CHAPTER 24

Chapter 24: Lost



"LISTEN, everyone!" Napatigil kami sa mga ginagawa nang marinig iyon. "Gather round. Gather round. Stop what you are doing right now." Nagtipon kami sa harap ni Sir Eddy. "Shhhh. Quite everyone. Please, consider those students at the back. They won't hear me if you are all noisy."

Nakinig naman ang iba at tumahimik pero mayroon talagang hindi nakaiintinding mga estudyante. Ang titigas talaga ng mga bungo.

"I will not start if someone was still making noises!" baritonong suway ni Sir Eddy sa lahat na nagpatahimik na talaga sa amin.

Ayan, galit na.

"Okay! Nakaiintindi naman pala kayo. Now,listen. I've divided all of you by five kanina, right?"

"Yes!" sagot naming lahat.

Biglang may umakbay sa akin kaya muntik na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino iyon pero sana hindi ko na lang talaga ginawa dahil muntik nang magdampi ang labi naming dalawa.

"Ano ka ba, Dave? Gusto mo yata akong atakihin sa puso!" reklamo ko.

"Kailan mo ako sasagutin?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at lumabas sa bibig nito ang palaging bukambibig sa akin.

Napairap ako. "Bahala ka riyan. Saka ang bigat ng braso mo! Alisin mo nga ito!"  kunwaring reklamo ko pero sa loob-loob ko ay tumatalon na sa tuwa dahil sa kaniyang ginagawa.

Nagulat na lang ako nang magsimula nang maglakad sa iba't ibang direksiyon ang mga  estudyante para kumuha ng kahoy para sa bonfire na gagawin mamaya.

Naglakad-lakad na lang din ako papasok sa loob ng kagubatan at hindi naman ako nahirapan dahil may mga flag na kulay dilaw na nakasabit sa bawat puno para huwag kaming maligaw.

May pangilan-ngilan din akong nakikitang mga estudayante sa hindi kalayuan na pumumupulot ng mga tuyong kahoy. Ganoon na lang ang ginawa ko at hindi ko nanapansin na napapalayo na pala ako.

Napaangat ako ng tingin ng may marinig na kaluskos. Napalunok ako at naging alerto.

Ano 'yon? May momo ba rito?

Nayakap ko na lang ang mga kahoy na napulot ko at napaatras. Bakit ba mag-isa ako rito?

Dave, na saan ka na? Hindi talaga kita sasagutin kapag hindi ka sumulpot dito ngayon!

Muling may kumaluskos kaya napakuha na ako ng isang mahabang kahoy para maging armas. Tuluyan ko na ring binitiwan ang mga maliliit na kahoy na nakuha para huwag maging sagabal kung ano man ang susunod na mangyayari.

Halos lumukso na ang dibdib ko sa kaba at nabibingi na yata ako dagundong ng puso ko.

Malamig ang hangin ngayon pero namamawis ako sa nararamdaman. Inipon ko ang lakas para lang makapagsalita, "S-sino 'yan? L-lumabas ka r-riyan! Hindi 'yan n-nakatutuwang biro!"

Napaatras ulit ako nang mas lumakas ang kaluskos pero laking gulat ko nang bumungad ang mukha ng taong may kagagawan no'n.

"Miche?"

Pinalandas niya muna ang paningin sa kabuuan ko at sa kahoy na naipon ko kanina.

"Oh, Diane! Andiyan ka pala?" wika niya pero tunog sarkastiko.

Umasim ang mukha ko. Ano ba'ng kailangan ng plastic na ito? Sa pagkakatanda ko ay hindi na kaibigan ang turing niya sa akin, ganoon din naman ako sa kaniya.

"P'wede ba, Miche, wala akong panahon kausapin ang isang tulad mo," prangkang usal ko.

Ano ba ang kailangan niya sa akin? Alam ko na ang tunay niyang kulay kaya huwag siyang mag-inarte riyan na para kaming matalik na magkaibigan ngayon.

Kung noong una ay alam ko na sana ang tunay niyang ugali, e 'di sana hindi ko na lang siya kinaibigan. Pero may parte sa puso kong nanghihinayang sa samahang nabuo sa pagitan naming dalawa.

"Por que naging sikat ka na sa school natin,ganiyan ka na makaasta?!" inis na akusa niya.

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Ano'ng pinagsasabi mo, Miche?"

Pinagkrus nito ang braso. "Huwag kang magmaang-maangan, Diane, hindi bagay sa makapal na mukhang katulad mo! Dikit ka nang dikit kay Dave kaya iyon tuloy ay lumayo na siya ng tuluyan sa akin!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ako? Makapal ang mukha? Baka sarili niya yata ang tinutukoy niya.

Sinimulan ko nang pulutin ang mga kahoy na nagkalat at hindi siya pinansin, pero, bigla ko na lang naramdaman ang masakit na pagdakot nito sa buhok ko na naging dahilan para mabitawang muli ang mga kahoy.

Napasigaw ako dulot ng sakit na naramdaman."Aray! Miche, ano ba?! Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas ako at pilit na pinipigilan ang kamay niyang nananabunot sa akin.

Tang*na! Pusa yata ang babaeng ito!

"Iyan ang bagay sa 'yong babae ka!" inis na usal niya.

Napakagat-labi ako at napapikit. Nahihirapan akong abutin ang kamay ni Miche dahil sa sakit ng anit ko ngayon.

"Tama na! Nasasaktan ako! Miche! Aray!" Pilit ko ring inabot ang buhok niya at nagtagumpay naman ako.

Nilakasan ko rin ang pagsasabunot sa buhok nito kaya siya naman ngayon ang sumisigaw sa sakit.

Akala niya magpapatalo ako, ha!

"Bitiwan mo ako!" reklamo niya.

"E 'di bitiwan mo rin ang buhok ko!" singhal ko pero hindi siya nakinig. Mas lalo niya akong sinabunutan kaya ganoon din ang ginawa ko.

Nang makahanap ng pagkakataon ay kumalas ako sa pagkakasabunot sa buhok niya at nilagay sa dalawang balikat nito ang kamay ko para maitulak siya ng tuluyan.

Alam kong hindi niya inaasahan ang ginawa kong iyon dahil nasaksihan ko ang paglaki ng mata nito. Doon na nawala ang pagkakahawak niya sa akin. Napasalampak siya sa lupa matapos ang pagtulak na ginawa ko.

Pinanlisikan niya ako ng mata. Dali-dali siyang tumayo kaya mabilis na akong tumakbo papalayo sa kaniya.

Habang papalayo ako ay kinakabahan naman ako dahil hindi na talaga ako pamilyar sa lugar. Medyo madilim na rin pero nakikita ko pa rin naman ang daan kahit papaano.

Wala na akong makitang mga palatandaang mga flag na nakasabit sa bawat puno. Malamang sa malamang ay hindi na sakop ng camping site ang tinatahak kong daan ngayon.

Habol ang hiningang napalingon ako para malaman kung nakasunod ba si Miche sa akin pero ganoon na lang ang pagbuga ko ng hangin nang masilayan na walang nakasunod sa akin. Parang nawala ang karayom na nasa dibdib ko.

Napatigil ako at naitukod na lang ang kamay sa dalawang tuhod. Napaupo pa ako sa mga damo para lang mahabol ang hininga.

Mariin akong napapikit sa pagod na nadarama. Ilang minuto ang nilagi ko sa posiyong iyon para lang mawala ang kapos sa paghinga dulot nang walang tigil na pagtakbo.

Napatingala ako sa kalangitan at may nakasilip ng mga bituin sa langit at bilog na bilog na ang buwan.

Alam na kaya ng mga kaklase kong nawawala ako? Si Dave kaya? Napabungtonghininga  ako at napababa ang tingin. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang mapansing bangin pala ang naghihintay sa akin sa dalawang metrong distansya bago iyon.

Napahawak ako sa dibdib sa kabang naramdaman. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagdirediretso kanina dahil kung ginawa ko man iyon ay baka nalaglag na ako sa banging ito.

Dulot na rin ng sinag na nagmunula sa buwan ay hindi ako nahihirapan makita ang nakapaligid sa akin.

Nagpalingon-lingon ako nang makarinig ng mga tunog 'galing sa kung anong nakaapak sa mga tuyong dahon. Napatayo ako ng wala sa oras pero hindi na nangahas pang gumawa ng hakbang patalikod.

Nilakasan ko ang loob at naghanap ng patpat na puwedeng gawing armas pero nanlumo ako nang walang mahagilap kahit maliit man lang.

Napabalik ulit ang tingin ko sa pinanggalingan ng tunog pero hindi na ako nagtaka nang maaninaw ko ang isang paa at kasunod no'n ang mukha ni Miche.

"Nandito ka lang pala nagtatago! Hindi mo ako matatakasan, Diane," gigil na sambit nito.

Hindi ako natatakot kay Miche pero may kabang umuusbong sa dibdib ko sa kung anumang gagawin niya sa akin dito.

Mag-isa lang ako sa hindi pamilyar na lugar na ito kasama ang baliw na babaeng ito at parang may masama pang gagawin sa akin.

Napalingon ako sa likuran. Sa isang maling galaw ko lang ay ikapapahamak ko iyon dahil sa nag-aabang na bangin sa likuran ko.

Naibalik ko ulit ang tingin kay Miche. Pinakiramdaman ko kung alam ba niya na ang may banging naghihintay sa likuran ko. Hindi siya napapatingin doon kaya nababatid kong hindi niya pa napapansin iyon.

Nilakasan ako ang loob at humakbang papalapit sa kaniya. Ginawa kong natural ang paghakbang kong iyon para hindi niya mahalata na may tinatago ako sa likuran ko.

"Ano ba talaga ang problema mo, Miche? Wala akong ginagawa sa 'yo," kalmado kong saad sa kaniya pero sa loob-loob ko ay hindi na maayos ang pagtibok ng puso ko.

"Huwag kang paulit-ulit, Diane! Inagaw mo si Dave sa akin kaya huwag kang magmaang-maangan pa riyan!"

Muli niya akong sinugod kaya wala akong choice kung hindi ay umatras. Nakakaisang hakbang pa lang ako ay naabot na agad nito ang buhok ko.

Napasigaw ako sa sakit at pinigilan ang ginagawa nito. "Aray! Hindi ka ba marunong tumigil, Miche? Wala akong inaagaw at kahit kailanman ay walang maaagaw!" pilit na sigaw nito.

"Nakakainis ka! Nasa iyo na lang ang atensyon ng lahat! Ikaw ang bukambibig ni Dave kapag magkasama kami! Ikaw ang topic ng lahat ng estudyante sa Leehinton! Ikaw ang palaging nakikita ng mga teachers natin kahit hindi ka naman katalinuhan! Pati sa mata nina William, Xavier at Dave ay special ka! Ano ba'ng mayroon sa iyo na wala ako?! Ano?!"  halos maputol na ang litid nito kasisigaw sa akin.

Ramdam ko na ring ang panginginig ng boses nito at tuluyan na siyang napaiyak.

"Ano b-ba ang mayroon sa iyo?" utal na aniya. "Ordinaryong babae ka lang naman!" sigaw niya ulit at tuluyan na akong tinulak nang pagkalakas-lakas.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at ang tanging naisigaw ko na lang ay pangalan ni Dave na nagbabasakaling marinig niya ako at masagip sa pagkakahulog sa malalim na banging naghihintay sa akin.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top