CHAPTER 20
Chapter 20: Accidental kissed
LUMIPAS ang mga araw at palagi kong nakikita si Miche na kasama si Dave. Minsan nahuhuli ko itong nakayakap sa p*nyetang haring iyon.
Kinakausap ko pa rin naman si Miche pero naiilang na ako. May mga patutsada kasi siya minsan na nakasasakit na. Akala ko mabait siya, iyon pala ay nasa loob ang kulo.
Parang nawala na ang mabait na Miche at mahiyaan noong una kong nakilala rito sa Leehinton. Ibang-iba na siya at malayong-malayo sa nakalipas na mga buwan buhat ng makilala ko.
Napapansin ko ring ang pagiging mataray niya sa iba naming kaklase. Naiinis na rin ako sa kaniya kaya may mga pagkakataong ako na ang lumalayo kapag nalalapit kaming dalawa.
Nag-uusap din naman kami ni Dave pero pabalang palagi ang mga sagot ko. Nagpapabalik-balik kasi sa isipan ko ang mga ginagawa nila ni Miche.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-a-assume pero pinaparamdam niya sa akin na importante ako sa kaniya, minsan. Kung ganoon nga, bakit ko siya nakikitang magkasama ni Miche?
"Are you mad?" biglang tanong ni Dave sa akin.
Kasalukuyan kasi akong nasa labas ng room dahil nakasusulasok ang loob. Baka bigla kong masakal ang nakaiinis na Miche na iyon.
Napairap ako. "Hindi, ah!"
"Bakit ka sumisigaw? Galit ka, e," pagpupumilit niya.
"Okay."
"Uy." Kinulbit ako nito kaya napabaling ulit ako sa kaniya.
"Ano?!" inis kong saad at nagsalupukan ng husto ang kilay ko.
"Bakit ka nga galit?" pangungulit niya pa.
"Hindi nga ako galit!" pagpapaintindi ko.
"Galit ka, e."
"E 'di ikaw ang magsalita, ako ang maniniwala!" Napakamot siya sa sariling ulo at napabuntonghininga. "Doon ka sa babae mo!" dagdag ko pa dahil sa inis.
"What?" hindi makapaniwalang aniya.
"Bingi ka na ngayon? Iyan yata ang nakuha mo sa panglalandi."
"Hey, hindi ako nanglalandi, ah," depensa nito.
Umismid ako at akma na sanang aalis pero bigla niya akong hinila sa kamay. Napalunok ako sa kuryenteng dumaloy sa kamay naming dalawa na nagung dahilan para magkarambola ang loob ko.
Bakit ba siya ganito? Hindi ko na siya maintindihan!
Napatitig ako sa mga mata ni Dave na nangungusap ngunit nawala iyon ng may bumangga sa kaniyang mga kababaihan dahil nagkukulitan sa daan.
Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang sumunod na nangyari. Nanlalaking ang mata ko kasabay nang pagsipa ng puso ko sa posisyon naming dalawa matapos na matumba.
Dahil sa pagkakabangga sa kaniya ng babae ay nawalan ito ng balanseng papunta sa akin. Hindi ko naman kaya ang bigat nito kaya sabay kaming napahiga sa hallway. Hindi sadyang napahawak din ako sa dibdib nito at laking gulat naming dalawa na magkalapat ang mga labi namin.
Sabay kaming napatayo nag matauhan at nag-iwasan ng tingin.
"Naku! Sorry Dave! Sorry! Tinulak kasi ako nitong ni Shena, e!" hinging paumanhin ng babae.
"It's okay." Ngumiti si Dave sa kanila kaya mahinang nagtilian ang mga kababaehang iyon.
Umalis na sila at doon na napabaling ang tingin ni Dave sa akin. Akala ko iiwas ulit ito ng tingin pero nagkakamali lang pala ako.
"Panagutan mo ako," aniya.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Kanina lang ay hiyang-hiya, ngayon naman ang kapal ng mukha. Ang bilis naman magbago ng panahon, lalong-lalo na itong haring ito.
"Anong panagutan? Ikaw kaya ang dumagan sa akin at humalik! Anong ako?" singhal ko.
Magsasalita pa sana siya pero mabilis akong pumasok sa room at iniwan siya roon ng mag-isa sa labas. Nakita ko si Ma'am Miranda hindi kalayuan at may dala-dalang libro.
Pansin ko rin na kapag may dala siyang libro ay walang surprise quiz, kapag wala naman siyang dala na kahit ano, naku, maghanda na ang utak ko dahil alam kong magpapa-test siya.
Hindi na ulit kami nag-usap pa ni Dave ng magsimula ang klase. Napapasulyap din ako kay Miche. Tuwing naalala ko ang mga nakikita ko na kasama niya si Dave ay naninikip ang dibdib ko. Bigla itong napasulyap sa akin kaya alanganin akong napangiti pero hindi niya ako sinuklian ng ngiti rin.
Nagturo na si Ma'am Miranda hanggang sa maputol iyon ng may tumawag na teacher 'galing sa labas. Nag-usap sila roon kaya nag-ingayan na kaming lahat.
Nagkukulitan sa gilid ko ang tatlong hari at nagtutuksuhan ang mga iyon. Narinig ko pa ang pangalan ko pero hindi ako sumulyap sa gawi nilang tatlo.
Pumasok ulit si Ma'am Miranda kaya napatahimik kami agad. Nahuli ko pa sa gilid ng mga mata ko si Miche na umirap sa direksiyon ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at tinuon ang atensyon sa guro namin.
"Alam ni'yo namang na-pospone ang camping natin noong isang taon, right?" Nagsigawan kaming lahat at sumang-ayon. "Well, ngayon ay matutuloy na iyon." Mas lalo kaming naghiyawan sa narinig.
Camping? Napakagat-labi ako. Hindi pa ako nakararanas ng ganoon kaya nae-excite ako. Dahil sa balitang iyon ay hindi na nagturo pa si Ma'am Miranda kasi naubos na ang oras niya sa mga taning naming lahat patungkol sa gaganaping camping next week
Lahat kami ay sobrang excited sa parating na camping. Hanggang sa pumatak ang tanghalian ay ganoon pa rin ang topiko ng bawat isa sa amin.
May narinig pa akong tsismis tungkol kay Miche kesyo masama ang ugali at ang sungit-sungit. Binalewala ko na lang iyon at linisan ang silid dahil nagugutom na ako.
Paglabas ko ay nadatnan ko si Vincent na parang may hinihintay sa labas. Sukbit nito ang puting backpack at nakasandal sa pader. Pinagtitinginan din ito ng mga kababaehan kaya nang lumapit ako ay bigla akong pinag-usapan.
"'Di ba palaging nakabuntot 'yan kay papa Dave natin?"
"Ang landi naman niyan. Hindi na nakuntento kay Dave, pinatos pa talaga ang g'wapong lalaking iyan."
"Tama ka riyan!"
"Gumanda lang, gumaniyan na ang ugali."
Umasim ang mukha ko sa narinig. Anong ako? Hindi naman ako nakabuntot sa haring iyon, ah? Siya kaya ang buntot nang buntot sa akin! At hindi ako malandi! Bakit may label ba kami ng hari nila? May relasiyon ba kami? Makapagsalita sila parang boyfriend ko 'yong hari nila, ah?!
"Kumain ka na?" bungad ni Vince sa akin nang makita ako.
"Hindi pa nga, e. Kakain pa lang sana," sagot ko at ngumiti.
"Cafeteria tayo? Sabay na lang tayo, wala rin naman akong kasabay."
"Sige, gutom na rin talaga ako."
Habang naglalakad ay pinag-usapan namin ang paparating na camping saka nagbibiruan sa hallway. Nang marating ang cafeteria ay agad kaming humanap ng mauuupuan.
May mag nagbubulungan kaya minsan ay napapatigil ako sa paglalakad.
"Don't mind them. They are just insecure," ngiting saad ni Vincent.
"Hindi naman ako nagpapaapekto, ah. Sa ganda kong ito?" biro ko at nag-flip hair pa.
Natawa siya sa patutsada ko at ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako. "'Kita mo 'to, nanggugulo ng buhok, kasusuklay ko lang kaya!"
"You're so cute when you do that."
"Ako pa ba?" tawa ko pa.
Natawa muna ito at napailing. "What's your order?"
"Kahit ano basta ba libre mo!" Humalakhak ako. Bahala na, kapalan na lang ng mukha ito.
"Of course! Sige, wait lang, ha?" Napatango ako kaya umalis na siya matapos no'n. Ilang minuto lang ay bumalik na ito dala-dala ang isang tray na puno ng pagkain.
"Hoy! Bakit ang dami niyan?! Dalawa lang kaya tayo!" bulalas ko at tinulungan siya pero hindi niya naman binigay sa akin ang tray kaya ang kinuha ko ay ang drinks na binili nito.
"Para sa 'yo lahat ng 'to."
"Ano? Hindi kaya ako patay-gutom!" ngusong sabi ko.
Napatawa ulit ito kaya napatulala ako ng bahagya. Ang guwapo niya, ha.
Nagkuwentuhan kaming dalawa habang kumakain kaya hindi namin namalayan na naubis talaga namin ang ganoong kadaming pagkain. Nang matapos ay naglakad-lakad kami. Wala pa naman akong klase at ganoon din naman siya.
"Hey, watch out!" Nagulat ako sa boses ni Vince kaya hindi agad ako naka-react. Bigla niya akong hinila kaya napaikot ako at sumalubong ang malapad nitong dibdib.
Napalunok ako sa pabango nito ngayong araw. Parehong-pareho sila ng amoy ni Dave. Palihim tuloy akong mapasinghot sa dibdib nito pero kalaunan ay napalayo rin naman ako.
Napabaling ang tingin ko sa plorerang nagkandapira-piraso sa semento dulot ng pagkahulog mula sa itaas.
Napatingin ako sa itaas kung saan posibleng may nakalagay na paso sa isa sa mga silid-aralan sa bawat palapag.
Doon ko nakita ang isang plorera sa third floor na kagayang-kagaya sa nalaglag sana sa 'kin. Napakunot ako ng noo ng may maaninaw na isang babae sa gilid ay masamang nakatingin sa akin.
Pinaliit ko ang mata para makilala iyon pero bigla siyang tumalikod ngunit ang pamilyar na pantali sa buhok nito lamang ang nakita ko ng maayos.
Pamilyar. Saan ko nga ba iyon nakita?
"Diane ,okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalalang tanong ni Vincent at ini-scan ako kung may sugat ba ako o ano.
Napailing ako. "Wala naman. Salamat, ah? Baka kung hindi mo ako hinila ay baka nasa clinic na ako ngayon at may malaking bukol sa ulo."
"Sure ka ba? Baka tinatago mo lang, Diane, ah?"
"Ito naman ang o.a! Okay nga lang ako. Ang bilis mo kayang umaksiyon. Thank you, Mr. Savior!" Natawa ako at pinalo siya sa braso.
Biglang umihip ang hangin kaya napahawak ako bigla sa palda kong nilipad. Pati tuloy ang buhok ko ay parang naging pugad sa isang iglap.
Inayos ko na ang palda at bigla ko tuloy naalala si Dave. Napangiti ako ng wala sa oras. Napatuwid na ako ng tayo at aayusin sana ng buhok ng magsalita si Vincent.
"Stay still. Ako na ang mag-aayos sa buhok mo." Matamis itong ngumiti at sinimulan nang hawiin ang mga hiblang humarang sa mukha ko.
Hindi na ako umimik pa dahil hindi naman siya magpapapigil sa gagawin. Saka buhok lang naman.
Ewan ko ba pero parang sinasadya niyang bagalan ang ginagawa. Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagdampi ng hintuturo nito sa pisngi ko.
Napagmasdan ko tuloy ang mukha nito sa distansya naming dalawa. Una kong napansin ang mapupula nitong labi. May bukod tanging pimple sa ilong pero maliit lang naman. Makinis ang mukha. Malalantik ang mga pilik mata.
Napatigil lamang ako sa pagtingin sa bawat detalye ng mukha nito nang may magsalita sa likuran ko.
"So it's true," malalim na boses na anito pero alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari no'n.
Napalingon kaming dalawa ni Vincent sa gawi nito. Pinupukol kami nito nang masamang tingin na animo'y may nagawang kahindik-hindik na kasalanan sa kaniya.
Pansin ko rin ang nakasunod na babae sa likuran niya, si Miche.
"At first, I thought that this girl was bullsh*tting me and telling lies pero totoo nga talaga. You are with this man and doing something in this school."
Napalukot ang mukha ko sa narinig. Anong something ang pinagsasabi nito?
"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong pero sinamaan lang ako nito ng tingin.
"Magmaang-maangan pa. Nakita na ng dalawa kong mata. Are you really toying me, huh, Diane? Ang lalaki pa talagang 'yan? Pumili ka naman ng mas lamang sa akin," sarkastikong turan nito na ikinainit bigla ng ulo ko.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga binabato niya sa akin pero naiinis ako ng sobra sa kaniya. Ang sarap niyang tirisin. Huwag na huwag niyang bastusin itong si Vincent sa harap ko!
"Anong pinagsasabi mo, ha? Pinasok na ba ng masamang hangin iyang utak mo kaya hindi ka na makapag-isip ng maayos? At huwag na huwag mong pagsalitaan itong si Vincent ng masama dahil kaibigan ko siya!" gigil kong tugon at napalapit pa kay Dave.
"Don't go near me." Dahil medyo malapit ako sa kaniya at abot ako ng kamay nito ay tinulak ako bigla ng gag*ng haring ito.
"Dude, huwag mo namang ganiyanin si Diane," kalmadong anas ni Vincent at hinawakan ako.
Mas lalong sumama ang timpla ni Dave ng pumagitna si Vincent sa amin.
"Look, kung ano man 'yang nasa isip mo, wala kaming ginagawang masama ni Diane. We are just talking," paliwanag nito kay Dave.
"Talking?" Napabuga ito ng hangin. "F*ck that talking. Stop lying."
"Anong inuungot ng kalooban mo, Dave, ha? Nagsasabi ng totoo ang tao pero pilit mong pinipilit iyang pinaniniwalaan mo. P'wes, kung ayaw mong maniwala, e 'di huwag!" galit na sigaw ko.
Punong-puno na ako at napipigtas na ang pisi ng pasensiya ko. Ano bang sinabi ng g*gitang babaeng ito kaya naging ganito ang reaksiyon ni Dave?
Siya pa talaga ang pinaniwalaan niya?
Natawa ng sarkastiko si Dave. "Kinakampihan mo na ito ngayon?"
"Hindi ko siya kinakampihan! Pinagtatanggol ko lang dahil para kang tangang nangbibintang sa bagay na hindi naman dapat!" Inirapan ko siya at biglang hinila sa braso si Vincent. "Tara na, Vince, sayang ang laway natin kung barado ang isip ng kinakausap natin."
Inis akong naglakad at binangga ang balikat ni Dave. Nakita ko ring nakangisi si Miche kaya inirapan ko ang isang ito.
May araw ka talaga sa aking babae ka!
A S T A R F R O M A B O V E
☆
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top