito at tinigil muna sa tabi ang sasakyan.
Doon ko na saksihan ang pagbaling niya sa kabila para hindi ko makita ang mga luha nito. Kumuha ito ng puting panyo sa bulsa nito at iyon ang ginamit sa luha nito.
"Vincent. . ." usal ko sa pangalan nito. Nasasaktan ako sa nakikita kong ito. Kung sana ay hindi ko na lang siya pinayagan noong manligaw ay hindi na ito masasaktang ng sobra ngayon. "Sorry, Vincent,"dagdag ko pa.
Hinarap ako nito at nagtama ang paningin naming dalawa. "Please, Diane, don't be sorry. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin dahil wala kang kasalanang ginawa, okay? You don't need to apologize just because you saw me crying. Mas masasaktan ako kapag humingi ka ng sorry sa akin."
"P-pero. . ."
"Diane, please?" pakiusap nito habang binabalot ng kalungkutan ang mga mata.
Napabuntonghininga ako at napatango.
"Can I have a request?"
"A-ano 'yon?" utal na wika ko at mas napapatitig sa mga mata ni Vincent.
"Can you love me?" Nanlaki ang mata ko sa nariig. Binalot ng katahimikan ang pagitan namin pero kalaunan ay tumawa ito. "I'm just kidding, Diane."
Pinalo ko ito sa braso. "Alam mo, Vincent, ang sarap mong kurutin sa gilagid, ano?"
Napatigil ito sa pagtawa at hinawakan bigla ang kamay ko. "Pero seryoso, Diane, p'wede ba akong humingi ng isang hug?" nagbabakasakaling aniya.
Napatitig ako sa kaniya bago ko sagutin iyon. "Oo naman! Kahit ilan pa ang gusto—" hindi ko na natapos ang sasabihin nang hilahin ako nito at niyakap ng sobrang higpit.
Mga ilang minuto lang ay yumugyog ang balikat nito. Walang imik kong hinagod ang likuran nito at marahang tinapik-tapik.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon lalong-lalo na sa sitwasyon namin ni Vincent. Masakit na makita siyang ganito at hindi ko alam kung paano at anong paraan ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman nito dahil ako ang dahilan niyon kung bakit siya nasasaktan.
"Please, l-let us stay like this f-for a while, D-Diane. I'm begging you," hikbing aniya.
"Yumakap ka hanggang kailan mo gusto, Vince. Hindi naman ako magagalit," ngiting saad ko at tinapik siya.
"Thank you," bulong nito. "Thank you that you existed. Thank you dahil nakilala kita, Diane. And its time to finally say goodbye to you."
"H-ha? B-bakit naman g-goodbye agad, Vince? Aalis ka ba?" Naramdaman kong tumango ito habang nakayakap sa akin.
"I'm going back to U.S. I will continue my studies there, Diane."
Tila tumigil ang nundo sa narinig ko. Dahil ba sa akin kaya siya mgapapakalayo?
Napaluha ako bigla. "Dahil ba sa akin, Vincent? Kaya ka aalis sa Pilipinas? Dahil ba 'to sa 'kin? Kasalanan ko ba? I'm sorry," sunod-sunod na tanong ko.
Kumalas na ito sa pagkakayakap at maagap na hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Shhh. Don't cry. It's not you fault, okay? This was all planned, Diane. Nothing was your fault here. It's because of my parents and I can't do anything. Hindi naman ako mawawala, mangingibang bansa lang naman ako."
"Ganoon pa rin 'yon!" Tumaas ang boses ko.
"I will keep in touch to you, okay? Tatawagan kita or magcha-chat tayo through our social media accounts. Don't worry, I will not forget about you. I'm not like those boys out there na iiwasan agad ang mga babaeng gusto nila kapag na-reject."
"Promise? Mag-uusap tayo, ah? Baka kalimutan mo agad ako kapag nakatapak ka sa America, ah?"
Natawa ito at ginulo ang buhok ko. "Silly. Hinding-hindi mangyayari iyon. You are like my best of friend."
Napangiti ako sa narinig. Hindi man siya pinili ng puso ko, siya naman ang taong pipiliin kong maging matalik na kaibigan na pang buhay.
Vincent, sana makakita ka ng babaeng mamahalin ka ng higit sa pagmamahal mong binibigay. Deserve mong mahalin ka ng sobra-sobra ng isang tao.
Sana ay dumating na siya sa buhay mo at huwag ka niyang sasaktan. Tama na ang sakit na naidulot ko sa iyo. Tama na ang sakit na kinikimkim mo. Sana ay maging mabilis ang pag-move on mo dahil kasiyahan mo ang gusto ko para sa iyo.
A S T A R F R O M A B O V E
☆
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top