CHAPTER 21

Triggered Warning: This chapter contains violence. Please, read at your own risk.
-
Chapter 21: Accident



HABANG naglalakad kami ni Vincent ay may mga nagbubulong-bulungan sa tabi. Hindi ko sila pinansin dahil baka kapag tinuon ko ang atensiyon sa kanila ay baka makalbo ko sila isa-isa.

"Diane, I'm sorry," paghinging-paumanhin ni Vincent  sa akin nang marating ang soccer field.

Walang masyadong tao rito at masarap sa pakiramdam ang hangin, saktong-sakto para sa pagpapalamig sa init ng ulo.

Napatingin ako sa kaniya. "Siya ang may kasalanan at namimintang ng kung ano-ano, kaya hindi mo kailangang humingi ng sorry."

Napaiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang payapang soccer field. May mga naghahabulang estudyante roon at nagtatawanan. Ang iba nama'y nakaupo lang sa bleachers habang nagsusulat. May mga nagbabasa rin ng libro. Tamang-tama lang din ang init kaya na rin may mga tumatambay rito.

Naalala ko ulit ang mukha ni Miche kanina. Alam kong may sinabi ito kay Dave kaya ganoon na lang ang pamimintang niya sa akin. Ano bang ginawa namin?

Kumirot ang puso ko sa pagkakataong ito dahil mas pinili niyang pakinggan si Miche. Hindi niya man lang ako pinaniwalaan kahit katiting lang naman.

Mas kapanipaniwala ba ang babaeng iyon kaysa sa akin?

Napaupo ako sa gilid sa damuhan at sinimulang pigtasin ang mga dahon ng mahawakan kong damo.

"Nakaiinis siya! Mas pinaniwalaan niya pa talaga si Miche! Hindi naman sila close noon, ah?! Pangit niyang ka-bonding!" inis kong ungot.

"Do you. . . like him?" mabagal na tanong ni Vincent na naging dahilan para mapatigil ako sa ginagawa.

Napalingon ako sa direksiyon niya at napakurap ng ilang beses. Gaanon ba ako kahalata?

Oo, alam kong may gusto ako kay Dave pero wala akong pinagsasabihan nito. Ang sarili ko lang at kaluluwa ko ang may alam sa sekreto kong ito.

Sa halip na sagutin si Vincent ay nag-iwas ako ng tingin. Kumuha ako ng isang dahon at pinagpipira-piraso.

Natawa kalaunan si Vincent pero hindi ko na ito tiningnan pa. "Silly me. I'm sorry, hindi ko na dapat pang tinanong iyon."

Sa pagkakataong iyon ay napabaling na ang atensiyon sa kaniya dahil sa pait na nasa tono ng pananalita nito. Pansin ko ang mabilisang pag-iwas nito nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Doon ko nalaman ang kalungkutang nasa mata nito ngayon.

Naibalik ko na lang ulit ang panonood sa kapaligiran. Binalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa ngunit kalauna'y  siya na ang bumasag no'n.

"Diane," tawag nito.

"Hmm?" sagot ko at napatingin sa kaniya.

"I know it's weird but I think. . . I like you."

Ilang ulit akong napakurap sa narinig at hindi nakapagsalita. Napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahang lalabas iyon sa bibig niya.

Hindi ko rin alam kung paano magre-react dahil baka makagawa ako ng hindi kaaaya-aya sa harap niya.

"Remember the day we met?" Natawa ito nang mahina. "Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero noong makita kita that day, my heart skips a beat. I really like you, Diane. I'm not forcing you to like me but please, give me a chance to prove my feelings for you," pakiusap nito at kinuha ang kaliwang kamay ko.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na magkakagusto si Vincent sa akin. Simula pa lang talaga ay kaibigan na ang turing ko sa kaniya. Paano ko ba sasabihin iyon ng hindi siya nasasaktan?

"Vincent. . ."

"Diane, I will proved my feelings for you. I will not take no as an answer from you. Just allow me to show what I felt for you," nangungusap ang matang aniya.

Napalunok ako at alinlangang napatango. Ewan ko ba kung tama ba itong ginawa ko.

Kagat-labi akong napaiwas ng tingin. Doon ko rin naisip ang mga pinapakita niya sa aking atensiyon na hindi ko pinagtuunan ng pansin ngayon.

Malay ko bang gusto niya ako? Naka-focus ka kasi sa isa riyan na pinapaasa ka lang, sabat ng isip ko.

Sumilay ang saya sa mukha ni Vincent sa ginawa kong pagtango. Wala naman sigurong masama na bigyan ko siya ng chance, 'di ba?

Mabuti pa siya, may lakas ng loob manligaw. Ang kilala ko, puro paramdam na importante ako pero kapag hindi ako nakatingin, lumalandi ng iba. Ano pa nga ba ang aasahan sa hari ng mga playboy?!

"Thank you, Diane!" Sa sobrang tuwa nito ay napatalon ito at napayakap sa akin. "S-sorry, nadala lang," hinging-paumanhin nito.

Natawa ako dahil napakamot ito sa sariling ulo. Nahihiya si Vincent. Ang kyut niya!

"Alam ko, ang cute mo," tawa kong sabi.

"Really? Well, I have a good genes. Thanks for my ancestors," natatawa niyang aniya.

Pinalo ko siya sa braso. "Oo na! Tara na nga!" 'aya ko sa kaniya. Tinulungan naman ako nitong tumayo saka pinagpag ang paldang kinapitan ng iilang mga damo.

Napangiti ako sa ginawa niyang iyon. Gentleman naman nito.

"May class ka pa?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Oo, e.  Pero may meeting 'yong mga teachers mamaya sa last subject natin, 'di ba?"

"Ah, yeah. I forgot. Wala pala tayong klase. So. . . can I drive you home later? You know, ligaw thing. . ."

Natawa ako. Namula pa ang pisngi nito sa sinabi. Sobrang ganda ko yata at natamaan itong lalaking ito.

Hinatid niya na ako sa  room dahil magsisimula na ang klase namin. Habang nagle-lecture ang teacher ay pasimple akong nagnanakaw ng tingin kay Dave.

Walang emosiyon ang mukha nito at diretso lang ang tingin. Ni hindi man lang ako rito tinapunan ng kahit katiting na atensiyon.

Humaba ang nguso ko at napabaling kina Liam at Xav. Nagkukwentuhan ang dalawa, hindi alintana ang gurong nagtuturo sa harap. Ano pa ba ang aasahan sa dalawang ito? Puro babae lang yata ang laman ng utak nila.

Napairap ako sa ere at binalik ang tingin kay Dave. Nakaiinis! Hindi man lang ako pinansin. P'wes kung ayaw niya, e 'di huwag ko rin siyang pansinin.

Ano'ng akala niya sa 'kin? Hahabol-habulin siya kagaya ng mga baliw na baliw sa kaniya? Asa!

Humalukipkip na lang ako at nagsulat ng notes kahit hindi ko naman gawain iyon. Minsan nakikita ko pang nakangisi sa akin si Miche pero 'di ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Kulang sa pansin ang babeng iyon.

Matapos ang tatlong subjects na hindi na kami nagpapansinan ni Dave. Parang hangin na lang ang turingan naming sa isa't isa.

Hindi ko rin binigyan ng pagkakataon ang iba naming kaklase na magtanong sa akin tungkol kay Dave. Bahala sila! Mga chismosa!

Niligpit ko na ang mga gamit saka lumabas. Bumungad sa akin ang nakangiting si Vincent na may dalang pagkain. Nakasandal ito sa gilid ng pinto ng room namin.

"Here. Miryenda." Sabay abot nito sa akin ng isang canned softdrinks at mamahaling tinapay.

Mabilis kong inabot iyon at ngunimiti. "Salamat, ah? Nag-abala ka pa."

Napabaling ang tingin ko nang lumabas si Dave kasunod ang dalawa nitong kaibigan. Nang-aasar ang mukha nina Liam at Xav at bumulong sa akin na may LQ daw kaming dalawa. Napairap ako sa dalawa at inambahan sila ng sipa pero mabilis silang tumakbo papalayo sa akin habang tumatawa.

May kumirot sa puso ko nang lumampas si Dave sa akin na hindi man lang ako pinansin.

"Dave, hintayin mo 'ko!" sigaw ni Miche. Nagtama ang mata naming dalawa kaya hindi ko na mapigilang mapairap sa kaniya. Ngisi lang ang sinagot nito sa akin at kumapit sa braso ni Dave na isang metro pa lang ang layo sa akin.

"Will you stop bothering me?" biglang asik ni Dave sa kaniya at hinaklit ang braso ni Miche.

Ang kaninang inis ko kay Miche ay napalitan ng saya dahil sa nakita. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi sa ginawa ni Dave.

May magandang 'dulot din pala ang kasungitan mo.

Hindi maipinta ang mukha ni Miche sa ginawa ni Dave at napatingin ito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at ginaya ang ngisi niya kanina sa akin.

Ang bilis naman ng karma.

Inirapan niya lang ako pero sumunod pa rin kay Dave. Tigas ng mukha!

"Let's go?" 'aya bigla ni Vincent. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Habang naglalakad kami ay bumalik ang usapin tungkol sa camping. Sabi pa niya ay tabi raw kami sa bus kapag papunta sa camping site at pauwi na. Okay naman iyon sa akin dahil alam ko namang wala akong makakatabi.

Nasa labas na kami at hinihintay ang sundo ni Vincent. Akala ko pa nga noong una ay siya ang magda-drive, iyon pala ay mayroon siyang driver.

Bawal  kasi siyang mag-drive dahil nakabangga siya noon kaya mahigpit na pinagbabawal ng ina nito ang pagmamaneho. Ilang minuto lang naman ang nilagi namin sa labas ng Leehinton nang matanaw ang puting kotse.

"Pasensiya na po, Sir Vince. Dinaanan ko po kasi ang anak ko kaya medyo natagalan ako," hinging-paumanhin ng driver nila.

Tantiya ko ay nasa kuwarenta anyos na ang driver nila. Lumabas ito para bumati sa amo.

"Okay lang po, Kuya Lj, hindi mo kailangang humingi ng paumanhin." Bumaling sa akin si Vincent. "Tara na?"

Napatango ako. Ang bait naman ng lalaking ito. Ngumiti sa akin si Kuya Lj. "Girlfriend mo ba ito, Sir?" patungkol sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa narinig pero hindi nagsalita, sa halip ay hinintay ko ang isasagot si Vincent.

Tumawa ito nang maghina. "Soon, kuya. Soon if she will," sagot niya sa driver at pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse.

Hindi ko alam ang ire-react kaya minabuti ko na lang na pumasok sa loob, pero, bago iyon ay nahagip ng mata ko sa hindi kalayuan ang masamang aura ni Dave.

Napalunok ako at biglang kinabahan.

Napatigil ako sa nararamdaman. Bakit ako kakabahan? Wala naman akong masamang ginagawa, ah? Siya kaya ang may masamang ginagawa—paglalandi!

Inalis ko na sa isip iyon at tinuon na lang ang atensiyon kay Vincent hanggang sa mahatid na nga niya ako sa bahay.

"So. . . paano? 'Una na ako, Diane, ha? Kitakits bukas."

"Bukas ulit. Salamat nga pala sa paghatid," ngiting pasasalamat ko at kumaway.




KINABUKASAN ay late akong nagising kaya nagkarambola ang kaluluwa ko. Alas-syiete y medya nang matapos akong gumayak.

"'Nay bakit hindi mo naman ako ginising?" reklamo ko.

"Nakalimutan kong may klase ka pa pala, Day-Day. Alam mo namang abala ako sa mga gulay na ititinda natin," sagot ni nanay.

Napakamot ako sa ulo. Wala naman na kasi akong magagawa dahil late na ako, saka ako ang may kasalanan. Napasarap kasi ang tulog ko.

"Baon ko po, 'nay?"

"Andiyan sa mesa, sa gilid ng mga vase," sagot ni nanay.

Napangiti ako at mabilis na kinuha iyon."'Nay, alis na po ako, ha? Ingat ka papuntang palengke," sigaw ko at kumaripas na ng takbo.

Hindi na ako sumakay pa sa sasakyan. Medyo malapit naman, e. Lakad-takbo ang ginawa ko. Hindi pa nga nakakaapak ang paa ko sa eskwelahan ay pagod na ako. Naku talaga, oh!

Napatigil ako bigla dahil kinapos ako ng hangin sa pagtakbo. Nakatukod ang dalawa kong kamay sa magkabilang tuhod. Napapikit pa ako at kasabay no'n ang pagtunog ng sikmura ko.

Hindi nga pala ako na nakakain ng agahan. Kaya pala parang nakakapagod, walang enerhiya!

Maglalakad na ulit sana ako pero natigil iyon nang may kumapit sa braso ko. Napatingin ako roon at laking gulat ko ng taong naka-bonnet ang bumungad sa akin.

"Holp-up 'to. Ibigay mo ang pitaka mo."

Bigla aking nanlamig nang maramdaman ko ang isang bagay na nasa tagiliran ko. Napakasuwerte ko yata ngayong araw.

"Wala po akong pera, Manong Hold-up-er."

"'Wag kang magsinungaling!" singhal niya.

"Totoo naman, wala naman talaga akong pera. Ayaw maniwala, parang tanga!" anas ko.

Lumukot ang mukha nito sa sinabi ko. "Aba't! Nakuha pang magsinungaling! Sa Leehinton ka nag-aaral, imposibleng wala kang pera! Akin na ang bag mo!" pagpupumilit niya pa.

Pilit nitong kinuha ang bag ko pero nagmatigas ako. Wala naman siyang makukuha, e.

"Manong Hold up-er, hindi ibig sabihin na nasa Leehinton University ako nag-aaral ay mayaman na ako! Fake news ka, alam mo ba?"

Mas lalong sumama ang itsura nito. "Ang kulit mo! Akin na 'yan!"

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa backpack ko. Nakipag-agawan ako sa kaniya at hindi sumuko na ibigay itong gusto niya.

100 lang ang laman ng pitaka ko at may mga ipon pa ako ritong isang libo. Ipangbibili ko pa ito ng cake ni nanay sa paparating na birthday niya ngayong September 12, 'no!

Hindi p'wedeng makuha niya ito! Patuloy lang kami sa pakikipagbunuan hanggang sa mainis ang magnanakaw at tinutukan ulit ako ng kutsilyo.

Napalunok ako. Hindi ko p'wedeng ibigay ito! Magkamatayan man! Para 'to kay nanay.

"Huwag ka ng makulit. Akin na 'yan!"

"Ayaw ko!" sigaw ko. "Ah!" palahaw ko bigla nang sinaksak ako nito sa tagiliran.

Napahawak ako roon at ramdam ko ang pag-agos ng maiinit na dugo na nagmumula roon matapos niyang hugutin ang panaksak. Tuluyan ko nang nabitawan ang bag pero bago iyon ay may nagsidatingang mga tambay na palagi kong kabangayan.

"Hoy! Ano 'yang ginagawa mo kay, Day-Day?" sigaw ng Ben.

"M-magnanakaw 'y-yan. . ." pahayag ko.

Sabay na nanlaki ang mata ng dalawa niya pang kasama nang makita ang sitwasiyon ko. Mabilis nilang sinugod ang magnanakaw pero tumakbo na iyon. Walang pag-alinlangang hinabol iyon ng dalawa at ang isa ay tinulungan ako para makapunta sa hospital.

Habang naglalakad kami para makahanap ng sasakyan ay unti-unti akong nahihilo. Nilabanan ko naman iyon pero nilukob na ang buong sistema ng kadiliman kalaunan.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top