CHAPTER 18

Chapter 18: Miche



MATAPOS ang eksenang ginawa ni Dave sa klase ni Ma'am Miranda ay mas lalo kaming naging tampulan ng tukso. Para kaming artista dahil may mga fans daw kami.

Ilang araw nang nakalipas simula no'n pero ito sila, parang kailan lang narinig ang balitang iyon at hindi na napagod katutukso sa akin.

Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Miche nang makitang hindi naka-uniform ang tatlong hari. Sunod-sunod silang pumasok na animo'y mga modelo ng mamahaling damit.

Taena! Napatulala ang lahat dahil sa tanawin na ubod ng ganda. Pati ako nahawa sa pagkatutulala ng lahat.

'Di ko na ito ede-deny pa. Ang gugwapo nila! Ang gagandang lahi.

Napabaling ako kay Miche na may nakakunot na noo nang mahimasmasan. "Bakit hindi sila naka-uniform?" Kinulbit ko siya kaya nawala ang pagkakatulala niya sa tatlong hari.

 "Ha? Ah, e ano. . . p.e kaya natin mamaya! Hindi mo ba alam?" taka niyang saad sa akin.

Magtatanong ba ako kung alam ko? Napailing na lang ako kay Miche. "Hindi mo naman kasi ako sinabihan kahapon," nguso kong wika sa kaniya.

Napaiwas siya ng tingin sa akin. "Sorry, nakalimutan ko rin kasi, e."

Natawa ako. Nahiya yata. "Naku! Okay lang, ano ka ba, Mich."

Napaling ulit ito sa akin, nakakamot sa sariling ulo. "Sorry talaga, Diane. Akala ko kasi ay alam mo na, kaya hindi ko nasabi."

Napakunot ang noo ko sa tinuran nito. Akala ko ba nakalimutan niya? Bakit nag-iba na naman 'yong rason niya?

Ilang segundo akong napatitig sa kaniya pero nakababa lang ang paningin nito. Natigil lang ako ng pumasok na si Ma'am Miranda. Nagsiupuan na ang lahat at biglang tumahimik nang makita ang guro namin iyon.

Umayos na rin ang tatlong hari sa kani-kanilang mga upuan. Kumindat pa sa akin si Dave pero agad ko lang iniwas ang tingin. Kinakantiyawan din siya ng mga kaibigan at inaasar sa akin.

"Get 1 whole sheet of paper. Number your paper, 1-100," seryosong sabi ni Ma'am, hindi man lang ngumiti.

Super bad mood yata siya ngayon, ah. Narinig ko ang pagreklamo ng iba kong kaklase sa surprise test ni ma'am. Kesyo bakit daw hindi nag-inform, ganito at ganiyan. Kaya nga tinatawag na surprise, e.

Napipilitan ang lahat na kumuha ng papel pero hindi pa rin mawala-wala ang ingay.

"Is the items not enough that's why you are all noisy?" Isa-isa kaming tiningnan ni ma'am kaya awtomatiko kaming napatahimik lahat sa takot na baka dagdagan pa niya ang test.

Hindi na nga ako nakapag-aral, tapos dadagdagan pa ang pasakit ko sa buhay.

Kumuha na lang ako ng papel at ballpen. Sinulyapan ko ang tatlong hari at prenteng nakaupo lang ito habang nakahawak sa papel nila. Aba!

Parang okay lang sa kanila 'to, ah? Lahat nga kami rito ay nagrereklamo sa pa-surprise effect ni ma'am. Magkandamatay na sa kaba dahil baka itlog ang makuha na score tapos sila chillax lang?

Sumimangot na lang ako at tinuon ang atensyon sa nagtatanong na guro sa unahan.

"Give me two types of crust."

Hinalungkat ko ang bawat kaalaman na nasa loob ng utak ko at nagsulat. Kahit papaano naman ay may alam ako  rito ano.

Patuloy lang kami sa pagsagot ng tanong niya. Ang iba kong kaklase ay napakakamot na lang sa ulo dahil hindi alam ang sagot, siyempre pati na ako roon. Ang iba naman'y parang iiyak na.

"Diane, may sagot ka ba? Gusto mong kumopya?" bulong ni Miche sa akin.

Sa totoo lang, ang talino ni Miche. Kanina ko pa napapansin na kapag nagtatanong si ma'am ay may naisusualat agad siya.

"Ah. . . ano. . . oo may sagot naman ako kahit pa—"

Naputol ang sinasabi ko nang marinig ko ang pagsita ng guro sa akin at tinawag ang pangalan ko.

"Ms.Fernandez, are you cheating at Ms. Delapaz?" lantarang paratang nito na ikinalaki ng mata ko.

Lahat ng mata ng mga kaklase ko ngayon ay nasa akin at nakahihiya ang ganap na ito ngayon. Naitaas ko ang dalawang kamay at sumenyas na hindi ko ginagawa iyon.

"Naku, ma'am, hindi po ako nangongopya kay Miche. 'Di ba, Mich?" kinakabahang baling ko sa kaniya.

Napayuko lang ito pero napaigtad nang tinanong siya ni Ma'am Miranda. "Totoo ba ang sinasabi ni Ms. Fernandez, Ms. Delapaz?"

"Hindi po. . . a-ah, o-oo po," utal na sagot nito.Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Miche.

"Kapag nalaman kong nagchi-cheat kayong dalawa ay ibabagsak ko kayo sa klase. Okay, pass your papers in the count of five."

Bigla namang nataranta ang lahat. Ang iba nadadapa na sa kapapasa ng papelsa unahan. Ang iba naman lumipad ang papel. May naapakan din at hindi na nakaabot ng pagpasa.

Ang terror talaga.

Nang makolekta niya ang mga papel ay nagpaalam na kami. Doon na ako hinarap ni Miche.

"Diane, sorry, ha? Nang dahil sa akin napagalitan ka tuloy." Napayuko ito at parang nahihiyang salubungin ang mata ko.

Pinalo ko siya sa balikat. "Ano ka ba? Okay lang, 'no!"

Nagkulitan kami ng ilang minuto hanggang sa sunod-sunod ang mga klase namin. At dumating na nga ang pinakamatatakutan ko sa lahat, p.e time.

Habang abala ang iba sa pagliligpit ng mga gamit para pumunta sa gymnasium ay ako naman itong nakaupo lang sa tabi at tamang subaybay lang ang ginawa ng mga kaklase ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsitayuan na ang lahat at pupunta na sila sa gymnasium. Ang iba ay kumuha ng pamalit sa locker nila. Ang iba naman ay deritso na sa gym at doon na lang daw magbibihis. Mayroon naman kasing cr doon at ang laki para magkasya ang karamihan sa amin.

"Uy, ano pa inuupo-upo mo pa riyan? Halika na, Diane." Sabay hatak sakin ni Michenpero hindi siya nagtagumpay dahil nanatili pa rin akong nakaupo sa puwesto ko.

"Wala akong dalang p.e uniform, Mich. Sa katunayan, nakalimutan ko talaga," kamot ulo kong sagot.

"Hala ka, paano 'yan? Wala na akong extrang damit, nagamit ko na kasi 'to kahapon at nakalimutan kong magdala." Napakamot din ito sa batok.

"Hindi ko alam. Manonood na lang siguro ako. Tara na. " Napabuntonghininga ako sabay tayo.

"Graded pa naman ang performance natin ngayon," sambit pa niya habang naglalakad na kami papunta sa gym.

Nang marating namin ang gym pumunta agad kami sa teacher naming si Ma'am Alvarez. Nakalinya na karamihan sa mga kaklase ko kaya agaw-pansin kaming dalawa ni Miche na kararating lang. Idagdag pa na hindi ako naka-p.e uniform na namumukod-tangi sa lahat ng kaklase.

Sana pala ay hindi na lang ako pumunta rito. Nakahihiya.

"What's your name, miss?" bungad agad sa'kin ni ma'am habang pinapasadahan ako nang mataray na tingin nito.

Pansin ko lang, bakit ba ang tataray ng mga gurong babae rito sa Leehinton? Sumpa ba 'to?

Kahit na naktutunaw ang paninitig nito ay sumagot pa rin ako. "D-diane F-fernandez, ma'am, " utal na sabi ko habang nakayuko.

Mukhang alam ko na ang sunod na sasabihin nito. Napapikit ako nang mariin pero napamulat ulit ako nang may mga kamay na humawak sa akin at walang habas na hinila. Ni hindi man lang nag-excuse sa teacher na kausap ko.

"Dave? Hoy! Kita mo namang nag-uusap kami ni ma'am, bakit ka ba nanghihila?"

Napatigil ito sa paghila sa akin at hinarap ako.

"Wear this," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Walang ano-ano'y bi igay nito ang hawak na damit sa akin at walang paalam na umalis na lang.

Naiwan ako roong nakanga-nga at hindi makontrol ang nagkukumawalang daga sa dibdib ko. Natulala akong napatingin sa kaniya habang papalapit sa mga kaklase kong nakatingin din dito.

Napabaling ulit paningin ko sa pinahiram nitong p.e uniform sa akin. Napalunok ako habang rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

Bago pa maubos ang oras ay nagpalit na ako ng uniform at laking gulat kong saktong-saktong iyon.

Saan niya kaya 'yon hiniram? Siguro sa mga babae niya, 'no?

Bigla akong napasimangot sa isiping iyon. Parang gusto ko tuloy alisin sa katawan ang p.e uniform na ito. Pero hayaan na, sayang naman 'yong effort niyang manghiram para lang maibigay sa 'kin 'to.

Kahit suot ko na ang uniform ay amoy na amoy ko pa rin ang bango no'n. Kumportable rin itong isuot at sobrang lambot, hindi kagaya ng uniform ko.

Nang pabalik na ako ay kasalukuyan na silang nakaliya dahil may dini-discuss si ma'am sa kanila. Dali-dali akong napapunta roon at lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Hindi ko na iyon pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.

Nahagip ng mata ko si Dave at mga kaibigan nito. Nakatutunaw ang mga paninig na ginagawa ni Dave kaya agad akong napaiwas.

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako matapos kong na luminya. Hindi ko rin masyadong naintindihan ang mga sinasabi ng guro dahil nadi-distract sa lakas ng kabog ng puso ko.

Pasimple rin akong napapatingin kay Dave na nasa gilid ko. Kahit sa distansya naming dalawa ay amoy na amoy ko ang pabango nito. Iyon tuloy ay mas lalo lamang akong napangiti.

Hindi sadyang napadako ang paningin ko kay Miche. Nakatitig ito kay Dave at nang mapansin ako ay umiwas ito ng tingin sa lalaki. Napakunot ako ng noo sa inasta niya pero isinawalang bahala na lang iyon makalipas ang ilang minuto.

Nakinig na lang ako kasabay ng pasulyap ko kay Dave at Miche. Nang matapos ang discussion ni Ma'am Alvarez ay nagsimula na kami sa basketball.

Simpleng pagdi-dribble lang naman iyon habang tumatakbo at iso-shoot sa ring pero karamihan sa aming mga kababaehan ay nahihirapang patalbugin ang bola habang tumatakbo.

Hindi rin ako makapag-focus dahil nahuhuli kong nakatingin si Dave sa akin at mang-aasar naman ang dalawa niyang kaibigan.

Binigyan din kami ng 10 minutes ni ma'am para makapag-practice hanggang sa matapos at hinati sa dalawang grupo ang buong seksyon.

Kasalukuyang mangunguna ang grupo namin at may umusbong na tuwa dahil kagrupo ko si Dave. Siya ang pinakahuli sa linya namin at ako ang nasa unahan niya kaya matinding pagwawala ng mga daga na nasa dibdib ko.

"Kinakabahan ako," wika ni Miche na nasa unahan ko. Kanina pa siya hindi mapakali dahil hindi raw siya marunong kahit na nakapag-practice namin kaming dalawa kanina.

"Ako nga rin. Baka ako pa ang maging dahilan para matalo tayo," saad ko naman.

Totoo naman talaga, e. Kinakabahan ako. Group performance pa naman ito. Paano kung hindi kami manalo nang dahil sa kapalpakan ko? Nakahihiya.

"You can do it," biglang ani Dave na nasa likuran ko.

Napakagat-labi ako at pinigilang lumingon sa direksiyon niya pero napagpasyahan kong lingunin sana siya at magpapasalamat pero biglang magsalita si Miche.

"Salamat, Dave! Dahil sa sinabi mo ay parang nawala ang kaba ko," galak na aniya habang binigyan ng matamis na ngiti si Dave.

Napaawang ako. Feeling ko ay ako talaga ang sinabihan ni Dave no'n. Hindi ako nag-a-assume pero nakatingin siya sa akin at hindi man lang binalingan ng tingin si Miche.

"Diane," tawag ni Dave.

"H-ha?" utal kong sagot.

"I know you can do it." Ngumiti ito sa akin na nagpakabog sa dibdib ko.

Pigil akong ngumiti at humarap na sa unahan pero laking gulat ko ng hindi maipintang mukha ni Miche ang bumati sa akin, ngunit, panandalian lang iyon nang mapansin akong nakatingin sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at nag-focus na sa unahan. Maingay ang bawat grupo at may nagsisigawan pa. Nangunguna pa rin ang grupo namin. Kalaban namin ang dalawang kaibigan ni Dave na sina Liam at Xav.

Hanggang turn na ni Miche sa pagdi-dribble. Unang subok pa lang niya ay hindi agad pumasok. Sa ikalawa ay wala pa rin hanggang sa ikatlong try niya ay napapasok niya sa wakas.

Ngumiti siya sa akin pero parang lumalampas ang tingin niya sa akin. Alam kong si Dave ang tinititigan nito pero mabilis naman nabaling ito sa akin.

"Galingan mo, Diane!" pagchi-cheer niya sa akin. Napatango naman ako at ngumiti rin.

Nang makuha ang bola ay sinimulan ko na nag padi-dribble habang tumatakbo. Ginaya ko lang ang ginawa ko kanina sa pagpa-practice namin kaya mabilis na-shoot ang bola.

Napasigaw ako sa tuwa at tumakbo na papunta kay Dave dahil pareho ng nasa panghuling player ang dalawang grupo. Nagsisigawan na ang mga kagrupo ko na bilisan kaya binilisan ko naman.

Nang mapasa ko na ang bola kay Dave ay nag-apir muna kami bago siya tumakbo. Kalaban niya si Xavier kaya mas lalo niyang binilisan at nag-shoot.

Nagsigawan kami dahil kami ang nauna at kami ang nakakuha ng mataas na grade.

"Ang galing mo," ngiting sabi ko kay Dave.

"Ako pa ba?" Kumindat ito kaya napairap ako. Lumaki naman ang ulo.

Napasulyap ako kay Miche na nakasimangot sa iaang tabi. Nanalo naman kami pero siya itong hindi masaya. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top