CHAPTER 19

Chapter 19: Jealousy, jealousy



MATAPOS ang p.e ay pinagligpit kami ng mga bolang nagkalat sa loob ng gym. Isa-isa na ring nagbihis ang iba dahil amoy pawis na. Saka hindi p'wedeng naka-p.e uniform kaming lahat sa susunod sa klase, tiyak pagagalitan kami dahil hindi naman p.e time.

Lumapit na ang dalawang hari na nanunukso ang tingin. Napairap lang ako sa kanila.

"Ang sungit naman," komento ni Liam.

"Gumanda lang, nagsungit agad," segunda naman ni Xav.

"Tigil-tigilan ni'yo nga ako. Pagsisipain ko kayong dalawa, e," banta ko.

Nasa huling bola na ako at ilalagay ko na sana sa lagayan niya nang hindi inaasahang hinila ako ni Dave.

"Watch out!" aniya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nangyari matapos na hinila ako nito. Napalunok ako nang maamoy ko ang pabango nito at tila bumagal ang oras sa pagitan naming dalawa.

Sa kadahilanang hinila ako nito ay napaikot ako at napayakap sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko tuloy ang lakas ng tibok ng puso ni Dave.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito pero hindi ako makasagot dahil napatulala ako sa mukha nito. Marahan niyang tinapik ang pisngi ko. "Hey, are you okay?" ulit nito.

Doon na ako natauhan at bumalik sa lahat ang paligid. Nawala na ang pagbagal ng oras at dali-dali akong napabitaw sa pagkakayakap ko sa kaniya nang marinig na magtikhiman ang dalawa nitong kaibigan.

"A-ah, o-okay lang ako. S-salamat," utal kong saad at napansin ang lalaking papunta sa direksyon ko. Marahil ay siya ang may kagagawan kung bakit muntik na akong matamaan ng bola.

"Sorry, miss. Napalakas ang pag-spike ko sa bola at hindi sadyang napunta rito. Sorry talaga," paumanhin niya at yumuko.

Nginitian ko ito. "Okay la—"

Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Dave. "Alam mo namang may mga tao pa rito sa gym and yet you are careless. What if I'm not here? Baka nawalan na siya ng malay sa lakas nang paghampas mo sa bola," inis na sermon sa kaniya ni Dave.

Napakamot ako sa ulo. Kita mo itong lalaking ito, maliit na bagay lang pero heto siya at pinapalaki. Parang nabaldado naman ako sa inaasta niyang reaksiyon.

"Uy, ano ka ba. Okay lang ako. Hayaan mo na nga siya. Nang-aaway ka pa, e," gigil na bulong ko kay Dave at hinila palayo sa lalaking iyon.

"Bakit mo ba ako hinila?" inis na aniya.

Napatigil ako paglalakad nang marinig ang tono ng pananalita niya. Siya na nga ang iniwas sa gulo, siya pa itong galit.

"Kasi ayaw kong mapaaway ka!" inis ko ring sagot sa kaniya at naglakad na.

"Hey, wait for me. Hey," pakinig kong tawag niya pero nagtaingang-kawali lang ako. Bahala ka riyan.

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad hanggang sa marinig ko ang mabibilis niya ring paghakbang. Mas lalo kong inigihan ang ginagawa hanggang sa maging takbo na iyon. Para kaming tangang dalawa na naghahabulan sa loob ng campus.

"Hey, bakit ka ba tumatakbo? Wait for me, Diane," pakinig kong aniya pero pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo.

Bakit nga ba ako tumakbo? Para akong tanga! Maliit lang naman itong bagay bakit ba naming pinagtatalunan?

Malakas ang pagkakarinig ko ng boses niya kaya alam kong nasa likuran ko lang siya. Pinihit ko ang ulo para lingunin siya at tama nga ang hinala ko. Isang metro na lang ang layo niya sa akin at pilit niya akong inaabot.

Binalik ko na ang tingin sa harap ngunit ilang segundo lang ay hindi ko napansin ang nakausling bato sa dinaraanan ko. Napasigaw ako ng wala sa oras dahil alam kong masakit-sakit ang babagsakan kong lupa na puro bato.

Napapikit na lamang ako nang mariin at hinintay ang pagbagsak ko pero laking gulat ko ng may mainit na kamay ang humawak sa braso ko.

Dahil sa higpit ng pagkahahawak ay ramdam na ramdam ko ang lambot ng kamay nito. Mabilis kong nilingon ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon at sobrang pagwawala ng ginawa ng puso ko ng makita kung sino iyon.

Napalunok ako a sariling laway dahil tila huminto ang pag-inog ng mundo. Hindi ko alam kung nammamalik-mata lang ba ako o ano pero may mga bulaklak na pumapaligid kay Dave.

"Okay ka lang ba? Bakit ka ba kasi tumakbo?!" asik niya pero tunog maganda sa pandinig ko.

Doon ako natauhan at napabalik sa katinuan. Mabilis kong binawi ang kamay saka umiwas ng tingin sa kaniya.

"O-okay lang ako. S-salamat," utal kong tugon.

"Wala bang masakit sa 'yo?" paninigurado niya.

"W-wala. . ." Mabilis akong napalunok nang hawakan niyo ang balikat ko. Tila may dumaloy na kuryente sa katawan ko sa paghawak niyang iyon. "A-ano. . . n-nagugutom na ako. Punta t-tayong cafeteria?" pag-iiba ko ng usapan at umipod ng kaunti para maiwasan ang paghawak nito sa balikat ko.

Pumunta na kami sa cafeteria at kumain. Pinagtitinginan kaming dalawa at may mga kababaihang masama ang tingin sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at tinuon ang atensiyon sa kinakain. Panaka-naka rin akong napapasulyap kay Dave at kapag magtatama ang mga mata namin ay iiwas lang ulit ako.

"What's wrong? May dumi ba ang mukha ko?" kunot-noong tanong nito. Napailing ako. "Then why are you staring? Sobrang g'wapo ko na ba at na-inlove ka na ng tuluyan?" asar nito at kumindat sa akin.

Bigla akong nabulunan sa ginawa niya kaya dali-dali niyang inabot ang isang bottled water sa 'kin. Lumipat din ito sa inuupuan ko at hinagod ang likod ko.

"Ayan, hindi alam ang salitang dahan-dahan."

Inirapan ko siya. "Kasalanan ko bang namali ang pasok ng pagkain?" inis kong saad pero tinawanan niya lang ako. "Isaboy ko sa 'yo itong tubig na hawak ko, e!"

"Go on, handa akong magpasaboy basta ikaw ang gagawa," ngising aniya na naging dahilan para pamulahan ako ng mukha.

"D-doon ka nga!" naiilang ko siyang tinaboy kaya napabalik ito sa upuan.

Ano bang topak ng lalaking ito ngayon? Kainis! Palagi niyang pinapakabog ang dibdib ko!

Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan na naming umalis at pumasok sa klase pero sana hindi na lang namin ginawa dahil late naman kaming dalawa.

Hindi kami pinapasok ng teacher namin dahil ilang minuto na lang ay patapos na rin ang klase. Istrikta pa naman din iyon.

Tumambay na lang kami ni Dave sa labas ng room kaso nga lang ay pinagtitinginan kaming dalawa. Sinong mag-aakala na nasa labas ang isang haring kagaya niya sa kalagitnaan ng klase, 'di ba? Pero ang iba ay binalewala lang iyon at kilig na kilig na nagpapapansin kay Dave. Napasimagot tuloy ako. Feeling artista naman nito!

Napabaling ang tingin ko kay Dave na ngayon ay nakatitig sa cellphone nito. Nakangiti ang loko at parang tuwang-tuwa talaga sa nakikita. Bigla tuloy nabuhay ang kuryosidad ko sa kung anong tinitingnan nito.

Palihim akong napaipod papunta sa kaniya pero nakaaamoy yata na nakikichismis ako pero nahagid ng mata ko ang litrato ko. Huli na nang pinatay niya ang cellphone at dali-daling tinago sa bulsa ng uniporme nito.

Akala niya, ha. Nakita ko iyon. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.

Timing din na lumabas na ang teacher namin kaya dali-dali na kaming pumasok sa nag-iingayan naming kaklase.

"Saan ka pumunta?" tanong ni Miche pero tunog galit ito. Napatigil ako sa inasta niya. Ilang segundo lang ay inulit nito ang tanong pero sa mahinahon ng paraan. "Saan ka pumunta, Diane? Ayan tuloy hindi ka nakakuha ng test."

Napatitig muna ako sa kaniya dahil kahit kailan ay hindi niya ako ginano'n. Wala naman akong ginawa sa kaniya, bakit galit siya? Inalis ko na lang sa isip iyon dahil bumalik naman ulit ito sa rati.

"Kumain lang ako sa cafeteria. Napasarap kaya nakalimutan kong may klase pala," pagdadahilan ko.

"Kasama si Dave?"

Hindi iyon tunog nagtatanong pero nagbibintang. Pansin ko rin ng may bahid ng pait ang pagkakasabi nito.

Sasagot na sana ako pero biglang pumasok ang guro namin sa math. Panaka-naka akong napapasulyap kay Miche dahil sa inasta niyang iyon.

Hanggang sa matapos ang klase at lunch ay parang sadyang lumalayo siya sa akin kaya minabuti ko na lang na huwag na siyang sundan pa.

Pumunta na lang ako sa garden ng Leehinton dahil maraming upuan doon at doon na lang din kumain. Naging payapa ang pagkain ko hanggang sa matapos.

Pinagpasyahan ko na lang na manatili muna sa garden dahil busog na busog pa ako. Napaidlip pa nga ako dahil sa sarap ng simoy ng hangin at lilim ng puno kahit na tirik na tirik ang araw.

Nagising lang ako nang may narinig akong nag-uusap sa hindi kalayuan. Napatayo ako at sinundan ang mga tinig na iyon.

Tumambad sa pinakadulo ng garden sina Miche at Dave at hindi ko inaasahan ang gagawin nila. Napatakip ako ng bibig sa takot na baka makagawa ng ingay at maistorbo silang dalawa.

Nakatalikod sa akin si Dave kaya hindi ako nito makikita pero napatigil ako ng magtagpo ang mga mata namin ni Miche habang hinahalikan si Dave.

Bumilis ang tibok ng puso ko pati na rin ang paghinga. Parang pinupunit ng ilang piraso ang puso ko sa nakitang paghahalikan nilang dalawa.

Bakit siya nagpapahalik sa babaeng iyan?

Nangiligid ang luha ko sa nasaksihan at mabilis na umalis sa pinagtataguan at tumakbo palayo sa kanilang dalawa.

Napapahid ako sa luhang umaagos kasabay nang mabibilis kong pagtakbo. Hindi ko na rin makikita ng maayos ang daraanan kaya bigla na lang akong may nabangga.

"Hey, are you all right, miss? I'm so sorry. Hindi talaga kita nakita," malumanay na aniya.Tinulungan ako nitong makatayo. Sobrang bango rin nito.

Napatango ako. "O-okay lang ako. S-salamat."

Pagkatapos no'n ay naglakad na lang ako. Pinigilan ko rin ang mga luha ko at pinakalma ang sarili.

Bakit ba akong nasasaktan? Wala naman kaming label. Sa inaasta ko para ko siyang boyfriend, ah? Para kang tanga, Diane!

"Diane!" Napalingon ako sa tumawag kaya bigla akong napatigil. Natigil din ako sa pag-e-emote at napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Mabilis kong pinahid ang mga natirang luha sa mata ko at ngumiti sa kaniya. "Uy, Vincent! Kumusta? Matagal-tagal kitang hindi nakita, ah?"

"A sudden vacation, e. Pumunta kami ng family ko sa states," ngiting sagot nito.

Pansin ko na mas lalo itong pumuti at gumuwapo. Iba na rin ang hair style nito kumpara noong huli ko siyang nakita. Tumangkad din ito at nagkalaman ng kaunti.

Kaya pala parang hindi ko siya nakikikita rito sa Leehinton. Akala ko hindi lang talaga kami nagkakakitaan dahil busy sa klase.

"Naks! Sana all naman bumabaksiyon, e, 'no? Wala bang pasalubong diyan?" natatawang biro ko.

"Of course! Here." Inabot niya sa akin ang isang box ng heart chocolate shape.

Nanlaki naman ang mata ko dahil naging totoo itong biro ko. "Hala! Joke lang talaga 'yon!"

Natawa ito. "Kunin mo na, para talaga sa 'yo 'yan, Diane."

"Talaga?" kunwaring nahihiya ko pang sabi pero sa loob-loob ko ay atat na akong kainin itong chocolate na binigay niya.

Mukhang mamahalin sa balot palang, e. Sobrang sarap siguro nito.

Ginulo ni Vincent ang buhok ko. "Yes, it's for you. Naalala kasi kita noong sinamahan kong bumili ng chocolates 'yong kapatid ko."

"Wow. Naks naman. Ikaw ha," asar ko sa kaniya.

Naglakad na kami papunta sa room namin at nakatutuwa talagang kasama itong si Vincent. Naging madaldal na at ang daming baong istorya. Tawang-tawa ako sa mga kalokohan niya at pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dahil sa ingay namin sa hallway.

Nasa labas na kami ng room ng makita kong papalapit na rin sa silid si Dave at ng mga kaibigan nito.

Masama ang tingin nito kay Vincent pero binalewala ko lang. Bahala siya sa buhay niya. Lumandi siya roon kay Miche! Paasang hari!

Bigla akong nakaisip ng ideya kaya napangiti ako. Hah! Tingnan natin! Akala mo ikaw lang may ganiyan, p'wes ako rin.

Hinila ko si Vincent sa kamay at walang sabi-sabing hinalikan ito sa pisngi. Nakarinig ako ng mga sigawan at tilian ng ibang mga kaklase ko at sa mga nakakita sa labas.

Napahawak si Vincent sa parte kung saan ko siya hinalikan at nakatulala akong tinitigan.

Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat dito, Vince, ha?"

"H-ha? W-wala 'yon," utal niyang sabi.

Tumawa ako sa naging reaksiyon niya. "Uy, male-late ka na. Tama na ang pagiging tulala sa ganda ko." Mahina ko siyang tinapik kaya bigla itong natauhan.

"Ah, yeah. Bye, Diane," paalam nito ngunit sapo-sapo ang pisngi.

Napabaling ulit ako kay Dave na masama na ang tingin ngayon sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at pumasok na sa loob.

Ha! Akala mo, ha. Doon ka sa Miche mo!








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top