CHAPTER 2

Chapter 2: Annoyed






“GOOD MORNING, class. I'll be your class adviser as well as your Science teacher. I'm  Miss Miranda Cruz, just call me Miss Miranda." Matatay niya kaming tinungnan isa-isa habang dinidiinan ang salitang Miss. "Since this is your first day of class, everyone will introduce their self,” seryosong panimula ng aming guro.

Tuloy ay biglang nag-ingay ang mga kaklase ko. Hindi ko sila kilala dahil sa ibang section ako 'galing noong nakaraang taon.

Ewan ko ba at bakit ako nalipat dito, nagkamali yata sila. O 'di kaya tulog ang kaluluwa ng sina-shuffle ang mga pangalan namin kaya aksidente akong nalipat sa sectiong ito.

Aminado akong tamad na estudyante pero hindi naman kasing tamad ng ibang nababalitaan kong hindi raw nagpapasa ng parte sa group work nila. Kahit tamad ako, may naipapasa pa naman akong test, ano!

Napatitig ako sa teacher namin sa unahan at sinuri siya. Maganda siya kumpara sa mga nakita kong mga guro rito sa eskwelahang ito, matangkad, 'yong tipikal na height ng isang modelo, mahaba rin ang itim na buhok at nakalugay lamang, matangos na ilong, bilugang mukha at napakakinis niya. Pero s'yempre hindi mawawala ang pagkamataray na dating nito.

Science subject pa talaga ang hawak niya, ah? Good luck na lang sa kaluluwa ko, nawa'y huwag umiskapo sa pisikal kong katawan tuwing papagalitan.

'Lihim akong napanguso. Ano kayang kalbaryo 'yong mapagdaraanan ko sa kan'ya? Ayoko talaga ng subject na science! Nakadudugo ng puwet!

Nagsimula na ang pagpapakilala namin. Ang iba ay hinaluan ng magandang intro, mayroon ding nakipagbiruan pa.

Ang iba nama'y mukhang masungit. May mga takot at nanginginig pa habang nagpapakilala sa gitna. May naiinis din at parang labag pa sa kalooban ang pumarito sa eskwelahan.

Halos lahat 'ata ng emosyong makikita sa tao ay isa-isa kong nasasaksihan sa bawat kaklase kong nagpapakilala sa harap.

Parang kakaiba yata itong section ko ngayon, ah? Bakit ba kasi ako napunta sa class 2-c?  Maayos naman ang buhay ko sa noon sa class 2-f, ah? Hay!

Dumating na 'yong pinakahihintay ko at dahil taglay ko ang kagandahan ay dapat maging confident ako. Hinawi ko ang buhok at tumayo na.Pakendeng-kendeng akong naglakad papunta sa harap kagaya nang ginawa ng mga kaklase kong babae.

Taas-noo akong nagpakilala pero pansin kong wala namang nakikinig sa 'kin. Letse!

Sa inis ko ay naglakad na lang ako papunta sa upuan. Sa ganda kong ito hindi man lang pinansin? Aba! 'Ngina nilang lahat!

Hindi mabubuo ang buhay niyo kapag hindi ni'yo nakilala ang isang magandang dyosang katulad ko—ang Diane Jyle Fernandez na taga planet earth!

Natapos na ang lahat ng nagpapakilala na may nagliliyab sa loob-loob ko. Nanggigigil pa rin ako! Sa ganda kong, 'to? Hindi talaga pinagtuunan ng pansin?

Naputol ang iniisip ko nang magsalitang muli si Miss Miranda. “Ito ang mga bagay na dapat ninyong sundin sa klase ko! First. . . keep quiet!” sigaw nito, biglang namang tumahimik ang lahat sa isang iglap. Napaayos sila ng upo at napatigil sa pakikipagkwentuhan sa katabi. 'Buti sana kung ginawa ko rin 'yan kanina. “Ayaw na ayaw ko ang mga maiingay! If you're not gonna listen then go. Hindi kita pipigilan sa gusto mo.” Iminuwestra nito ang kamay papuntang pinto.

“Second, don't be late!" Pinagkrus nito ang mga braso.

Pagkatapos  niyang sabihin 'yon ay walang habas na pumasok ang isang lalaki. Wala man lang isang good morning ma'am o 'di kaya sorry. Basta na lang siyang pumasok at naghanap ng bakanteng upuan.

Humaba ang leeg ko at sunundan ang taong iyon. Bakit parang pamilyar? Dahil naghahanap iyo ng upuan ay nagtama ang mga mata namin. Noong una ay nagtataka ang laman ng mata ito ngunit kalaunan ay bigla itong naningkit.

Wow! Siya pa 'yong inis na inis ha? Sino kaya ang hindi humingi ng tawad kanina? Ako ba? Ako? Letseng lalaking kulangot na ito.

“Mr. Lee, you are late again," puna nito sa Mr. Lee daw na 'to.

Sa asta ng guro namin ay parang kabisado na nito ang lalaking iyon. Palagi sigurong late ang taong 'to kaya ganoon? Napatigil siya sa gitna naming lahat dahil sa sinabi ng guro naming iyon. Nakatalikod siya roon at nakaharap sa direksyon ko na mas lalong ikinainis ko. Hindi pa rin kasi nito inaalis ang masamang tingin sa 'kin.

Inaapi ka boy?

“Yeah. It's obvious,” walang galang na sagot nito sa aming guro.

Ang bastos talaga nito! Pati sa guro namin ay hindi man lang nirespeto. Kaasar. Kahit naman ganito ako, e, nirerespeto ko pa rin naman ang mga guro. Tao lang din naman sila, nagtatrabaho para mabuhay kaya hindi nila deserve ang ganito pagtrato mula sa estudyante nila.

Nakakabwisit itong lalaking 'to! Kailangan niya yata ng sampung dasalan para maging maayos ang utak at paturuan ng salitang respeto.

“It's your last year as a junior high school student at late ka pa rin? Hindi magandang tingnan para sa isang anak ng may-ari ng eskwelahang ito!” inis na wika ni Ma'am Miranda.

Ano raw? Napanganga ako at gulat na tiningnan ang lalaking nakangisi na ngayon sa akin. Pinagpatuloy niya ang paglalakad ngunit hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin, hanggang sa maupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Bigla akong nagulat dahil sa pagsabat uli nitong bastos na lalaking anak ng may ari raw ng eskwelahang ito.

“I don't f*cking care, shut the f*ck up!” iritang ani nito.

Hindi ko na natiis ang kabastusang taglay nito. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Parang langgam na lang sa kanila kung tratuhin ang mga ganitong tao? Nakakalimutan ba nila ang pagiging makatao? Rumespeto sa kapwa dahil lang mas angat sila? Naikuyom ko ang kamao.

“Ang bastos naman ng pag-uugali mo! Ganiyan na ba ang tamang pag-aasal sa mga taong mas nakatatanda sa 'yo? Hindi ka ba nag-elementary at hindi pinag-aralang mabuti ang good manners and right conduct?! Ha! Nagtanong pa ako. Halatang bagsak ka ro'n dahil sa pag-uugali mo ngayon!” Nilabanan ko ang nakapapaso nitong tingin.

Anong akala niya sa sarili niya? Santo na dapat sambahin dahil sa pag-uugali niya? Aba! Mamatay siya riyan dahil hinding-hindi ako matitibag dahil sa pag-uugali niya.

“Pakialam mo?” inis na sagot niya sa 'kin.

“May pakialam ako dahil binabastos mo 'yong teacher natin! 'Ngina mo!”

Tiim-bagang ako nitong tinitigan. Magsasalita pa sana ulit ngunit nakisali na si Miss Miranda.

“Stop the fight, Ms. Fernandez and Mr. Lee. Enough. Sit down and get 1 whole sheet of paper!”

Napatingin ako sa mga kaklase ko nang magsalita si Miss. Ang iba ay nagbubulungan at halatang-halata naman na ako ang pinag-uusapan, inirapan ako ng iilan.

Ako pa talaga? Sinaway ko lang naman itong mukhang kulangot na ito, ah? Bakit ako 'yong naging masama? 'Nyeta!

Padabog akong naupo at inis na kumuha ng papel. Ganoon din ang ginawa ng lalaking kulangot na iyon. Kapag nagtatama ang mga mata naming dalawa ay bigla na lang itong maglalabas ng kuryente. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay patay na siya ngayon.

Unang araw, unang imbyerna at unang quiz! Hanep! Kasalanan 'to ng bwisit na lalaking 'to, e. Wala tuloy akong maisagot. Bahala na ang brief ni superman.

Natapos ang klase ay napatingin ako sa katabi ko. Nakaub-ob na ito sa sariling desk at parang tulog na, yata?

Lihim kong sinuri ang damit nito. Malinis na ito samantalang ako, e, ganoon pa rin ang uniform. May design pa ring polca dots na brown. Kukunin ko na lang mamaya ang extra t-shirt ko sa locker. Mabuti na lang at hindi ko pa iyon naiuuwi. Mga isang buwan na naroon 'yon.

Bigla itong gumalaw at inihilig ang ulo sa direksyon ko. Nakatunog yatang may nakatingin sa kaniya, grabe naman makaramdam ang isang 'to.

Hindi na ako nag-abala pang ilihis ang tingin dahil siguradong akong alam naman niya ito. Nakakunot pa ang noo nito na para bang naiinis o ano.

“Stop staring. Tsk!” inis na sambit nito.

Patay malisya kong tinuro ang sarili kahit nahuli niya naman akong nakatingin sa kanya.

“Ha? Ako? Hindi naman ako nakatingin sa 'yo ah?” maangmaangan ko rito sabay turo ko pa sa sarili. “Hindi ka lang pala bastos, assumero rin,” hantarang sabi ko.

“Tsk!” Umirap ito sa 'kin kaya natawa na lang ako dahil sa nakita ko. Grabeng irap 'yon. Talo pa ako, nahiya naman ang mata ko sa ginawa niyang iyon.

“Bakla.” Hindi ko namalayan na lumabas na pala sa bibig ko ang salitang 'yon.

Naitikom ko ang bibig at magkunwaring hindi iyon sinabi. Patay malisya akong nagpalingon-lingon sa mga kaklase ko. Ang sarap niyang asarin, e.

“What did you just say?” rinig ko pa mula sa kaniya. Gulat akong napalingon sa at agad na tinuro ang sarili.

“Kinakausap mo 'ko?” pigil ang tawa ko habang nagsasalita dahil hindi na maipinta ang mukha niya sa narinig.

Umupo na siya ng tuwid at hinarap ako, ngunit pinagpayuloy ko pa rin ang pag-aarte. Para siyang human size na takure dahil umuusok na ito sa galit.

“I am not a f*cking gay!” mas may diing wika nito.

Puro paking-paking na lang 'yong naririnig ko sa bibig ng taong 'to? Pakingina niya! Nagmumura na nga lang with english pa. Ganoon ba dapat kapag rich kid ka?

Hinarap ko na siya at takang tiningan ito. “Ha? Sino bang may nagsabing bakla ka? Ako ba talaga ang kinakausap mo? Wrong send ka yata?” Tinuro ko ang sarili at ginawa rin iyon sa kanya.

Napahilot siya sa sintido at pinukol ako ng matalim na tingin. Wow, natakot 'yong patay kong kuko sa kanya. Ibinalik ko na ang tingin sa gurong nagtuturo sa english subject namin. Kaso, hindi ako makapag-focus dahil sinipa ng lalaking kulangot na iyon ang upuan ko.

“Ano ba?! Nakikinig ako rito. Kung ayaw mong makinig, huwag kang mang-istorbo ng taong nag-aaral nang mabuti!” asik ko.

Ansabe ng nag-aaral nang mabuti? Hindi ko mga maintindihan 'yong tinuturo ni ma'am sa harap. Idagdag mo pang hindi ko siya kilala.

Bigla akong napabaling ng tingin sa harap ng marinig ang apelyido ko. Nagpalinga-linga pa ako dahil baka iba 'yon pero nakatingin ito sa direksyon ko.

“Miss Fernandez! Can you share with this class what you're discussing with Mr. Lee?" sita ni Miss Miranda dahil napalakas ang pagkakasabi ko sa walangyang lalaking katabi ko.

Ganoon na lang ang bilis ng pagtahimik ng buong klase at nagtungo ang mga mata nila sa direksyon ko. Malamang at nakilala ako dahil sa name tag nakalagay sa uniform kong may polca dots.

Nakagat ko na lang ang labi at biglang tinablan ng hiya. Hindi ko pa naman siya kilala kase hindi ako nakinig kanina. Tinakasan yata ako ng kakapalan ng mukha sa mga oras na ito. Kasalanan 'to ng bwisit na katabi ko, e.

“Sorry po, ma'am,” paghingi ko ng paumanhin.

Nilingon ko ang bwisit na baklang 'yon. Nakakainis! Nagpipigil lang siya ng tawa kaya mas lalo akong nanggalaiti sa kinauupuan.

“Buti nga,” natatawang pasaring nito sa 'kin.

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Paramg bigla nag-swirsh amg sitwasyon naming dalawa. Kanina siya itong inis na inis, ngayon naman ako na! Kaimbyerna!

“If you're not interested in my class, you are free to go out, Miss Fernandez," wika nito at pinagpatuloy na ang pagtuturo.

Matapos no'n ay tumahimik na lang ako, mahirap na baka maulit na naman. Nakakademonyo talaga 'tong katabi ko, nag-e-enjoy pa.

Hayop! Kung nakakamatay  lang siguro ang tingin, malamang patay na 'to ng pa ulit-ulit.

Porket gwapo ka! Gaganyanin mo lang  ang magandang tulad ko? May araw ka rin sa 'king bakla ka.

Lumipas ang oras at sunod sunod kaming nagpapakilala  sa mga subjects namin. Ano pa nga ba ang aasahan niyo sa unang araw ng klase, 'di ba?

Walang katapusang introduce your self!

Nakakaloka! Uwing-uwi na talaga ako. Unang araw pa lang ng klase at heto ako tamad na tamad na. Dagdagan pa nitong baklang katabi ko at pagkapahiya ko kanina.

Ang saya ng unang araw ko. Idagdag pa itong polca dots na nasa uniform ko. Hindi na lang ako nag-abala pang magbihis. Ang layo ng locker namin. Bahala na, tamad ako. Idagdag pa itong nakakaimbyernang pagmumukha ng Dave Kendrick Lee na ito.

Ang sarap pilipitin ang leeg at lagyan ng stapler ang bibig. Hindi na nawala ang ngisi nito sa 'kin mula nang napa-special mention ako sa gitna ng klase ng dahil sa kaniya.







---
Astarfromabove★

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top