CHAPTER 17

Chapter 17: The king is back



NAIKOT kong muli ang mata sa mga nagtitiliang kababaehan sa labas ng classroom. Napabaling ang paningin ko sa ikalawang pagkakataon kung saan nakikita mula rito ang likod ni Dave.

Maraming bumati sa kaniya, mayroong nagpapa-picture at yumayakap dahil magaling na siya. Gumaling lang naman siya, akala mo kung anong nangyaring kritikal sa kaniya.

'Yong loko-lokong hari, gustong-gusto naman ang natatamasang atensiyon. Nakaiinis, ang sarap niya talagang ihagis sa tae ng kalabaw. Pasalamat siya inalagaan ko pa siya.

"Lukot-lukot na 'yang papel mo. Gusto mo rin bang may papel ka sa buhay niya?" biglang asar ni William sa akin kaya napatingin ako sa kaniya na may nangungunot na noo saka inirapan ito.

"Bro, nagsusungit na naman ang ating Day-Day," segunda ni Xavier habang natatawa.

Nangbubuwisit na naman ng umaga ang dalawang haring ito. Okay naman sana kung forever tulala na lang sila para walang nang-iinis sa akin. Mukhang maganda yata ang araw nila ngayon kaya ako pinansin.

Nang makapasok si Dave ay nagtama ang mata naming dalawa. Mabilis niya akong kinindatan pero inirapan ko lang. Inis ako sa kaniya!

Pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi ko ay kinulit ako nito pero 'di ko pinansin. "Sungit," bulong niya at bumaling na sa mga kaibigan niya.

May kumulbit sa akin kaya napalingon ako sa kabila. Si Miche pala.

"Mukhang close kayo, ah?" asar niya.

Natawa ako. "Close? Asa!"

"Oo kaya. Parang may sarili kayong mundo habang nag-uusap," buyo nito.

Sariling mundo? Hindi naman kami nag-uusap, ah? Nagbabangayan kami hindi nag-uusap.

Dumating na si Ma'am Miranda at sinimulan niya nang magturo hanggang sa i-divide niya ang klase, by partner.

"Delapaz and Devardo," anunsiyo ni ma'am kay Miche. Napangiti ako kay Miche at nag-thumbs up.

"Kaya mo 'yan!" pagpapalakas ko ng loob nito. Nahihiya pa rin kasi ito sa ibang mga kaklase ko kaya ganoon na lang siguro ang kaba na nasa mukha nito ngayon.

"Fernandez and Lee." Napalingon ako kay ma'am nang marinig ang apelyido ko at napatingin kay Dave na kumindat na naman sa akin.

"Partner tayo," aniya.

"Halata nga," pabalang kong balik pero sa loob-loob ko ay hindi ko maipaliwanag ang saya na nadarama.

"Are all have their partners now?"

"Yes, ma'am!" sagot naming lahat.

"Okay, listen carefully, I will not repeat it twice."

Nakinig kami sa instruction ni Ma'am Miranda at pinapaikot niya kami sa loob ng Leehinton campus para maghanap ng bagay na nakakakuha ng atensyon namin at idi-discuss namin 'yon dito pagbalik mamaya.

Madali lang naman pero itong kasama ko, hindi madaling kasama!

"Ano ba? Naghahanap tayo ng bagay para sa klase hindi babae na para sa kalandian mo!" singhal ko matapos na harangin niya ang isang magandang babae sa daan, na naman.

Sinimangutan ako ng babae dahil sa sinabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Narinig ko pang nagsabi ito nang masamang komento sa akin na kesyo mataray raw dahil naging school model at napalibutan ng hari nila.

Aba, kasalanan ko bang maganda lang talaga ako?

"You know what? Ang kill joy mo. Nagkakatuwaan lang kaming lahat."

Napairap ako sa tinuran nito at iniwan na siya roon pero hindi ko naman inasahang may naghahabulang mga estudyante na puro kalalakihan at  hindi ako napansin sa daan. Naging dahilan iyon para mawalan ako ng balanse.

Napapikit ako sa sakit nang unang bumagsak ang puwetan ko sa semento. Hindi na ako naghintay na may tumulong at tumayo agad dahil nakahihiya ang sitwasiyon ko.

Napasimangot ako. Akala ko pa naman ay sasaluhin ako ng hari ng mga playboy na iyon. Mali yata ang nababasa ko sa wattpad.

Nang lingunin ko kung na saan nga ba ang haring iyon ay mas lalo lamang nanlaki ang mata ko sa nakita.

Dali-dali akong napapunta kay Dave na kasalukuyang hawak-hawak ang kuwelyo ng isang lalaki. Nagsusukatan sila ng tingin ng lalaki at kalauna'y dinakma rin nito ang kuwelyo ni Dave.

"Ang yabang mo, pare, ah. Porket anak ka ng may-ari ng school na 'to, hinding-hindi kita uurungan," inis na aniya kay Dave.

Napalunok ako sa kumosyong nangyayari. May mga estudyante nang nakapansin kaya unti-unti silang pumalibot sa amin. Nakatuon ang lahat kay Dave at pinag-uusapan pa rin siya ng mga tagahanga niya. Na kesyo ay huwag daw saktan ang hari nila, na kantiin lang daw ng lalaki si Dave ay sila ang makakalaban niya pero ni hinid man lang ito tinapunan ng pansin ng lalaki.

"All I asked was to say sorry to her. Hindi ako nagyayabang dito at wala akong pakialam kung anak ako ng may-ari ng eskwelahang ito. You need to apologize to her, mahirap ba iyon?"

Napabuga ng hangin ang lalaki. "Ako pa? Siya ang humaharang-harang sa daraanaan namin. Kasalanan niya na 'yon."

"Stop acting like a kid, dude. Alam mo ang mali mo, stop bluffing. Go and apologize to her," diing utos ni Dave sa kaniya pero hindi nakinig ang lalaki at inambahan ng suntok si Dave. "Go on, land it on my face dahil pagkatapos niyan ay maghahanap ka ng bagong e-enroll-ang eskwelahan," mapanghamon pang dagdag ni Dave.

Alam kong sa mga oras na ito ay hindi akma ang nararamdan ko pero natutuwa ako sa pinapakita ni Dave. Lihim akong napangiti pero nawala iyon ng itulak ng lalaking iyon si Dave kaya nawalan ito ng balanse na naging dahilan para matumba ito.

"Dave!" Dali-dali ko siyang tinulungan patayo matapos na iwan ito ng lalaki. Ngunit laking gulat kong ng medyo napalakas ang pagwaksi  nito sa kamay ko saka sinugod ang lalaki.

"Hindi pa tayo tapos!" Sinuntok ni Dave ang lalaki kaya natumba ito. Nagsukatan sila ng ng tingin hanggang sa magkarambola na silang dalawa. Nagpalitan sila ng suntok at tanging pagsigaw na lang ang tanging nagawa ko pero parang hindi iyon narinig ni Dave.

Napabaling ulit ang atensiyon ko sa paligid at sobrang dami nang nanonood. Nakaiinis! Kung ang pagtulong sana ang ginawa nilang lahat, e 'di sana 'ayos!

Napakagat-labi ako at nilakasan ang loob na lumapit sa dalawang nagsusuntukan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa nangyayari. At hindi alam ang gagawin.

Kanina pa sila nagsusuntukan at parang walang gustong sumuko kahit na duguan na ang gilid ng bibig nila.

Nahabag ako sa itsura ni Dave. May dugo sa gilid ng labi nito pero balot na balot ng galit ang mukha nito. Napahakbang akong muli papalapit sa kaniya.

Ewan ko ba pero ayokong nasasaktan at nakikipag-away si Dave. Gisto ko siyang pigilan pero paano? Para siyang halimaw ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Ako naman itong nabangga at hindi siya, e.

"Tama na 'yan, Dave! Dave ano ba?" sigaw ko ulit pero hindi pa rin ako napansin hanggang sa makaisip ako ng ideya. "Dave! Tama na! Please?" pakiusap ko matapos na yakapin siya mula sa likod.

Ramdam ko ang bilis ng paghinga nito at paghinga nito nang malalim. Napapikit ako at mas lalong hinigpitan ng magsalita ito, "Let go of me, Diane."

"Hindi! Please, t-tama na. Okay lang naman ako, Dave. Tara na, may klase pa tayo, 'di ba?" kumbinsi ko. Naging banayad ang paghinga nito kaya napatingala ako para hanapin ang mukha nito. Napaluwag na rin ang pagkakaakap ko sa kaniya. "Hayaan mo na siya. T-tara na?" yaya ko.

Napatingin ako sa lalaking iyon. Dinadaluhan na rin siya ng mga kasamahan nito. Para wala ng kahit anong mangyari pa ay sapilitan kong hinila si Dave papalayo sa mayabang na lalaking iyon.

Habang naglalakad ay wala kaming imikan ni Dave. Hanggang sa hindi ako makatiis.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Tingnan mo nga iyang mukha mo! Anong sasabihin natin kay Ma'am Miranda pagbalik? Na nakipag-away ka habang naghahanap tayo ng maipi-present sa klase niya, ganoon?" inis kong sabi.

Napakunot ang noo nito at tumigil. "Kasalanan ng lalaking iyon kung bakit natumba ka. Nakita mo na ngang iniwan ka lang doon. He didn't even apologize to you!"

"Hayaan ko na nga 'yon! Wala namang masakit sa akin, e. Okay lang ako, oh, 'kita mo? Hindi ako baldado."

"Tsk!"

"Suplado," bulong ko.

"What did you say?"

"Sabi ko, thank you pero sana hindi ka na lang nakipag-away. Tingnan mo nga itong labi ko! Dumudugo tuloy!" Kinuha ko ang panyong nasa bulsa at maingat na dinampi iyon sa labi nito pero napatigil ako nang mapansing sobrang lapit ko pala sa mukha niya.

Napalunok ako sa sariling laway at ilang ulit na kumurap. Alam kong hindi ito ang unang beses pero sobrang kinakabahan ako sa distansya naming dalawa.

Tila may bumabayo sa loob ng dibdib ko at hindi ko maituro ang dahilan no'n. Dinig na dinig ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko na tanging iyon na lang ang naririnig.

Napahawak si Dave sa kamay kong may hawak ng panyo. Nag-init bigla ang pisngi ko sa paraan ng paninitig nito kaya mabilis kong naibaba ang kamay.

"I-ikaw na ang m-magpunas niyan," utal kong saad at napaiwas ng tingin. Palihim akong napapikit at napabuga ng hangin. "D-dalian na natin, 5 minutes n-na lang. Pagagalitan tayo ni ma'am."

Nagpatiuna na akong maglakad at hindi inimik si Dave. Naghanap na kami ng maipi-present hanggang sa makapili na kami. Nang makabalik sa room ay naroon na ang lahat ng mga kaklase namin.

Nandoon lang si Ma'am Miranda sa teacher's table at naghihintay sa lahat ng estudyanteng dumating. Marami pa naman kaming oras para mag-present pero nagsimula agad ito.

Iyong iba ay kumuha ng damo, basura at kung ano-ano pa. Iyong iba ay nakatatawa ang mga dahilan nila, at ang iba naman ay nakaiiyak. Minsan naapapaisip ako kung science pa ba ito o values na.

Hanggang sa ako na tumayo. Kinuha ko sa bulsa ang bagay na nakuha ko at pinakita ito.

"Why did you find it interesting, Diane?" tanong ni ma'am.

Napalunok muna ako bago sumagot. Sa katunayan, wala talaga akong nakuha kanina pero laking gulat ko na may batong nasa loob ng bulsa ng palda ko. Malamang ay nakapasok iyon nang matumba ako. Hindi naman iyon kalakihan, parang bente-singko sentemo lang.

"Napili ko ang batong ito dahil kagaya niya ay matigas ang ulo ko." Nagtawanan ang mga kaklase ko bukod kay Ma'am Miranda. Ang gusto kong idagdag ay nawala nang makita ko ang mukha ng terror naming teacher kaya mabilis kong tinapos ang speech ko.

Sumunod ay si Dave.

"Mr. Lee, have you brought on my classs today?"

"Nothing, ma'am," sagot ni Dave.

Napakunot ako ng noo. Anong wala? Kumuha kaya siya kanina ng dahon!

"And why, Mr. Lee?"

"Because the one that I like to present to you ma'am was not there. . . it's here." Agad na napatingin si Dave sa akin na ikinakunot ng noo ko. "It's not a thing that caught my attention but a person." Dumagundong ang dibdib ko nang hindi niya inalis ang paningin sa akin kaya napansin iyon ng iba naming kaklase. "She's nice, dumb, getting on my nerves, have the guts to create fire between us, pretty, kind and sweet."

Buwisit na Dave na 'to! Halos ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko.

"And who is that, Mr. Lee?" tanong ni ma'am.

Mas lalo lamang dumagundong ang puso ko at pilit na pinapaklama ang sarili.

"Diane Fernandez," sagot ni Dave at ngumiti.

Biglang nabalot ng tilian ang buo naming room at hindi man lang inintindi ang pagsita ni Ma'am Miranda. Napakagat naman ako ng labi sa hindi inaasahang sinabi ni Dave sa harap ng klase.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano pero nasa loob-loob ko na sobrang saya at may parte namang nagsasabing huwag maniwala sa kaniya.

Ngayon ko lang din nakumpirmang may gusto yata ako sa kaniya!








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top