CHAPTER 22

Chapter 22: Rest



NAGISING ako sa mahinang hikbi na nasa gilid ko kaya agad akong napamulat para alamin kung sino iyon. Sumalubong ang nag-aalalang mukha ni nanay na punong-puno ng luha.

"'Nay," tawag ko para makuha ang atensiyon niya.

"Diane!" Nanlaki ang mata nito nang makitang gising na ako at maingat na niyakap.

Doon ko napagmasdan na nasa isang hospital pala ako at ako lang ay nag-iisa sa kuwarto. Sa ganitong sitwasiyon ay nalaman ko isang pribadong kuwarto ang gamit ko ngayon.

"'Nay, bakit naman sa isang private room mo ako dinala? Wala tayong perang ipangbabayad sa mahal nito," ungot ko.

"It's okay, Diane. Rest at ease. Hindi mo kailangang intindihin ang gastos. Ako na ang bahala." Biglang sumulpot ang boses na iyon kaya napatingin ako sa nagsalita.

Nanlaki ang mata ko nang masilayan ang mukha ni Vincent. Naka-uniform ito at sukbit ang puting backpack sa kaliwang balikat.

"Vince! Bakit 'andito ka? May klase tayo, ah?" taka kong tanong. Napabaling ang tingin ko sa wallclock at alas-diyes na ng umaga.

"I didn't come to Leehinton, Diane. Dadaanan kasi dapat kita kanina, nagbabakasakaling nariyan ka pa sa bahay ni'yo dahil late na akong nagising but to my surprise you are wounded when I saw you kasama ang isang lalaki. You are unconscious when I rushed you here in the hospital," mahabang paliwanag nito sa akin.

Napatango ako sa narinig pero mas nakuha ng atensyon ko ang pagiging late nitong nagising. Ako ba ang inisip nito kagabi? Ang kapal ko naman sa part na ito.

"E, 'yong magnanakaw? Nahuli ba siya?" tanong ko.

"Yes and I will make sure that he will rot in jail," puno ng kumbiksiyong aniya.

"Vince. . . salamat talaga," nahihiyang saad ko.

Siya pa tuloy ang nakunsiyume sa mga nangyayari sa buhay ko. Sa kaunayan, hindi niya naman ako obligasiyon.

"It's nothing, Diane. I will do everything just for you kaya rest at ease, okay?" Napatango ako. "Ah, for your stab wound, mabuti na lang at walang natamaang internal organs nang sinaksak ka kaya walang critical damage na natamo ang katawan mo. Mabuti na lang din at nadala ka agad dito sa hospital. It will take weeks to heal kaya huwag matigas ang ulo para madaling maghilom ang sugat mo," istriktong paalala nito.

Natawa ako sa narinig. Diri-diretso talaga at walang preno ang paalala nito. 'Talo niya pa ang doctor sa lagay niyang iyan.

"Okay po, Doc Bins," Nalukot ang mukha nito sa narinig na pangalan. Kaya mas lalo akong humagalpak sa tawa pero kalaunan ay sumakit ang tagiliran ko.

Pinitik tuloy ako sa noon ni Vincent. "Ayan, sabi nang huwag munang maggagalaw," sermon nito na ikinanguso ko.

"Kasalanan mo kasi, e! Pinapatawa mo ako." Pinitik niya ulit ang noo ko. "Aray naman! Nakadadalawa ka na, ah? Suntukin kaya kita?" Inanbahan ko siya pero lumayo lang ito at tumawa.

Napabaling ulit ang mata ko kay nanay na tahimik lang sa isang tabi. "'Nay, may problema ba?"

Napailing ito. "Wala, anak. Masaya lang ako at ligtas ka na mula sa piligro."

"E, 'nay, sinong nagbabantay sa tindahan natin sa palengke?"

"Hindi na muna ako magtitinda, anak. Walang magbabantay sa 'yo rito."

Napatango na lang ako. Nakipagkuwentuhan naman si nanay kay Vince at mukhang nagkapapalagayan sila ng loob. May mga biro si Vince na hindi naman nakatatawa sa akin pero kay nanay ay sobrang nakatatawa, kaya ang ending, napipilitan akong tumawa.

Ganoon ang lang ang naging set-up namin sa loob ng isang araw hanggang sa umuwi na si Vince at tanging kami na lang ni nanay ang natira rito.

"Manliligaw mo ba iyon, anak?" biglang tanong ni nanay, tunig pang-iintriga.

"H-ha? Ano kasi. . . a-ah. . ." Napakamot ako sa batok. Iba talaga ang instinct ng isang ina. Wala pa nga akong sinasabi, alam na agad niya. "Oo, 'nay," sagot ko. Wala namang mawawala kapag sinabi ko ang totoo.

Ngumiti ito sa 'kin. "E, si Dave? Nanliligaw rin ba?" excited na aniya.

Napatigil ako bigla sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya dahil 'ramdam kong gustong-gusto nito si Dave para sa akin.

Napaiwas ako ng tingin, hindi sinagot ang tanong nito. Mukhang nakaramdam si nanay kaya hindi na lang ako pinilit pa sa gustong malaman.

"'Nay, uwi kaya muna kayo? Kaya ko naman mag-isa. Kailangan ninyo po ng pahinga, baka may mangyaring hindi maganda sa inyo," biglang saad ko.

Pinaningkitan ako ni nanay. "Kung uuwi man ako, Day-Day, maglalayag naman ang isip ko kung ano ang nangyayari sa 'yo rito, kung okay ka ba rito o kung ano pa riyan. Hindi ako makatutulog ng maayos sa bahay," litanya niya.

Napabuntonghininga ako at hinayaan na lang si nanay. Makalipas ng ilang sandali ay nakatulog ito habang nakaupo.

Doon ko napagmasdan ang kapayatan ng pangangatawan ni nanay. Kapansin-pansin ang pagnipis ng pisngi nito na noon ay may laman pa.

Nahabag ako sa sitwasyon ni nanay. Mukhang pagod na pagod na ito base sa itsura niya. Siguro kailangan kong maghanap ng part-time job para naman mabawas-bawasan ang paggastos namin.

Maghahanap na lang ako kapag humilom na itong sugat ko. Hindi naman 'to kalaliman kaya natitiyak kong mapapabilis ang paggaling.

KINAUMAGAHAN ay nakauwi kami ni nanay ng maayos. Totoo ngang sinagot lahat ni Vincent ang mga bayarin bago ako ma-discharge. Nakahihiya na nga dahil pati pag-uwi sa bahay ay gastos niya rin.

Nang makababa kami sa taxi ay inalalayan ako nitong maglakad papasok ng bahay. Makirot kapag gumagalaw ako pero hindi naman sobrang sakit talaga. Kayang-kaya ko namang tiisin at swka mataas ang pain tolerance ko kaya sisiw lang ito.

"Careful, Diane. Wait 'kukuha kita ng mauupuan," tarantang aniya.

"Vince, siguro sa kuwarto ko na lang," ngiting suhestiyon ko.

Mabilis naman siyang bumalik sa puwesto ko at tuluyan nang binitiwan ang isang silya na gawa sa kahoy.

"Ah, right. Let's go? Dahan-dahan lang, ha? You heard what the doctor said. Huwag na huwag munang maggagalaw at baka bumuka ang tahi mo," litanya niya pero nababatid ang pag-aalala.

Natawa na ako ng tuluyan. "Ikaw, Vincent, ang over acting mo talaga. 'Talo mo pa 'yong sampung doctor sa pag-papaalala sigu-segundo." Bigla niyang pinitik ang noo ko. "Aray naman! Ikatlo na iyan!" nakangusong reklamo ko.

Pinaningkitan niya ako. "Alam ko kasing linipad na 'yong mga sinabi ko ng hangin. Ang tigas pa naman din ng ulo mo," simangot nito.

Inalalayan na ako papasok sa kuwarto. Siya na rin ang bumukas ng pinto at inayos ang higaaan para makaupo ako.

"Are you hungry?" pagkatanong na pagkatanong niya ay bigla na lang tumunog ang tiyan ko kaya napatango ako na parang bata. Tumawa naman ito sa narinig bago ginulo ang buhok ko. "I think, it's a yes?"

Namula ako sa kahihiyan. Saktong-sakto rin ang pagbukas ng pintuan ni nanay at agad akong tinanong kung nagugutom na ba ako. Napasagot ako ng wala sa oras at tinawanan lang ako ni Vincent.

Nagprisinta na si Vincent na siya na lang daw ang bibili ng pagkain namin. Nakahihiya na talaga pero dahil masarap ang pagkain, sa susunod ko na lang papairalin ang pagkamahiyaan dahil ang pagkakapal muna ng mukha ang mangingibabaw sa sistema ko. Lubos-lubosin ko na lang.

Nang araw ring iyon ay nanatili lang ako sa bahay. Absent ako ng dalawang araw sa klase at hindi pa nakapagpadala ng excuse letter, pero, pinaalam na raw ni Vincent ang nangyari sa akin sa mga teacher ko.

'Laking pasasalamat ko at nakilala ko siya. Napakabait na tao at hindi mayabang kumpara sa ibang mga mayayaman. Hulog yata siya ng langit.

Umabot ng tatlong araw ang absent ko sa Leehinton. Patuloy pa rin sa pagbisita si Vincent. Minsan pang pumunta ang tatlong hari sa bahay pero hindi sila nagkaabutan ni Vincent.

Iwas kami sa isa't isa ni Dave kaya inaasar na naman kaming dalawa nina Xavier at William. Ang sasarap bigwasan. Hindi ba nila ramdam ang awkwardeness sa pagitan naming dalawa ng hari nila? Kainis.

Kaya ngayong biyernes ay napagpasyahan ko nang pumasok sa Leehinton. Hindi naman gaanong masakit ang tahi ko kumpara noong una. Nasanay na kasi ako na tuwing gagalaw ay may kikirot kaya parang normal na lang sa akin ito ngayon.

Saka naging mabilis ang paghilom ng tahi ko sa binigay ni Dave na cream. Mukhang mamahalin sa lalagyan pa lang. Grabe!

Plus points siya sa akin kahit na nang-aakusa ng hindi naman dapat.

Habang naglalakad ako papasok sa Leehinton ay bigla kong naaninaw sa hindi kalayuan si Liam na may sinusundang babae. Ito rin 'yong babaeng nakikita kong kasama niya tuwing hindi sila magkakasama ng mga kaibigan niya.

Panglalaki ang gupit ng babae na hinahangaan ko dahil bagay na bagay sa kaniya. Sa kabila ng kaiklian ng buhok ay litaw na litaw ang ganda niya. Mas maganda pa yata siya sa 'kin.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa maabot ang room namin.

"Diane, na paano ka?"

"Okay ka lang ba?"

"Grabe! Ang tapang mo!"

Nagulat ako sa mga kaklase kong bumungad sa akin. Pinaulanan nila ako ng iba't ibang tanong kaya hindi ko alam kung saan ang uunahin.

Nasagot ko naman agad at kaya nalinawan silang lahat. Kauupo ko lang nang pumasok naman ng magkakasabay ang tatlong hari.

Nagtama ang paningin naming dalawa ni Dave, ngunit, iniwas niya naman iyon. Sa ginawa niya ay biglang may kumirot sa dibdib ko. Umiwas na lang din ako at yumuko.

'Ramdam ko ang pag-upo nilang tatlo sa kani-kanilang mga puwesto. Napaangat lang ako ng tingin nang pumasok na si Miche sa room namin. May dala-dala itong box na kulay kahel at mayroon ribbon na kulay pula.

Todo ngiti ang paglalakad niya patungo sa direksiyon ni Dave. Inirapan pa ako nito kaya binalik ko rin sa kaniya ang ginawa niya. Akala niya, ha!

Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa susunod nitong gagawin.

Nilahad nito ang dalang box kay Dave na ikinakunot ng noo ng lalaki. "What was that?"

"Cupcakes, Dave. Binili ko para sa 'yo," kunwa'y nahihiyang tugon ni Miche.

'Lihim akong napasimagot. 'Bait ka, girl?"

"Why?" tanong ni Dave, may bahid na ng kaunting inis.

"Kasi gusto kong malaman mo n-na—"

"How many times I've told you that stop what you are doing?!"

Napalunok ako sa inis na nasa mukha ni Dave. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero parang may ideya na ako roon.

Napayuko si Miche pero muli niyang inangat ang tingin kay Dave. "Pero—"

Pinutol ulit ni Dave ang sasabihin niya. "Shut up, will you?

Napayuko na ng tuluyan si Miche. Gusto kong maawa pero lamang ang nagsasabi sa isipan kong deserve niya iyon.

Napasulyap siya sa akin at napapahiyang naupo sa upuan nito. Saktong-sakto nang dumating na si Ma'am Miranda.

Nag-announce ito tungkol sa camping namin. Maraming mga violent reaction akong narinig nang sabihin nito na ire-reschedule ang event.

Maraming nanghinayang pero pabor iyon sa sitwasiyon ko ngayon. Mabuti na lang talaga. Next month pa raw iyon iyon kaya marami ang nawalan ng gana ng araw na iyon.

Nang mayapos ang klase ay agad nagsilabasan ang mga kaklase ko dahil absent ang teacher namin sa second period. Sakto rin namang paglabas ko sa room ay nakaavang sa akin si Vincent.

"Hi," bati niya

"Hello," sagot ko.

"For you." Sabay abot nito ng isang bungkos ng bulaklak.

"Hala! Ang ganda naman nito!" bulalas ko. Sinuklian ko ng ito ng ngiti pero biglang na lang may umagaw sa kamay ko nang may aabutin sana si Vincent sa akin. Mabilis na lumukot ang mukha ko at sinamaan ng tingin si Dave. "Ano ba? Bastos ka, ha?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Let's go."

"Ano?! Saan? Kita mo nang may kinakausap pa ako, e!" Hindi niya ako pinakinggan at hinila na lang ako ng basta-basta.

Napatigil lang kami sa likod ng Leehinton na napupuno ng mga damo at kakahuyan. Tanging kami lang nang narito kaya ganoon na lang ang katahimikan ng paligid.

"Ano bang problema mo?" kunot-noo kong asik.

Napairap ito. "Ikaw!" singhal din nito.

Napatigil ako bigla at naituro ang sarili. "Ako? Anong ginawa ko? Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi nga tayo nagpapansinan tapos may nagawa pa ako? Gago ka ba?"

"Yes! Gago ako! Gago nga talaga ako dahil iniwasan kita at naiinis sa iyo ng walang dahilan! Hindi ko na alam ang nangyayari sa 'kin, but one thing I only knew. . . I hate seing you with that man! At nalaman ko pang he was courting you?" Napabuga ito ng hangin, pilit na pinipigilan ang inis.

Napanganga ako sa narinig. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o baka dala lang ito ng pagdi-day dream ko. Tinapik ko ang pisngi nito para malamn kung totoo ba ang Dave na nasa harapan ko.

"What are you doing?" taka nitong tanong ngunit namumula pa rin ang tainga dulot ng inis kanina.

Halos mabuwal ako sa pagkakatayo nang malamang totoo nga talaga siya. "T-totoo k-ka. . ."






A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top